Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - kawaiimaridel

Pages: [1] 2 3 ... 7
1
Problem ko din to ngayon sa anak ko. ang hirap pakainin. Minsan paiyakan pa kami. Breastfeeding pa din kami until now. Minsan naiiyak na ako sa kahahabol sa pagpapakain sa kanya.

2
Single Moms / Re: Challenge to Single Moms..Let's move on together...
« on: September 12, 2019, 08:49:02 am »
Hello everyone!
Kamusta na kayong lahat?
Mga single nanay pa din ba o mga inlove na? Kaway kaway naman kayo jan...
Hope to hear from you ang successful story ninyo sa pagmumove on... God Bless you guys
(dati basa basa lang ako dito, hindi ko akalain na magiging single nanay din ako)

3
Im very lucky na hindi ako nakasal sa isang maling tao..
We've been together for 15 years,may plano naman kami magpakasal talaga but still hindi natutuloy and ipinagpapasalamat ko yun,akala ko kilalang kilala ko na siya dahil sa tagal ng pagsasama namin at nagkaroon pa kami ng 2 anak.pero nagkamali ako...
buti na lang hindi talaga ako nakasal sa tao na akala ko nung una ay may paninindigan sa pamilya,may pangarap at pagmamahal..but nagkamali ako...buti na lang talaga..

4
Romantic Relationships / Re: Selos sa katrabaho ni husband
« on: March 12, 2018, 02:52:46 pm »
Try to be calm sis,pag-isipan mong mabuti ang mga bawat hakbang na gagawin mo kasi hindi mo na maibabalik ang kung anong magagawa mo..
Kausapin mo ng maayos si girl,if hindi tumigil pati asawa mo then isumbong mo na sa hr kung talagang naconfirm mo na.Napakahirap ng nasa sitwasyon mo,walang peace of mind lalo na pag hinihintay mo siyang umuwi...
Pagpray mo sis ang lahat ng nangyayari,and kausapin mo ng maayos ang asawa mo kung ano ba ang status nyo...but alam mo naman ang mga lalaki,lulusot at lulusot ang mga yan.ilayo mo ang sarili mo sa badvibes,ang hirap kalaban ng stress..if malaman mo yung totoo,do it in legal way na lang din.napakahirap na mawala ang tiwala,everyday akong beastmode as in...kaya nilayo ko ang sarili ko sa makakasakit sa akin...talk to your trusted friends and family,wag mong kimkimin ang galit mo ha..
basta yung rights mo ang ipaglaban mo at gawin mong tama..tandaan,wag mong padadapuin sa madumi ang mga kamay mo haha if you know what I mean.

5
Kids With Special Needs / Re: Moebius Syndrome Philippines
« on: January 26, 2017, 11:55:50 pm »
Thank you smart parenting because of this thread ay nakikilala namin ang ibang mayroong Moebius syndrome.kasi ito yung unang lumalabas kapag sinesearch nila in google ang Moebius Syndrome Philippines.Maraming salamat sa hindi po ninyo pagreremove ng topic na ito.
I am Maridel Carapatan I have daughter who have Moebius Syndrome you can reach me sa facebook/messenger ko and to this contact # 09177751235
Thank you
Maridel

6
Hi sis baka merong doktor dun sa school nyo,maybe patingnan nyo siya dun para na din maeducate si teacher.hindi po si teacher lang ang dapat magdecide nyan,talk to principal and guidance councellor na din,basta po magpasched na kayo ngayon sa dev.ped.para po matingnan agad ang bata.magtatanong kasi yan kung bakit di siya pumapasok sa school.mas mahirap na magpapaliwanag ka sa kanya na dahil lang ayaw ni teacher..baka tamarin ng pumasok yan di ba.

7
Kids With Special Needs / Re: Moebius Syndrome Philippines
« on: August 11, 2015, 01:26:13 pm »
Hello everyone!,
As of now moebius syndrome philippines have 50 members already..
If may kakilala pa kayo na mayroong Moebius Syndrome.please dont hesitate to PM me here.
Thank you smart parenting.

8
Kids With Special Needs / Re: Moebius Syndrome Philippines
« on: April 28, 2015, 12:36:26 am »
Im very happy that my thread is still here...im very thankful sa smart parenting dahil madami akong nakilala na mga new members  na may koebius syndrome.thank you for not deleting this thread,marAmi ang naabot nito lalo na ang mga magulang ng mayroong moebius syndrome...
Kudos to admins!
Thank you so much
As of now we are 50 members na,lumalaki na ang moebius syndrome family...
Please dont be afraid to ask me about this rare disease,im very willing to answer you...
Please help me to spread awareness about moebius syndrome!
Thank you so much admins and smart parenting

Maridel carapatan
09225328191

Please visit our website for more information
http://moebiussyndromephils.weebly.com/about-us.html

And Philippine Society For Orphan Disorder
To know more aboit Rare Diseases here in the Philippines
www.psod.org.ph

9
i think nagtaas na siya,nitong sept.21 siya ang kinuha ko sa 7th birthday ng anak ko,8,000 po ang singil niya since sa Laguna pa po kami,magaling po siya at tuwang tuwa ang mga bata,pati matatanda na din and halos lahat sila eh sinasabi na magaling ang host na nakuha ko...sobrang bait pa po...

