Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - aliya_liapot

Pages: [1] 2 3 ... 5
1
Hi sis! Ganyan din ako before after i gave birth to my daughter. I bought a lot of educational toys but nasira lang. Kasi ang mga babies or toddlers, hindi pa naman marunong mag ingat ng mga toys. Madalas hinahampas lang nila yung toys na parang drums. Ang sulit na purchase lang namin are the brainy baby dvds. Dun nagstart matuto ng letters, numbers, shapes and colors yung daughter ko.  As early as 6 months, pinapanood ko na sa kaniya yun.

If you really want to buy toys, i recommend K's kids na toys. Soft toys na educational. My daughter has the shape shifter house and she loves it. Btw sis, my daughter has the vtech learning table and she didnt actually learn from it. Gusto lang niya pipindutin but thats it. Mas natuto talaga siya sa brainy baby dvds.

Now that shes almost 3, ipad na nilalaro niya. All educational apps like fisher price and the like. Hinay hinay lang sa pagbilu ng mga expensive toys kasi most of them hindi talaga magagamit ni baby based from my experience. Good luck sis!

2
Hi sis. I have a 2 year old daughter and her milk is progress gold by wyeth.  medyo pricey lang siya compared to other milk brands. Pero sis sobrang worth it talaga. Hindi sakitin daughter ko and sobrang siksik. Hindi siya mataba pero mabigat kahit hindi din gaaano malakas kumain. Kasi sa age niya, mahilig na maglaro kaya minsan ang hirap pakainin. Hindi na din siya nagvvitamins kasi sabi ng pedia complete na yung nasa milk niya. So vitamin c na lang pinapainom ko.

Try mo na lang sis kung gusto ng anak mo kasi sa age na yan, madali nila napapansin pag may iba sa milk. Buy ka nung pinakamaliit na size lang. Nung una din sis namahalan kami sa wyeth gold products kaya lang nung nakita na namin effects sa daughter ko, nag tipid na lang kami sa ibang bagay para lang macontinue yung milk niya. Hope maging pareho din effect sa anak mo.

Good luck =)

3
If im not mistaken sis, meron na sa box ang promil gold so i assume its cheaper than the one sa can. Hindi ko lang sure kung magkano kasi my daughter is now in progress gold tapos lagi pa 1.6 kg (largest can) yung binibili namin. Around 1600 yun. Try mo sis sa puregold or sm kasi mas mura sila dun kahit papano.

4
Hi sis!
 
Try mo wyeth gold products. Yung for 8 mos ata nila is promil gold. Yung daughter ko kasi after BF, nag s26 gold then promil gold and now progress gold. Sobrang ok yung milk sa kaniya. Malusog and hindi sakitin kahit hindi consistent yung vitamins niya. medyo pricey lang siya compared to other milk pero pag nakikita ko yung effect sa daughter ko, sulit na din.

5
Hi sis!

Nung ilang months pa lang daughter ko, sinusunod ko talaga yung nakalagay sa can. Mabuti na yung safe kasi baka yung ok para satin, masama na pala sa tummy ng baby. Pero nung lumampas 1 na siya, as long as ok pa yung amoy ng milk, pinapadede ko pa din sa kaniya. Basta ang important lang hindi nainitan yung tinimpla mo. For example, naiwan sa car yung milk niya and pagbalik ok pa yung amoy, hindi ko na pinapadede sa kaniya kasi baka makasama sa tummy niya yung nainitan na na milk.

6
Hi sis! For me hindi dapat masstop yung paginom ng mga bata ng milk. Siguro what your neighbor meant was stop na dapat dumede sa bottle yung kid mo. madaming nutrients nakukuha ang mga kids sa milk like pampatangkad, pampalakas ng katawan and pampatalino. So dapat kahit nagsschool na siya, tuloy pa din yung pag inom ng milk.

Yung ferrous naman, masyadong dark and thick kasi yun kaya parang feeling mo nakakasira sa teeth ng kid mo. What you can do is brush the teeth kada inom niya ng ferrous kasi mapait din naman lasa nun.

I have a 2 yr old daughter and she still drinks from her bottle. Wala naman issue sa pedia niya kasi bata pa naman. Matibay din teeth niya and im sure its because of the milk.

