Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mommy irene

Pages: [1] 2 3 ... 20
1
Big Kids / Bullying..
« on: September 17, 2015, 12:55:44 pm »
Basahin sa Smart Parenting:
Paano Kung ang Anak Mo ang Bully?. Click HERE


Hello Moms!

Gusto ko ulit i-up itong topic na ito for us to be aware of what to do if our child has been bullied or being bullied not only in school but everywhere.

Recently lang, just want to share, my son is currently a kinder. I and his father usually take turns sa paghatis sa morning and start pa lang ng class, there's this particular boy classmate, always like to get my child's attention (by the way, lalake po anak ko). Either hilahin ang bag ng anak ko, tapikin sa balikat, unahan sa pila.. For me, theres nothing wrong kasi kids at 5-6 yrs old talagang likas na malilikot. But as days, weeks, months pass by, redundant na to the point na minsan umaalam na yung anak ko. Minsan nadidinig ko pa kasi hindi ako agad umaalis, i wait for them na pumasok sa classroom before i go home, inaasar niya anak ko. As in its irritating. As mother, hindi ko pinapansin kasi nga bata eh, minsan sinaway ko, sumunod naman yun bata but ganun pa din daw sabi ng anak ko sa loob ng room. (mag kasama pala din sila sa isang table).

What it really pissed me off is when my mother told me na kinausap siya habang sundo niya anak ko na kinagat ng anak ko yung bully classmate niya. Initially, sabi ng mama ko, hindi yun gagawin ng apo niya kung wala din ginawa sa kanya. Precisely!. The parent aide at teacher of course tell my mother na oo nga daw kasi my sons pencil case was being thrown by the bully classmate and worst pa, kinaskas pa sa sahig which my son naman saw (magsusubmit daw kasi ng activity ang anak ko when he felt na may kinuha yung classmate niya sa gamit niya, and it turns out na nakita mismo ng anak ko yung ginawa nung batang yun). what my son did was get the pencil case, sumuot sa ilalim ng table at kinagat yung tuhod. Syempre, umiyak yung bully. Na-call yung attention ng parent aide. madaling salita both were reprimanded, kinausap na mali nga yun. Sabi naman ng parent aide, na talagang hindi naman gagawin ng anak ko yun if he was not provoked.

As a mother, the ff day nagpunta ako ng school, talked to the teacher. I told her what I know from the start at base sa kuento ng anak ko which I end up saying na ilipat na lang ng table anak ko para iwasan yung bata. Which in turn ginawa naman at nag ask ng pasensya yung teacher. Yun pala, nakausap na prior pa sa incident na yun yun parent ng bata. May problema ata ang bata - kulang sa pansin. So all the while I thought ok na, tapos na issue, malayo na anak ko sa bully kid. Aba naman, one time sinundo ng mama ko anak ko, may stain ng chocolate yun polo ng anak ko which in turn gawa na naman ng bully kid. I told my son not to get involved sa mga away, if meron man nang aaway sa kanya, inform his teacher or parent aide esp kami sa bahay. I told my husband to go again to the school. Ayun, kinausap niya ulit si teacher at yung bata na mismo. I know its bad pero sabi ng hubby ko, kinausap niya yung bata na next time gawin niya ulit yun, ill bring you to the police so the police will put you in jail because what you do to your classmate is not good. Do you want me to put chocolate stain in your polo?. Sabi ng teacher naman, babantayan na lang nila ng husto yung mga bata at nahihiya na nga daw sa amin kasi my son daw is sobrang masayahin, ayaw nga daw ng may kaaway. He always have a happy face kasi.

So kayo moms, sorry ang haba, what do you think is the best way na maiwasan yung mga ganitong situation at school. kasi kung ako lang, papakatotoo lang, gusto ko na kurutin un bully kid na yun kaso baka ako naman mapolice, hehe.

Naka-relate ka ba? Reply to join this discussion.


2
Holidays / Budget Friendly Holiday Menu/ Recipes 2015
« on: September 17, 2015, 11:14:47 am »

Hi there SP Moms!

Christmas is fast approaching na and I would like to ask for your opinion, suggestions kung anong menu ang maganda at masarap na ihanda during the season. Aside also from the usual handa natin sa bahay, it would be a great help too kung ok din sa bulsa natin. I want something new, appetizing, easy to make (yung tipong ang mga ingredients eh madaling hanapin/ bilihin)..

