Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - weddingsingermom

Pages: [1] 2 3 ... 5
1
Breastfeeding / Re: Malunggay Supplement
« on: May 29, 2012, 02:47:29 pm »
Mukhang kelangan ko magtake ng supplement para dumami gatas ko, konti lang kasi milk ko, umiiyak si baby, three weeks post-partum na ko pero habang tumatagal kumokonti supply ko, mixed feeding kasi, e as much as possible gusto ko mas madalas magpabreastfeed. Sana lang pag nagtake ako ng malunggay capsules magincrease pa gatas ko. Nakakaumay na din kasi magkakain ng malunggay kasi halos everyday iyon kinakain namin nung buntis pa ko, may puno kasi dito ng malunggay, maygas!

2
^ako nga natakot ako kasi aksidente nahila yung stump ni bunso habang nagpapalit ng diaper, sumabit kasi yun clamp sa pajama, hindi naman dumugo pero may mantsa ng konti sa part ng diaper, hindi natanggal yung pusod pero umiyak talaga ng bongga si baby, hindi ko na nabuhusan ng alcohol kasi nakakatakot yung iyak niya talaga, kaya tiankpan muna ng bigkis yung pusod para hindi na sumabit yung clamp, kawawa si bunso hindi nakadede ng maayos tuloy. Later in the morning ko pa buhusan yung pusod niya para tuyo na yung part na natuklap after niya maligo. Hope hindi naimoeksyon, now ko lang din naexperience to kasi dun sa naunang dalawang anak ko wala naman ako naranasang ganito, ngayon lang ako nataranta ng todo, kung kelan malapit na matanggal pusod saka pa nahatak. :(

3
Joining! Sa panganay ko, similac yung unang pinainom sa kanya ng pedia then nagswitch kami ng s26 gold, promil gold 6months onwards. Sa 2nd child ko naman s26 na agad, tapos promil gold na rin. Hindi naman sila lactose intolerant. Ngayon naman kay bunso ang nirecommend ng pedia niya is enfalac lactose free. Napaaga nga delivery ko ng five days dahil naglabor ako agad, ayan emergency CS na naman imbes na elective, hehe! Four days post partum na ako, ayun in four days din ang bilis bumigat ni baby, bilog agad kasi ang lakas sa milk, hindi pa ako makapagbreastfeed kasi under antibiotics pa ako e unlike sa mga ate niya na nabreastfeed ko agad while alternate sa formula. :)

4
Inspiration / Re: Before I was a mom
« on: May 03, 2012, 12:55:48 pm »
^totally agree! Before ang aarte sa pagkain, may diyeta pang nalalaman, pero nang maging nanay na, ay pqkialam niyo ba! Hahaha! Sa anak ko naman yun, tira ng anak ko yun, galing naman sa akin yung kumain nun bat ba mag-aarte-arte di ba? :D minsan nakakaengkwentro ako ng mga nanay na ang selan to da max! Tira ng anak nila pinandidirihan, parang hindi mga nanay no? Ewan ko, para saken parang hindi sila ganun kaattached sa anak nila. :/

5
Inspiration / Re: What is your Bible verse today?
« on: May 03, 2012, 12:49:30 pm »
Now the Lord is the Spirit, and where the Spirit of the Lord is, there is freedom. (2 Corinthians 3:17) this inspires me everyday, whenever I feel down, I just keep in mind that God is always with me, knowing that gives me peace. :)

6
Mga kapatid sa paniniwala, question lang regarding philhealth, kung ano ba talaga yung conditions para makaavail ng maternity benefit, dependent kasi ako ng asawa ko since deactivated na philhealth ko. Seaman siya, pero ang category niya is employed private kasi yung manning agency ang naghuhulog ng premiums niya. Nung nagcheck ako sa site ang nakasaad dun para makagamit is you have to have at least 3months contribution within sixmonths prior sa confinement. Parang ang vague kasi hindi nakalagay yung sa pregnancy related cases kaya naging kampante ako na magagamit namin. Nakasked na ako on may 10, cs kasi ako. I ask my ob para maclarify lang din kung magagamit ko, then ang sabi kelangan daw one year nahulugan nang walang palya or gap. Hindi kasi hinuhulugan ni mister yung philhealth niya kapag bumababa siya e. lumalabas nakakafive months pa lang siya naghuhulog kapag nakasama yung april contribution niya. When i searched for articles sa internet meron ako nabasang article sa blog na dapat 9months at least ang naihulog para maavail yung benefit. Hindi naman ito sa official site ng philhealth so hopeful pa rin ako. Nakakalito naman kasi talaga e. ano ba talaga sisses ang condition ng philhealth dito? Will try pa bukas tumawag para magkalinaw, mahirap pa naman yung akala mo ok na tapos magkakaaberya pa, yun bang akala mo hindi ka magkakautang pero biglang magkakautang ka pala? Kakaloka na talaga....