Good luck sis

7
Hi sis! Im 8 mos pregnant din and im having the same problem. Mas mahirap ngayong 2nd pregnancy ko kasi yung 2 yr old daughter ko katabi ko magsleep kaya sobrang daming pillow sa paligid ko pang protect ng tummy =) ang nagwwork sakin ngayon is yung parang halos nakaupo na tapos 2 pillows ang sinasandalan. Mas madali kasi sakin huminga pag hindi totally nakahiga. Yung isang position pa is yung patagilid. May pillow in between the legs then 2 pillows sa side, yung isa dun yakap ko. Mas relax kasi arm ko pag mataas yung pinapatungan. Yung isang arm ko naman nasa ilalim ng pillow sa head ko. Sorry sis ang hirap idescribe sa sobrang dami ng pillows na ginagamit ko. =)

Anyway konting tiis na lang din naman para satin at malapit na tayo manganak. Good luck!

8
Hi sis! I used both pigeon and avent bottles sa daughter ko. Para sakin wala namang pinagkaiba. Yung pigeon bottle pa na ginamit ko sa daughter ko nun is yung basic lang. Hindi pa yung katulad ng mga bottles ngayon na anti colic and bpa free. My daughter turned out fine =) actually, mas gusto ko pa yung pigeon bottles kasi hindi siya naglleak. Yung avent kasi minsan madali nattwist yung cover.

Kung hindi ka naman brand conscious sis, any bottle will do but piliin mo na yung bpa free and anti colic since dami na bottles na ganun na affordable din. Try mo yung simba bottles sa sm dept store or kuku duckbill bottles available sa market market and festival mall alabang. Mas mura siya compared to pigeon. Sayang sis hindi ka nakapunta sa baby fair sa megamall. Thats where i bought the bottles na gagamitin for my 2nd baby. Avent and pigeon was on sale so i bought my 4oz avent bottles for only p240 each.

For sterilizer naman, any sterilizer will do din as long as magffit ng maayos yung mga bottles na bibilhin mo. Ako, im using pigeon sterilizer but gift lang yun sakin. If ako masusunod, i would get those na parang 3in1 ata na may bottle or food warmer ata. Ask ka na lang sa mga stores ng mga bago nilang sterilizers. Wag ka lang papadala kasi sometimes ang sasabihin agad nila is yung pinaka expensive na type but honestly it does the same thing that cheaper brand does.

Happy shopping! =)

9
Health and Nutrition / Re: Congenital Anomaly Scan
« on: February 28, 2013, 04:04:20 pm »
Hi sis! I had one just last month and parang nagpa-ultrasound ka lang. Mga 30 mins yung procedure but it depends din kung cooperative si baby and makita agad lahat ng body parts niya. Other OBs dont recommend this kasi baka masyadong kabahan yung mga moms and makaapekto pa sa pregnancy. Yung sakin kasi, i was the one who requested for it kasi dami ko ininom na meds nung 1st month ko. Nagka-trangkaso kasi ako then hindi ko pa alam na pregnant ako at that time. Sa 1st baby ko hindi ako nagpa-congenital anomaly scan.

I guess you have a say in this. If youre not comfortable with the procedure, maybe you can tell your OB.

Good luck!

10
Real Parenting / Re: TV Show for Kids: Barney or Dora?
« on: February 28, 2013, 03:19:11 pm »
Hi sis! My 2 year old daughter loves watching mickey mouse clubhouse sa disney junior channel. Hindi siya dumaan sa barney and dora. Nung baby pa siya, she started watching Your baby can read dvds, meron siya sa you tube na pwede mo download if ever magustuhan mo. Not sure kasi kung san makakabili nun ngayon. Upto now pinapanood pa din niya yun along with brainy baby dvds. Before she turned 2 marunong na siya ng alphabets, numbers, shapes and colors. Malaking tulong talaga yung mga educational dvds. Sa case mo, i suggest not to let your child watch cartoons such as oggy and the cockroaches or tom and jerry kasi walang salita yun. I have a 3 year old nephew and yun yung mga gusto niyang pinapanood.

Good luck sis!

