Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - eve

Pages: [1] 2 3
1
mga mommies, nanays, mamas....am so happy ;D ;D

finally, YANCY is totally diaper-free.  before, diaper pa pag gabi, but since two weeks ago, we're diaper-free.  what an achievement.  she keeps on telling me, Big Girl na ko nanay e. pwede na ate. {yun nga lang ang masaklap, parang may-i-ask sya ng kapatid e di na kaya ng nanay powers ko hehe]

tipid tip:  i used to spend about 600.00 for the diaper per month nitong malaki na sya.  when she stopped na using diapers, i still intend to put away the said amount kasi matagal na naman me used na wala sa akin yung 600.00 so add ko lang sya sa educ. fund niya.  same with excess amount for her vitamins kasi ams mahal yung vitamins niya before;  now, she's taking multivitamins.

champagne moment ko ito hehe.  just want to share.

2
Daddy Department / Re: long distance daddy
« on: July 23, 2008, 11:48:32 am »
SHE NAKAKAIYAK naman.  my hubby is based in davao and he comes home every three months and gets to stay with us for a max 7 days. kaya noong maliit pa si yancy, medyo di niya makabisado ugali so laging major adjustment silang 2 sa isa't isa. but now that yancy is 3.5 yrs old okey na, in fact she always asks me when tatay is coming home.  sabi nga niya, pag nag dro drawing siya, ito bahay natin nanay tatay yancy, wala aalis lagi sama sama. it's really very hard on our daughter kasi whenever she sees complete families at the church or in restaurants, she would turn to me and tell me" o ayan, complete sila. tayo me space pa para kay tatay. huhuhu but sabi nga, when life throws you lemons, make lemonade. so, kesa ipilit ko na we be together at manigas sa gutom, i'm thankful na din na every 3 months nagkikita kita kaming 3.

3
my daughter is 3years old sa gabi my pampers parin sya ang ang problem ko ngayon pag popo sya ayaw niya pag di pampers so magsasabi sya if popo sya para lagyan sya pampers otherwise di sya popo kakaawa naman..... hay i dont know what to do.....

hi lorian's mom. my daughter yancy is also .  i started her potty training when she was around .  what my hubby and i did, we took her with us when we bought a toilet seat sa sm. ang pinili namin yung may hawakan sa magkabilang side, the toilet seat is for me worked kasi instead of a potty chair yung toilet seat ipapatong ko lang sa toilet bowl at dun na poo-poo c yancy kaya maaga pa familiar na sya sa big toilet bowl. anyway, to make her experience with the toilet seat more fun we let her choose the color and the style. then sa bahay, i showed her how it works with mnatching demo with ehr favorite doll, na ganito kakargahin kita then iuupo kita sa toilet seat then we wait then habang wait tayo we'll look at some picture books.  and i stressed to her am so proud of her growing up na. [but crying inside hehe].  di kami nahirapan sa pag poo poo niya sa toilet bowl, yung wee wee niya ang medyo nahirapan me kasi maihiin talaga sya kasi she drinks lots of water during the day so maya't maya wiwi sya. the lola [my mom] installed ang baby arinola so she yancy can go to the arinola pag wiwi sya, after two wiwis the lola will empty the pot sa toilet. mind you sis, yung two wiwi niya in a span of 30 minutes lang. sa gabi pampers kasi malamig sa tagaytay ngayon but pag maganda weather, panty na lang. it takes mga 3 nights na puyatan kasi we have to watch kung wiwiwi sa bed but after a while, okey na.

4
Daddy Department / Re: daddy moments
« on: June 24, 2008, 04:03:09 pm »

;D katawa maphine but sis, i totally laud your decision. hmmm..wala nga ata nakuha si yancy sa akin...

5
Daddy Department / Re: Re: daddy moments
« on: June 20, 2008, 04:02:56 pm »
hahaha maphine naaliw ako kay ynzho ang cute dun sa pic 4v ganyan din si yancy, carbon coppy ni ian hehe

6
Baby Development and Milestones / Re: soap for baby
« on: June 13, 2008, 12:39:34 pm »
mommy iris, am going home this weekend sa tagaytay.  i'll check it out sa parish namin if we can put up a booth or something near the church kasi ang dami people pumupunta dun.  we have two parish churches (our Lady of Lourdes and Ina ng Laging Saklolo) but yung sa ILS ang june ang feast day. anyhoo, basta monday morning me news na tayo.  saya!!!!

