Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - ~_Chi-Chi_~

Pages: [1] 2 3 ... 12
1
Birth Control / Re: what are the side effects of taking birth control pills?
« on: September 29, 2016, 01:55:00 pm »
Good pm mga mommies! Out of topic po question ko pero hopefully may makasagot.
I'm taking diane35 and kagagaling ko lang sa 7 day pill free break. Nagbleed ako last saturday which is normal. Ang prob ko is late ako nakapagstart ng new pill pack. Dapat kahapon (wednesday) ako magstart ng pill pack kaso nakalimutan ko. Then 5 am kanina nangalabit si hubby then ayun na nga. Tapos tsaka ko lang naalala na di  pa ako nakakainom ng pills. Kakainom ko lang ng 5 am nung unang pill.
May nakaexperience na po ba ng nangyari saken? And ano po ginawa nyo? Need ba ng morning after pill? I tried asking my ob kaso no reply pa. Thanks po sa sasagot.:) tried researching sa net kaso medyo nakakalito.

2
Your Health / Cost of Foreign Body Removal in Eye
« on: March 04, 2015, 10:55:19 am »
Good am po mga mommies. Ask ko lang po sana kung may nakapagundergo na ng Foreign Body Removal sa eyes, how much po kaya ang cost? Thanks po sa sasagot

Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
pagluluha ng mata

photo by PEXELS


Naka-relate ka ba? Mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento..


3
Real Parenting / Re: Favorite commercial ng babies nyo?
« on: December 08, 2013, 09:10:06 am »
Halos lahat ata ng commercial gusto ng baby ko.hehe yung shampoo commercials especially yung sa palmolive. Yung asim kilig ng knorr and yung sa bonux.hehe ginagaya din niya pag nakikita niya and kumakanta din sya.hehe

4
Pamahiin / Re: Eating eggplant while pregnant..
« on: December 08, 2013, 08:19:58 am »
As a nurse, wala naman kaming napag aralan na bawal ang eggplant sa buntis. 😄 and di rin naman kasi sila naniniwala na may connection yung mga foods na pinaglilihian sa pregnancy. I think state of mind yun. Kaya pag nakikita natin na may something sa baby pagkapanganak, hinahanapan natin ng sarili nating sagot kaya inaassociate natin sa mga nakahiligan natin. Better ask the pedia pag uncertain sa isang bagay about kay baby. After all yun ang expertise nila. POV ko lang po. :) may mga sinunod at di sinunod din naman ako nung pinagbubuntis ko pa lang princess ko.hehe

5
Baby Development and Milestones / Re: best shampoo or soap for babies
« on: December 08, 2013, 07:50:51 am »
Nung infant pa si baby, I used lactacyd and pigeon. When she turned 1, yung lactacyd toddler naman then nivea ang shampoo niya. I also tried hhn baby line pero parang di sya ganun kahiyang. Then nivea milk wash sa body and nivea extra muld shampoo. Kaya lang di masyadong maganda yung hair niya sa extra mild so i switched to nivea shampoo na lang. Then nung naubos, yung j&j na orange for her hair and j&j na top to toe for her body. Pagkaubos balik na kami sa nivea milk wash or lactacyd toddler. Salitan kasi minsan ginagawa ko. As for her shampoo, tingin pa kami ng mas makakapagpalambot and shine ng hair niya. Curly kasi sa baba ng hair niya e.

6
Baby Development and Milestones / Re: Best Soap for Baby Bottles
« on: December 08, 2013, 06:38:13 am »
I used cradle and pigeon during my daughter's 1st year. I also bought yung dishwashing liquid ng tiny tots. :) pero now i'm using na yung HHN dishwashing liquid. Safe for baby bottles. 😄

7
My pedia recommended pediaure for my daughter since she turned 1. Then siguro mga 4 or 5 months ago, i asked her pedia kung pediasure pa rin milk niya and she said na yes pero if i want daw i can give her 2 glasses of pediasure then 1 glass gain. Okay naman, kaso lately ayaw na niya ng gain. So nung pinacheck up namin si baby i asked kung anong pwedeng ipalit sa gain if okay ang progress and she said yes. Kasi pediasure pa rin naman main milk niya. So we bought progress pero she doesnt like din. Naka 1 bottle lang sya. Then i tried lactum choco and ayun nagustuhan niya. kaya 2 glasses pediasure na sya and 1 glass lactum choco. She also drinks fresh milk. Di naman picky eater baby ko kaso minsan ayaw niya kumain kasi nailalaro niya. As in minsan 2 subo lang then play na sya. Pero may mga times na super lakas kumain. Lalo na pag may sabaw yung ulam and gustong gusto niya ng fish. She also eats fruits and veggies. Super active baby din kasi talaga sya. She's 2 years old and she's 10.8 kilos. Di rin kasi tabain sila hubby.