11
Home / Re: Best and Affordable Cable TV provider
« on: February 01, 2013, 04:35:24 pm »
Hi sis. Im not sure if its true but sabi nila this year, skycable will be requiring their subscribers to have a digibox. If im not mistaken, 1 digibox siya per tv tapos expensive pa ata. Then wala pa siyang disney junior for the younger kids. Jeepney tv din ata is on trial lang for a month. Pareho din ng ibang moms, important lang sakin is disney junior, jeepney tv kasi kakatuwa mapanood yung mga shows nung bata pa ko, then sports channel for hubby especially yung lumang basketball games. Will look forward to answers of other moms too. Kasi were planning to change cable provider by next month. Sky cable kasi kami ngayon. Thanks

12
Hi sis.

Try mo B.A. studio. We booked them nung nagparticipate sila sa wedding fair sa rockwell tent. 35k lang all in. Photo, video, dvds, pre nup, photobooks for couple and parents, wedding day video na ipapakita sa reception, etc. meron din sila sariling venue for pre nup and then depende na sa couple kung gusto pa nila magpapic somewhere else.

Good luck!

13
Hi sis.

Suggest ko sayo Santuario de san jose. Dun kasi ako kinasal. Malaki and malinis yung church tapos nasa loob siya ng village kaya hindi magulo sa labas ng mismong church. May aircon din yung church so its convenient for you and your guests. Covered yung paghihintayan ng bridal car so even if its raining, you dont have to worry about your dress getting wet. Even yung doors nung church maganda. Nabanggit ko to kasi naka close yung door before the bridal march kaya napansin ko na elegant nung design niya. Mahaba din lalakaran mo if ever then malawak sa altar area kaya kahit magtake ng pics yung photographer in front, hindi nakakasagabal. Maganda din ang background pag nagpicture sa altar kasi gold siya. Madali lang din ang process sa kanila unlike other churches. If im not mistaken, 2 weeks lang tapos na yung interview and seminar namin sa kanila so ibang wedding prep na lang inaasikaso namin. Madami din restaurants and hotels nearby kaya hindi hassle.

Try mo puntahan sis. Im sure magugustuhan mo kasi maiimagine mo kung gano ka-solemn and ka-elegant yung magiging wedding mo. Good luck and congratulations! 😀

14
Travel / Re: problems in travelling with baby! (long ride / by car)
« on: January 28, 2013, 09:50:15 pm »
Hi sis.

Hindi ko naexperience yan with my daughter. Baliktad pa nga siya, once nasa car na, mas madali siya nakakatulog. Even now that she's already 2. May mga times lang na sa sobrang haba ng trip, nagiging impatient daughter ko. What i do is binababa ko lang yung window para may air. Minsan kasi gusto lang nila yung fresh air kesa naka aircon. Im pretty sure na ilang minutes lang nakaopen yung window, makakatulog din agad baby mo. Make sure din that your baby is wearing comfy clothes para hindi siya mairita lalo sa byahe. If that doesnt work, try bringing the toys that your baby loves. Sa case ko, nagwwork samin yung pag watch ng videos sa ipad. Basta makita na niya favorite cartoons niya, tumatahimik na siya tapos after hihingi na siya milk then makakatulog na.

Sa bottles naman, i never considered dr browns kasi ang complicated nga. Im not sure if pwede to but you can try transferring dr browns nipple to a much simpler bottle like avent or pigeon. Kasi ang mga babies naman, maselan lang sila when it comes to bottle nipples and not the bottle itself. Ako kasi avent bottles gamit ko but yung nipple is pigeon peristaltic. Yun kasi nakasanayan ng daughter ko.

Mag experiment ka lang sis kasi iba iba din naman bawat baby. Sana magwork din sayo yung nagwork sa daughter ko. Good luck 😀

15
Travel / Re: airplane ride / flying with children / infant
« on: January 28, 2013, 09:25:09 pm »
Hi sis. My daughter was 5 months old when we first took her to HongKong. 2 hours plane ride. Based on my experience, mas madali pa nga ibyahe ang babies kasi usually tulog lang sila sa plane. Now that she's already 2, very impatient na. What we do is before take off, binibigyan namin siya milk. Sabi nga ng pedia niya kahit food daw pwede. Basta anything that she can chew and swallow makakatulong daw yun. Pero mas effective samin ang milk. Then same thing din pag maglland na. If ever tulog siya, hindi na namin binibigayn ng milk and ok naman siya pag gising niya.

Ok lang naman plane ride sis especially kung kailangan talaga. 1 hour lang din naman yun. Pero if you dont have to go to cebu naman agad, you can wait kahit mga 2 or 3 months lang para atleast sanay and kabisa mo na moods ni baby. Hindi ka mahihirapan sa byahe.

Good luck 😀

Pages: [1] 2 3 ... 5