Parent Chat

Parenting => Baby Development and Milestones => Sleep Training => Topic started by: j.u.m. on September 01, 2009, 05:52:37 pm

Title: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: j.u.m. on September 01, 2009, 05:52:37 pm
hello mommies..

my baby ayel is turning 3 months on sept. 11..last sunday lang kami nag-decide na dim light na lang kami sa room at night..katabi naman ng bed namin un crib niya so from time to time nasisilip ko agad c baby..

worry ko lang is naninibago pa c baby..pag lights off na kami sa room, ingit siya ng ingit & pumapadyak kahit karga ko na siya..tuloy back to super hele ulit ako..then ang likot ng eyes niya..pinapakiramdaman ko nga if bumibilis un heart beat niya..kasi baka makasama sa kanya..baka natatakot siya & makasama sa kanya un or maging cause ng trauma..

then pag nagigising siya na nasa crib na siya..iiyak talaga siya..sabi namin ni hubby naninibago pa siguro..regret ko tuloy ngayon is bakit now lang kami gumamit ng dim light..i read kasi taht it will be helpful for babies to differentiate daytime and night time..na pag dim light na, it means time for him to sleep na..sana earlier namin un prinactice..

do you think makakabuti siya kay baby to have discipline on sleeping and sanayin lang nakin siya nang sanayin or it will cause problem to his behavior?

help me please..i badly need some insights..thanks in advance!

Mod's note:
While it’s important to have a dark room to set the mood for sleep, your baby still needs a source of light.
(http://www.smartparenting.com.ph/images/2017/06/23/SPJune23FlashboxSleepessent.jpg)
Read it on Smart Parenting. Click link below
http://www.smartparenting.com.ph/parenting/baby/what-items-you-really-need-for-baby-s-sleep-a1562-20170623-lfrm

Post a question about this topic or share your experience.
Login (http://www.smartparenting.com.ph/login) or register (http://www.smartparenting.com.ph/registration) to join this and other discussions! Members get a downloadable freebie (http://www.smartparenting.com.ph/registration) upon registration or membership update.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: ilovegabe on September 01, 2009, 05:57:44 pm
dahan dahan lang mommy your baby will adjust to your new setting din naman. problem mo naman nyan e pag nasanay sa hele  :o pag mabigat na sya and nasanay sya sa hele naku mahihirapan ka ulit.
If you want to instill a habit start early kasi baka mahirapan ka pag may nakasanayan na silang iba.
My son is only 15 mos, alam niya na yun pag off na everything, kuha niya na milk niya and sleep. I dont need to hele him or do anything else anymore. I can even leave him sa room and he will just sleep on his own lang. Babalikan ko nalang sya to get his empty bottle.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: amai on September 02, 2009, 09:01:05 am
Since my baby was born, we never turned off the light in our room. 24 hours sya naka-on. Until my baby turned 2 months. We would turn-off the light at night before going to sleep and when she's already asleep. Then we'd turn on the light outside the room para may konti pa ring liwanag in case magising si baby, hindi very dark ang room.

Try mo sis to turn off the light when your baby is asleep already.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: dhangcabuang on September 02, 2009, 09:13:10 am
never kming nagturn off ng light kahit 1yr old na yung bunso ko..kasi ayaw kong magagapangan sya ng kahit anong insects esp. yung maliliit na langgam or lamok or surot..lumang bahay kasi yung inuupahan namin..so paminsan minsan may nakakalusot na ipis or surot..di naman mahirap patulugin baby ko.natutulog magisa eversince.bka mommy kaya ingit ng ingit bka may kumakagat ng insect.kasi yung bunso ko pag umingit un, may kumakagat don kaya hahanapin ko or magpagpag ako..pag chineck ko yung braso meron n ngang kagat..
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: j.u.m. on September 02, 2009, 10:38:43 am
thanks mommies..

last night..pinatulog namin siya na on pa un light sa room then we turned it off nun tulog na siya..dim light na lang sa tapat ng crib niya..siguro nga ganun muna gawin namin until masanay na siya..d naman na siya sobra umiyak nun nagising siya ng madaling araw para dumede sa bottle unlike nun first night na parang ramdam ko na natatakot siya through his cry..nakatulog na siya ulit agad after dumede..