7
Baby Development and Milestones / Re: soap for baby
« on: June 12, 2008, 03:24:22 pm »

Mommy Eve, shoot. pag may tiangge sa Tagaytay, go ako ha? Just tell me in advance  ;D
[/quote]

yup..will text u asap pag meron na, usually around october meron ng mga tiangge and this coming june 28 is the town fiesta. will text u next week kung meron. our house is enar the Church kc kaya dami talaga mga dumadaan peoples.  :D

8
Baby Development and Milestones / Re: soap for baby
« on: June 11, 2008, 12:04:37 pm »
at type ko yan mommy geli basta after ofc pwede. at ng magkakilala tayo, the more mommies the better...i told mommy iris na mga next mo me mag order ng medyo marami sa kanya kasi ibi business ka na sya.

9
Baby Development and Milestones / Re: soap for baby
« on: June 11, 2008, 11:11:25 am »
mommy iris, i will order na my soaps from you by next month.  talagang pinag iipunan ko ha? aksi nga i want to market it dito.  how about joining me sa isang tiangge sa tagaytay from time to time kasi meron mga ganun sa amin but i can't afford one stall all by myself but kung me ka share y not di ba?  am thinking of pursuing na talaga this soap thing kasi pag food may shelf life pag soap longer shelf life. but i might add an item or two aside from the baby soaps.  do you have a catalog or something like that? best regards...

10
siguro kasi am an educator so am used to using a professor's tone pag galit na hehe.  no need to shout kasi lalong hindi ka maintindihan ng bata at it's very confusing.  we shout when we're happy, we shout when we are startled then pag galit shout pa din so it is very confusing.  Lucy Torres-Gomez shared this tip in an old issue of GH Phils:  when Juliana daw misbehaves she speaks to Juliana in a firm, soft and consistent tone of voice.  I remembered that and when Yancy started showing her naughty side, I tried it and it worked! :D but disciplining boys is a different thing kasi iba rin ang strategy dahil iba ang psyche nila.

maphine, pinagtawanan ka ng baby mo hehe.  siguro sobrang stern noong look mo. hehe.

11
yancy didn't pass through the hitting stage pero she went through the nangangagat stage na pati mukha ko she gummed.  sabi nga e, deadly weapon ni yancy ang kanyang mga gums. at nitong lumaki na eh mga claws naman niya (words of my 5 yr old niece na nabiktima ng claws ni yancy sa hita hehe).  noong maliit pa si yancy na hindi pa pwede paluin, i say her name really sternly (tama ba grammar) as in madiin na KATHERINE, STOP THAT! the palo came when she was around 2 na nakakaintindi na.  like what i shared before, palo minsan lang kasi pag paulit ulit, pang aapi na (for me at least) at hindi na effective.  babies love to explore so we give them soft toys only at eto, never na tumawa kami (me, hubby and whoever is with us at any given time) pag me ginagawang mali si yancy noong maliit pa sya. no cuddles after pagalitan.  she must come to terms muna na mali sya.  pero maphine, it's true medyo mahirap idiscipline pa yung 8 years old, nag eexplore pa kasi yun.  the best i can offer you is read books to him about good boys, remove hard objects which he can use to hit people with and try to divert his attention pag nakikita mo nang mananakit. but times na nalingat ka at napalo ka, just speak softly but firmly to him while removing the object he had used.

12
hi maphine...congrats!  just take it easy ha and take note, discipline should also be changed as our kids grow up!

momy rmi, tell jared pag si daddy misbehaving meron ding naughty corner, nga lang kasama si mommy to console hehe. joke. ;D

13
Jokes and Funny Stories / Kids say the darnest things :)
« on: May 29, 2008, 11:11:52 am »
Basahin sa Smart Parenting:
20 Times Parents Were Embarrassed By Their Kids
Click HERE.


HI MOMMIES

Meron bang special dictionary ang inyong mga babies?  I remember one of my nephews has these set of words:  TUSILA: kutsara, TUSILO: Kutsilyo, DIKDAK: Hearts, POYAKS: Baraha  ;D

c yancy, she used to call me NANI kas di niya masabi yung nanay. ito lang yung nagiisa nyang Baby Word.  What about you mommies?

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.


14
ganda natin sa umaga!

yancy was takot na talaga from the start pag nagsalubong kilay ng tatay niya. kakaaliw nga pag tinatanong ko pag kaming 2 lang "anak, paano magalit si tataY" mag gagawa sya ng growling sound deep in her throat, with matching kunot ng noo. ganun kasi si hubby pag medyo asar na sa kakulitan ng anak niya hehe.

15
Daddy Department / daddy moments
« on: May 24, 2008, 03:03:51 pm »
Basahin sa Smart Parenting:
10 Papel na Ginagampanan ng Isang Ama sa Buhay ng Kanyang Anak
Click HERE.



mga tatays, daddies, dada at papas, when did it hit you na ETO, ISA NA AKONG AMA!?

Share naman with us mga mommies yung Daddy Moments nyo.  :)

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.


Pages: [1] 2 3