Hi BlueAby,
how are you? it's been months na from your post. i hope you've adjusted to your situation in some way.
i'm in almost the same situation. wala akong ibang kasama sa house kundi husband ko at 3 yr old daughter namin. pareho kaming nagwwork full time ni hubby.
tama ang ibang mommies dito. you can try waking up earlier to do more things.

share ko lang ang routine namin sa bahay:
1. sunday: i cook packed lunch for monday to wednesday.
2. every night i make my daughter sleep at 8pm. syempre iikot ikot muna yan sa kama
at magpapaantok so more or less 9pm na sya natutulog.
3. ako naman i sleep at 10pm para makagising ako nang maaga.
4. every morning i wake up at 5:30am. pag ubos na yung niluto ko nung sunday, 5am naman ako gumigising or nagluluto na ako the night before.
5. 5:30 to 7am, i get all the chance to take a bath, cook, prepare breakfast, baon, eat breakfast, etc.
6. i give my daughter a warm bath at 7am and my husband wakes up at the same time. mas maliksi kumilos ang anak namin pag nauuna ang bath time kesa breakfast.
7. at 7:30am breakfast time na ng anak ko. cereals lang and milk. pinapabaunan ko sya ng bread, fruits, juice, maraming rice at ulam with vegetables para makabawi ng kain sa school.
8. aalis na ako ng 7:30am kasi ako ang susundo sa kanya. husband ko na ang bahala sa ibang stuff. usually mga 8am sila nakakaalis ng bahay para maghatid sa school at pumasok sa office.
9. since naka morning preschool + afternoon day care ang anak ko, nasusundo ko sya after office. nakakarating ako sa school 5:30pm. si hubby naman, sa bahay na ang diretso, since mas late sya pumasok.
10. dumadating ako sa bahay 6pm. si hubby 6:30pm. then pahinga, kain, gawa ng homework, nood onting tv, kulitan, sleeping time.
pag weekends, bumabawi kami ng tulog. hahaha.
out of curiosity, tinry namin na hubby ko lang ang gagawa ng lahat for 1 week,
since magkakaron ako ng out of the country assignment.
nakasurvive naman. kelangan lang talaga gumising nang maaga at matulog nang maaga.

if you could find a whole day day care for your 2 kids around your area,
that would really be nice. you hit 2 birds in 1 stone: a place that will care for your kids and educate them at the same time.