Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - pink_mommy0427

Pages: [1] 2 3
1
Beauty and Product Reviews / Re: Myra 400 E benefits
« on: July 08, 2014, 02:15:14 pm »
Nung dalaga pa ako at nung after kong manganak sa eldest ko, (not ebf) nagte-take ako ng Myra 400-E. Question lang mommies, ebf kasi kami nitong second child ko, pwede kaya akong magtake nito?

2
Baby Development and Milestones / Re: best shampoo or soap for babies
« on: July 06, 2014, 11:17:19 pm »
Nung newborn palang si baby ko, lactacyd gamit namin pero hindi sya nahiyang kasi nag-dry yung skin niya. Recommended ni pedia aveeno baby soothing relief creamy wash (unscented). Thumbs up ako dito lalo na kung ang gagamitin mo aveeno baby soothing relief cream (lotion), mafi-feel mo talaga softness ng skin ni baby. Pero wala pa akong mabilihan ng ganung baby wash ngayon kaya yung aveeno baby shampoo and wash (2in1 na sya) na lang binili namin. Lightly scented lang pero gusto ko yung amoy niya. For me naman kasi ok lang maski di nagla-last ng matagal yung fragrance basta soft at healthy ang skin ni baby. Pricey ng konti ang aveeno pero para sakin the best 'to :)

3
Just wanna share my experience with our dating kasambahay. Her name is CELIA A., from South Cotabato. 5'3 ang height, maitim, kulot at mataba Sept. 2013 nung dumating sya sa amin, ni-refer siya sa amin nung pamangkin niya na dating maid ni MIL. Usapan namin na gawaing bahay lang naman ang kanya, laba, linis, hugas ng plato. Ako naman ang nagluluto, namamalengke at nag-aalaga sa baby ko dahil SAHM naman ako. Ok naman sya nung una pero nung mag-one month na sya sa'min dun na nag-umpisang sumakit ang ulo ko.
-MAHINA MAKA-PICK UP NG INSTRUCTIONS binibigyan ko na ng examples like tamang paglilinis hindi parin talaga makuha. Isang beses inutusan kong magpunta sa palengke, binigyan ko ng listahan, bell pepper ang nakalagay pero ang binili black pepper corn. Hallllleeeerrr!

-TAMAD, hindi naglilinis ng bahay o magpunas man lang ng alikabok. Nung una hinayaan ko lang hanggang sa di ko natiis yung kalat, ako na ang naglinis para naman makaramdam ng konting hiya to think na si amo pa ang maglilinis ng bahay. Aba, imbes na tulungan ako eh hinayaan lang ako at pinanood lang ang giangawa ko.  Sa hapon after lunch tulog, gigising para kumain tapos tulog ulit. sa gabi 8 pm palang tulog na, ni hindi man lang hintayin na matapos kaming kumain nila hubby  >:(

-MALIKOT ANG KAMAY nung una yung mga nakalabas na barya ko lang ang pinakekealaman at yung alkansya ko, aba nag-level up si ateng! nung minsan na naiwan ko wallet ko sa sala, bilang ko un dahil ipambabayad ko sana un sa internet bill ko. paggising ko kinabukasan kulang na yung pera. kahit dalawa lang kami sa bahay ayoko paring magbintang. Ginawa ko kinabukasan pag-alis ni hubby papasok sa work (5 am) pumunta ako sa sala at in-on ang camcorder ng laptop ko, sa harap nun nakalagay wallet ko, bilang ko din ang pera. naglinis sya that time, ako naman pasok ulit sa kwarto. pag check ko sa laptop, ayun huli... kumuha nga sya ng pera sa wallet ko. ni-confront ko sya, aba ayaw umamin hanggang sa pinapanood ko yung video, di sya kumibo, napahiya siguro. akala ko nun aalis na sya dahil nabuking ang ugali niya eh. pero sadya atang may extrang kalyo sa mukha si ateng, nag stay parin sya so ako naman ok lang basta sinabi ko wag na nyang uulitin dahil pag naulit, di na sya makakarinig ng salita, alam na niya kung anong gagawin niya.

MASYADONG MATAKAW sorry for the word pero 'yan talaga sya. 'yung mga pagkain na para sa son ko at step daughter ko siya pala ang nagko-consume. Everytime na magtatanong si SD kung nasaan ang chocolate drink nila, cookies, candies, chocolate at biscuits na binibili ko for them (kids) tinatanong ko si Celia ang palagi nyang sagot " Ay, kinain ko na". 7 am magbe-bfast sya, 9 am kakain ulit, 12 magla-lunch. after nun si-siesta at paggising, kain na naman.

-Ito pa isang problema sa kanya na buwisit na buwisit ako... PAKIALAMERA, personal things namin such as towel, panghilod, sabon, shampoo pinakekealaman! mahilig magkalkal ng gamit na di kanya. Samantalang ang dami kong binigay na mga damit sa kanya dahil naawa ako nung dumating sya sa akin wala syang matinong damit. yung mga shirts niya parang yung mga freebie lang ng boysen or shirt na pinamigay ng politiko :(. Hinahanap ko yung isang polo shirt kong lacoste na bigay ng mama ko, wala sa labahin, wala din sa closet namin... nung tinanong ko sya hindi niya daw nalabhan o nakita man lang.

