Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - jewelsmom

Pages: [1] 2
1
Joining...

Sis andreas may human nature sunflower oil po akong nabili sa Landmark Makati. Same price lang din po ng nasa website nila. I don't know lang po if available lahat ng products yun lang kasi tinignan ko dahil pang stretchmarks din hanap ko dahil nga preggy ako ngayon. Hope it helps...

2
Joining...

Di rin related ang job ko sa natapos ko. I'm a computer science graduate pero right now I'm a supervising accounts specialist sa isang government-funded corporation who provides socialized housing. Ang tanging nagagamit ko lang sa napag-aralan ko ay syempre yung knowledge ko sa MSOffice applications. Pero now parang gusto ko na mag-aral ulit ng mga short courses para maupdate yung knowledge ko sa IT at eventually maghanap ng work na related na sa course ko. Kaya lang kapag ganun start ako ulit sa umpisa sa career ko. Di kaya its too late for me na to change career path? at di na rin ako bumabata I'm already 33 kaya nag-iisip mabuti if tama ba gagawin ko? Pero gusto ko din gawin to para sa mga anak ko. Mas malaki kasi ang chance na makapag-abroad lalo na't ang experience mo ay sa IT. Yun din talaga ang goal ko right now lalo na't di na rin ako happy sa company ko ngayon at magdadalawa na din kasi ang baby ko. Kaya I'm thinking of their future na.

3
ako din di kumakain ng liver... balat ng talong at saka yung maitim na part ng mga isda di ko din kinakain hehe...

4
Hobbies and Special Interests / Re: tablet pc for kids..
« on: April 26, 2013, 09:25:39 am »
joining...

Meron pong labas ang cherry mobile na fusion tablet. Quad core processor, can last up to 4 hours at super sulit na po sya for the price of 4K. Inabangan nga naming mga kaofficemates ko paglabas nun. Mahirap nga pong makabili kasi laging out of stock sa mga outlet ng cherry mobile. Kung para sa mga kids okay na okay na po itong tablet na ito.  :)

5
pasali po...

I'm 25 weeks pregnant now with my second child. Nabuntis ako after ng third year anniversary namin. Like most of you unplanned din ito. 20mos pa lang ang panganay namin ng malaman ko na preggy na ulit ako. At first nalungkot ako kasi ayaw ko pa sana kasi nga now ko pa lang naeenjoy yung paglaki ng panganay ko. At hindi pa rin kasi kami financially ready. Pero I prayed kasi nung magsimba kami ni hubby nung wedding anniv namin na if bigyan niya ulit kami ng another baby okay lang. Masyadong mabait si Lord dininig agad-agad prayer ko hehe. Eventually, nagsink in na din sa akin na magiging mommy ulit ako at excited na din na malaman ang gender niya. My hubby is very supportive naman sa pagbubuntis ko pati mga relatives ko happy din nung malaman nila na preggy ulit ako. We're praying for a boy kasi girl na panganay namin para quota na. Sa ating mga mommies na may unplanned pregnancy, isipin na lang natin na this is a gift from above and nothing can take its place.  :)

6
Home / Best (But Cheaper) Brand of Hand Mixer
« on: January 24, 2013, 11:51:52 am »
For those moms na into baking, can you recommend kung anong brand ng hand mixer ang tried and tested nyo na but at the same time mura lang. I'm new into baking gusto ko sana bumili kahit hand mixer lang muna para makagawa ng mga cupcakes at ng mga frostings na kailangan i-mix through electric mixer. Thanks in advance for the info.  :)

7
Beauty and Product Reviews / Re: Whitening Soaps / Lotions?
« on: March 22, 2012, 01:15:16 pm »
^^ Sis iba pa sya sa Gluta-C. Gluta lang talaga name niya na nakalagay sa box.

8
Beauty and Product Reviews / Re: Whitening Soaps / Lotions?
« on: March 18, 2012, 03:15:40 pm »
hi jewelsmom,
           ask q lang po if san po nkakabili nung Gluta advance whitening soap and lotion & how much po? thanks!

Sis meron sa mga supermarkets kahit drugstores meron din. Dalawang klase sya isang red ang box at isang white. I used the one with the white box.

9
Members' Kumustahan board / Re: SP Moms from Makati
« on: March 13, 2012, 05:02:50 pm »
Yehey! Active na po ulit ang thread ng mga SP Moms from Makati  :)

10
Members' Kumustahan board / Re: SP Moms from Makati
« on: March 08, 2012, 09:43:37 pm »
EB na ba kasunod nito? Sometimes magisa lang ako. I wish sometime I can invite some to join me for coffee man lang.

Sige po EB tayo mga SP moms in makati... Mommyjazz i saw you po sa balloon tutorial nyo ni sis mistiqshannen...

11
Beauty and Product Reviews / Re: Whitening Soaps / Lotions?
« on: March 07, 2012, 03:31:22 pm »
Hi sa mga SP moms.,

gusto ko lang sana magpatulong kung ano bang magandang whitening soaps / lotion ang effective talaga.. masyado na akong conscious sa kulay ko.. hahah! iba kasi talaga pag maputi ka eh. sana may makatulong saken dito.. maraming salamat in advance..

Sis, ako gamit ko Gluta advance whitening soap and lotion. Pumuti talaga ako dun. Kahit mga pinsan at tita ko napansin nila kaya tinatanong nila ako kung anong gamit kong soap. Hiyang sya sa akin.

12
share ko lang po invitation ng baby ko sa first birthday celebration niya. Pinagawa lang namin sa officemate namin.

13
Members' Kumustahan board / Active SP moms in makati
« on: March 07, 2012, 01:11:43 am »
Hi! Meron po bang mga active SP moms na taga-Makati dito? Yung isang thread kasi na nakita ko last post po ay aug 2011. Newbie lang po kasi ako dito sa SP. Im from West Rembo, Makati.

14
Members' Kumustahan board / Re: Smart Parenting Moms Facebook Group
« on: March 03, 2012, 03:13:00 pm »
Thanks for the link. Nagjoin na ko :)

15
Mga sissies pajoin... Ganyan din ang baby ko after she turned 3 mos lagi na sya may ubot sipon. Now, two days na lang before she turned one may ubot sipon pa rin. Naconfine pa nga sya a day after new year because of moderate risk pneumonia. Di na rin namin alam if bakit di sya mawalan ng ubot sipon. Asthmatic kasi ako nung bata pa ko same with my husband sabi ng in-laws ko. Pagka-1 year old niya ipapa-xray sabi mg pedia niya para malaman if may PC sya.

Pages: [1] 2