Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - yohan_louis

Pages: [1]
1
Labor and Child Birth / Re: private hospital vs. public hospital
« on: December 26, 2011, 05:15:21 am »
Ako sis nanganak sa public hospital sa first baby ko at privare sa second baby ko. Kung gusto mo talaga makatipid sa public ka na. Magagaling ang mga doktor sa public ang difference nga lang is walang special treatment kaya siguro nasasabi natin na masungit mga staff. Ang kagandahan sa public halos lahat ng pinapaanak normal delivery kahit naka sched na for ceasarian nakakaya pa nilang paanakin ng normal di tulad sa private halos lahat ng manganganak na first baby ceasarian nila para mas malaki babayaran. Magugulat ka nga lang dahil madami kayo sa labor room at delivery room at sinisigawan talaga nila yong mga ibang manganganak. Yong second baby ko nagprivate ako at malaki talaga difference sa pag-aalaga ng mga staff yon na siguro ang binabayaran ng malaki.  Sabi ko nga sa husband ko  pag nanganak ka na may pera malaki ang gastos pero pag nanganak kang walang pera walang gastos (may mga nanganganak lang sa bahay na tumatawag ng midwife).


2
Getting Pregnant / Re: OB GYNE horror stories
« on: December 23, 2011, 07:39:46 am »
Sa akin naman mga sis, first pregnancy ko at first visit sa OB pinapabedrest ako kaagad ng OB kc dlikao daw pregnancy ko. May nakita daw na abnormalities sa ultrasound at pwede daw malaglag. Sabi ko sa kanya kailangan ba tlaga ng bed rest malakas naman ako at walang nararamdaman? Oo nga daw. Di ako nagbed rest mga sis at pacheck up ulit ako sa ibang OB. IE din kaagad ang ginawa sa akin. Every visit IE niya ako at one time pina ECG niya ako at ang result meron daw akong problem sa heart. Di na naman ako naniwala kasi wala naman akong nararamdaman at di rin hirap sa paghinga. Nagpa ECG ako sa ibang hospital yong mas high tech ang equipment at di na kailangan interpret ng cardiologist ang result dahil lalabas kaagad kung normal o hindi. Nong pinakita ko sa OB sabi niya mas accurate daw ang binababasa ng doktor. Tapos nabalitaan ko sa officemate ko na lahat daw yata ng patients niya is CS ginagawa niya. Napaisip ako na baka gusto niya akong mag-isip na may sakit nga ako sa puso at di ako pwedeng manganak ng normal. Ang nakakatakot pa mga sis baka kung ano anong gamot ang ipainom sa akin at maapektuhan si baby. Ang isang nakakagulat mga sis pagkatapos kong manganak nabalitaan ko na lang na pinasara yong hospital na pag-aari niya kasi may namatay siyang patient at denemanda siya.

Second pregnancy ko naman sinabihan ako na may pregnancy diabetes. Di na naman ako naniwala sa result. nagpa test ulit ako sa ibang hospital negative naman.

Kaya mga sis pag may problem sa mga result ng test nyo. Try niyo second opinion para di kayo mapahamak ni baby.

3
hi mga mommies,

nong first baby ko naligo ako after 3 days pero after non nilagnat ako at nagchichill. sabi ng tita ng asawa ko nalamigan daw ako...katakot takot na seremonyas ang ginawa niya para di daw ako mabaliw. nagsunog siya ng mga dahon dahon, sinama ang buhok ko at pati yata pinagputulan ng kuko tapos sinunog niya habang nakatayo ako sa ibabaw nong sinunog niya para daw maabsorb ng katawan ko yong usok. pagkatapos nag seremonyas niya gumaan pakiramdam ko at tuluyan nang gumaling. sa tingin ko wala ding masama kung sumunod sa mga matatanda kasi yon ang alam nilang tama at kapakanan din naman natin ang iniisip nila.

Pages: [1]