Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - wendy.ravzz

Pages: [1] 2 3 ... 5
1
Birth Control / Re: All about Injectables
« on: August 17, 2014, 04:54:08 pm »
Hello to all! Saan kayo nagpapa-inject mga sis? How much po binabayad nyo sa OB? :) need ko na po magpa inject habang may mens pa ko ngayon para daw sure na walang baby sa tiyan ko. Please i need ur answers po.. near Mandaluyong or Manila lang sana...

Saan pong hospital/clinic? Sinong OB po? And How much po? Thanks in advance!

2
Hi. Nanganak ako last May 18, 2014 sa bunso ko. And kapapanganak ko lang din nung May 20, 2013 sa second daughter ko. ;) Bale next year sabay nalang ang bday celebration nila.. wow tipid hehe!

3
Hi po. Anyone na nakapag pagawa na ng cake at cupcakes sa Wacky Party or Cupcakesforurokasyon by Mr.Leonardo Capistrano  Jr.? ;) kamusta po ang service nila? Masasarap po ba talaga ang cakes nila? Need ko lang po ng opinion/comments/feedbacks.. :) thanks in advance po!

4
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Hello Kitty Theme Party
« on: May 13, 2014, 09:37:23 pm »
Yeheyy! ;) malapit na rin ang 1st bday ng baby girl namen! At makakapag share narin ako dito ng pics.. im so excited sa Hello Kitty theme party ng Jollibee.. bute nalang nasaktuhan ni baby ang Hello Kitty kase di ba before si Barbie pa ang theme for girls ng Jollibee. Though favorite ko din naman si Barbie, pero mas cute at sossy ang Hello Kitty for me. ;) sana walang hassle sa bday niya and hindi kame umover sa budget. By the way, nagpa customized din kame ng fondant cake at cupcake tower.. Hindi na ko mamomroblema sa giveaways for adults kase ok na ok ang cupcakes for the adults. :) Wacky Party ang cake supplier ko, sana kung gano kaganda sa pictures yung cake nila eh mas maganda pa sana sa personal heheh! ;) And masarap din sana..

5
Im 37weeks pregnant sis. ;) same tayo ng nararamdaman.. hirap grabe pero kelangang tiisin para kay baby.. gawin mo nalang sis tagilid ka ng higa wag yung pahilata. Then palibutan mo yung pwesto mo ng madameng unan.. lalo na sa likod yung pinaka malambot na pillow mo.. inom ka water before matulog.. :)

6
Labor and Child Birth / Re: tips for normal delivery
« on: April 21, 2014, 11:42:33 pm »
Hi sis,
Pinagawa lang din po saken ng midwife na nagpaanak saken before. Inom ka daw ng pinagpakuluan ng luya para mabilis ka manganak. Yung salabat kung tawagen naten sis. :) for me ok naman at sa lahat ng nanganak dun sa lying in na yun sa San Juan.. nasa sayo po kung gusto mo itry. Iinumin mo sya kapag malapit ka na manganak. Pampalambot daw po ng cervix yun.

7
92views? Wala pa din po reply mga sis? ;) hehe.. sana po may makapag share sainyo mga sis.. TIA!

8
TRAMWAY BUFFET PLAZA. ;) sa may Shaw Blvd. Dun ako nagpabinyag last october.. ok naman. Kung tight ang budget ok na dun. 285 per head at nasa 30-40pesos naman ang drinks.. ok kausap yung mga staff. Kung simple lang na binyagan at kainan ang plan mo eh swak na tong Tramway. May branch din sila sa QC.. masasarap naman ang food, eat all you can sya! Madame din dessert na pagpipilian..

9
Hello siisses! :) need ko po ng kwento/feedback nyo about sa Sta.Ana Hospital(Ospital ng Sta.Ana).. preggy po ako ngayon on my 3rd baby. Di pa ko nakakapagpa-pacheck up sa kahit saan ngayon, last time nanganak ako sa lying in lang pero natatakot ako ngyon gusto ko kase sa ospital na manganak para kumpleto sa lahat compate dun sa lying in na pinag anakan ko. Bute wala namang naging prob non.

Sis, sino po nagpaanak sainyo sa Sta.Ana? Paano ang payward dun  at ok po ba? Pls. Share mga sis! Thanks in advance!

10
Baby Development and Milestones / Re: shape of baby's head
« on: December 11, 2013, 10:43:14 am »
Chapad si baby! ;(

Bute nalang girl sya atleast matatakpan ng hair niya hehe! ;) pano lage kaseng nakahiga lang nung time na binabantayan sya nung kasama namen sa bahay. Late ko na napansin na nagkaganon na ang shape ng ulo niya.. hindi ko na nahabol. ;( kainis nga eh!

11
Real Parenting / Re: Favorite commercial ng babies nyo?
« on: December 11, 2013, 10:39:06 am »
Favorite niya yung sa "Surf commercial 5 in 1 fabric conditioner"
 ;) yung may lumilipad na bubbles. Kahit anong ginagawa niya basta pinalabas yun nakafocus agad sya with matching tawa pa.. tsaka kahit patulog palang sya nagigising sya kapag yun ang narinig niya.

