Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - matrilynne

Pages: [1] 2 3 ... 6
1
Money / Re: 'How to start "silog" bussiness'
« on: May 28, 2013, 07:11:24 am »
Kami din ni hubby we're planning to put up "silog" business. Buti n lang yung friend namin kakaopen lang nila ng tapsilogan. Familiar ka ba sa bentelog? Ganun yung sa kanila. Meron pa silang ibang menu aside from bentelog, pero super bili nun kasi P20 pwede ka ng umorder ng cornsilog or hotsilog or longsilog, etc. Hindi sila franchised, own ideas lang nila. Their capital, P30k. Hindi lahat ng gamit nila bagong bili, like yung ref and yung ibang kaldero, ganun. Nagrerent lang sila ng space, P5k/mo. Sa Makati yung store nila, and sa Pasig sila namimili. Mag one month pa lang sila and so far malakas naman daw yung income. That's why we were encourage to put up our own store.

2
Birth Control / Re: All About Althea (OCP)
« on: February 12, 2013, 11:53:44 am »
@mom_ni_jhelxea
Take mo yung pill na andun sa first Thursday label.

3
Travel / Re: Airline Promo
« on: January 29, 2013, 04:26:51 pm »
Kaya nga  :D, halos nasa P700 plus per person lang umabot. Parang since Sept nung nagkaroon ng Piso fare ang Cebu pac hindi pa ata ulit nagkaroon e. Try to check everyday yung website nila or visit this site http://everythinginbudget.blogspot.com/ kasi laging nakapost ang airline promo, dyan ako lagi tumitingin and then me mga links na sa mga airline.

4
Travel / Re: Airline Promo
« on: January 29, 2013, 03:54:08 pm »
Mine was P1 fare from Cebu pacific also, Sept, 2012 ko pa nakuha yung sa'kin. 14pax for P9,100.
Til now wala pa din kami return flight, Feb 28 na yung booking namin going to Boracay. Wala kasi kong maabutan na seat sale palaging sold out na. If meron man sobrang early ng flight usually mga 9am, Kalibo-Manila. Kaya naghahanap ako ng iba. Lahat ng airline nagchecheck ako, maganda nga early in the morning.
Yung sa Tiger Airways na Buy 1 Get 1 for Metrobank cardholders, sold out na din yung gusto kong date which is March 3 para sa return flight namin. Hopefully makakuha na ko kasi if hindi regular airfare na talaga ang kailangan ko i-purchase.

5
Birth Control / Re: All About Althea (OCP)
« on: December 10, 2012, 01:50:27 pm »
@disneymom
 Nung first pack ko sumasakit yung ulo ko every night yun. I'm not sure if it's because of Althea e, pero yun lang kasi ang nagbago sa'kin. Pero now nawala na, ok na din yung skin ko,nagka break out skin ko after giving birth, ngayon nawawala na.

@michelle888
There's a possible side effects sa baby if ever buntis ka and nagpills ka. Pwedeng low birth weight or iba pang developmental problems sa baby. Kaya as early as now if you suspect that you are pregnant consult your OB na.

6
Thanks to sis twelvth_goddess. Nagkaroon ako ng idea about this "30 day shred" workout.  Proud ako na natapos ko yung Level 1.I am now in Level 2, pang 2nd day ko pa lang today. Grabeh, hirap ng Level 2. Naku sis twelvth_goddess sobrang hirap na siguro ng Level 3. I know we can all be fit. Go SP moms!!

7
Beauty and Product Reviews / Re: Olay vs. Pond's
« on: December 07, 2012, 01:25:54 am »
I need advice too. I'm 31 and already have crow's feet. I'm really curious if what is the most effective anti-aging cream. I already tried using regular moisturiser before like olay white and ponds flawless white as well as ponds detox. Pero as early as 1 week nagkaroon na ko ng blackheads even white heads appeared on my face. Kaya tinigil ko na. Now I'm getting older I want to use anti-ageing cream na. I want to try pond age miracle kasi I've read some sites with positive feedbacks aside that it is available now for only P120 yung small lang. Yung olay total effects ba meron ding available na ganun lang parang trial pack? Mahal kasi yun baka masayang lang if hindi naman hiyang skin ko, di ba. Kaya I want to try both of it first, that's why it is better to buy small bottle only.

