Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - Nanay ni Liam

Pages: [1] 2 3 ... 20
1
Travel / Re: Traveling with a 3 year old.
« on: February 10, 2016, 09:40:45 pm »
nakaka-ilang bote pa ang baby mo mommy Chiaraamurao?

Same dilemma sa baby ko. altho nakaka-2-3 bottles lang sya. minsan 1 lang. basta madami sya nakakain.

next month mag-Bora kami 4days 3nights... diko pa alam pano gagawin yung sa milk niya.. waaaah

2
Food / Re: Super Easy Maja Blanca Recipe
« on: August 07, 2015, 12:11:24 pm »
Alam ko nga sis AkosiBulinggay na-picture ko yung steps..hinahanap ko sa ipad and celfone ko wala na :(
Tried this recipe a lot of times, masarap sya. Gustong gusto ng hubby and family ko.
Im using naman yung coco milk na nabibili sa groceries, nagstop lang ako kase na-busy sa online business tsaka nag price increase yung coco milk na naka lata. Eh recently nakita ko sa Puregold naka sale kaya bumili ako ng 4 cans. Hehe

3
Food / Re: Super Easy Maja Blanca Recipe
« on: August 05, 2015, 10:12:20 pm »
Hi momchronicles! Any idea kung bakit diko na maopen yung link? It's been a while kase nung ginawa ko ito..nakalimutan ko na kung paano eh yung recipe mo talaga ginagaya ko and i super love it. Sana meron pa uli. Thanks.

4
Family Fun / Re: Manila Ocean Park
« on: June 15, 2015, 04:02:13 pm »
We opted to go to Star City muna mga mommies para madami makasama.

May nabasa kasi ako na maganda din if naka checkin sa H2O hotel. Un nga lang sa h2o hotel naman dami mixed reviews lalo na sa restroom nila. Eh very particular pa naman ako sa CR. hehe!

Baka sadyain na lang namin sa Oct. sakto 5th wedding anniv namin ni hubby. 

Thank you mommies-

5
Family Fun / Re: Manila Ocean Park
« on: June 07, 2015, 11:43:31 am »
Planning to go sa MOP this weekend June 13.

Any latest update po regaridng the rates, packages, promos? nand yung experience?

What time kaya maganda pumunta dun? Thanks

6
Mga mommies kamusta?

Nauuso yung chalkboard birthday sign...any idea how to make one and saan binibili yung materials?
Thanks in advance!

7
Gave birth via CS sa first baby ko. My OB said I can get pregnant again after 18mos lang para di ko na abutan ang high risk age which is 35y/o. Kaya lang gusto ko sana mag-normal delivery so we are waiting maging 4y/o si baby bago kami mag try uli. For now i'll be scouting for OBs muna na supportive sa VBAC. yung dati kong OB kasi based na sa Australia.

8
Real Parenting / Re: When did your baby learn/recognized the Alphabet?
« on: February 05, 2015, 07:59:24 am »
Hi mommies! How are your babies na?

My liam can recognize the alphabet na. Now lang namin napansin ni hubby na during his  18th month na inaabot niya letter blocks niya samin at nagcha-chinese na salita he was trying to say that particular letter na. Haha! Ngayong 20th month na niya dun na kasi kami nagkaintindihan kaya medyo late kami sa balita. Hahaha! He would give me the A block then sasabihin niya "A-a-apple!" Kasi may drawing na apple, then "B bus, C cat meow, D dog aw aw!" Nung una hanggang E ko lang tinatanong tapos si baby mismo inabot yung X, Z, na blocks and sinabi niya. Hehe! 1 time inabot sa kanya ni hubby yung letter T and he asked my baby..sabi ko wag muna un kasi mahirap pa..to our surprise alam na ni baby yung letter pati Q, R (bulol nga lang)..then yesterday vinideo ko sya impromptu, alam niya yung letters talaga then dinagdag ko yung numbers 1-10 (kagaya ng alphabet in any order ko tinatanong), ayun nasagot naman. May sablay lang minsan kaso pag inulit ko uli yung tanong/sulat kuha niya. Hehe!

I uploaded the video sa fb. Ayun dami na likes and comments pati pedia ni baby. Hehe! Good genes + good rearing daw kasi. Naka very good ako kay doc. Hehe!

Ienroll na daw namin sa playschool sa June para yung social and motor skills naman madevelop. Hehe!

9
Im having the same problem. Hindi lang vitamins kundi lahat ng gamot na pinapainom ko sa kanya. May times pa sinusuka niya. Dati wala sya kahirap-hirap na painumin. Kaya nagsskip na lang ako ng vitamins kapag may iba syang gamot na iinumin kahit labag sa kalooban ko :(

10
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Vaccines/Immunizations Schedule
« on: September 11, 2014, 11:19:55 pm »
Thanks sa info sis MommyniAddie!

