Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - lykeil

Pages: [1] 2 3 ... 8
1
Hi, mga mommies, may alam ba kayong pinakamurang air purifier?? Nakita ko sa ACE Hardware nasa 6k yun na raw ang pinakamura nila eh.

2
Pangarap ko maging hindi teacher but guess what??!!... I am teaching!!
Tapos pangarap ko makatira sa Q.C. yung may malaking lote na may garden at swimming pool.. natupad naman, sa katabing bahay nga lang. : P


3
Members' Kumustahan board / Re: How are you feeling today? [Part 9]
« on: March 18, 2013, 10:41:02 pm »
Relief, worried and feeling crazy.. hay.. life is too ironic talaga.. kung anong ayaw mo pilit inilalapit sayo tapos yung gusto mo lalong lumalayo.. paano nga ba maging kontento kung puro reklamo??!!

4
Pamahiin / Re: Totoo bang bawal ang dalawang buntis na magkasama sa bahay?
« on: February 13, 2013, 11:52:35 am »
@mommychen-Sad to say, a friend of mine also got miscarriage and another one naman may kulang sa physical development ni baby while building their houses and preggy. Tutal malapit na ang March, mas mabuti na yung may prevention kaysa naman habang buhay mong pagsisihan. Nasa sa iyo pa rin yan kung maniwala ka o hindi.  ;)

5
Today, I taught my kids how to pretend on playing different kinds of musical instruments habang nakasalang ang mozart sa cd player. They enjoyed it a lot! Nakatulog agad sa pagod! : P

6
Home / Re: Detergent Soap use for washing clothes
« on: January 05, 2013, 03:10:31 pm »
Yes, Ikusot mo sa perla bar yung mga damit lalo na sa area na may stain. Then put some tide powder sa basin 15-30 minutes bago mo i-machine wash.

7
Home / Re: Detergent Soap use for washing clothes
« on: January 03, 2013, 11:13:24 am »
Use tide or ariel not mix. Masyado nang matapang at expensive! What I do sa pangbabad sa mga whites eh perla and tide. Mas mabilis matanggal yung mga stains kahit washing machine ang gamit ko. Kahit sa mga decolor na damit, you can see na mas malinis tignan kung nalagyan ng perla.

Enjoy washing!! : )

8
@ mimay29 Bili ka sa watsons nang pregnancy test or mercury tapos 1st thing in the morning, mag pregnancy test ka. Yung unang ihi mo pag gising mo sa umaga yun ang gawin mo.. mas accurate.

Kung negative pa rin, pa check ka lang sa ibang OB kung may doubt ka sa OB mo ngayon. Its better to believe the doctor than the quacks. It's better to be sure na hindi sakit sa matres yan. 

9
I agree sa mga mommies dito.. hindi bawal ang mga buntis sa iisang bahay. Ang alam kong bawal eh yung buntis tapos sabay nagpapatayo ng bahay dahil may hinuhukay daw kasi yun kaya may masamang mangyayari sa baby. Tapos bawal din daw maglipat ng house pag buntis maybe baka ma-stress si mommy tapos duguin at magka-miscarriage. Kaya, tinapos ko munang manganak bago ako lumipat ng house before.

Then my lola and my aunt was pregnant at the same time before. Ok naman, buhay naman yung uncle ko at yung pinsan ko until now kaya no truth on your worries.

10
Food / Re: what about handa for new year's eve? :)
« on: December 28, 2012, 12:33:43 pm »
Usual handa namin sa New Year's eve are 12 kinds of fruits na bilog (sayang kasi kung madami bilhin tapos mabulok lang) So, meron ring biko, pansit (either spag or bihon) tapos fruit salad or leche flan.

This year dagdag ako ng lechon kahit 1/4 or halk kg lang or liempo then for kids hotdog w/mallows and cheese cube on stick. Tapos deep fry shrimp sa harina. Hindi kami mag chicken kasi sabi isang kahig-isang tuka daw buong taon. At pag baka naman, magtratrabaho ka ng napakahirap buong taon to attain everything. Hay, I wonder,eh bakit hindi ko narining na bawal yung pork, hindi ba baboy sobrang tamad??! ! : P

Anyways, Happy New and prosperous New Year, mommies!!   

11
Weaning, Formula and Solids transition / Re: All About Cerelac
« on: December 28, 2012, 12:18:15 pm »
Pag 6 months na si baby saka lang pwede kumain ng solid food like lugaw, soup or cerelac. Much better huwag mo muna pakainin since 4 months pa lang kasi hindi pa kaya ng digestive system niya. Perhaps change the milk na lang, baka nagsawa na si baby sa lasa. Much better i-milk mo muna si baby kasi maganda yan sa bones and brain development niya. Mommy, don't be too in a hurry na lumaki si baby, enjoy his/her stage muna.

Ask your pedia about the milk and vitamins para hindi mabigla ang tummy ni baby.


12
Yaya Solutions / Re: Young or old yaya?
« on: December 27, 2012, 12:24:06 am »
From new born to 8 months babies, pwede yung older yaya, around 35-45 yrs old. At least, get with an experience talaga para hindi ka rin mahirapan lalo na sa mga 1st time mother.

Pag mobile na si  baby, 10 month old to 1 year, they were very active and wants to learn how to walk na pwede nang kumuha ng mga nasa 20-28 yrs old na yaya para maliksi at mahilig makipaglaro kay baby. Tapos mature enough and responsible na to handle things lalo na pag sila lang ni baby naiiwan sa bahay..