10
Kids With Special Needs / Re: Moebius Syndrome Philippines
« on: September 13, 2013, 12:15:39 am »
hi janela,i already pm you na po...

11
Kids With Special Needs / Re: Moebius Syndrome Philippines
« on: February 15, 2013, 10:08:41 pm »
hi ianna...pasensiya na ngayon lang ako ulit nakapag-online dito...please contact me at this # 09225328191...Dami kong question sayo,but please contact me ha...im maridel...

12
Kids With Special Needs / Re: Moebius Syndrome Philippines
« on: August 19, 2012, 12:49:38 am »
hello guys,eto po yung update ko sa  oebius syndrome support group po dito sa Philippines...nagkita kita po kami knina sa NIH building eto po ang aming mga angels...nag get together po kami...at padagdag ng padagdag ang members dahil na din po sa campaign awareness....eto po yung album

https://www.facebook.com/media/set/?set=a.4269991708620.178112.1250924116&type=1

13
Labor and Child Birth / Re: Experience in Fabella
« on: August 12, 2012, 12:50:29 am »
hala over naman yun ha,ano walang hagdan para bumaba at dalhin sa morgue yung bata..at never na nasa baba ang nanay na nanganak kasi di siya papalabasin hanggang di clear lahat ng papers niya at bata,di din pwede na ang nanay ang mag asikaso ng papel dapat yung kasama niya...grabe talaga yun di ko maimagine,may human rights naman kaya never na gagawin ng fabella yan...siguro may nagkwento lang din sa kanya nyan...

14
Labor and Child Birth / Re: Experience in Fabella
« on: August 11, 2012, 12:07:29 am »
hindi naman sis,nakalagay siya sa container na nakasealed,yung parang orocan na white na may takip,kasi lagi ako sa nicu gawa ni paula.kaya may dumadaan sa harap ko na patay na baby pag nagpapabreastfeed ako..

15
Labor and Child Birth / Re: Experience in Fabella
« on: August 10, 2012, 08:23:02 pm »
sis isa ako sa patient ni Dr. ILEM sobrang bait at maalaga sa pasyente si dok,kahit siya yung head doctor dun.sa kanya din ako nagpapapap-smear...

sa experience ko sa fabella,sa facilities ng loob ng ward,sis isusumpa mo talaga as in,sobrang baho,yung banyo kung san san yung napkin nakakalat,burara mga iba kasi,ang tawag ko sa lamok dun eh dragon,2 patients per bed,minsan sira ang elevator,nasa 2nd floor kasi ang nicu,sobrang sungit ng mga nurse as in,napaaway na din ako dun maraming beses na,they dont have feelings,kung makapagsabi lang sila na patay na yung anak ng nanay na nandun sa ward ganun ganun lang,pag wala kang pera at wala kang pambili ng pagkain sigurado magugutom ka...araw araw may rasyon pero di ko makain,hindi dahil sa maarte ako,dahil nakikita ko gingawa sa plate pag iniwan na lang kung saan...sa 2nd floor ako nagbabanyo,kaya nabinat ako...ayokong mag-inarte sa loob kasi nasa critical stage ang anak ko,nasa nicu siya ng 16 days,yun lang magagaling talaga mga doktor dun...yun lang masasabi ko...dami na yata....sa may philhealth pedeng may bantay,pero sa ward lang maiwan ka dun mag-isa...

kaya kung tatanungin mo ako kung babalik pa ako dun...NEVER na talaga...mag-iipon na lang talaga kami pag nagbuntis ako ulit...may 9months naman eh para mag-ipon..pero kung di ka talaga maarte pwede naman doon kaya lang ihanda mo na ang sarili mo....alam mo na gagawin mo next time...magdala ka ng sariling kumot at unan mo,magdala ka ng electric fan,itago mo mabuti gamit mo dahil may nakawan din diyan sa loob at mag-imbak ka ng pagkain...pero usually pag normal 2 days na pinakamahaba mong stay pero sa cs 5 days...nagstay ako ng 20 days sa fabella gawa ng anak ko..marami ding tumatakas na nanay at iniiwan yung bata...isa na ako sa nag-alaga ng baby na iniwan ng 1week ng nanay,tumakas siya kasi wala siyang pambayad ng bill niya...

Pages: [1] 2 3 ... 7