thanks again! :)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: stargazer on September 02, 2009, 11:03:34 am
my room is right next to our garage. kapag gabi lights off sa room but the light from the garage still goes in the room kaya never naging totally madilim siya. the curtains in my room is also lace kaya kahit nakababa curtain may liwanag pa din. hindi din kasi sanay girls ko na natutulog na may ilaw. dim light lang para hindi mahirap gumalaw sa room if i need to mix Gabby's milk or need to go to the bathroom in the middle of the night.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: kei on September 02, 2009, 03:08:13 pm
we never turned off the lights when he is sleeping, di ko kasi makikita kung may mga insekto or kung sakali maglungad sya eh...
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: precios on September 02, 2009, 03:23:30 pm
yung 8 months ko,,off light na kami kasi di siya masyado mkatulog kahit lampshade lang,,notice namin na diretso tulog niya pag patay ilaw,,off nalang whole night,,katabi din naman namin siya,,,
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: amber on September 21, 2009, 09:34:08 pm
mas ok para sken dim light..mas mahimbing tulog ni baby.. ;Dlampshade lang gamit namin.. ;)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: thansher01 on September 22, 2009, 08:25:19 am
ako din dimlight lang. may lampshade sa loob ng room. same with mommy amber, mas himbing sleep ni Tyler pag ganun. hindi kasi sya sanay naka on yung light. 2 months sya nung nagstart kami na dim light. milk and sleep beside him lang katapat ni Tyler. then maya tulog na agad. hirap kasi masanay sa hele ang babies. bigat pa naman niya 11.5kilos. sakit sa braso. :o kaya no more hele for him.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: kezhra_keira on September 22, 2009, 08:29:11 am
with us lampshade lang din tsaka tabi namin c baby matulog sa taas kasi yung crib niya nasa baba..k lang ang dim light feeling ko mas mahimbing ang tulog pag dim yung light...
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: keih liwanag on September 22, 2009, 10:45:01 am
sinanay ko rin si AK na dim lights lang. ngayon sya pa magreremind na patayin na ang ilaw. pero laging enough yung light na nakikita ko dapat sya.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: gwen's mom on September 23, 2009, 10:53:13 am
sinanay ko rin si AK na dim lights lang. ngayon sya pa magreremind na patayin na ang ilaw. pero laging enough yung light na nakikita ko dapat sya.

same with my baby, sinanay ko din siya. Madalas ayaw na niyang ipa-on ang main na ilaw sa kwarto namin, mas gusto niya yong sa lamp shade na lang.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: ♫ ♏☻♏Hεη ♥ ℜLįƎ ♫ on September 23, 2009, 11:07:26 am
dim light rin ang gamit namin.. 'pag late night na at 'di pa sya tulog, on na namin yung dim light.. Minsan nakakatulog na sya on his own.. Pag maliwanag kasi laro pa ng laro si baby ko.. We used dim light para at his age alam na niya na sleeping time na.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: lady_fox on September 28, 2009, 04:38:50 pm
sis, wag mo muna sanayin na naka lights off kasi baka di mo napapasin may mga insecto or kung ano anong gumagapang sa higaan ng baby mo. mas maigi use lamp shade.

baby ko nasanay sa dim light nung 6month old na sya. medyo natatakot pa noon pero ngayon sanay na kapag lights off na at nakita ang glow-in-the-dark na star nag start na sya mag sign ng twinkle twinkle.

try mo rin mag lagay nun sa kisame nyo, para may maaninag pa rin syang liwanag.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: kiz_me1109 on October 14, 2009, 04:23:39 pm
Normal lang naman un kasi at that age nag e explore pa si baby and nade develop pa yung senses niya. So mas prefer niya na may ilaw para may nakikita siya. Baby ko din kasi ganun. Dati, nakabukas talaga yung ilaw. pero ngaun yung lampshade nalang yung bukas. Para hndi naman masyadong maliwanag sa loob ng room. Tapos, pag 1 year old na siguro siya try na namin na patayin yung ilaw. Hindi naman kasi pwede na bibiglain yung baby e. Lalo na at nakasanayan niya.   
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: vickie on October 14, 2009, 10:29:07 pm
1st to 9months im using small lamp shade for my baby, then after 9months all lights turn off in our room,and i think with this practised  she easily get sleep until now.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: mami lyn on November 14, 2009, 03:33:23 pm
since birth till now na 1yr old na baby nikki, ni minsan di namin siya pinatayan ng ilaw, afraid kasi me na baka dapuan siya ng lamok o kaya gapangan ng ipis o mga insekto, kaya hanggat maari bukas ilaw namin, saka gusto ko kasi everytime na magigising ako siya agad ang makikita ko, lalo na ngayong napakalikot niya matulog, kung saan saanmo siya makikita nakapuwesto pag nagising ka..
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: mariann on November 14, 2009, 05:27:07 pm
my eldest, micah, was born prematurely at 7 months.  so since she stayed in the hospital nursery for 44 days, she got used to the bright lights 24 hours a day.  so until now, she's scared of total darkness.  so we maintained a night light beside the bed for her.

with iza, she can fall asleep without any lights on.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: mama_jo on November 14, 2009, 06:57:14 pm
may nabasa akong article about baby care (from ireland yong handbook) na better let your baby sleep with dim light...babies can sleep well daw with dim light...kaya with my jana, since newborn, dim light talaga kami kaya now, di sya makakatulog pag bright light.