7
Home / Re: Re: Ano favorite appliance niyo sa bahay? :)
« on: April 29, 2012, 03:27:25 pm »
^tenkyu sis! Makabili nga niyang power saver. Magkano naman? Naku kelangan ko yan lalo na lapit nako manganak, sked ko na sa may 10, kawawa naman anak ko pag nagkataon ayoko naman maranasan niya ang sobrang init, hehe! :D

8
Toilet Training and Diapering Essentials / Re: Cloth Diapers
« on: April 25, 2012, 08:55:28 pm »
^ sis magkano yung cloth diaper na nabili mo? Masubukan nga yan, hehe!:)

9
Home / Re: Re: Ano favorite appliance niyo sa bahay? :)
« on: April 25, 2012, 08:45:36 pm »
Quote from: bargainsassymom link=topic=47123.msg815742#msg815742 date=
para hindi ako masyadong makonsensya, I bought a power saver for my aircon.  Love that my aircon power saver automatically turns on the electric fan once the aircon timer goes off. bought my tronix power saver in ace hardware and i super love it especially this summer!
sis pano pag walang timer yung aircon? Manual lang kasi yung saken e. isa pang reason kasi kaya ako nagtitipid sa aircon kasi dalawang pamilya kami gumagamit ng kuryente e, hehe! San m nga pala nabili yung power saver? :)

10
Getting Pregnant / Re: tips or tricks to conceive a baby girl
« on: April 25, 2012, 08:39:56 pm »
^dagdag mo pa poor lifestyle, lalo na pag laging stressed-out. Active kaming mag-asawa e, kahit deep penetration pa waley, tatlo na anak kong babae. Sabi nila may iba pang factors para makabuo ng boy, kaya dapat deep kasi mabilis ang male-producing sperms pero maikli lifespan unlike sa slow female-producing sperms na mababagal pero matatagal ang buhay. Tapos yung timing pa ng ovulation, naku, e maiisip mo pa ba yung mga ganung bagay kapag ginagawa niyo na lalo na kung biglaan nalang naisip o di kaya pareho kayo busy na nagkakataon lang na parehas kayo pahinga, isa pa kapag ang asawa mo e laging nasa abroad. hehe! :D

11
Inspiration / Re: What is your Bible verse today?
« on: April 22, 2012, 02:03:49 pm »
Yet she will be saved through childbearing—if they continue in faith and love and holiness, with self-control. (1 Timothy 2:15 ESV). This is the verse that I am holding on to till I give birth on the 8th of may. :)

12
^nag ingjectable din ako kaso sobrang payat ko naman, parang palito, hormones siguro kaya ganun, kasi naging emotera ako, topakin, lahat kaaway ko, hehe! Ending wala gana sa pagkain, mukha akong bangkay. Nahiyang ako sa diane35, nakuha ko yung ideal body built ko, nagkalaman ako konti, nagkaboobs, kaso bilbil naman ang tumubo, haha! Hindi naman ako bilbilin dati, pero nung nagpills ako gumanda katawan ako talaga, pati skin. Bilbil lang nakasira kaya nag-effort ako mag-exercise, nabawasan naman kaso takaw ko sa kanin, kulang buhay pag walang kaning lamig, hehe!