Let us help each other mag brainstorm kung anong menu plan natin during the holidays. Kumbaga let start planning ahead para at least pag may budget na tayo, we can start purchasing na unti unti kasi syempre, like me, hindi palaging may cash on hand.

I would appreciate  your suggestions mommies.. If you can also share a link or mano mano share your recipes and kung paano gawin, salamat ng marami..

Thank you in advance and awaiting your bright ideas..  ;) :)




3
Your Health / Re: Migraine and vertigo
« on: August 12, 2015, 12:26:52 pm »
sisko mineh, nag bump tayo ulit dito..

musta ka?.. i too suffer from migraine due to poor eyesight naman, since grade school pa ako.. i usually take mefenamic - well in some instance dahil din sa menstrual pain kaya ako nag tatake nun pero aside from that, usual paracetamol lang then i take a rest.. really have to close my eyes and free my mind sa mga mga iniisip ko kasi nag titrigger din yun sa pananakit.. madalas pa nga, i throw up (sinusundot ko talaga, sorry sa term) yung lalamunan ko para mag throw up just to ease the pain kasi sa sintido talaga yung sakit..

one thing also pag inatake yun sakit ng ulo ko is sobrang stress, lack of sleep at yung pag taas ng grade ng mata ko.. have a doctor examine it baka may beyond pa yan kaya sumasakit.. its better to know it now kesa paulit ulit mo maranasan ang pain..

take care.. :)

4
Travel / Re: Where to stay in Baguio
« on: February 24, 2014, 01:58:15 pm »
hello there mga sisters.. medyo matagal na din ako ulit nakapag log in, miss ko na thread.. madalas kasi ako sa FB page na lang.. By the way, can you suggest affordable (medyo recent na nagpunta) inns/ lodging/ transients sa baguio?.. My family and friends would like to go to there sana this Holy week.. Eh sa net, medyo puno na yung iba.. baka kao may mga alam kayo, contact number / names na puwede ko tawagan para tanunging kung available pa sila.. Mga 2 rooms lang naman if ever..

Salamat po.. Nice to be back here once again.. hehe

5
Sexuality / Re: hindi maipaliwanag na feeling..
« on: October 29, 2013, 04:19:33 pm »
yes, been there too sisses!..

part kasi ng post partum yung lack of desire to make love kay hubby.. pero eventually maibabalik din yun.. dapat lang din na malaman ni hubby/partner mo yung pakiramdam mo kasi yung ibang lalake, hindi nila alam yung post partum stage nating mga babae so inform him.. some guys understand while others, hindi.. nasa tamang pag uusap lang naman yan..

6
Getting Pregnant / Re: body rashes and itching during pregnancy?
« on: October 26, 2013, 12:35:07 pm »
experienced this also on my second child - on my 3rd semester ng pregnancy.. to the point na super pulang pula na yung tummy ko sa pagkakati. what I dit was consult my OB, sabi niya, may mga pagbubuntis talaga na makakaranas ka ng pagkakati all over. she advised me then to avoid mamantikang food, malalansa (chicken, egg etc etc) and always wear cotton-made clothes na medyo maluluwag.. then ako ang alam ko nagigising ako in the middle of the night para lang kumamot, what I always do is put chamomile scent powder or lotion para maginhawahan yung feeling ko.. sometimes nga, nagbabasa ako ng malamig na towel then slowly scrub it to tummy..

eventually, nawala din naman.. ask your ob, yung iba kasi pag over na sa pagkakati, my oral prescription na ibibigay ang ob to lessen the itchiness..

take care sis!

7
Getting Pregnant / Re: Baby Shower? Yes or No?
« on: October 26, 2013, 12:28:28 pm »
hi sis!

Is this your first baby?. For me, ideal magkaron pero usually kasi friends/ families ang nagbibigay nito - surprise pa nga yung iba.. Pero kung bday mo na din naman, might think of considering a baby shower bday party get together, with your close friends and immediate families.. ang shower minsan kasi may gift giving kaya yung iba they wait for that event para madetermine nila ano pa ang kulang nila sa things ni babies or mommies..

you can actually do it.. do the party/ get together, kaso mas maganda sana yung sit back and relax na lang ang peg mo sis, hehe..