sis j.u.m., masasanay din ang baby mo, just assured her lang na she's ok kahit madilim kz andyan kayo...at saka pag masasanay kz sila with ilaw, mahirap na yong alisin pag malaki na sila at it is advisable to sleep with complete darkness for melatonin production to inhibit the growth of cancer cell.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: mommywalrus on November 14, 2009, 08:53:23 pm
I read early on that a routine should be set especially when it comes to sleeping. So when my baby girl was around 2 months, I played lullabies while breastfeeding her and turned down the music when she's already asleep. Dim din ang lights namin. Nung una, iyak din siya ng iyak pag di maliwanag. Pero tyinaga ko na lang kasi sabi sa mga nabasa ko eh dapat madifferentiate nila ang daytime at nighttime. So now, pag sleeping time na, patay na ang fluorescent, lamp na lang. Nakakatulog naman siya ng maayos. Kaya nga pag nagbbrown-out napapraning ako eh. Di ko kasi siya nakikita. :) Paranoid ako sa insekto. So okay na okay ang dim light. :)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: LadyLee on November 20, 2009, 11:42:52 pm
mas maganda nga kapag dim light para madifferentiate ni baby yung daytime at night time.. si david ko din sinanay ko na dim light ,, kaya kapag dim light na, meaning tulugan na.. tska maganda din un para di matatakutin si baby sa dilim... may nabasa din akong article na kapag dim light, nalalabas ng substance ang body naten for us to sleep better.. diko lang alam kung gaano katotoo un, pero kahit na di ba, beneficial pa din at healthy..  ;)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: Mommy Lasty on December 29, 2009, 10:56:31 pm
Hi... saan ba pedeng makabili ng safe lampshades?
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: ^_mOmmyaIra_^ on January 01, 2010, 07:25:49 pm
Thnx sa thread na to, kasi super hirap talaga patulugin ng baby ko especially pag nagigising sya at the middle of the night.. But since nung nabasa ko ito last week, i tried na patulugin si baby with dim light.. Now, ok na sya.. Eventhough nagigising sya pag hating gabi, pag nakikita niya na madilim pa, humihingi na lang siya ng milk then sleep na ulet.. unlike before na mag lalaro  pa sya at tipong 1hr pa bago matulog ulet.. :)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: cosmomum on January 26, 2010, 01:01:02 pm
we use night light pag gabi na.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: CIB on January 26, 2010, 05:45:02 pm
When lila turn 7 mos nag dimlight na kami. Ok naman sa kanya. Tumatawa pa nga pag ginagapang ako pag matutulog na kasi medyo madilim na.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: Jefsie10 on January 28, 2010, 04:00:22 pm
lampshade kami sa gabi para nakikita ko pa rin si baby saka para hindi mahirap magtimpla ng milk, pero baby ko naman kahit totally madilim ok lang hindi sya natatakot naglalaro pa nga kahit patay na ilaw
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: akirablade on January 30, 2010, 05:37:45 pm
Try mo po mag establish ng "rituals" sa gabi bago matulog. For example maghilamos bago matulog, sing ng lullaby, dede and dim light or lamp shade bago matulog. Sa umpisa medyo fuzzy pa si baby niya pero pag araw araw ganyan lagi, masasanay sya. Just give her lost of hugs and kiss and reassurance that you will be there for her.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: jvcav08 on February 03, 2010, 06:19:53 pm
yung bunso ko hates light pag matutulog..kaya talagang since birth patay ilaw namin..dim light lang malayo pa..pag me nakita sya konting liwanag ngaun gagawin niya itatalukbong yung kumot sa muka niya..or yung arm niya..ayaw niya talaga ng me ilaw.. :-\
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: jenstelian on February 03, 2010, 06:56:44 pm
si cristel nasanay na siyang patay yung ilaw kapag matutulog...
sinanay na din namin siya..kasi mahirap na masanay siya sa on light..i think 4 months na yata siya nung sinanay namin, now 16months na siya...so now kapag nakahiga kami at naglalaro then i-off ang light tatahimik na yun meaning matutulog na kami.... ;D
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: yapeegurl on February 11, 2010, 12:27:12 pm
Kyle ko pag pinapatulog kelangan nakapatay ang ilaw.. pag mahimbing na, nakabukas na ang lamp..
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: tApilokness on February 11, 2010, 02:46:53 pm
Si Samantha lights off pag matutulog.  Yung light outside the room goes inside naman so kita pa rin namin sya and katabi rin naman namin sya sa bed.  She knows it na, pag lights off - sleep mode na.  ^_^   
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: yellowbelle02 on February 11, 2010, 03:18:55 pm
Si Nika ko ganun din kapag lights off alam na niya sleeping time na. I think that's a good practice for our little ones.
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: ▒▒♥♥αηgєℓDeng♥♥▒▒ on February 11, 2010, 04:43:06 pm
nagstart kami mag-dim light last week ata (after mabasa ko tong thread) to try kung ok siya. and tingin ko it works! kasi parang automatic na pag dim ng ilaw, plakda na si kulet ko! kasi dati, paikot-ikot and nagungulit pa si yesha kaya umaabot ng 12mn or 1am bago siya makatulog.
ngayon, pag nakikita na ni yesha turn-off ko na yung lights, nakatawa pa  :P

Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: - Mommy Jo - on July 17, 2010, 10:10:09 am
eversince baby pa si xian na-practice ko na talaga na matulog kami in dim light since ako din naman i can't sleep na sobra maliwanag sa room namin,although pwede ko i-off ang light kaya lang medyo malikot kase sya matulog and now na sa crib na niya sya natutulog which we converted into a baby bed since di na kami kasya para magco-sleep sa bed namin,mas ok na din na dim light lang para machecheck ko sya anytime. :)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: mommy_of_2 on July 17, 2010, 10:17:41 am
lights off kami magsleep, although looks dim lang din naman kasi maliwanag ang lightposts sa labas kahit na may curtain..
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: timothy on July 17, 2010, 03:41:44 pm
lights off..
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: ☆Lyre on July 17, 2010, 03:51:05 pm
dim light.. pag inaantok na siya sasabihin niya, "turn the lights" dapat sana turn the lights off, pero hanggang dun lang nasasabi..
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: mamachristal on July 17, 2010, 05:38:23 pm
dimlight :)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: tiny_little_mom on July 17, 2010, 09:35:10 pm
Dimlight. I have one that has sensor para auto-off pag daytime or pag naka-on yung light sa room. Di ako pwede lights off kasi 2x/night parin ako magtimpla ng milk and I need to see what I'm doing :)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: mommy_lansky on July 22, 2010, 02:34:43 pm
dim light lang...gusto ko kc nakikita ko pa din baby ko eh... nasanay na sya ng ganun...dapat baby pa lang masanay na para alam din niya difference between night and day...  ;)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: fairytink on July 22, 2010, 03:07:50 pm
Lights off. Nagstart kami nung 15months si carys, nung una naka on pa ang tv sa babytv.com yung palabas nakaka antok na talaga for babies pero nung tumagal wa epek na kaya after a week, lights off na talaga. So far effective naman  :) borlogs siya kaagad   ;)
Title: Re: baby sleeping on dim light at night
Post by: pekkle on July 30, 2010, 07:42:04 am
kame din, pag gabi na, around 9-10, off na lights, then naka lampshade.

usually, tulog na sya nun. and if ever magising sya, alam na niya na sleeping time pa. then sa umaga, hanggang wala pang araw, alam niya na hindi pa time for his regular sunshine time.
Title: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: jasperJ8 on November 25, 2010, 12:59:10 am
when sleeping at night, do you retain your lights on or you turn it off? are there advantages or disadvantages to turning it off? since our baby came, we use to leave it turned on through the night.

thanks!
Title: Re: lights on or off?
Post by: chinadoll on November 25, 2010, 01:37:40 am
Stick to a bedtime. "Don't wait until your baby is rubbing his eyes or yawning to put him to bed," says Marc Weissbluth, MD, author of Healthy Sleep Habits, Happy Child. "By then he's overtired." If you notice your child winding down at 8 p.m., make that his bedtime.
Get into the routine. Thirty minutes to an hour before bedtime, start a calming ritual that may include giving a bath and reading a story or two.
Put your baby in her crib awake. If your child is routinely rocked to sleep at bedtime, what happens when she wakes up alone at 3 a.m.? Answer: She cries. "All infants and toddlers wake two to six times a night," says Parents advisor Jodi Mindell, PhD, coauthor of Take Charge of Your Child's Sleep. "They need to know how to put themselves back to sleep."
Swaddle for the first three months. Research shows that
infants who are swaddled wake up less and sleep longer than
other babies.
Tune out. If your baby seems sensitive to household sounds, try running a white-noise machine or a fan in her room.
Let the sun in. Expose your baby to about 30 minutes of light each morning. Why? Light suppresses the release of the sleep hormone melatonin; this helps set her internal clock -- making it easier for her to fall asleep at night.


http://www.parents.com/baby/sleep/basics/baby-sleep-tips/
Title: Re: lights on or off?
Post by: insensitive on November 25, 2010, 09:10:13 am
kami din sis, nung ngka baby nakabukas ang ilaw.dimlight kasi palahaw ng iyak pag wala
nasanay na din ako ;D
Title: Re: lights on or off?
Post by: -mm- on November 25, 2010, 10:20:43 am
definitely switch off ang lights for me pero kapag my baby lights on or should have dim lights muna
Title: Re: lights on or off?
Post by: jazzmatthew on November 25, 2010, 11:25:49 am
maz madali antukin baby ko pag dim lights at nakahiga na kameng 3 un taz aantukin na siya..

Title: Re: lights on or off?
Post by: mummienina on November 25, 2010, 11:37:22 am
we turn off the main light but we have a lampshade that is bright enough for changing diapers and nursing at night but dim enough to let us sleep. so i think it's best to keep the main light off since it is too bright but leave a night light. just in case, your child wakes up, he won't freak out in the dark and can see you, if you're co-sleeping, or see his toys/ familiar sights.
Title: Re: lights on or off?
Post by: smurf on November 25, 2010, 01:03:27 pm
lights OFF pero may dim light na bukas sa room - ng may baby lamp shade ang naka-open  ;D
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: sashababy on December 01, 2010, 06:06:48 pm
dim lights, my baby kasi is a preemie, nasanay siya sa NICU na lagi may tao or ingay. Eh since nung umuwi sya, syempre pag sleeping time, quiet na. At first, nakabukas lights namen, at gusto pa ng mom ko yung malakas na ilaw, para daw kitang kita si baby. Eh napansin ko sobrang fussy niya, parang di makagawa ng tulog. Ginawa ko, sinanay ko na sa dim lights. Simula nun, medyo nakakatulog na ng mahaba haba. =)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: chimendoza09 on December 01, 2010, 06:14:12 pm
Lights on para mabilis kumilos, palit ng diaper-timpla ng gatas at siyempre ngayon na baby pa si Marco. Pero noong mag brown out, di siya nakatulog sa dim light ng kandila. Di sanay, kaya sasanayin na in the next months pag malaki laki na siya.  :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: honey-ecclaire on December 01, 2010, 06:30:28 pm
from 0-3 months lights on pa para mas madaling magising or any other concerns like diaper,milk,to check if he's awake...

