Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - bianxious

Pages: [1] 2 3 ... 11
1
News, Entertainment and Politics / Re: Walking Dead
« on: November 27, 2012, 10:15:51 am »
@lizstateresa I've noticed that pero until now, hindi ko pa alam kung sino yun or kung may tao ba talagang nakasilip. Baka namali lang yung kuha ng camera pero imposible din yun.

Napanood ko na yung latest episode at paganda na ng paganda tong season na to! Laging nakakabitin! Grabe excitement ko, siguro kasi nagbabasa ako ng comics. Alam ko na kasi yung posibleng mangyari at excited ako makita yun in action. Pero maganda din na hindi gayang-gaya katulad sa mga characters. Ibang iba itsura ni Governor sa comics kesa sa series na to. Dito napaka charming niya parang ang bait bait, magtitiwala ka kaagad. Dun sa comics mukha talagang rapist/terrorist/lahat na ng pwede mong idugtong sa -ist na masama. So kung hindi ka nagbabasa ng comics, magiging parang part ng twist yung ugali ng Governor.

2
News, Entertainment and Politics / Re: Walking Dead
« on: November 05, 2012, 02:19:29 pm »
Never miss episode 4 mommies! It's way better than episode 3. Nakaidlip ako sa episode 3 eh. Pero yung pinakabago, grabe lang, sakit sa puso hindi lang sa gulat dahil sa.... ay basta panoorin niyo na lang! ;)

3
Jokes and Funny Stories / Re: 3 Words only Dugtungan (Part 2)
« on: October 29, 2012, 10:01:47 am »
kanyang pisngi na

4
News, Entertainment and Politics / Re: Walking Dead
« on: October 23, 2012, 07:47:37 am »
Online streaming lang ako palagi kasi wala naman kami cable, sa Fox lang kasi yung alam kong may ganun. Pag Monday ng mga hapon satin, meron na nun online. Try niyo, mas ok lalo na pag mabilis ang internet. ;)

Episode 2 na, habol na kayo mga mommies! ;D

5
News, Entertainment and Politics / Re: Walking Dead
« on: October 14, 2012, 02:39:01 pm »
Tomorrow na ang season 3 mommies. Excited! ;D

6
^sis chastee

Sa tingin ko kailangan mo sila pakainin. Hehe. Parang treat or bonus mo na lang din yun sa kanila. Actually ang mga photographers na passionate talaga sa work nila, hindi kumakain during the event. Pwedeng before or after na yun. Sila Quincy kasi ng Obscura X, after ng birthday ni Bamba saka lang sila kumain. Hapon na din kasi yung birthday so in-assume ko din na nakakain na sila ng lunch. Parang nag-take home na din sila ng food plus may konting extras pa, pero hindi monetary yun, food din. :)

7
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: 1st Birthday Party
« on: September 04, 2012, 01:23:47 pm »
^Nagpa-print kami ng tarpaulin sa Starmark 999 Mall. Parang around P15 lang ata sa kanila. Basta yung pinaprint namin nasa P120 lang pero sabi ng mom ko nasa P250 yun sa iba. HTH. :)

8
Members' Kumustahan board / Re: Ask me! [Part 3]
« on: August 19, 2012, 03:15:21 pm »
Q: Im hungry ano masarap kainin this dinner?

A: Masarap ang kahit anong may mainit na sabaw pag malamig o umuulan. Kaya nandyan na sa listahan ang sinigang na baka/baboy/hipon/isda, nilagang baka, tinolang manok, etc.

Q: Ngayong August na at malapit ng mag-ber months, nagpaplano ka na ba para sa mga special holidays lalo na Pasko? ano-ano yun? :)

9
Jokes and Funny Stories / Re: 3 Words only Dugtungan (Part 2)
« on: August 19, 2012, 03:09:21 pm »
at saka niya

10
^Nagsend ako sayo ng PM sis minekotoh.

11
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: August 19, 2012, 03:06:21 pm »
^Nagpapahiram naman sila ng ladder. P2500 yung package na kinuha ko dun sa balloon supplier. Mas maganda at least 2 hours before the party nagseset up na kaya 12pm pa lang nandun na kaagad si Joanne, yung balloon supplier namin kasi 2-4pm yung sched ng party.

12
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: August 11, 2012, 01:30:41 pm »
^Ito pala yung balloon decor ng KFC Shaw Liberty Park nung party ni Bamba. Yo Gabba Gabba yung theme.

https://www.facebook.com/media/set/?set=a.483878198305499.127854.419168818109771&type=3

13
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: August 06, 2012, 12:02:15 pm »
^Oo bawasan mo na lang sis, magdagdag ka na lang sa mismong araw ng party. Actually, ganun dapat gagawin namin pag hindi sila papayag na P3000 downpayment. Try mo itanong sis, sabihin mo sinabi sayo ng kakilala mo na sa KFC Shaw din nag-party na ganun lang downpayment nila. Actually, pumayag nga sila kaagad nung sinabi kong P3000 lang kaya ko i-down, wala ng kung ano ano pang sinabi payag kaagad. ;)

14
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: August 06, 2012, 10:15:26 am »
^annajoy: Pumayag sila samin na P3000 lang ang downpayment. Confirm mo ulit sis baka nag-iba na sila ng policy. Pero alam ko matagal ng ganyan yung policy nila pero pumapayag pa din sila na mababa yung downpayment. Yung ibang bayad nung mismong party na namin binigay. Pero it's still your choice kung gusto mo ng 50% para hindi masyado malaki babayaran niyo sa mismong party. Kasi may iba ka pang babayaran like yung photobooth. Tapos mga 2 weeks before the party, dun lang kami pumili ng food para mas sure kami sa guest list, kung ilan yung para sa adults at kids.

15
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Feedback in KFC party
« on: August 05, 2012, 11:41:39 am »
^Fatima or Faith yung name nung host. Ok naman siya mukha siyang mahiyain pag tinignan mo pero mataas naman ang energy niya pag naghohost medyo matinis lang. Yung sa kids, ang pinili kong food yung spaghetti with fun shots and drinks. Fully loaded meal naman yung sa matatanda.

Pages: [1] 2 3 ... 11