Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - sweetTess

Pages: [1]
1
Its nice to know may mga teacher mommies rin po dito sa thread na to.  :)

My son is 4yo and  in K1, private school. His teacher is (as I call it) -laging aburido. Early morning nakasimangot, kahit batiin mo, hanggang uwian sumbakol parin. 2nd week of classes, I approached her to check on something. That first meeting was a nice one, approachable naman so naisip ko baka nga hindi niya lang habit magsmile. But as days passed by, I am starting to get annoyed with her. Everytime susundo ako,  laging bungad ng anak ko "Mama, wala akong star". So sabi ko sige anak, check natin sa bahay. Iniisip ko baka hindi niya nagegets un tinuturo at puro "x". I checked on his notes and books perfect naman pati un writing pad niya ok naman nasusunod niya un 3 lines. I asked him baket raw hindi siya binigyan ng star, nakalimutan raw. Pero there were some classmates na meron stars. So for the record since that day, till kanina ganun parin nangyayari. Hindi naman ako  "matakaw" sa star pero my son deserved it naman di ba. Pang-boost ba ng confidence ng bata. SO feeling niya, he's not that doing well in school. One time naman sa lesson nila ng Small-Big my drawing siya na mukhang turtle pero 1 leg, I asked him what it was sabi niya fish raw. pinaulit ko ng pinaulit ipadrawing and ipadescribe sa kanya pero un talaga tingin niya and interpretation ng fish. Nagawa naman niya un instruction na magdraw ng big and small.Pagdating kinabukasan "x" ng teacher. Sabi ko sa anak ko, baket "X" .May sinabi ba si teacher? Ang sabi ng anak ko " Mama, bawal magtanong. Teacher will get mad." So iritado talaga ako. That was not an art lesson for my son to draw a perfect fish and the thought na nakuha niya un concept ng big and small is I believe a good one that he understands the lesson. Came prelims zero naman siya sa test item na idraw ang family. Maayos naman un tatay, un nanay-short hair na may earing, ate with long hair, bunso -3 strands ng hair and un kuya kalbo. Ang sabi raw ng teacher hindi niya maintindihan un drawing. Hindi ko na alam panong approach gagawin ko sa teacher na to na hindi niya pagiinitan anak ko. Like kahapon, sinabi raw ng teacher na hindi siya nagrereview sa house ng numbers. Eh sabi ko anong sinabi mo anak, ngcount raw siya ng 1-20.tapos ng spell siya from one to ten. Ok lang raw sagot nun teacher. Naku nahihiblood talaga ako. Censya na po sa haba.

 

2
hi mommies  :) our 1st day in school is a blessing kasi hindi umiyak ang big boy ko (3&11mos that week at K1). Sa stairs palang pinapaalis na kami ng papa niya, kaya niya na raw. It was a big help kasi un classroom nila ngayon ay the same room kung saan siya ngsummer class. Nakahelp rin siguro na nagdaycare siya since puro socialization ang focus ng program, sanay na siya bumati sa mga nakakasalubong niya. I heard nga un isang bata sa K2 sabi sa mama niya if kakilala raw nila anak ko kasi binati sila.

Pero I also have a concern like sis KVsmommy, sa house pag practice writing kami maayos at nakakasunod siya magwrite sa blue-red-blue lining sa paper. and he knows how to write the aplhabet big&small. MOst of the time, iniiwan ko siya gumawa then babalikan ko na lang siya if he's already finish, to check and he's doing good.  Nagtataka naman ako ngayon everytime nakikita ko un seatworks niya sa school, mirror image un pagwrite niya ng ibang letters and lagpas or sobrang liit ng mga letters. Kaya un writing pad niya puro red mark ng teacher. Bothered ako kc alam kong kaya at alam naman  niya. Im not pushing him naman kasi nga naiiwan ko naman siya pagpractice kami sa bahay. Kakausapin ko nga teacher niya mamaya just to ask for her opinion. Any advice from any of you will be a big help as well. TIA  :)

3
Preschooler Age / Re: back to school tips?
« on: May 28, 2013, 04:29:59 am »
this thread is very helpful talaga. especially un pinakabasic (na medyo mahirap gawin), and matulog and gumising ng maaga lalo na mga preschoolers  ;) Thank you sis KVsmommy, sa meal tips. bago ako pumasok sa gabi iluluto ko na para painit na lang sa umaga. Godbless to us all  ;D

4
Preschooler Age / Re: back to school tips?
« on: May 23, 2013, 01:39:40 am »
hi mommies, just want to ask for tips regarding breakfast. It will be my son's first time to study in a regular school as K1 (he went last year in our Brgy Day Care - pm schedule). 7:15 to 930 am ang sked na binigay sa kanya kasi un midsession sa morning ay pang-nursery. 730am kasi out from work ko so husband ko po responsible sa paghatid sa kanya to school. Iniisip ko lang ano pong magandang energy food na magugustuhan ng 4yo. Usually milk lang kasi siya ng ganitong kaaga tapos uupo lang sa sala magscan ng books then saka manonood na siya ng educational DVDs later on pa siya hihingi ng bread or minsan rice, parang merienda na niya sa umaga. feeling ko kasi not enough un milk.kaya sabi ko sa husband ko pilitin niya kumain ng kahit pandesal at egg bago pumasok sa school. pero aside from that easy to do meal any advice po na puwede ko iprepare sa gabi then ipapainit na lang sa umaga bago sila pumasok. TIA . Godbless  :)

5
Preschooler Age / Re: Day Care Vs Private Preschool
« on: April 18, 2013, 06:10:04 am »
hi mommies  :) my son also started from day care , exactly 3yo kasi siya ng june. basics lang naman talaga itinuturo sa daycare like alphabets, numbers 1-10, tracing, songs, proper hygiene and esp socialization. P220 pa bayad namin , un 20 para sa tagalinis para hindi na kaming parents maglilinis. Then nagrereview rin kami sa bahay para may follow-up sa mga pinag-aaralan nila. Magulo sa daycare na napuntahan namin kasi 25-32 students, depende sa araw kasi my ilang hindi naman regular kung pumasok. Now that he's 3&10mos, I enrolled him sa summer class ng 1 private school samin para naman sa basic reading and writing. So far ang assessment ng teacher is mabilis raw matuto anak ko. Alam na niya un colors, sounds ng letters, numbers. Nakakasagot narin sa mga logic questions and memorize un Panunumpa sa watawat. So hopefully kaya naman na niya sa bigger school.  So kahit saan mag-aral ang bata need parin tutukan talaga sila. Hindi naman lahat maituturo ng teacher. K1 na siya this SY ,sa private school na namin siya ipapasok.

6
Real Parenting / Re: learning how to read and write. When and how?
« on: April 11, 2013, 04:47:17 am »
hi mommies, ask ko lang din. Usually ano po  ba dapat first na tinuturong reading sa bata- english or Filipino? Sa Filipino, its the ba-be-bi-bo-bu... while in english we have the basic CVC. Coz I know in school parehas naman itinuturo. I just want to know in preparation for my son.   TIA  :)

Pages: [1]