4-19 months na sya,may lampshade kame kase di na sya makatulog ng fully lights on eh....para mas mahimbing sleep niya!
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: ryuu on February 14, 2011, 08:49:54 am
lights on kami since 2 months palang si bebi.. next month sasanayin na namin sa dim lights.. kaming mag-asawa nasanay na with lights on matulog.. dati as in lights out.. ;D
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: kidsrepublik on February 14, 2011, 09:08:04 am
soft light lang, actually ok na samen yung black light from the insect killer small appliance. :D
enough to see baby, ang change the diaper na ren kapag kelangan
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: marimar on February 17, 2011, 01:06:58 pm
dim lights lang din kami kapg natutulog..napansin ko mas masarap at mas maganda tulog ng baby ko kapag dim lighted lang ang room..saka may nabasa ako articel na mas maganda raw sa skin kapag natutulog na di masyado maliwanag ang ilaw..
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: booxilak on February 17, 2011, 01:34:10 pm
Lights off. Dim light on.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: ♥♥♥mommyangel♥♥♥ on February 17, 2011, 11:04:01 pm
samin, need ng lampshade, kasi pag naalimpungatan siya tapos walang ilaw, iiyak tapos sasabihin, mommy lights.. try ko dati na patay ilaw and walang lampshade, di pa niya kaya e..
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Mlabable on February 18, 2011, 01:13:13 am
Lights on simula ng dumating si baby para mabilis makakilos.
Pero plan ko na bili ng lampshade or night light. Di rin kasi ako sanay pag may ilaw.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mama_jo18 on February 18, 2011, 04:20:25 am
Kami eversince dim light na... lamp shade lang pagnatutulog... pero now since sometimes mahirap patulugin ang anak ko pinapatay ko yung lamp shade parang mas gusto niya nga na walang ilaw pero pagtulog na sya binubuksan ko ulit para nababantayan ko pagtulog niya... :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: on February 18, 2011, 05:44:03 am
lights off,sa  kong anak ko kasi mahirap patulugin pag may ilaw pa laro nang laro kahit pa gang 12 am!nay ko po!para mabilis makatulog at pag la makita kahit nakaupo mapipilitang humiga.miss ko na hon3y ko.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: .Pretty.In.Purple. on February 18, 2011, 05:45:52 am
lights ON and as well as music on while sleeping with baby... we've tried using dim lights before kaso she's cranky... putol-putol ang tulog pag hindi maliwanag...
Title: Turn the lights off
Post by: catlheenprecious on November 29, 2011, 03:14:04 pm
Ilang months ba ang baby na advisable na patayin yung ilaw pag gabi?
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Tiger Lily on November 29, 2011, 03:34:31 pm
Same topics merged.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: katee_813 on December 03, 2011, 10:53:59 pm
dati may dim light kami kaya lang nasira yung electric fan namin.. Yung gamit namin ngayon na electric fan may ilaw kaya yun nalang para di na doble. Pero sa liwanag ng ilaw ng kapit bahay namin di na kelangan magilaw. Sinasara ko nga yung curtains at tinatakpan yung ilaw ng electric fan kasi pag nagising si baby ayaw niya na matulog gusto niya na maglaro.. Kaya di na din ako makatulog hihintayin ko nalang na antukin sya ulit. At papahele nanaman para makatulog.. Kung kailan 6 months na sya ngaun pa ko di makatulog. Dati pag nagising sya matutulog n sya habang dumedede..ngayon kailangan maunahan ko sya magising.. Para mapadede ko sya habang tulog para di na sya magising para dumede.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: 1sttimemom on December 12, 2011, 02:41:59 pm
din light din kami pag natutulog na si baby. mas gusto ko kasing merong konting liwanag para makita ko pa din si baby  to check up on him if he's wet or in need of feeding.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: babyblair on December 13, 2011, 04:21:35 pm
somewhat. florescent off pero lamp on. hirap naman ng sobrang dilim
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Clueless on December 13, 2011, 05:15:26 pm
lights off but we have a night light para hindi super dilim.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: miekee_18 on December 13, 2011, 05:27:03 pm
Dim Light kami..My twins doesn't want to sleep pag super dilim eh..ok na sakanila yung medyo may konting liwanag..saka ako din kasi hindi sanay ng sobrang dilim hehe:)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: purple_girl on December 14, 2011, 04:26:59 am
lights off na kami ni baby when sleeping. mas mahimbing sleep niya pag patay ang lights.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: giselle1115 on December 15, 2011, 09:24:13 pm
Dim lights kami with our twins eversince 1 month palang sila.  Now at 3 months, dim lights na kami by 8-9pm, kaya tulog na din sila by that time :-)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: galathea on December 16, 2011, 02:20:09 am
Hallo mga mommies!
My 5month old baby sleeps beside me in our bed, working overseas kasi hubby ko...
We sleep with the dim lights on kasi para hindi makagat ng lamok si baby and also because my eyesight is not 20/20 kaya hindi talaga pwede totally dark i might trip on something and hurt myself when i get up in the middle of the night to prepare my baby's milk...
Happy parenting and God bless to all!
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: momaye on December 20, 2011, 01:14:20 pm
first 3 months turned on ilaw then dim light na till now. mahirap kasi pag madilim, baka may kumakagat na kay baby plus mahirap pag magtimpla ng milk.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: cheena on December 20, 2011, 04:55:10 pm
lights on kami, ayaw kasi niya ng madilim, iiyak sya pagmadilim, kaya pag ayaw niya pa matulog pinapatay namin yung light para hindi na sya tayo ng tayo pa..
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: ysLim on December 21, 2011, 02:01:34 pm
lights off. tulog agad si baby pag pinatay ko na ilaw.  ;D
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: twelvth_goddess on December 26, 2011, 11:04:24 am
At night, lights off, TV off. Pag naka-tulog na sya, I turn the bedside lamp on na or saka na ko magwwatch ng TV or magla-laptop. Yung daytime nap niya, basta bigyan sya ng milk, magssleep naman sya.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: just_memom on December 26, 2011, 02:30:18 pm
Daytime, if magnanap si baby blinds off so hinde sobrang dilim pero dim.
Nighttime, close ang light pero meron lamp pero if makulit si baby at laro ng laro parin we close the light para she will not play
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Anne Mercado on January 20, 2012, 03:38:47 pm