8
Weaning, Formula and Solids transition / Re: Lactum 1-3
« on: December 07, 2013, 07:02:04 pm »
Kakastart ko lang magbigay ng lactum sa baby ko nung isang araw. Nagsawa na kasi sya sa lasa ng ibang milk. Her pedia kasi recommended na pediasure ang milk niya. Pero 5 months ago nag ask ako kung pediasure pa din milk niya, sabi ng pedia niya, oo, pero if like ko daw pwedeng 2 glasses of pediasure then 1 glass of gain. Pero lately ayaw na niya sa gain. As in pag gain na yung binibigay ko, di na niya dinedede. As in tikim lang then ayaw na niya. Nasasayang lang yung gain. Pag yung pediasure naman gustong niya. Then we tried progress gold, naka 1 bottle lang then ayaw na naman niya. Gusto ko sanang itry yung enfagrow kaso baka ganun din and parang natatakot ako kasi nagkabloody stool sya sa enfa noon kasi enfalac a+ unang milk niya nun. (Cow's milk intolerance saw sabi ni pedia niya pero nawala din nung nag6 months na sya). Tsaka i'm looking din for chocolate flavor since pinagpediasure choco ko sya nung nagsawa sya sa vanilla. Kaya i bought lactum 1-3 choco lately. Gusto naman niya. :) kaya ngayon 2 glasses pediasure then 1 lactum choco na milk niya ngayon. Wala naman sya sa price talaga. I think we should take into consideration yung gustong lasa ni baby. :)

9
Weaning, Formula and Solids transition / Re: All about Gain Plus Advance
« on: December 07, 2013, 08:26:45 am »
Based sa experience namin ni baby, nagconstipate sya dito sa GPA. Nung sinabi ko sa pedia, sabi give daw ng prune juice. Pero ganun padin. Tsaka di rin masyadong bet ni baby yung prune juice e. Before sya mag1, pinagswitch sya ni pedia niya from gpa to pediasure kasi medyo hirap sa paggain ng weight si baby. Nung pediasure gamit niya, okay yung poop niya. :)

10
Hi mga sis!! :)

San po makakabili ng murang minnie mouse items? Minnie mouse kasi theme ng baby ko for her 2nd bday. And san makakabili ng character balloons like yung minnie mouse heads? San ba mas mura? Anding's or kyla me? And san po magandang bumili ng balloons? Plan ko kasi magDIY. :) thanks. I'm planning to go there after undas. :) para lang may idea na ako kung saan pupunta kahit magscout na din ako sa ibang stalls or malls or streets if ever.hehe baka 2-3 days stay lang kasi ako sa manila. Thanks po mga sis. :)

11
Baby Development and Milestones / Re: ano first word ni baby nyo?
« on: April 06, 2013, 03:57:15 pm »
first word ng baby ko is "ma". :)

12
Ener A plus and Ferlin drops ang vitamins ng baby ko nun kasi yun ang nirecommend ni pedia niya. Better check with your pedia sis. Kung hiyang naman siya sa vits niya then I don't think may reason para magchange ka. :)

13
Baby Development and Milestones / Re: All about Teething part 2
« on: April 06, 2013, 03:41:22 pm »
My daughter's first tooth erupted when she was 1 year and 2 months. And now na 1 year and 4 months na siya, lumalabas na yung 4 sa taas and isa sa baba. Kawawa nga siya kasi masakit talaga gums niya and di siya makakain ng maayos and nilagnat and inubo pa. Pinacheck namin sa pedia and bigay ng meds and binago yung vits kasi pumayat.  Now okay na siya. :) Makulit and nangangagat na.hihi :)

14
My daughter is 1 year and 4 months. 9 kg siya and 73 cm. siksik naman siyang tignan. talaga lang na namana niya yung weight ng dad niya. hindi kasi talaga sila tabain. plus super active baby kasi daughter ko. :)

15
S26 HA sis. 0-12 months siya.  meron ding hypoallergenic version ang similac though yung s26 ha lang ang natry ko. my daughter had milk intolerance before so her pedia recommended nan ha but nung nag 2 months siya, ayaw na niya, as in pahirapan ipainom sa kanya yung milk. when i tasted, i found out na bitter talaga siya, so nung nalaman kong may ha version ang s26, i asked her pedia kung ok and she said na ok kasi pare pareho lang naman na hypoallergenic yun. tinikman ko yung s26 and medyo manamis namis siya (though may pagkabitter pa din) compared sa nan talaga and mas nagustuhan ng daughter ko yung taste. :)

Pages: [1] 2 3 ... 12