Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - MommyMichell

Pages: [1] 2 3 ... 19
1
Members' Kumustahan board / Re: Our stories of Friendship
« on: March 11, 2013, 12:12:39 pm »
now lang ako uli napasilip dito sa SP dahil sa post mo mamu Celest, (kaloka nakailang try ako sa log-in, nakalimutan ko na password ko, lagi na lang)

masasabi ko lang natural nagkakatampuhan, samaan ng loob, pero lilipas din lalo na para na tayong magkakapatid (mga totoong magkapatid nga nag-aaway, ate ko nga lagi kong kasabunutan dati hehe, tayo pa kaya) at dahil iba iba talaga ugali natin matuto na lang mag-adjust sa isa't isa at kung kaya namang palampasin ganun na lang gawin, or pwede naman kausapin yung taong nakasamaan ng loob, matatanda na tayo, kaya na natin pag-usapan ng maayos kung ano mang issue ang meron

thank you sa SP dito ko nakilala mga sisters ko, kasama sa laugh trip, food trip, galaan, kabaklaan pati dramahan, looking forward sa mga pagsasama pa natin

2
thanks Mommy Onie, pero kung maibabalik ko lang yung time  :( ang dami kong hindi naiset up ng maayos like yung candy corner parang bahala lang na nakalagay sa isang tabi, hindi ko nailagay choco fountain at popcorn maker, may game booth din dapat na son ko maghohost, parang gahol na gahol ako, hindi kasi ako magaling sa time management  :-[ mga prizes hindi naiarrange nasa plastic lang, iniisip ko na lang super happy naman ng daughter ko at guests pero sad pa rin, hindi ko pa naisuot yung princess accessories ng daughter ko na nasa bag ko lang pero pag-uwi ko na naalala, buti yung crown nailagay ko pa

magbibirthday mga pamangkin namin, gusto ko sana try DIY nung balloon decor kaya lang wala pa talaga akong kaalam-alam kaya sana makajoin ako ng tutorial/seminar na ginagawa ng mga SP sisses natin

3
yay! may ganitong thread  :D super like ko Naruto (both manga & anime),
yung One Piece hindi ko pa nawa-watch or read

31 years old na'ko, son ko 12 years old na, daughter ko naman 7 years old, ayun yung son ko nakuha hilig ko sa anime, fan na fan naman sya ng bleach at fairy tail  :)

right now mas nakakapagbasa ako ng manga kesa watch ng anime kasi mas madaling maghanap ng manga online kesa anime e hehe

4
sisses verystrawberry & starfire, both kids ko (now 12 & 7 years old) from S-26 (1-6 months) ginawa kong Gain nung 6 months to 1 year na sila, maganda naman combination  :) pero true hiyangan din kasi though hindi ko na ni-consult sa pedia nila, binanggit ko na lang nung next visit basta wala naman naging problema kay baby okay naman

5
hi sis, para sa akin it's way out of line yung sinabi ni hubby, foul yon for me, pero since hindi naman naging sila be at ease na rin kahit papano kasi based sa kwento mo hindi naman sya bet ng bff niya, ikaw na nga nagsabi na crush ng hubby mo dati bff niya pero hindi naging sila so that means hindi sya umubra kay bff  :)

yeah normal yung nagsasabi ng "i miss you" and "i love you" sa bff pero since babae bff niya sana ilagay sa lugar kasi may asawa na syang tao, sabi mo naman alam mo naman na walang namamagitan sa kanila pero syempre hindi natin maiwasang magduda at mahurt kahit papaano, sya kaya ano mafe-feel pag nag "i love you" at "i miss you" ka sa bff mong lalaki?   ???

6
Cherifer, PedCee, PedZINC Plus C  :)

7
Pediasure or GainPlus maganda, tried & tested sa kids ko though syempre hiyangan pa rin

8
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: birthday party every year
« on: July 07, 2012, 02:12:06 am »
sa son ko every year kami nagce-celebrate, jollibee, KFC, house and nung nagschool na sya sa school na rin yung party pero umayaw na syang magparty nung grade 4 na sya \, nakakahiya na daw sa classmates niya :(

daughter ko every year din usually swimming party since she's a mermaid (hehe) pero she turned 7 na last april so I promised myself na sa debut na ulit next party, grabe din kasi gastos kahit sabihin mo pang hindi naman super bongga yung celebration

9
Hobbies and Special Interests / Re: What's your Internet Network?
« on: July 07, 2012, 01:47:32 am »
sadly laging nawawala signal ng smart bro kaya nagpakabit na kami ng globe kahit sa october pa matatapos yung lock in period namin sa smart bro kasi grabeng pahirap na, halos hindi na kami makapag-internet dahil lagi na lang nadi-disconnect, so far mas okay ang globe namin ngayon

10
sayang hindi ko alam na nagkaroon pala ng tutorial nung juner 23 sa sta. lucia medyo malapit lang kami don  :(
tagal ko kasi di nakalog-in, birthday ko naman sa july 14 gustong gusto ko pa naman mag-join pero parang not meant to be laging may kasabay na event/occasion, sana talaga next time kasama na'ko, good luck sisses! thank you sa mga hindi napapagod mag-share ng talents nila, sobrang bilib ako sa inyo  ;)

11
sis pola yung styro castle backdrop nung 7th birthday ng daughter namin DIY lang, parang P2,000 lang inabot:


12
thanks sis mamamaryann! ang bilis nai-mail ni sis michelle ng shutter count yung dvd copy ng pics nung birthday ng daughter ko at ang dami-daming pics kaya happy kami at super sulit yung rates nila  :)

ay sayang naman sis franmer18, ang galing pa man din mag-edit ng video ng shutter count, ang gaganda din nung pictures na kuha nila nung kay sis emz ca ng sp na event

13
pareho kami sis trishevil, frustrated baker din ako, romance writer, dressmaker, astronaut, paleontologist at interior designer kaya mukhang mage-enroll ako sa dressmaking classes 'pag may malapit dito sa'min para mabawasan naman list ko  :)

14
eto pala some of my favorite pics from Shutter Count:


Snow White Ocean & Princess Tristen




15
hi sisses! grabe ang tagal ko di nag-online  :)

nung 7th birthday ng daughter ko we got Shutter Count for photo coverage, ang daling kausap nila sis Michelle & Daddy Benj, ang aga nilang dumating sa venue at ang gaganda ng kuha

nahiya nga kami kay daddy benj kasi hindi sya nag-eat  :-[ talagang tuloy tuloy pagkuha niya ng pictures e hindi ko na naalala na bigyan na lang ng take out, eto pictures ng baby girl ko:

http://shuttercountphotography.com/2012/04/day-with-beautiful-princess.html

Pages: [1] 2 3 ... 19