go with whatever works for you baby. If you notice he sleeps more with the lights off, dim or on then go with that.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Mommy France on January 20, 2012, 04:04:09 pm
Lights Off... Kasi we need to establish na kailangan ng matulog ng anak namen. Kapag nakabukas ang ilaw, maglalaro at lilikot lang. Although may night light kami para kapag kailangan niya mag-CR, hindi siya madapa.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mami che on January 21, 2012, 06:28:33 am
Dim light for us. Soft music on  ;)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Tadis on January 27, 2012, 05:51:11 pm
use dim light sis para unti unti mag adjust yun baby mo and maganda din kung may dim light para nakikita mo din kung ano nangyayari sa baby mo :))
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: two_angels'_mom on January 28, 2012, 04:59:34 am
nun sa panganay ko when shes a baby dim lights on kame pero nung lumaki sya ayaw na matulog ng walang ilaw so ngayon nasanay na ko kahit kay bunso i dont turn the lights off.kasi tnry ko din idim yung lights pagkagising niya me kagat ng lamok sa cheek kasi dun sa area na yun dko nalalagyan ng nobite lotion so since that i never turned off the lights na..hindi naman sya mahirap patulugin e..dapat lang by 7pm bedtime routine na..stop na sa paglalaro silang dalawa magkapatid..pupunasan and papalitan ko na sya ng pajama and sa bedroom na after nun kusa na sya inaantok..bibigyan ko lang ng dede after niya mag milk around 8pm automatically tulog na sya..tapos when she wakes up in the middle of the night kahit magising sya and makita niya tulog pa kami or in my case nagtutulog tulugan  ;D(kasi mababaw ako matulog pag nagising si baby nagigising din agad ako) she would go to sleep again pag nakita niya sa bintana na madilim pa..kasi i thought him na pag madilim pa sa labas night pa :)..
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: love elle on January 28, 2012, 11:09:43 am
lights on. pero yung ilaw kasi sa room dim lang talaga. pag lumaki-laki na si baby. mag lights off na kami. hindi rin kasi ako sanay matulog talaga ng bukas ilaw.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mamachristal on January 29, 2012, 08:00:42 am
lights off na kami kasi hindi yan pipikit habang may nakikitanhg liwanag...makulit talaga lalo na ngyun 2years na sya... ;)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: ch0c0_holic on February 03, 2012, 09:37:18 am
lights off with night light :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: natalie26 on February 12, 2012, 02:27:30 pm
Lghts off, hindi natutulog ang mga anak ko kung may lights eh.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: HesaMomz08 on February 12, 2012, 04:47:01 pm
problem ko din po yong hindi nakakatulog ang baby ko pag dim light. ive tried nung 3months palang siya pero nagiiyak siya eh kaya ayon magdamag ilaw namin sa room. first time mom and 5month old palang baby ko pero nung nabasa ko tong thread na to ppractice ko na unti unti si baby na dim light lang then eventually lights off na.. hope magwork talaga kay baby.. thanks mga mommies.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: pompz on February 15, 2012, 04:08:39 pm
8 months na kami naka lights on... pagnaka off naglilikot sya pano siguro di sanay, saka gusto ko pagmulat mata ko makita ko kaagad si abby , kagatin kasi ng ants
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mami shae on February 28, 2012, 06:07:20 am
Lights off
but we do have a lamp shade...
I have read kase in an article that it's good for babies so they would know the difference between night and day...
they would know that since it's dark, it's time to sleep :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mhylove on February 28, 2012, 10:25:21 am
lights on kami sa gabi. sa crib na kasi natutulog si baby. from time to time im checking kung may insect/ants sa higaan niya kaya dapat nkabukas ilaw.sobrang likot kasi matulog. nung una ayoko pumayag na sa crib siya, awang awa talaga ako but then na realize ko mas kawawa kung mahuhulog siya sa bed dahil sa kalikutan. stay at home mom naman ako kaya i make sure na may skin to skin contact kami lagi ni baby. pinapahawak ko lang siya sa house helper pag may gagawin ako like going to the cr, cleaning her botles, eating etc. most of the time ako ang nag aalaga sa kanya kaya kahit papano nbawasan guilt feeling ko na hindi kami magkatabi matulog. :(
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Mamie Vera on February 28, 2012, 10:38:15 am
sa amin naman, lights off pero meron lang small bulb, enough na makita ko siya. Malikot kasi matulog, minsan nasa paanan ko na siya. Nasanay na rin siya ng ganon, di na makatulog pag may ilaw. Buti nalang blinds gamit naming kurtina sa bintana kaya walang problema pagpatulugin pag araw.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: cyrre on March 05, 2012, 01:27:08 am
lights off but we're using small dim light when he was still a baby, but now his a toddler lights off but tv on hanggang sa makatulog na sya...
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Maya Ranario on March 16, 2012, 11:09:27 am
lights off pero may maliit din na bulb na naka on..
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: ramossherly on March 16, 2012, 12:21:31 pm
hi mga mommies im a first time mom mag 3 months na c baby this coming march 25,never ko pa kong nag turn off ng ilaw sa gabi pag natutulog kami kc natatakot ako lalo nat di pa sya binyagan.bka daw may makabati ahahahaok lang ba kng mag turn off na ko pag nabinyagan na sya dis coming april?? :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Anne Mercado on March 23, 2012, 08:08:09 pm
Maybe light's off with a small and dim night lamp para mahimbing ang tulog niya? :) Hope this helps!
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: 1sttimemom on March 25, 2012, 10:59:37 pm
same here, dim light lang kami at night.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mizpah_karylle on March 26, 2012, 09:34:31 am
Kami lights off, si baby pa ang magsasabi "tay law" (patayin ang ilaw). we started with introducing him with turning off the light, we explained to him that he doesn't have to be afraid of the dark. ngayon, he'll be the one to remind us to turn off the lights.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: shanks on March 26, 2012, 10:47:53 am
Naka open lang ang night light, katabi ko si baby matulog... =)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mommy rio on March 26, 2012, 01:30:12 pm
lights off but we have a small night light.. it will help din kasi the baby to know its night time = sleeping time. kasi di ba pag day time full light, sunlight so it means play time and short nap time lang..