I personally experienced kasi this. My friends & officemates throw me a surprise baby shower.. so ayun, menos na ako sa bili ng mga ibang gamit.. kasi halos lahat, nagregalo na ng mga basic needs..


8
Food / Re: Pls suggest Merienda Menu for 1st Birthday..
« on: September 20, 2013, 05:29:18 pm »
^thanks sissy..

done with my cake, souvenir and loots.. :)  medyo nakatipid na din ako sa chairs/tables, kasi member sa Brgy. si madir then sa sound system naman, nakahiram na din.. so tipid check na ako dun.. yun na lang mga food for the guest.. I have this in mind actually,

- 2 types of noodles (spaghetti - kids/ bihon with canton - adult)
- chix lollies
- lumpia shanghai
- binagoongan baboy OR caldereta
- hotdogs with mallows
- club sandwich (pero sandwhich spread or chiz wiz lang; i'll cut it into bite size, para dumami, hihi)
- drinks

medyo nag aalangan lang ako kasi sa dami or kilos kung ilan.. nalilito kasi ako kung pano ang preparation pag ganito.. sa totoo lang kasi sis, kay kuya niya, nagpa cater ako, lahat halos gastos.. house celebration din pero almost 20k din ang nagastos ko.. eh from there,natuto ako to find resources kung san ako puwede magtipid.. eh this time kasi may magluluto na, SIL will help cook..

salamat sissy.. might consider the menudo & buko pandan..

hirap mag isip ng menu lalo na at budget ang pag uusapan.. LoL..


9
Food / Pls suggest Merienda Menu for 1st Birthday..
« on: September 20, 2013, 01:45:44 pm »
Basahin sa Smart Parenting:
5 Peanut Butter Recipes Na Siguradong Patok Sa Mga Bata
Click HERE.


Hi there!

I'm a bit confused on what type of menu to serve sa 1st Birthday ng bunso ko.. It will be a simple house celebration sana, time is around 3-5pm.. I was kind of thinking serving at least 1-2 ulam, rice, noodle, sweets..

Can you guys recommend, pati na din sana easy to make recipes.. budget friendly na din sana.. kindly indicate kung ilan kilos ang dapat ilaan (good for at least 30-40 adults/ 20-3- children)..

Your recommendation will truly help me..

Mods: I don't know if I made the right topic at the thread

thanks

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.



10
Your Health / Boil (Pigsa) ...
« on: September 13, 2013, 11:37:26 am »
Its good to be back after months na hindi nakakapag log in..

Anyway, please advise naman home remedy sa pigsa, haha.. first time ko kasi nagkaron, sa may armpit pa.. Sobrang kirot niya at sabihin niyo ng oa pero hindi ako nakatulog magdamag - nakataas lang yung arms ko para hindi masagi or makiskis.. I tried to buy over the counter ng antibiotic pero hindi ako pinag bilihan kasi need ng prescription eh balak ko kasi hindi na ako magpa consult kasi dagdag gastos na naman, I'd rather spend it na lang sa necessities ng mga bagets ko.. so kindly tell me mommies/ sisters, what should I do about this.. im currently working, nasa office ako while posting this and feeling ko donya ako kasi lagi akong nakapamewang, nakakahiya nga eh pero makirot kasi talaga...

your advises really help... salamat po!


11
nagtext muna ako bago nag log in..

12
Real Parenting / Re: right way of disciplining a child (3yo and up)
« on: June 18, 2013, 11:02:49 am »
I can sooo relate to this...
My 3 yrs old son utters bad words talaga..heartbreaking on my part.. gaya ng ibang moms here, nung una, brother ko ang nagturo kasi nga komo nga bata, nakakatuwa pakinggan , nagalit ako syempre sa kuya ko kasi hindi tama un.. Then nadinig naman sa mama ko, un bang tipong pag nagagalit si mama sa mga apo niya, napapamura.. shempre, komo nadidinig sa matatanda, akala niya, keri lang un..