13
Fashion and Lifestyle / Re: What would you wear at 40 ?
« on: April 21, 2012, 03:31:58 pm »
When I 40 siguro, ganun pa rin, classic jeans saka shirt, pero siyempre ibabagay mo na sa age di ba? Not to pa-bagets, hindi rin losyang. I'm thirty-one now, kaso hindi pa nga daw halata nun pag lumalaboy kami ng mga anak ko kasi para ko lang daw silang mga younger sisters or pamangkin lang. I'm more of a sneakers-jeans type of person kasi. Minsan shorts na hindi naman super ikli, tamang pang mall lang. Pero pag buntis ako, dress talaga kasi ang init di ba? Ewan, siguro talaga i'll stick to jeans and tshirt kahit 40 na ko. :D

14
Money / Re: mahirap ba ang bumukod?
« on: April 21, 2012, 03:25:56 pm »
Mas ok ang nakabukod. Dati nakatira kami sa in-laws ko, dun kami dumiretso right after ng kasal namin. Then we decided to move-out nung ipanganak ko na yung panganay ko, kasi gusto na namingmasubukan yung kami lang, saka isaa pa kahit mabait yung biyenan ko e hindi ako at ease na yung mga kapatid ng asawa ko lagi nalang umasa sa kanya, although hindi siya yung panganay. Nagbibigay kami ng share sa kanila pero sabi nga ni hubby, hindi kami makakapagpundar ng sariling gamit saka baka masanay kami na nakasandig sa poder ng mom niya. Ang masasabi ko mas ok yung nakabukod kasi you set your own rules, natututo pa sa budgeting. Wala problema so far. My parents and my in-laws would visit us from time to time, andun yung sense na namimiss nila kami, at ganun din sila sa amin. Six years na kami nakabukod, dapat nga may sarili na kaming house kung hindi lang nagkasakit ng malala yung anak ko. We are renting until now, mababa lang naman rent kasi kabarkada ni hubby yung may ari ng house, 2500lang monthly, two bedrooms with dirty kitchen and laundry area with libreng garahe, wag lang walang nakatira sa house, laking tulong talaga plus ang mga bata lapit lang sa school. Hopefully after three more years makakuha na kami ng sariling house within the village pa rin. :) mahirap naman talaga sa umpisa yung bumukod lalo na maliliit pa mga bata walang yaya tapos parehas kami ng work, sa events kami e, maliit lang sahod, so yung mga sala set at dining set unti-unti naming napag-ipunan pati ref, kalan, washing machine, etc...we hire a babysitter everytime merong work. Nakasurvive din kami by God's grace. And by His grace din magkakaroon na rin kami ng bahay na masasabi naming amin talaga.

15
I think hindi naman obligasyon, it's more of helping nalang. Ska depende sa sitwasyon naman at sa degree ng pangangailangan. For me ok lang tumulong si hubby. Pero kung ang tutu.ungan niya ay aasa nalang sa kanya aba ibang usapan na yun. For instance may kilala ako, yung mga kapatid nung lalaki are of age na, youngest is 21, may capacity na magtrabaho, yung kuya may pamilya na rin, pero pag uuwi yung lalaki from abroad halos asa nalang, pati yung kapatid na babae na walang ginawa kundi magparami ng anak na walang ama at purely asa sa nanay nila at sa mga kapatid na may pamilya na, nakakainis! to think na 25 years old na yung babae, college level at may dalawang anak hindi man lang magsumikap magtrabaho dahil sabi ng nanay nila kawawa naman daw at isa pa baka mabuntis na naman, twing nabubuntis kasi yung mga kapatid na lalaki namomroblema sa gastos ng panganganak, gatas at diaper, etc...hello? May pamilya na yung mga kuya, makikihati pa ba siya? Ibang usapan na talaga. Yung biyenan ng friend ko malakas naman kumita so hindi na humihingi ng tulong masyado sa lalaki, maliban lang pag wala or nag-overspend sa luho nila. Bad trip yung ganun di ba? May mga kaya naman at may kakayahan nang magtrabaho pero sobrang tatamad ng mga kapatid ng asawa ng kaibigan ko. Buti kung talagang hikahos at nakikita namang nagbabanat na ng buto e hirap pa rin, di ba? As in pag naiisip ko yung ganun nakakagigil di ba? hehe! Bottom line, depende pa rin sa sitwasyon, pero king yung tipong obligad? Naku, dadami populasyon ng broken families dahil nagiging hindrance sa pagsama nila yung mga families of origin.

Pages: [1] 2 3 ... 5