Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mommy darling

Pages: [1] 2 3 ... 6
1
Your Kid's Health and Safety / Re: hand strap/harness kids while malling
« on: October 02, 2014, 03:38:11 am »
I used to dislike the idea of this strap thing kasi yung dog image na binibigay nito plus constraining your kid. But ever since twice nawala/naiwan/or akala ko nasa tita, lolo or lola ang anak ko di na ako nag dalawang isip pa. I have a 4yo son whom we describe na parang vaccum kasi sya hihigop ng e energy mo. I dont have a yaya to run after my son kapag mamasyal kami dalawa. At sa panahon ngayon ang hirap hirap na..malingat ka lang minsan nasasalisi na yung anak mo. And i know i will regret that day at di ko mapapatawad sarili ko kapag nangyari yun. Like kapag nasa toyshop kami..minsan o madalas habang nagbabayad ako he will roam around. Atleast  kapag suot niya yung backpack na may tali, i know nasa tabi ko lang sya. Plus kapag nag bobonding siya with his grandparents wala nga kasi yaya..syempre hindj na naman ganun kabilis tumakbo mga yon, ayleast kahit pano bantay pa rin sya at di niya tatakasan mga lolo lola niya pag nsa mall sya. Which my son mostly does.

2
The In-Laws / overprotective and overpossesive ILs
« on: February 15, 2014, 03:31:39 am »
i just want to share this before going to bed...

Hubby and I used to live with my inlaws kasi starting family pa lang kami..pero hindi din kasi madali. sila yung type ng parent na over-protective and over-possesive..to give an example may big sis si hubby na professional and lisensyado pa. lagi yun hatid sundo ng FIL ko sa pinapasukan niya to think na malapit na yun sa 40's ha. at super pakialam sa love life sila parent in law ko sa SIL ko kaya hanggang ngayon single pa rin. tyaka hirap gumalaw. lagi pa nakiki chismis sa yaya ko, whereabout namin, ginawa namin. pati magulang ko inuusisa ng MIL ko sa yaya ko.lagi pinipintasan paglalaba namin. tapos yung kinakainis ko pa nung nagbubuntis pa lang ako, nasa tyan pa lang nangunguna ng sa kanila matutulog yung anak ko pag labas. at pag umaga, marinig lang anak ko umiyak dahil sa gatas, tatawagin na nila at kukunin na sa akin. ang akin e, hala! papatulugin pa sana.

so we decided to move out. finally!!! hirap huminga kasi denumiro. pero ayun nga, kahit bumukod kami naramdaman ko na gusto pa rin nila e araw-araw sa kanila kami pupunta. araw-araw iiwan ko anak ko sa kanila..na para bang hello SAHM ako plus meron din naman ako magulang na gusto rin makasama apo nila. at para saan pa na bumukod kami kung ganon lang. so left with no choice, dahil feeling ni hubby e api-apihan magulang niya na wala apo nila. so i made certain days na sa inlaws kami mag dinner, parents ko then rest day or family time lang namin at wala dapat intindihin na iba. parang 2x a week dinner sa kanila, then one weekend buong araw sa kanila. i just thank God sobra na hindi naman ganun ka demanding parents ko na nakaka pressure and all.

gustuhin ko man halimbawa na dumalaw sa office ng MIL ko or sumaglit lang sa bahay nila kahit hindi schedule, alam mo yun naglalakad pa lang kami sa pinto, o ano alis tayo? pasyal tayo? tapos kahit ilang beses mo sabihin na napadaan lang at nagmamadali dahil coding or what they will keep you longer na parang ang hirap naman ng paalaman na ito. tapos minsan napadaan ka nga lang, they will drag you na kung saan saan, magpapa drive..sunduin si SIL, FIL at kung sino sino na.

tulad kanina, valentines day. first valentines namin to ni hubby na kami lang with our anak syempre. kasi tradition na sa family nila na valentines is FAMILY dinner nila. so what we do in previous years is we celebrate it ahead or after na. kaso lang ngayon something came up na we have to move the family dinner ng ibang araw. so ayun syempre excited and all then nag plan na rin kami. nangungulit si FIL na pumunta kami sa kanila kasi madami daw sya pasalubong. e to think na alam naman nila na friday at mag celebrate kami ng valentines. nakakainis pa nito, iwan daw namin apo nila sa kanila kami na lang umalis.

