mamazehj.
Yan talaga mostly problem ng gf or wife sa MIL or soon to be MIL nila....... Kase nga seaman ang anak nila so kung binata pa ito, sakanila ang allotment.....
5 years kami magbf ni hubby before we got married. 3rdmate palang sya noon..... Super Lagi akong inaaway ng mama niya. Lalo na ako lang ang kauna-unahang babaeng dinala niya sa house nila. May mga naging gfs naman sya noon lalo nung nag-aaral pa sya sa academy pero hindi naman kase ganong kaseryoso at never sya nagdala ng babae sa house nila....
Kaya gulat ang mama niya ng ipakilala ako at dalhin sa bahay...Alam na ng mama niya na " I'm the One" hehe.... Nakasimangot ng ipakilala ako at sabi ba naman sa akin agad ha, "Hindi pa mag-aasawa ang anak ko"..... Grabe at nagulat nga ako eh. First meeting palang, alam kong there will be a big problem with this woman sabi ko..
From then on, pag nasa bahay nila ako hindi ako pinapansin ng mama ni hubby. Pinagdadabugan ako ng mga kaldero, spoons, batya,etc.... Hindi ako ineentertain.... Mdaming text messages na masasakit ang narereceive ko from her....Akala niya siguro gold digger ako. Ang baba ng tingin niya sa akin...Akala niya pera lang habol ko sa anak niya. Sinisiraan niya ako sa lahat ng relatives, friends at mga kapitbahay nila...... Super dami kong na-experienced sa mama niya....Tawag ko noon" My Monster In-Law" hehe.....
Lagi -lagi ako umiiyak noon sa sakit...Kada-kwento ko sa mga friends ko, umiiyak ako. Grabe kase mama niya talaga......Ang daming text na masasakit. At lagi ako sinisiraan...Mga bagay na hindi naman totoo. Like,bahay lang daw habol ko sa anak niya...Pera lang daw gusto ko....May nagsabi daw saknya na galit ako sa mga pamangkin niya, etc...Kung ano-anong imbentong stories... Super nakaka-hyblood talaga...
Then, when my bf (husband ko na now) got promoted from 3rdmate to 2ndmate mas lalong ayaw niya payagan magpakasal ito....Nagpaparamdam na kase na gusto na niya magpakasal......Especially when he passed the board exams and Chiefmate na sya. .May thanksgiving party sa bahay nila and I went there of course...... Pinakilala ako ng mama ni hubby sa mga kamag-anak niya....Only para pahiyain....Grabe yung moment na yun....Sa harapan ko pa talaga, sinabi niya sa mga kamag-anak nila na " oh eto yung gf ng anak ko, si maureen....gf lang ha at ewan kung papakasalan....galit saken yan eh. panget ugali nyan..... at mayabang yan eh, etc...as in madami pa..... Shino-shortcut ko nalang...Pag kinuwento ko kase in details eh mgiging super mahaba talaga to at medyo ma-drama hehe...Now kase na-get over ko na eh....
Dami kong masasakit na naranasan sa mama ni hubby...
Nagbago nalang sya ng malapit na kaming ikasal.....Wala na sya tlaga maggawa kundi tanggapin ako hehe. Sumasama na din kase ang loob sakanya ni hubby at lumayo na loob sakanya sa pinaggagagawa ng mama niya sa akin...
Now, close na kami ng MIL ko....Nakuha ko rin sa dasal yun sis...At nag-extra effort din talaga ako para makuha ang loob niya sa kabila ng mga ginawa niya sa akin...Lagi ako may gifts noon for her kahit simple lang, tinetext ko ng magaganda kahit binabastos ako....At pinakita ko sakanya na mali lahat ang mga paratang niya sa akin at mga paninira......God is good kase nagkaroon din talaga ng way para maging ok kami....
Kaya sis, kung allotment gsto ni MIL mo eh bigyan mo nalang din....Pag-usapan niyo ng hubby mo magkano ba ibbgay niyo sakanya monthly....May certain amount dapat at isama nyo sya sa budget....Kaya ganyan mga MIL natin kase nagseselos sila sa atin eh....Kase dti sila ang apple of the eye ng mga anak nila at sila ang nkakareceive ng allotment....Eh pag kasal na, lahat yun mababago na hehe...Asawa na ang Reyna sa puso nila hehe.....Kaya tayo na ang umunawa sakanila....Tutal kahit anong mangyari, sila pa din ang mama ng mga asawa natin....Madami sila hirap kaya ganyan sila... Matatanda na din naman sila kaya magpakumbaba nalang tayo at respect sila...Makakarealize din sila sa mga pagkakamali nila...
Eto ang isa sa mga trials ng wife ng seaman, mga MIL hehe....Pero kaya natin yan sis alang-alang nalang sa mga asawa natin