Working mom din ako, kaya hindi ako 8 hours sa bahay, on weekends yes, ako ang nag aalaga.. one time I overheard him saying P.I.. as in, kausap niya, nagtatalo sila ng cousin niyang 4 y/o din.. as a parent, short tempered ako minsan, so when I heard him say that, I immediately call his attention ang told him that saying that is bad and if ever he'll say it again, I'm going to spank him sa lips til mamaga.. I know its NOT the proper way to discipline him pero that time un ang naisip ko gawin.. again, I overheard him saying that nasty word, pinalo ko talaga until nagdugo yung bibig niya.. tiniis ko umiyak siya ng todo, while doing that, durog na durog ang puso ko, pusong ina na parang gusto ko mag sorry sa anak ko pero I have to be firm with what I tell him I will do..

ng matapos yung scene naming na yun, up to this very date, when he hears mama and kuya or minsan ako (pag nadudulas ako), he will immediately tell me, MAMA, SI LOLO, TITO, NAGMUMURA.. DI BA MASAMA YUN?.. DI BA MAGAGALIT KA, DUDUGO LABI?.. then me naman, will tell him, yes anak, bad yun, magagalit si Jesus,hindi na tayo ibless, wala na tayo pambibili ng gatas mo, gatas ni bunso, at toys mo.. gusto mo ba magalit si Jesus?..

may konting kirot pa in pag ginagawa ko yun ganung klaseng disiplina sa anak ko but I have to do that.. somehow, yung punishment ko that time, remember niya..

I know mali yun, pero hindi ko pinag sisihan kasi it taught him in a way.. madami nagsasabi pag boy ang anak, talagang nuknukan to the highest level ang kakulitan.. so ayun, share ko lang..


13
Yaya Solutions / Re: Yaya Salary/Compensation/Benefits
« on: May 31, 2013, 04:53:49 pm »
Share lang po...

I have found a stay out yaya.. Manghihilot ko siya, yung home service pero I knew her naman and her family.. I give her Php150/day, everyday ko binibigay sa kanya.. Ang set up is kukunin niya si baby (8mos old boy) sa umaga @ 8Am then bring him home by 5-6Pm just in time na alam na niyang pauwi na ako.. Monday to Friday lang ang usapan naming so lumalabas na 3K a month din siya, ok na din yun at least may mag aalaga sa bunso ko.. My eldest naman is with my mama, hindi na kasi alagain at 3 yrs old, medyo umaangal lang si mama sa bunso ko kasi nga lagi karga at the same time mabigat, hindi na keri ng powers niya ang mag alaga ng maliit kaya ayun, si bunso ko lang ang nakaranas ng may mag aalaga..

Inaalagan ko lang talaga ang relationship ko dun sa yaya ko kasi syempre, sa kanila inuuwi si baby.. Nakakatawa lang, one time, niloadan ko siya, kasi syempre pag nasa office ako, iniisip ko si baby, text text ako.. para kako sumagot naman at wag ireason na walang load.. Ang siste, nagtext sa akin the ff day, loadan ko daw at naubos ang load ng anak niya.. Oh well, as if I have the choice, eh di niloadan ko ulit..

At least kampante ako na meron nag aalaga kay bunso.. Sana tuloy tuloy..

14
I also need your ideas/ inputs..

plan ko din kasi sabay ang 1st birthday at binyag ng bunso ko.. Oct pa naman yun but I want to prepare na sana - financially wise pati yung mga DIY kung meron.. Theme ko sana is ABC/Safari.. I just cant figure out kung paano yun iexecute.. I mean, sa invitation, yung wordings.. then yung timing.. It will fall kasi on a Saturday.. House party sana ang gusto ko kaya I was torn kung binyag sa umaga, then limited lang sa sponsor yung lunch - fastfood just across the church then afternoon naman, birthday party na.. Hindi kaya mas magastos yun?.. Or since satuday yun, special binyag malamang, mayron bang binyag sa hapon?.. I mean yung tipong mga after lunch para direcho na sa house for party party naman?.. hayzz, please help naman po.. Dalawa pa lang ang sure ako - sabay ang binyag at first birthday at ABC/Safari ang theme..

Your creative and tipid mode suggestions mga sisses is really appreciated..

Salamat much naman.. hehe

15
i have a 7mos old baby boy, 4-5* a day ko siya nililiguan.. i mean, sa umaga, usually around 7am, ligo na with sabon and all.. then sunod na nun is noon time, mga 11-12noon.. makakatulog na siya afterwards, then pag gising niya at nakalaro, quick shower lang, as in buhos lang ng ilang tabo, change nappies then clothes.. then around 6-7pm, buhos ulit.. depende sa mood niya - may time kasi na super irritable siya, pero i see to it na hindi naman nababad kasi mahirap din naman na mapulmonya ang baby..


Pages: [1] 2 3 ... 20