Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - lalabs28

Pages: [1] 2 3 4
1
hello . feedback ko lang po sa Shakey's SM North Edsa, yung clowns, thumbs up!, service ng crew thumbs up!, ang ayaw ko lang is mainit :( dun sa side ng windows . other than that okay lahat. yung serving ng food okay din hindi mukhang tinipid :) . definitely recommended. pag mag-iinquire kayo just ask for vhice :) talagang nag-enjoy kami ang yung mga guests namin.

2
yes ganun na nga sis kasi 18 lang ako nun .. hanggang ngaun kainis! yung isa kong friend napaanak ng di oras dun palpak kasi services eh .. ewan ko ba government hospital tapos ganun? dapat nga maayos-ayos naman sila!

3
me too :( badly in need of a yaya because i'll be gong back to school really soon as well as i'm managing my own business. super busy kasi and im doing this para hindi kami naka-asa sa bigay ng parents namin.

Qualifications:
-Security Documents (such as id's,nbi clearance and the like)
-May experience na sa pag-aalaga ng bata (1 y/o)
- Can do ALL chores regarding dun sa bata ng maayos
-If possible, maglalaba 1 a week and mag-plantsa (this is on weekends pag-andito kami ni hubby)
-yung mabait highly reliable.
-Uwian po not for stay-in

starting 2.5k may bonuses increase after 2 years (para sure na okay talaga siya).  7-7 work hours.
loc po namin . Caloocan City (maypajo)
please send me an email pag may marerefer kayo mga sister ha :) need ko tlaga ASAP dami naming aasikasuhin eh

4
Birth Control / Re: pregnancy test accuracy
« on: March 22, 2012, 06:20:19 pm »
share ko lang last tima na nagkaroon ako nung january 6 so dapat feb 6 or at least one week after meron na ako eh dumating ang march 1 wala pa din! i took a pregnancy test (medic) it was positive grabe i remember i was crying kay hubby kasi di pa namin plan. take note nag-pipills ako nun ha.. edi kami emote na although we know na it's a blessing for us kaso di pa kami handa na magka-baby ulit, CS ako then di pa kami tapos sa pag-aaral then wala pang 1 yr old yung baby namin.
Di pa rin ako pumunta sa OB ko kasi may doubts pa rin ako kasi 6 months ako nag-pills now lang nag-fail then sabi ko kay hubby bili siya ulit ng PT then ayun NEGATTIVE na .. I got more confused kaya i bought mga 5 PT's sa watsons yung tig-40 pesos.. 5 times ako nag-test ulit negative na ulit tas days after nagkaroon na ko .. :)

5
ako din .. september or october 2010
3 months preggy yata ako nun.
 gabi na nun 7 or 8 pm umihi ako den parang sabi ko ibang yata feeling ko medyo masakit yung puson ko then when i got up to my surprise i was bleeding as in marami after seeing that i kept myself calm kasi diba baka lumala if nag-panik ako,
So ayun nagpalit ako ng damit and pretended everything's fine  (di pa kasi alam ng parents ko na preggy ako) after a while my bleeding stopped but i was having contractions sobrang sakit so I called my OB kaso di ko macontact tinawagan ko si hubby hindi ko rin makontak pumunta na lang ako sa house ng tita and told her na ganun nga nararamdaman ko deadma na lang siya na pagalitan ako she called her OB and asked what to do sabi nung OB count kung consistent then pag nagbleed ulit punta daw ako ng hospital,
we waited for 3 hours then yun okay na nararamdaman ko so I went home para magpahinga.
kinabukasan sumasakit na ulit tyan ko then sabi na punta na daw ako sa hospital eh ako wala naman akong alam sa ganun i went dun sa malapit na hosp. sa'min kasi maskit na tyan ko .
Direcho kami sa ER then sabi wala daw available na OB! WTH! di man lang ako chineck! then ayun sakto yung OB nila kakapasok lang then in-IE ako etc. then sabi uwi na lang daw ako! wala naman daw mali sa pregnancy ko :(. kaya ginawa namin ni hubby kahit malayo punta kami sa original OB ko then ang findings niya mahina nga daw kapit ni baby tas ayun niresetahan ako and iniject ng gamot.

Kainis lang yung OB na nag-check sakin grabe kung makapag-salita kulang na lang sabihin niya nag-iinarte lang daw ako tas yung ibang nurse tumatawa pa while i was being checked.ETO PA MERON PA AKONG NARINIG NA NAGSABI (AMONG THE OB AND NURSES) NA BAKA MAY INIINOM DAW AKO KAYA GANUN TAS KAYA AKO MAGPAPA-CHECK IS TO MAKE SURE KUNG MAY BABY PA .. grrrr kainis talaga pag naalala ko!
dito lang po yang hospital sa Caloocan along A.mabini

6
hay.. grabe no? akala nila eh porket nasa ibang bansa milyonaryo na! kasi mom ko OFW sa middle east, 5 years pa lang siya late na kasi siya nakapag-abroad kasi ayaw niya kaming iwan as much as possible kaso kailangan nila mag-paaral ng 2 college na anak ..
Anyway, 1 month before umuwi mom ko grabe punta ng punta dito mga kapatid niya kunwari tinatanong kung kamusta na siya but the aim is mangungutang halata naman eh, nakakapag-taka lang kasi is kung kelan malapit na umuwi mom ko tska sila naglalabasan whereas nung time na gipit kami pati yung share ng mom ko sa lupa nila hindi nila binibigay at mega ignore pa sila sa mga tawag at text ha .
So ito na nga dumating na mom ko AS IN pag-uwi namin galing airport wala pang 30 mins. tumawag na yung pinsan ko at guess what? nangungutang ng 20k! then i just said pwede daw po ba magpahinga muna si mama kasi kakauwi lang namin eh . the next day eto na si pinsan (20k) at kasunod si kapatid na nangungutang 10k!  sabi ng mom ko pwede tig-5k lang kayo? kasi hindi naman malaki pera kong dala tsaka marami akong bayarin but  yung mga relatives namin ayaw pa so no choice si mom kasi naunahan na ng awa kasi ang daming dahilan. then sumunod na days merong 5k, 3k, 10k etc.