Yan yung ayoko sa govenrment centers kasi imbes na public service, eh nagmumukha pang nanglilimos ka ng vaccines sa RHU or sometimes sa ibang govt agencies lalo if wala kang kapit.

Ttry na lang siguro uli ng sis ko nyan. Kapag hindi pa rin nakapagpa vaccine sa center sabihin ko pilitin sa pedia na lang. Altho kinda mahal ehsa anak naman nila un. Hehe!

11
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Vaccines/Immunizations Schedule
« on: September 09, 2014, 11:31:33 pm »
Hi there moms! Pa-help naman ako...

My baby's vaccines were given by his pedia kase so im not familiar with the vaccines given in health centers in barangays. yung sis ko kasi nanganak na and she prefers na kunin yung available vaccines sa health center na lang para makatipid na din.

I just wanna ask ano ba yung first vaccine na binibigay sa baby pagkalabas niya sa hosp? At birth my niece was given hepa b, and bcg. So now na 1month na sya, i compared it sa record ng son ko sa immunization record. Nakita ko sa son ko binigyan sya ng pedia ng hep b vacc 2nd dose. Tapos 8th week niya yung 5in1..  Ngpunta kami sa center kanina ang sabi sa sept 28 and 29 may sched sila nung vaccine na measles ata un..yung latest program ng DOH pero ibibigay daw kay niece yung oral drops then Oct 8 yung regular schedule nila. Hindi ba masu-super late naman ang niece ko nun sa vaccines niya? Tsaka ano po ba unang binibigay na vaccine sa center kapag first time and kelan ba dapat ibigay yun? Naloloka ako. Hehe! Medyo yan din schedule na yan ang di namin nagustuhan ni hubby kaya kahit medyo pricey talagang sa pedia lahat ng vaccines niya.

12
Hi mommies! My baby is 17months na.. Dito ko na lang din post para di na ko create ng new thread. Di ko kasi alam if meron na ito. Same topic pero pang-lampas 12months  ;D

Nagka-sipon baby ko ng Aug 13. Nag nasatapp kami for 5 days pero hindi nawala sipon niya.  May days na yellowish, tapos madalas yung malinaw lang. Nagpunta kami sa pedia Aug 19, she prescribed Sinulif dor 7 days. Hindi pa rin nawawala sipon ni baby ko. Nag-water therapy na din ako.

Natotoxic ako kasi sabay pa pagtubo ng ngipin niya kaya grumpy. Ngayon lang narinig ko umubo so may dry cough na din. Eh tomorrow pa kami makakapunta sa pedia ni hubby kc loaded sya sa work today dahil nasa head office kahapon.

May nakaranas na ba ng ganito sa inyo sa mga babies nyo? Ano ginawa nyo mga mommies? Ibang pedia kasi pupuntahan namin tom. Hanap pa kami yung malapit na lang dito para di na mapagod si baby sa byahe and accredited ng healthcard namin.

13
My pedia gave me a go signal to start introducing semi-solid foods to my baby when he turned 4months esp  when i told my pedia na kapag kumakain kami ni hubby parang nanghihingi na sya. Pedia then advised me to get his food sa healthy options (in SM meron)..organic food sya in a jar meron for babies na 4 months...pero i had doubts din so i waited for a week before he turned 5months bago sya pinakain nun. Hehe! Syempre i served him fresh food also. Now im so happy kasi hindi picky eater (so far) si baby ko :)

14
Food / Re: Cake Pops Questions
« on: August 06, 2014, 04:21:07 pm »
Mga mommies, ask ko lang...how can i make the chocolate for my cake pops runny?
Kase nung gumawa ako ng graham balls/pops ok naman kaso nung icocover ko na sa white chocolate, agad agad tumigas na yung chocolate. Hehe! Thanks in advance!

15
Your Health / Re: nervous breakdown issue
« on: July 31, 2014, 10:18:36 am »
Sis kapit lang. Think na u are stronger than you think you are.
Mahirap nga sitwasyon mo sis kasi lalo hindi supportive si hubby sayo. Akala siguro nag-iinarte ka lang. Hehe!
 Use this forum sis as an avenue para ma-express mo yung nararamdaman mo. Isipin mo na need ka ni baby. Ako pag ganayn umiiyak na lang ako tapos titingnan ko si baby. Kikiss ko na lang ng kikiss nun.

Pages: [1] 2 3 ... 20