ewan ko ba..nakaka sakal. nakaka pressure. para kang wala sariling buhay. alam ko mabait sila, they help us financially nung wala pa kami masyado. pero alam ko at ramdam ko lalo na kay MIL na lahat ng tulong na yun para bang ang kapalit e ibigay ko apo niya. ganito ba talaga buhay may asawa sa atin? ang kinakainis ko lang kay hubby kapag parents niya hinanap o pinapapunta kami ng araw na hindi naman kami naka schedule doon awang-awa sya at feeling niya inaap na magulang niya. ano ba yun? isang tawag lang dapat magkandarapa ng pumunta sa kanil. na kahit tulog kami gigising kami at gigisingin ko anak ko dahil hinahanap kami. hay..naloloka na ako. i tried my best for almost 5years na mag deadma deadma pero minsan talaga nakaka sagad e.











3
Money / help: carinderia / sari sari store business
« on: June 08, 2013, 04:27:36 am »
I am a SAHM and thinking of putting up a small business n the comfort of our own condo unit. I would like to seek help with my fellow moms here by taking time answering the questions below.

Carinderia
1. Usual menu na mabenta o papatok for lunch at meryenda?

SariSari store
1. Ano yung mga usual/common na gamot pang bata o matanda na kalimitang kakailanganin? (Malayo kasi drug store sa amin)
2. School supplies na kalimitang kinakailangan ng mga bata?
3. How much usually pwedeng tubuin o ipatong?

Thank you veru much!

4
The In-Laws / bumukod kami pero parang hindi
« on: May 21, 2013, 10:56:24 pm »
Hi SP Moms :)

background is, tumira kami with my in laws for almost 2 years right after we got married. we were not prepared din kasi non dahil i got preggy agad. mabait in laws ko in a sense na if they found out na may kelangan kami ni hubby lalo na si baby tutulong agad sila. but syempre, since nakikitira sa inlaws ang hirap gumalaw, walang privacy ni hubby at ni baby, tyaka ang daming nasisita at nakikialam na rin in a way. so pinagdasal ko talaga na makabukod na kami agad, kahit mawalan na ako ng allowance from hubby, kahit na hindi na naka ac 24/7 ok lang. basta sarili kong bahay, nakakakilos ako, di ko kelangan makisama at walang restrictions, wala na ring paki alaman sa mga yaya at chismisan.

to cut it short, naka bukod na kami ngayon, actually mag one year na and i am planning to celebrate it pa :). pero may catch lang, parang hindi din kami nakabukod. normal ba na ganito? kasi i know if i'll be lenient lang alam ko aaraw-arawin nila na kunin apo nila. so what i just did is, 2x a week (like monday and wednesday dinner time) sa in laws ko (bukod pa dun yung buong Saturday nasa kanila kami from lunch til 11pm the most), in strict compliance yun kasi kung hindi sisimangot inlaws ko.

then i made tuesday and friday dinner sa mom ko (just to be fair lang) pero hindi naman siya nagagalit kapag di kami nakakapunta for some reason lalo na kung may sakit anak ko or kung napagod. siya pa minsan magsasabi na naku sige, pagpahingahin mo lang. then i made thursday as our pahinga day. yun bang wala ako iisipin na kelangan ko umalis ng bahay. just a day to enjoy our own life.

then sunday lunch kami sa parents ko then after that gala na namin ni baby and hubby, kumabaga sariling family day na namin.

minsan naiinis lang ako kasi nagpapa awa mga inlaws ko na gusto nila kunin apo nila kahit hindi naman nila schedule. kahit yung sunday na nga lang na ma-solo ko asawa ko at anak ko after namin pumunta sa parents ko. i understand and i know that there are families who visits their parents and parents in law during weekends. pero pati ba naman family time namin mag asawa gusto pa rin nila sumali? ganon ba talaga ang buhay? kahit naka bukod ka na halos araw araw dapat dadalaw ka sa kanila. kaya nga kasi bumukod para magkaron ng sariling buhay e.

sp moms pls enlighten me thanks! actually di ko alam if this is the right thread.