12
The In-Laws / Re: brother-in-law na tamad?
« on: December 03, 2013, 02:23:44 pm »
Hi sis! ;) super relate ako sa topic na toh! medyo napahaba ata mga sis pero need ko ishare toh hehe! Yung saken naman na BIL eh hindi lang tamad, sobrang kapal na ng mukha eh matakaw pa! Yung katakawan niya kaya ko nasabe yung tipong magluluto ako ng ulam namen sa tanghalian hanggang hapunan na yun dahil madame naman ako lage magluto, gawa niya eh kakaen sya ng tipong hindi niya iniisip namay kasama pa sya sa bahay at wala ng itinitira.. at take note mga sis, dun pa sya kumukuha sa ulam namen ng pang baon niya sa trabaho.. ;( kaya ag nangyayare eh wala nang natitira samen na ulam at kanin. Mga sis hindi po ako maramot na tao dahil unang una pagkain yan eh. Ang kaso wala syang pakealam samen kung may kakainin pa kame or wala. Hindi kame mayaman.. sapat lang lage ang kung anung meron kame. Kinuha sya ng asawa ko galing syang probinsya para magkaron ng mas maayos na buhay dito sa Manila.. ipinasok ko sya ng trabaho. Lahat ng pangangailangan niya kame ang gastos.. lahat as in lahat, ultimo luho niya binibigay ng asawa ko na kuya niya. Nagkatrabaho sya pero kahit piso wala man lang iniaabot samen kahit piso, bago sya umuwi dito eh usapan pag nagkawor sya mag aabot sya kahit share lang sa kuryente at tubig dahil isinama din naman niya yung GF niya dito samen. Lahat ng needs nila kame ang sagot. Pero nakailang sahod na sya wala man lang kame natikman. :( para syang border samen,mabute oa nga ang border nagbabayad ng renta. Ang saket pa niya sa ulo dahil hindi sya marunong gumamet ng mga ibang appliances like yung plantsa ipinatong ba naman sa mattress ng bed namen habnag nagpaplantsa bute nalang nahuli ko. At yung rice cooker hinugasan. Marami syang palpak sa house kahit pa maayos ko syang tinuturuan at pinagsasabihan. Pag off niya basketball buong araw hindi man lang ako tulungan kahit kapapanganak ko palang.

Lage namen syang pinag aawayan ng hubby ko dahil inis na inis na ko super! ;( nakakawalang gana sya kasama sa bahay. Hindi sya masabihan ng hubby ko dahil nahihiya ang hubby ko na pagsalitaan sya. Alam ko 1 time kinausap naman ng maaus ni hubby yung kapated niya pero walang effect! Alpha kapal muks pa din yung isa! Hayy salamat naman at napaalis ko na din sya... :) atleast ngayon masaya na ko at peaceful ang isip ko. Tipid pa kame! :)

13
Your Kid's Health and Safety / Re: Laging nakasubo ang daliri sa bibig
« on: December 01, 2013, 09:01:40 pm »
Hi sis! Ako din major major prob ko yan sa eldest ko.. he is 5yrs old now.. nakuu lage talaga nakasubo yung daliri niya sa bibig.. yung ginagawa niya is kinakagat niya yung kuko niya at daliri niya halos pudpod na. Kahit anung gawin ko na panakot at pinagsasabihan ko ng kung ano ano para hindi na niya isubo ayaw pa din. :( manerism na niya yata un. Pero every time na nakikita ko ginagawa niya yun eh tinatanggal ko agad yung kamay niya sa bibig. Ang kinakatakot ko baka magkasaket sya syempre bata kung saan saan sya humahawak at nilalaro..

14
Baby Names / Re: I need baby boy names starting with letter "R" and "J".
« on: November 29, 2013, 11:33:44 pm »
Rome Jackson.. ;)

15
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: SSS maternity related questions
« on: November 26, 2013, 08:48:21 am »
Hi mga sis! ;) i really need your help po. Ask ko lang kung makakatanggap pa ba ako ng maternity benefit ko kahit hindi na ko nagwowork ngayon? Nagstop na rin kase ako sa work ko dahil nanganak  ako last May.20, 2013 then ngayon po sad to say buntis na naman ako mga 3months na po kaya malabo na talagang makabalik pa ko sa work ko.. ;( Ayun po, qualified pa din ba ako sa maternity benefit ng SSS kahit hindi na ko nagwowork ngayon? At eto pa po mga sis, nung nanganak ako last May 20 eh nakakuha na ko ng benefit from SSS since nagwowork pa ko nun. Makakakuha pa ba ako this time kahit kakakuha ko lang this year? Sana mga sis matulungan nyo po ako kung may nalalaman po kayo. Big help po talaga saken toh! ;) thankss in advance mga sis!

Pages: [1] 2 3 ... 5