hope this helps.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: certifiedmom on March 26, 2012, 03:07:55 pm
kami lights on kasi ayaw ko na baka madaganan si baby atleast kita ko sya agad, pati mabantayan narin sa mga crawling insects at lamok  :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: einie on April 08, 2012, 10:29:29 pm
we use dim light or a table lamp. this is another way of training baby kasi, pag nakita na niya yung dim lights alam na niya na night time and it's time for everyone to rest, hindi lang siya.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Mommy France on April 09, 2012, 12:29:44 am
May night light din kami pero minsan nakakalimutan buksan so sanay pa rin kami na walang ilaw.
Ok na rin to conserve energy.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: insensitive on April 12, 2012, 10:15:57 am
night light namin yung LED..angel shape na nagiiba ng colors..kaya bago makatulog ang anak ko panay ang tanong "ma,anong color yun?"
minsan naman flashlight ng cp gamit namin,nilalagay ko sa candle holder namin na capiz na iba iba colors kaya maganda an effect niya :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: ~_Chi-Chi_~ on May 22, 2012, 10:25:02 pm
Lights off but with night light. Sanay na kasi matulog si baby na dim lang ang light. :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Angela Zhane on May 23, 2012, 07:50:34 pm
Lights on kami sa kwarto eversince newborn si baby. Ayaw kasi ng mga olds dito samin nakapatay ang ilaw para daw madali maka-attend sa needs niya. :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: twelvth_goddess on May 23, 2012, 07:54:56 pm
^We were like that too. I think nag-night lamp na lang kame when my daughter turned 4 months. I was so happy to finally sleep with night lights! I couldnt tell the dfference na between night and day eh :P