5
mga mommies...may narinig, nabasa o nabalitaan nyo na ba na one reason ng speech delayed ng baby is beacuse of breastfeed siya. may so-so pedia kasi na nagsabi sa sis in law ko nito.sa tingin nyo? and based sa experience nyo ganun ba?

6
Home / sino na nakapag Housing Loan?
« on: December 08, 2011, 06:57:47 pm »
Hi mga Mommies..meron ba sa inyo nakapag housing loan na dito thru bank? ano ba affordable na terms? how was your experience? nahirapan ba kayo? na release ba agad? saan sila particular?

thank you! :)

7
Special Occassions / help: paano ang program rception ng civil wedding?
« on: November 28, 2011, 10:24:35 pm »
Hi mga sis...paano ba ang reception ng civil wedding? paano ba program nito? kasi diba sa church wedding my bridal toast, dove and throwing of bouquet etc.. e paano kapag civil naman? ano mga ginagawa dun?

thank you sises!

8
^mommy steroxas, 13 months pa lang din baby mo? paano kapag umaalis ka..ano dinedede niya? paano siya?

9
@purple_girl

yes mommy...i will express my milk then direct feeding during night time. i just don't know how i will start preparing my baby na bigla na lang ako mawawala na dati 24/7 kami magkasama. also, ang naiisip ko din is little by little iiwan ko si baby with my milk in a bottle para sana masanay siya sa bote.

10
HI mga mommies..if pwede lang talaga i'll continue breastfeeding my son until kaya ko :( he's 14 months now and ever since milk ko lang talaga intake niya and direct feeding siya. when he reached 6 months and pwede na siya mag water sa feeding bottle ko nilalagay yung water niya para magka concept siya ng bote. pero since then mas prefer niya uminom ng water in an open cup kesa sa tsupon or sippy cup. but time has come..kelangan ko ng mag work to help hubby. few more years papasok na si baby sa school. then we are living with my in laws kasi..e gusto na rin namin bumukod so kelangan talaga namin magpurisge para kumita. unexpected pregnancy kasi nangyari kaya di kami masyado financially prepared.

ano po ba preparation gagawin ko para masanay si baby sa bottle ? do i have to leave baby at home with my mom or mil with a milk in a bottle? para hindi niya ako makita as main source niya ng milk? tapos kelangan ko ba iprepare siya sa pagpasok ko sa office?

11
mga mommies...1 year na si baby and 4 na ngipin niya...2 up and 2 down :) one week ng masakit yung isang nipple ko..paano nangigigil ng sobra..nung chineck ko ayun mat cut yung nipple ko...ano kaya pwede ipahid para mapadali ang pag heal?

12
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: max's kids party..
« on: September 19, 2011, 06:56:09 pm »
^mommy ang alam ko kasi nag price increase na sila e. pero yung amin nasa 3k++ good for 10 pax yun so times 10 para 100 pax :) yung menu naman kasi iyon yung set menu nila na per table na good for 10pax...pina buffet lang namin :)

13
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: max's kids party..
« on: September 19, 2011, 07:14:41 am »
Just had a wondeful party sa Max's scout tuason..we got their Ruby A Hall which is good for 130-150 pax  :) super successful and happy lahat ng visitors. kaso food lang kinuha ko sa kanila...if familiar kayo, yung set B nila for adults na 100pax (buffet set up-which is allowed daw for 100pax & up) tapos 30 pax na KIddie Set B. ito yung main branch ng max kaya maganda yung venue nila and super bait ng mga staff nila and accomodating. outside suppliers lahat ako e..from balloons, host, cake, giveaways, photobooth and facepainting. lahat sila enjoy!!!  :)

14
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: max's kids party..
« on: September 16, 2011, 09:16:43 pm »
^mommy if i may ask...ano ba costume ng baby mo?

15
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: mickey mouse apparels..
« on: September 10, 2011, 02:38:06 am »
@tetee_butterflyz,

i think yung sinasabi mo sa may shoppesville sa greenhills is yung Regina's gift shop. yep! puro angry birds sila kasi yun daw uso. onti nga lang daw mickey mouse dun  :( ako sa sept 17 na party ng bebe ko..na-sstress na ako hehe

Pages: [1] 2 3 ... 6