Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - little lantern

Pages: [1] 2 3 ... 5
1
Hi mha sis, naku salamat sa mga advice nyo saken. Napakatagal ko ng di nabisita tong thread na ako ang nagtanong. Actually until now di pa din ako nakakahanap ng work. Last month naisip ko mag-apply na sa call center. Nakita ko kasi dun sa trinoma yung sykes andun sa activity center pero di talaga kaya ng powers ko baka mautal kasi ako.. Hehe.. Kaya eto hanap-hanap uli ng ibang work.

2
Hi sis love-aivy-love and mommy senchi, my daughter is taking restor din simula nung lumipat kami ng pedia nung nag 6months sya. My daughter is now 10 month and 2wks pero humina yung pag take ng milk. Pinapakain na din namin sya twice a day. Last visit namin from 9kg naging 8.5 kg na lang sya kaya binigyan sya ng heraclene 3x a day for 1 month pero sakto lang din ang effect. Gusto ko na nga palitan yung restor niya at ibalik sa dati nyang vitamins yung tropicee drops(bigay ng 1st pedia niya sa hospital) at bomvital(ni-research ko lang). Pinag ceelin drops at pedcee ba yun pero nagsipon sya sa mga yun kaya pinaubos ko lang. Yung pedia niya kasi yung restor at wyeth brands ang lagi na binibigay. Nanawa din baby ko sa promil gold kaya ginawa kong nan pro pag medyo bitin ang budget nestogen 2 at ok naman since same na nestle products at same scoop lang din. Pag naubos na yung restor hanap na lang uli ako ng ibang vitamins. Yung tropicee ok yun kasi parang sodium ascorbate sya sa pagkakatanda ko tapos may lysine and taurine na din yata. Yung bomvital may omega 3 fatty acids which is good for the heart and yung cgf.

3
Hi po, meron po ba dito na naging constipated ang baby dahil sa gain na pang 6-12mos? Last year kasi nung nag 7mos na yung baby ko dun ko sya nilipat ng gain na pang 6-12mos bumili ako ng maliit na can kaso 2days pa lang super tigas ng poop niya at constipated kaya dinala ko sa pedia. Pinalitan ng promil gold tapos pinapainum din namin sya ng prune juice. Pag hindi sya umiinom ng prune juice matigas pa din at parang pebble ang poop. Pinalitan ko uli ng nan pro medyo ok ang pupu pero ngayon naman nagsasawa na yata sa lasa kasi hindi niya nauubos yung milk niya. Ngayon naiisip ko uli na ipa-try uli yung gain kaso baka ma-constipate na naman.

4
Party Planning: Birthdays and Baptism / 1st birthday...no party.
« on: February 20, 2013, 09:53:33 pm »
Hi mga sis, ok lang ba na hindi namin mabigyan ng bonggang party ang baby namin? Sa may na ang birthday niya. Actually, nakaka guilty din kasi 1st birthday @ 1st baby namin sya. Ang kaso lang si hubby lang ang may work ngayon tapos marami kaming bayarin. Naisip ko na mag jollibee na lang kaso medyo mahal na din at parang nakakahinayang din mag labas ng medyo malaking pera lalo sa sitwasyon namin.

Ano ba ang magandang gawing mga mommies? Yun bang kahit papano syempre makapag celebrate kami ng birthday niya kahit simple lang.

Thanks! :)

5
The Balancing Act: Career and Family / medical transcriptionis
« on: February 06, 2013, 03:42:11 pm »
Hi mga sp moms. Ask ko lang sana kung madali ba or mahirap ang trabaho ng isang medical transcriptionist. Gusto ko sana mag try mag-apply kasi allied medical naman course ko kaso medyo hesitant din ako kasi hindi din ako mabilis mag type at ganun kagaling sa english.

Baka may mga advice kayo lalo yung mga may kakilala or nagwowork mismo as MT. Thank you!

6
Hi mga sis, ako din looking for yaya para sa 8 months baby girl namin. Baka mag back to work na kasi ako sa feb. Kung pwede sana 2500 starting kasi makakasama naman niya ang mother ko sa bahay.

Here's my # 09057525965. Ty

7
Labor and Child Birth / Question para sa mga na-CS.
« on: December 17, 2012, 07:42:11 pm »
Hi mga moms. May gusto lang sana ako itanong sa mga na-CS na. 1st time mother kasi ako at CS ako. I gave birth 7 months ago. Ang weird lang kasi ng feeling ng tiyan ko para  bang minsan may pumipitik sa loob kaya tuloy iniisip ko baka preggy na naman ako pero nag-PT na ako last saturday at negative. After I gave birth, aware naman ako na iba talaga ang feeling pag CS, lalo na pag pumipwesto na yung mga internal organs. Normal lang kaya itong nararamdaman ko sa tiyan ko? parang ang sikip sa loob na ewan tapos yung tahi ko medyo mahapdi din. Yung pusod ko nga hindi na din pumasok sa loob, unlike dati na malalim.

Pwede bang paki-inform ako kung ano ba talaga yung mga karaniwang nararamdaman pag na-CS. Thank you.