We still use a night lamp because we feel more secure that we can always check my daughter and see how she is. Plus it's easier to make milk and change nappy without having to walk across the room and turn the lights on.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Dada08 on June 03, 2012, 04:18:59 pm
lights on din kami, ayaw din ng elders na walang ilaw sa pag sleep ni baby
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: lorygirl on June 07, 2012, 01:11:12 pm
dim light kami eversince sa eldest daughter namin na ngayon ay almost 3 years old na at kay baby sister niya na 6 mos old..mas mahimbing tulog naming lahat..wala kaming lampshade sa kwarto kaya gamit ko yong small flashlight na rechargeable

Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mommyMidya on June 18, 2012, 10:21:53 pm
Turn off yung mga main lights. Ginagamit lang namin yung maliit na flourescent lamp or yung light sa cellphone nang hubby ko.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: danel_em on June 19, 2012, 12:29:40 pm
lights on palagi.. nasanay na kami since new born pa sya. sometimes kasi magtitimpla ka ng gatas sa madaling araw.. para mabilis makapagtimpla lights on nalang.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: swtgrl_bee on June 20, 2012, 01:57:51 am
Lights on, kasi ayaw ng anak kong madilim. Nung single ako ayaw kong natutulog ng may ilaw, ayun nasanay nadin. Sacrifice ;)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: celica on August 03, 2012, 03:36:35 pm
Lights on as always for my baby. Maybe because he's only a month old, but for me as well to see if there are insects.  :D
My mom advised as well that it will let their eyes see better. Not sure though if it's true.  :D
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: lorygirl on August 03, 2012, 03:57:40 pm
dim light..
turn off ang lights then i-on ko rechargeable flashlight (led) kami para para maging dim :D
hanggang morning na yon
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: ysLim on August 18, 2012, 12:01:05 pm
lights off para malamig tsaka mahaba tulog ni bunso. hindi naman masyadong madilim, yung tama lang para makita ko parin si bunso.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: kuliglig^^ on August 28, 2012, 02:37:47 pm
Our lights are always turned on. ;) Sanay na sanay naman na siya.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Mommy GIA on September 29, 2012, 10:32:36 pm
Seven months na c baby pero ktabi ko pa sya matulog at na-observed ko na tumitingin sya sa akin pag nagigising sya,  so i just keep the lights on always.  :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mommy_ni_sye on October 22, 2012, 11:16:30 am
we've tried 3 times turning off the lights. the first time, our baby cried. second time, tahimik lang siya kaya medyo inabot ng ilang oras na nakapatay yung ilaw. pero dahil inisip ko na baka gapangan siya ipis, pinabuksan ko rin ang ilaw.hehe third time, naglikot siya. maliwanag sa labas ng kwarto kaya sumisilip siya sa bintana. nung nakapag-adjust mata niya sa dilim, naging sobrang likot talaga niya. parang tuwang tuwa siya. kaya ayun, pinabuksan ko na uli ang ilaw. ita-try ko uli, sana maging ok na kay baby at mapanindigan ko. :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: karlandkadi on November 01, 2012, 09:38:15 am
LIGHTS on, kasi takot mga kids ko kapag pinatay na ang ilaw.. mga nag-iiyakan sila.. :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: wahmproject on November 01, 2012, 10:00:49 am
lights on for the first few weeks ni baby. my son is 3 yrs old now and mainly lights off kami when we are sleeping. but we make sure the window curtains are open so there's some light coming in.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: mymarteena on November 01, 2012, 10:37:13 am
We use night lamp and neer naman naging afraid si baby sa dilim, mas sanay sya since nung baby pa sya :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: jem.sexy@yahoo.com on November 01, 2012, 02:40:08 pm
we turn off all the lights so kids can sleep and then when asleep na, that is when I open a night light and turn it off sa morning na :)
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: babibi on November 06, 2012, 12:33:23 pm
starting 4 months lamp shade na kami from lights on. then starting 9 months ata we turned off the lights completely kasi ayaw nyang humiga pag may nakikita pa syang ilaw.. good thing hindi sya nasanay sa hele so when i turned off the lights 100% sure matutulog na sya
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: stealthmommy on November 06, 2012, 02:18:33 pm
we turn off the lights and use a lampshade, this helped with our firstborn's sleep routine  pati sa 2nd child. they slep longer and mas regular.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: preciouslara on November 06, 2012, 08:34:18 pm
lights on, breastfeed kasi kaya siguro mas madali patulugin, she's 2 na pero 1yr old pa lang siya nasanay na si baby na sleep ng 7:30 and gising after 12 hrs kaya masarap din tulog ko sa gabi and matatakutin  kasi ako kaya ayoko ng madilim.hehe. ;D
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: twelvth_goddess on November 07, 2012, 05:04:41 am
We have a small lamp with soft lights. Kelangan kase pag gagawa ng milk chaka para we can check our daughter din from time to time.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Roxi on November 09, 2012, 06:24:50 pm
We keep some sort of nightlight on like the mosquito light, or the lampshade we keep inside one of our closet so the light isn't too bright so we can still enjoy a little bit of darkness.
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: toughmom moderator on September 07, 2013, 02:45:47 am
 Both my kids learned quickly that darkness meant sleeping time and daylight meant playtime.
- Dez Yu-Del Rosario, product manager; mom to Quad, 4, and Andie, 1
Newbie Primer: 20 Helpful Tips for New Moms
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/kissmom-web.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/home-living/homebase/20-best-tips-for-new-moms/page/4
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: toughmom moderator on November 22, 2013, 01:07:21 am
Just press his legs together and his eyes emit a bright light, which works great as a night light slash lamp!
(http://www.smartparenting.com.ph/images/site-alpha/articles/being-a-parent/30_days_of_play-day_1/monsters-inc-monster-fright-lights-p799.75-europlay.jpg)
http://www.smartparenting.com.ph/home-living/homebase/toy-special-day-18-monster-fright-lights
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Nick Sibonga on October 20, 2019, 05:54:23 pm
Hello mga Mommies... check nyo 'to oh. It helped us a lot. Here: http://bit.ly/2W1MO07   para sa pagtulog ni babies
Title: Re: when baby sleeps at night, do you retain your lights on or you turn it off?
Post by: Elizbeth Jann Briones on October 28, 2019, 05:42:21 pm
We have a night stand which we use from 6 or 7pm onwards. We had a routine so he knows na its sleeping time na. :)