Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - lalaland

Pages: [1] 2
1
Kumusta na po? Pinagdadaanan po talaga ng magasawa yan. Ang mga matatag na relasyon ay nagdaan sa maraming pagaaway, intriga at pagsubok na katulad ng sa iyo.
Kapag malamig na mga ulo niyo, tsaka niyo pagusapan ulit. Sana sunduin ka niya.

2
Monalisa, tingnan po ninyo kung magkapareho lang ng kulay yung pills na dapat na nainom ninyo sa ininom ninyo. Basahin po ninyo yung leaflet na nakalakip sa pakete kung pareho lang ng ingredients at dami ng ingredients na yon yung maling numero ng pills na nainom niyo.
Ang problema po ay kung magkaiba ng kulay yung maling nainom ninyo kasi ibig sabihin iba na yung content nun. Kung ganun po, itanong nalang ninyo sa OB na nag reseta po sa inyo ng brand na yan kung ano ang dapat gawin.
Da best po is kung wala munang contact kasi baka nabawasan ang bisa sa mali ninyong pag inom.

3
Karaniwan po kasing mentalidad ng mga Pilipino, mas maganda ang buhay sa ibang bansa. Kaya yung ibang PIlipino ayaw nang umuwi kasi nakakahiya daw. Akala nila hindi ka naging successful sa abroad kaya uuwi ka nalang. Ang masama pa, kung nakadepende sila sa padala mo, alam nilang titigil ang sustento kung uuwi na yung OFW na kapamilya nila. Hindi naman po silang masasamang tao. Hindi lang nila alam ang totoong buhay ng mga OFW.

Kung hindi naman po kayo makikitira o aasa sa tulong nila, ituloy po ninyo ang desisyon ninyo. Wala po kayong kailangan ipaliwanag. Hindi sila ang nagpapakain sa inyo.

4
Breastfeeding / Re: Nahiwa na nipples ko kakadede ni baby
« on: October 03, 2019, 09:17:29 am »
Depende po siguro kung gaano kalitt o kalaki yung hiwa. Ako po pinapatakan ko po ng breastmilk ko yung nipple ko tapos pinapahanginan para matuyo.

5
Hi po..  Tanong ko lang totoo po ba na pag uminom nag malamig ay pwede mag ka lagnat or sipon ang baby ko.??? SAlamat po
Alam ko po, sa virus nakukuha ang sipon, hindi sa malamig. Yng paginom ng malamig, nakakairita ng lalamunan kapag may sipon, ubo o sorethroat. 

6
Hi to all!

I'm 18 weeks pregnant & somehow, at 126 pounds, my OB-Gyne wasn't that happy at all with my weight. Kailangan ko p daw bumigat ng 5 pounds. Hindi talaga kasi ako tabain eh, payat talaga ako since pagkabata, paano po bang gagawin ko? Minsan pinipilit ko pang kumain nang madami kahit minsan nasusuka na ako. Tapos kapag kaya ko naman damihan, nasi-CR ako kasi parang di naman ako natutunawan. Kumakain naman na ako minsan kahit ng sweets para lang bumigat pero parang per month, maximum na yung 2-3 pounds na dagdag. Paano ba mag gain ng weight pero hindi naman parang unhealthy na yung pagkain? Kumpleto naman ako sa gatas & vitamins. Every check-up tuloy, imbes na happy ako lagi ako, worried na pagalitan ng OB-Gyne... =(
subukan niyo po kumain ng pakontikonti lang pero madalas. Hindi yung oras ng pagkain lang. Sana po makatulong.

7
Wala pang 3 days,  nung nag pt  ako. At lumabas na negative siya,  di pa naman ako delayed pero nag check na ako since my interactions na,  minsan nahihilo din ako.. Pero may nararamdaman na akong masakit sa katawan ko medyo masakit na din tyan ko at mabilis ang mga pulso ko,  minsan naman ay naduduwal ako ,  mga mommies kelangan  kaya pwede mag pt?  Para malaman kung positive ba?  godbless
ilang araw na ba nakalipas nung huling mens mo nung nag PT ka?

8
Your Kid's Health and Safety / about rabies
« on: July 05, 2019, 12:42:45 pm »
Nkgat ng aso namen kalaro ng anak ko. Maharot kasi aso namen. Hindi naman malalim pero nasaktan yung bata. Napabakunahan na aso namin noon. Tanong ko lang po, hanggang saan ang pananagutan ko bilang may ari ng aso? Ano dapat gawin?

Read it on Smart Parenting.
Mas Malaki ang Tsansa na Makagat ng Aso Kapag Mainit ang Panahon: Eto ang Dapat Gawin

Click HERE
to read the full article.

Relate ka ba? Maging member ng Smart Parenting para makareply dito. Share your tips because as a member, you get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands!  Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!

9
Yung baby niyo sa tyan, sa inyo kukuha ng nutrisyon. Kapag kulang ka sa nutrisyon, ikaw po ang magsu-suffer at ang baby. Kapag sobra naman sa kain, lalaki si baby, mahirap ilabas. Dapat sapat lang na healthy si baby at mommy.

10
Be a good example ng hindi pagsisinungaling. Masama daw magsinungaling pero sabihin ko daw sa naghahanap sa kanya, wala daw siya. Haha!

11
Hirap ako makatulog nung preggy ako. Tanghali na lagi gising ko. Yun tuloy na sinasabi nilang morning sickess hindi ko sa umaga nararamdaman. Magpaaraw din po kayo. Sinalang kasi yung baby ko noon sa ilaw sa nursery pagkapanganak ko kasi kulang daw ako sa vitamin D.

12
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Primary Complex Part 2
« on: January 10, 2019, 04:43:51 pm »
skin test po ba o chest xray? Mas clear po kasi pag chest xray. Pag skin test, minsan nasa gitna yung result, hindi sigurado.

13
Same sa panganay ko, sobra daw yung 9 bottles a day. Wala pa siyang 2 years old noon. Pag 2 years old, dapat sila na ang susunod sa gusto ng magulang. Ito ang age na pwede ko nang pilitin anak ko kahit ayaw niya. Hindi pwedeng bote pag ayaw kumain. Ako rin kasi nahihirapan sa sa pagpupu niya. Laging soft at matubig, nagkarashes.

14
Daming lamok ngayong tag lamig. Hindi naman ako makapag spray dahil sa pets namin. Pinapaayos ko yung screen at mag ge-general cleaning ako. Inti-mosquito lotion kapag wala nang choice.
Payo ng kapatid ko sa US, instead na mag multivitamins, fruits at vegetables mismo ang ipakain para tumibay resistensiya.

15
Sa panganay ko binigigay ko yung gusto niya o hinahaluan ko ng fav fruit niya yung mashed rice, potato or carrot. Kaso naging picky siya. Kaya sa pangalawa ko, sinanay ko na ng fish at vegetables. Bine-blender ko. Kapag ayaw, basta alam ko na mabuti para sa kaniya, binibigay ko pag gutom na.

Pages: [1] 2