8
Birth Control / Re: New to pills. Post your questions here.
« on: December 16, 2012, 11:16:51 pm »
May pills ba na pwede pag may heart problem? Before kasi nag Dian ako pero di ko kinaya sobra akong nag palpitate. Hindi ko kasi sinabi sa ob na may mitral valve prolapse ako.

9
uu nga sis, sana maging ok na sya sa promil tutal hindi naman sya nagka-prob sa pupu ng nag S26 sya before yung rashes lang. Thanks sis.

10
Sis macon, thank you sa reply mo. Actually sis nakabili na din ako kanina ng gold yung maliit. Naalala ko lang din sis nung pinanganak ko sya S26 gold yung sinabi ni pedia, wala naman naging prob sa poop niya ang naging prob nagka-rashes sya kaya pinalitan ko ng enfalac a+ ayun naging maayos sya walang rashes @ ok ang poop niya. Nagpalit na din kasi ako sis ng pedia @ yung pedia niya ngayon parang promil ang ine-endorse. Kasi promil lactose free yung binigay eh pwede namang enfapro lactose free di ba? Kaya sa totoo lang iniisip ko din na mag enfapro a+ since ok sya sa enfalac a+. Sana lang maging ok sya sa promil gold.

11
Hi mommies, hihingi lang sana ako ng feedback kung ano ang mas ok kung yung promil pink or promil gold. Sa ngayon kasi pinag promil lactose free ng pedia si baby for 2wks after nun shift ko na daw sa regular promil. Sabi niya saken yung promil gold daw eh kaso gusto ko lang sana malaman kung ano mas ok sa dalawa yung hindi nakaka-constipate. Na-constipate kasi yung baby ko sa gain advance plus 3 days pa lang niya dinedede kaya dinala ko sya sa pedia. Thank you.

12
Distance Parenting (OFW Parent) / Re: working abroad.
« on: December 10, 2012, 02:05:55 pm »
^ah talaga sis nasa kasi ka pala. Actually may pinsan ako nasa Jeddah din sa National Guard sya nagwo-work. Ipapasok nga niya ako kaso sa ngayon wala pang hiring. Sabi nga niya ang Taif parang Baguio kaya laging malamig. Before sis nag saudi din ako pero sa Dammam naman ako, sa hospital ako nag-work :).

13
Hi sis! Ako naman PT graduate kaso lang underboard ako. Pinakuha kasi ako ng tita kong nasa Canada ng caregiver kaya di ako nakapa take ng board exam. Nung natapos ako di naman ako tinulungan makapunta ng Canada. Ang ginawa ko nag work ako pero as Spa Therapist pero 6months lang. May mga naging work pa ako after pero hindi din related. Nakapag work din ako as PT sa Saudi Arabia for 3 years kaso lang ngayon mahigpit na kailangan license ka sa country of origin mo kaya tuloy hirap ako makapasok uli as PT kahit pa license ako sa Saudi. Nung umuwi ako from Saudi nag-apply naman ako sa isang famous na aesthetic clinic as facialist pero 1 year lang ako kasi nag-resign ako dahil I got pregnant na eh medyo maselan din kasi kaya ayun. Sa ngayon may apply uli ako for Saudi pero as facialist pa din. Naghihintay lang ng tawag kung selected ako, sana...

Actually sis sa tingin ko wala namang masama kong iba yung maging work mo na hindi related sa natapos mo. Marami naman dyan umaasenso pa sa ibang field di ba. As long as nag-eenjoy ka naman at kumikita ng sapat siguro ok na yun. Sa totoo lang ako may pagsisisi kung bat ako nag-PT, kasi hindi naman yun talaga ang gusto ko kaso alam mo naman ang mga kamag-anak kunyari tutulungan ka pero sa huli wala din. Pangarap ko talagang maging flight attendant kaya tourism sana kaso wala eh ganyan talaga. Hehe.. Sensya sis mahaba ah.

14
Beauty and Product Reviews / Re: Gluta - Injectibles?
« on: December 07, 2012, 07:16:28 pm »
Alam mo sis yung magic potions na store? Sila maraming binebenta na gluta iba-ibang brand pa. May store sila sa st. Francis square s likod ng megamall. Uu marami online, may mga legit seller naman. Para makasiguor kang legit sila tignan mo kung marami silang feedback. May gusto nga akong bilhin na brand ng gluta nalimutan ko lang yung brand mga 4k yata sya.

15
Hi sis dhates, thanks sa reply! :) kahapon sis nagpunta na kami ng pedia. Uu nga pwede na sya sa prune juice isa sa mga diet ni baby ngayon yan 1oz daw for a day na daw tapos ayun papaya din ibe-blender. Yung milk niya pinalitan din ng promil lactose free kasi pala pwede maging baliktad ang effect ng gatas. Kasi di ba pag LF ang milk bnibigay pag watery ang poop, pag binigay mo daw sa constipated baliktad naman mangyayari. May iba pang binigay yung pedia sa kanya like yung restore bale probiotics sya tsaka binigyan din sya ng laxative.

Sana maging maayos na si baby kasi nakaka-awa talaga sya.

Pages: [1] 2 3 ... 5