Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - nafnaf_86

Pages: [1]
1
thanks and nice meeting you pugotskie! :) thanks also to mommymaureen for generously sharing your knowledge about balloon decor.  to kathmendoza and sedentarygypsy, nice meeting you sa mga sis! :)

2
Breastfeeding / Re: Storing and expiration of expressed breastmilk
« on: November 04, 2012, 02:46:43 am »
Hi mga sis, may alam ba kayong brand or store where I can buy medical freezer or 2-3 cubic ft freezer where I can store my BM? I'm a working mom too and exclusively breastfeeding my son. Nalalakihan kasi ako sa 4 cubic feet na freezer and I'm also considering the space and electric consumption. TIA! :)

3
nafnaf_86 papayag ang shakeys mag-decor ka....... :)


mommymaureen - great!!! lalo ako na-excite matuto ng balloon decoration! sis ano mga kailangan dalhin namin para sa tutorial? thank you!

4
thank you sis preciouslara! it felt good na may nahihingian ka ng tulong kahit di mo kilala. :) God bless you sis! mwah!

5
Mga sis, share ko lang problema ko and hihingi na rin ng advice on how to handle and deal with it.

I started supporting and helping my family financially simula nung magtrabaho ako.  Nung single pa ako, walang problema, kayang-kaya kahit totally dependent sila sa akin about financial matters, actually kahit yung sister ko na may family na rin, natutulungan ko pag kinakapos sila sa pera.  Di stable yung financial income ng parents ko dahil wala naman sila permanent job.  Nakapag-asawa ako, at nagkaron na ng 2 anak, in fact, kapapanganak ko lang last August.  naka-depende pa rin sila sa akin, halos kalahati ng sahod ko sa kanila na napupunta, which is okay lang naman sa akin at sa asawa ko since okay din naman ang sahod ni hubby, and can actually provide for our daily needs, kahit di na ako magwork....  Since 2 na nga ang anak ko, I suggested sa parents ko if they can live with us, para mas makatipid dahil di na sila bayad ng renta sa bahay including household utilities.  Thing is kung ano yung binibigay ko sa kanila nung nakabukod pa sila, ganon pa din yung binibigay ko kahit nakatira na sila sa amin, minus pa yung pagpapa-aral ko sa bunsong kapatid ko.  Nung una okay lang, kaya lang mukhang di okay na dito sila sa amin nakatira, dahil sobrang nagger at war freak ng mama ko, parang di na okay environment dito sa bahay, sobrang ingay na sa bahay, minsan inaaway niya papa ko and pinapagalitan yung kapatid ko.  Dahil yata dun, yung panganay ko nagmumura na, nagulat na lang kami ng asawa ko! Actually, ganon naman ang mama ko eversince, buti na lang di ko nakuha yung ganong ugali niya. Kaya lang bothered na ako, dahil feel ko na yung stress, lalo ngayon na kapapanganak ko lang, mula sa maingay na bahay at yung apekto nun sa mga anak ko.  Mukhang galit pa yata mama ko dahil di ko mabigay yung pera na binibigay ko sa kanila every 15th and 30th of the month dahil nga naka-maternity leave ako and stopped yung financial income ko, ayaw ko naman iasa yung sa asawa ko.

Dont get me wrong mga sis, na-appreciate ko naman din yung tulong ng parents ko sa akin simula nung tumira na sila sa amin, tulad ng may nakakatulong na ako sa gawaing bahay at sa pag-aalaga ng mga anak ko...siguro yung ugali lang ng mama ko ang di ko ma-take, at kahit sa asawa ko, di na rin okay.  Lastly, I don't want them to feel na pabigat sila sa akin, because I still respect them and higit sa lahat, magulang ko sila. Di ko mamention sa ate ko dahil puro problema na rin ang ate ko, at sa aming dalawa, mas nakakaluwag ako sa buhay. 

Di ko na alam gagawin ko, minsan naiisip ko na pabukodin na lang sila ulit.  :(


6
Balloon Tutorial
Venue: Mall Of Asia
Time 2:00 PM onwards

November 11, 2012
1. bulec
2. jinggay1679
3. Lhizlie
4. nafnaf_86


November 25, 2012
1. jinggay1679
2.

Yung mga interested po, pakilagay nalang po ng mga names nyo under the date  THANKS!

7
Saktong-sakto, bibinyagan si baby by last week of November.  :)  Now I'm wondering kung papayag Shakey's kung pwede ko i-decorate yung venue, kahit sana cake arch and centerpiece para naman may personal touch ko pa din yung venue para sa binyag ni baby...

8
Breastfeeding / Re: sick Mommy, medicines and breastfeeding
« on: October 10, 2012, 10:32:22 pm »
Hi sis, me too, nagka-mastitis ako and i've to take antibiotic, cefalexin yung sa akin..for 7 days yun.  I think it depends sa antibiotic na take mo. In my case okay lang to continue breastfeeding, my doctor told me that it will help to cure my mastitis.  As for how many days or hours that a medicine stays in our system, its 48 hours according to my doctor.

So I guess it depends sa gamot na i-take mo, might as well ask your doctor sis. Take care.

9
In my case, aware ako na hinihiwa na ako, pero nung tinatahi ako, hindi na dahil nakatulog na ako!  ;) Sa tulong ng anesthesia and pain reliever, lalong-lalo na ng prayers, hindi ko na masyadong ininda yung pain, I just focused on my baby.  Actually, the day after kong manganak, pwede na daw ako umuwi sabi ng OB-Gyne ko kasi parang di daw ako nanganak, palakad-lakad na ako sa room habang karga ko si baby.  :D  For once, I never thought na kakayanin ko ang panganganak dahil na rin sa takot and sa baba ng pain tolerance ko, pero dahil kay baby, kinaya ko...I'm sure its the same for the other moms too...   :-*

10
Sa kagustuhan namin ni hubby ma-develop ni baby ang motor skills niya on her own and sa payo na rin ng pedia, we decided na wag na pagamitin si baby ng walker.  Just invest sa protective gears like rubber mats para safe pa din si baby while practicing maglakad.  I'm sure kaya ni baby mo to learn how to walk on her own!  ;) Good luck sis and kay baby!

11
Hi.  Sino po may alam na seller ng fitti aloe newborn size? pa-pm naman po pls...thanks a lot!

12
Weaning, Formula and Solids transition / Re: gain users po!!
« on: May 17, 2010, 04:05:11 pm »
Hi mga mommies, I agree with most of the comments posted here about GAIN.  Maganda sya talaga and the babies like it because according to my pedia, malasa daw ang GAIN compare to others. When my baby reached her 6 month, we decided to try another milk, which is ENFALAC  pero di niya nauubos yung binibigay namin sa kanya, to think na we're just giving her 4-5 ounces of milk.  I also agree na hindi sya ganon nakakataba, but healthy talaga ang built ng baby ko.  Okay naman ang weight and height development ng baby ko, kaya were happy and satisfied with GAIN.

Pages: [1]