I had bad experience with 18-19 yrs old, sobrang hilig pang matulog.. kinatulugan ba naman yung lugaw na papakain sa anak ko... buti nasa bahay ako that time, kung hindi eh nasunugan pa kami! Hirap kasing makahanap ng maayos na yaya nowadays kaya dapat very careful and aware ka sa ginagawa sa mga anak natin.

Pag sobrang tanda naman, aba, sobrang tamad nang kumilos. Lalo na pag mataba.. kaya huwag na huwag kukuha ng matabang yaya be it young or old, mga sis!. Hindi na active yun, nood lang nang nood ng tv at kain lang ng kain, magre-reklamo pa pag walang masyadong ulam. Buti pang mga payat kahit itlog lang ulam ok lang. : P
 

13
Your Kid's Health and Safety / Re: nakalunok yata yung anak ko ng screw.
« on: November 10, 2012, 02:20:57 pm »
Try mo pa x-ray para sure. Screw kasi yan baka matetano or matusok yung intestine ni baby.

14
Money / Re: Your Monthly Budget
« on: October 22, 2012, 12:57:58 pm »
Hi mommies pa share naman ng monthly expenses nyo.
Magkano ba dapat for food and is it really advisable na magtipid ng budget for food?

@mayde77

grabe.. kung ako ang may 100k monthly to spend, tatalon ako to the max sa tuwa!!! : P

anyways, syempre para hindi ka umabot sa ganyang kalaking expenses monthly eh  dapat aware ka sa consumption mo. Or minimize your consumption in utilities especially. List all that eating up the big expenses.

These are things to consider:

1. sa electric bill- for sure masyadong malaki ang expenses nyo sa kuryente lalo na't walang pakundangan ang gamit ng aircon Walang control or limit sa pag gamit. Huwag din gamitin ang mga appliances ng sabay sabay. If you use rice cooker, huwag muna ipagsabay ang washing machine. If you use aircon, Huwag muna mag computer. Kasi papalo talaga ang takbo ng kuryente.. try mo lang tignan kung gaano kabilis ang ikot ng metro ng kuryente mo at pihadong ganoon din ang takbo ng puso mo! : P

2. Maynilad = baka naman sila yaya eh buhos lang ng buhos without recycling. Kung araw araw pa ang laba, dapat maging matipid din sa tubig. Pwedeng panghugas ng sahig at mop ang pinagbanlawan. Or even pang flash sa cr.

3. Eating out- baka naman kasi sobrang galante kayo, kaya panay ang kain sa labas eh isang mcdo lang you can even spend minimum of p500 kung ganon kayo karami. Kaya minimize na lang ang mga take outs.

4. Grocery- kung hindi naman kailangan, huwag muna bilhin. Kung maraming pang stock, ubusin muna bago mag refill. Kasi most probably, nakatambak lang at expired na ang pagkain sa ref. or stands.

5. Market- same with grocery, dapat hindi sobrang dami ang bili tapos mabubulok lang. Siguro kahit once a week, mag allot ka ng mga 2k for fish/seafoods, & meat . Kami nga 1,000 lang dami pang tira sa ref.

6. Kung kaya naman lessen the yaya or maid, bawasan mo pa rin ng tao sa bahay niyo. Remember that yaya expenses is equals 2x. If you yaya salary is 3k x 2 mo yan kasi kakain pa siya at magko consume pa ng kuryente at tubig at pagkain.

7. Gadget.= kung pwedeng huwag na lang bili ng bili ng gadget kasi nakakasira lang din sa utak ng mga bata.. bili ka na lang ng books na talagang they all can use and re-use.

8. Priorities what are the NEEDS than wants!

9. Credit card= kung pwedeng huwag nang mag credit card stop mo na lang. Kadalasan talagang nauubos ang pera natin dahil sa kakabayad sa credit cards at ng interest nito.

10. Kung may mga bayarin, unahin, kung hindi naman dapat kunin yung loan eh better stop using it para hindi rin interest bearer.

Sabi nga nila kung magkano ang pera mo, ganoon din ang kaya mong igastos. Kung gusto mong mag save, marami kang maitatabi at mga basic needs lang ang gastusin mo. Dapat aware ka rin, kasi once magkasakit, hindi lang 100k ang gagastusin mo. Try save for the rainy days, ika-nga.

15
Money / Re: Can't convince my OFW Husband to be an SSS member.. :(
« on: October 22, 2012, 11:29:01 am »
I think ikaw na lang mag apply ng SSS. Pwede naman siyang sariling hulog eh. Pwede nakapangalan sayo then benefactor is your husband and kids. Ikaw na lang mag tabi para makahulog ka sa SSS monthly. Magagamit niyo pang buong family. Kahit pera na lang ni Mr. nasa pangalan mo lang. Yung minimum na lang hulugan mo kahit paano may magagamit kayo in times of emergency.

Minsan kasi mga asawa natin lalo na pag lalaki, hindi nakikita yung kailangan in future. Kaya as a partner you have to do what he is incapable of doing. Wala namang masama kung hindi siya pumayag, kasi in the end, kayong mag-anak ang makikinabang. Iba pa rin ang mother instinct at woman instinct. : )

Pages: [1] 2 3 ... 8