8
Money / Re: Discount Coupons/ Vouchers - what other sites have you tried?
« on: December 06, 2012, 12:56:12 pm »
First time ko mag avail yung sa metrodeals na "Manila Bay Eat-All-You-Can Dinner Buffet Ship Cruise"...
Pero I haven't use it yet. Magpapareserve pa ako. Hopefully ok siya..

sis.. kailan ka nagavail nun or kailan mo gagamitin voucher mo?

Sis censya na medyo late ang reply, now lang ako ulit nakapagcheck dito. Last year ko pa napurchase yung deal, pero Feb this year ko lang nagamit. Ok naman, nice experience. Kaya lang instead of eat-all-you-can dinnerbuffet , ginawa na lang na plated dinner ng prestige cruise yung kasama sa deal. Kasi daw sa dami ng tao hindi kakayanin kapag eat-all-you-can, I mean hindi lahat makakakain. I don't know if naging ganun ulit yung deal nila ngayon.
Lately I have tried Groupon: Asian Massage,   Ensogo: Robinsons Movie ticket,   Cashcashpinoy: Plains and Prints Perfumes, and just recently Metrodeal: Christmas lights.

9
Ah, akala ko 30 levels e,  ;D
Here's the link sa youtube para sa Level 1.
http://www.youtube.com/watch?v=1Pc-NizMgg8
Grabe! Pinapanood ko pa lang now pinagpapawisan na ko, hahaha! Pero in fairness yung ibang routines ginagawa ko na, like yung squats and ab crunches, kaya lang 2 sets lang ako palagi. I'll measure nga yung body ko para malaman ko if gaano yung difference ng before and after.
Ako din, determine ako kasi I want to look good for myself. Hopefully matapos ko yung 30 days.
Determination is the key.
Thanks sis twelvth_goddess..

10
Pajoin!! Same here gusto ko din ma-trim yung mid section. Imagine I'm only only 47 kilos/103 lbs but my waistline is 29 inches. Just recently nagstart na din ako mag exercise, mga 2 week na. 20 minutes per day. Stretching, crunches, squats, running in place, tsaka jogging/brisk walking around the house, heheh! Payat naman ako, pero I really want my tummy na lumiit.  Mahilig din kasi ako sa mga sweets. Kaya need ko din to watch my diet.
Nasearch ko na sa youtube yung sinabi ni twelvth_goddess na workout. Level 1 pa lang yung nakita ko, til ilang levels pa yun sis twelvth_goddess? 30 levels for 30 days?  Tomorrow start na ko. Goodluck sa'tin mga sis!!  ;)

11
I'm currently on the 30 day shred work out by Jillian Michaels. I highly recommend this, grabe makapagpapawis and mag-trim. Nagta-tighten na yung legs and thighs ko na problem areas ko. 20 minutes per day lang pero heavy 20 minutes naman, chaga lang talaga.
Matry nga to. Search ko sa youtube. Thanks sis!

12
Pregnancy Health and Nutrition / Re: stretchmarks and swim wears
« on: October 11, 2012, 09:14:06 pm »
Kaya nga eh. If my only problem is stretchmark carry pa, kaso yung bilbil talaga, nakakainis!! >:(

13
Fashion and Lifestyle / Re: Mommy's Bathing Suit
« on: October 07, 2012, 08:48:14 pm »
Same problem here. Ano kayang ok na swimsuit, kasi bukod sa stretchmarks sa tiyan and legs kainis din yung flubby belly ko. Parang 2 mos pregnant ako, e 2 years ago na nung nanganak ako,  ;D.. Nag eexercise na nga ako para medyo lumiit naman.
Ano kayang swimwear ang matatago yung tummy ko? Any suggestions?

14
Pregnancy Health and Nutrition / Re: stretchmarks and swim wears
« on: October 07, 2012, 08:27:34 pm »
Buti pa kayo mga sis stretchmarks lang ang prob. Ako kasi aside from stretchmarks prob ko din ang tummy. Cute nga nung highwaist na swimsuit, sana kaya ring itago yung tummy ko, ang laki kasi nakakainis. Punta pa naman kami Boracay sa February..  :(
Ano kayang swimsuit ang pwede? Mahide kaya ng highwaist swimsuit ang flubby tummy ko?

15
Travel / Re: Terminal Fee
« on: September 29, 2012, 11:48:46 am »
I've checked my itinerary (Cebu Pacific) kasama naman yung terminal fee "Li" yung acronym niya.

Pages: [1] 2 3 ... 6