IN SHORT ayun napunta sa pautang yung money ni mama .some paid, some didnt lalo na yung 10k :(

yun nga hindi sa nagdadamot pwede naman sila mabahagian ng blessings di ba? nakasanayan na natin yung may sabon,kape,gatas konting damit at pabango yung natatanggap o naibibigay. okay na nga yun kesa sa wala pera din naman ipinambili dun, sana i-consider nila na may paglalaan na ibang bagay sana yung pera na hiniram nila.
Nakita ko kasi hirap ng nanay ko dun sa pera tas ganun lang mangyayari di man lang niya daw naipagawa yung bahay namin o nakapag-ipon man lang ..


7
ako mga sis nakapag-reserve na sa Shakey's SM north edsa fpr April 9.. any feedbacks? what to expect po? so far sa lahat naman ng napag-usapan namin okay naman .. How about the food po? kasi yung pinili ko is yung worth 160 each po kaso pina-palitan ko yung spag with rice and yung pizza walang ham kasi bawal pork .. muslim kasi si baby and hubby..  so ayun .. pahingi na lang po ng feedback about them .. Thanks sisters!

8
KVsmommy :) yun nga siguro yung dahilan kasi ambilis makapag-papayat tska siguro na rin sa ingredients.. di naman din natin sure kung yun talaga yung ingredients na nakasulat di ba?..

9
sis KVsmommy :) ako ginamit ko siya january 2 months ako na-delayed :| pero i dont know bigla na lang dumating di rin naman ako nag-stop magtake nung jap. hokkaido. coincidence lang kaya yun sis? . i think hindi ka hiyang kaya dami  mong naramdaman na side effects sis good thing you stopped.

10
naligo ako ng nakaupo kasi i couldnt stand anymore sa sobrang sakit :( . then si hubby nag-bihis sa'kin pinasuot niya sa'kin yung maternity dress na gustong-gusto niyang suot ko hehe .. sabi ko bakit yan? sabi naman ni hubby "syempre para maganda ka pa rin" hahaha .. kasi naman grabe mukha na akong ampalaya nun nakasimangot na talaga ako sa sobrang sakit.

11
@Jeuno: thanks sa advice sis .. nag-usap na kami pero ayun wala nangyare umalis pa rin kanina at nag-basketball. kairita talaga .. hayy .. will try to talk to him again para maayos namin to.. parati kasi yan ang pinag-aawayan namin eh

12
kami now lang . gusto parati mag-basketball araw-araw . dito nga sa bahay puro laro na ng NBA aba gusto umalis pa para maglaro sa labas. okay lang naman sana sakin eh kaso sobra na eh as in like kanina may inaayos ako sa sideline ko tas siya naglalaro lang ng NBA kahit na iyak na ng iyak si baby wala siya pake.. kainis!

13
Beauty and Product Reviews / Re: Whitening Soaps / Lotions?
« on: March 14, 2012, 09:00:27 pm »
im using gluta soap grabe pumuti agad ako tas yung stretchmarks ko nag-lighten konti na lang hindi na talaga halata ^_^ sabi nga ng hubby ko parang na-transplant na yung tummy ko kasi laki daw ng pinagbago hehe

14
@buyandflaunt: yes sis effective siya ng bonggang-bongga! hehe .. laki ng pinayat ko .. mas mabilis effect kesa sa pretty model. problem ko lang na-disrupt yung period ko pero ewan ko lang kung effect niya din yun hehe other than that wala okay na okay .. pawis then laging uhaw :)

15
ano ba tong topic na to? haha . kapalaran nga naman :)

Do I think of him? YES
Why? He was my friend, gayfriend, sister as In lahat kasi We were great together yung parang lalaki sa movies yung perfect. kaso may catch sa relationship namin, He was 10 years older than me, I met him 15 years old lang ako he was visiting yung common friend namin "kaisan" then after a few months ayun naging kami I would stay at their province for  2 days, punta sa birthdays, anniversaries,kasal, patay ng kamag-anak niya take note sa province yun ha, ako naman si punta.
Okay kami until I found out na meron siyang ibang GF na mas nauna kesa sa'kin. Ang ending eh ako pala yung "kabit", I broke it off, he called and even went to my school para mag-usap pero ayoko. Then He called my bestfriend tas sabi niya hiwalay na daw sila and nag-sorry siya eto naman si bestfriend sinet-up ako . gumimik kame then pag punta namin dun sa bar andun siya He explained everything then ayun naging kame ulit "first love" ko kasi . then nalaman ko ulit na hindi pala totoo sila pa rin nung girl kaya I broke it off again. I blocked him sa lahat pati sa CP ko.
Ito yung pinaka-masakit eh, tumawag siya iba number gamit, he said  He loved me so much kaso bata pa ako marami pa mangyayari sa buhay ko at kung hindi lang daw naging complicated kami pa din.

few months later (college na ako) I found out he got maried kasi buntis yung girl. he tried to contact me though our common friend "kaisan" pero pinigilan ko sarili ko na kausapin siya.

Don't get me wrong maha na mahal ko hubby ko kaso syempre di ba first love never dies, it just fades away and naging part siya ng buhay ko . :)

Pages: [1] 2 3 4