-MAHILIG MAGTEXT/CALL SA ORAS NG TRABAHO, there was one time na inutusan ko sya to do the dishes dahil nakatambak na, akala ko sumunod... nung hinanap ko nasa likod bahay pala at may kausap sa cellphone, nung pinagsabihan ko sumasagot-sagot pa.  >:( Minsan pag hinhanap ko at may iuutos ako wala sya, un pala nasa kapitbahay, making chismis.

-ABUSADO every week bumabale, minsan pag binibigay ko buong sallary niya bumabale pa, eh naka budget talaga pera ko...

Nagsumbong din si SD sabi niya sinasabunutan daw siya nitong si CELIA pag humihingi sya ng water. At eto pa yung eksenang talagang nagpainit ng dugo ko... nung araw na nagpaalam syang uuwi sya sa kanila, umaga palang namalengke na ako para makakain sya bago bumiyahe pauwi, medyo malayo din kasi ang Davao sa South Cotabato. Sinabi ko pakilinis yung kwarto at sala para malinis bago sya umuwi. pagbalik ko ganun parin kadumi, tinanong ko sya...
ME: 'Te di ka pa pala nakakalinis?
CELIA: Di pa (nakahiga)
ME: Bakit? Eh di ba bago ako umalis dalawang beses ko pang inulit na pakilinisan yung kwarto at sala?
CELIA: Akala ko nilinis mo na?
Natigilan ako, gustong-gusto kong batukan mabuti nakapagpigil ako! sabi ko " Ano?! bakit ko naman lilinisin, gawain ko ba yun? Sa'n ka nakakita na amo ang maglilinis ng bahay habang ang katulong nakahiga?... At san ka kaya kumukuha ng kapal ng mukha?!"
Alam kong mali dahil pinatulan ko pa sya, pero di ko talaga napigilan na di  magalit  >:( grabe, maski anong malasakit, pakisama, kabaitan ang ipakita mo hindi pala 'yun ang magbibigay ng dahilan para irespeto ka nila at pagmalasakitan, bagkus nakikita nila yun na dahilan para abusuhin ka... No wonder kung bakit ganyan ang buhay nila...

Nung araw na yun hindi ko na tinanong kung babalik pa ba sya dahil wala na akong interes sa kanya, sakit lang sya sa ulo. Ang paalam niya sakin uuwi lang siya sa kanila saglit pero alam kong may papasukan siyang iba. Okay lang, GOOD LUCK sa kanyang bagong employer  ;D



4
Yaya Solutions / Pasaway na maid
« on: February 27, 2014, 05:18:28 pm »
Ang hirap maghanap ng yaya/maid sa panahon ngayon na talagang magmamalasakit sa'yo. Itong kasambahay namin talagang nagkakaproblema ako sa ugali. Unang-una, sabon pampaligo namin ultimong panghilod ginagamit niya samantalang binibigyan ko naman sya ng allowance para sa personal needs niya. Pangalawa, sobrang takaw (sorry for the word), walang problema sa pagkain, open naman ako pero yung mga pagkain na dapat sa mga kids ko kinakain din niya. Pangatlo, kung hindi mo uutusan hindi kikilos. ang liit-liit nlang ng bahay namin hindi pa nalilinisan ng maayos, magwawalis kung saan lang makitang may kalat. Ni hindi mapunasan ang alikabok. Hindi naman masyadong mabigat ang trabaho niya, linis, hugas ng plato at laba lang. Ako ang nagluluto dahil mas prefer ko na sarili kong luto ang kakainin ng family ko. Kahit paulit-ulit mong sabihan parang walang nangyayari. At pang apat na talagang kinaiinisan ko 'yung pagiging malikot ng kamay niya. Dati yung mga nakalabas na barya lang ang kinukuha niya pero ngayon nag level up na! Sa wallet ko na mismo sya kumukuha. Sinubukan ko syang kausapin pero talagang ayaw umamin. Pang ilang beses na nyang ginawa 'to pero naaawa parin akong paalisin sya kasi sya lang ang inaasahan ng pamilya niya. May anak syang dalagang ina, at yung baby 1 yr old at hindi na naggagatas, giniling na bigas na hinahaluan lang daw ng pinatuyong dahon ng malunggay ang dinedede para magkaron ng sustansya. kaya kada bale niya hindi ko magawang tumanggi kasi alam ko yung sitwasyon niya pero sabi ko "ate, sobrang bait ko at pakisama sa'yo pero sana wag mong abusuhin. kung may kailangan ka magsabi ka sa'kin hindi yung kukuhaan mo ang wallet ko ng walang paalam." Alam ko yung naiisip niya, na maliit na halaga lang yung kinukuha niya pero regardless kung maliit o malaking halaga, Pag hindi sa'yo hindi mo dapat kunin ng wlang paalam. haysst! Sino po sa inyo mommies ang may ganitong problema sa yaya/maid?

Read it on Smart Parenting.
Isabelle Daza Leaves Nothing to Chance With Contract for Kasambahays

Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/life/home/isabelle-daza-contract-kasambahay-a00041-20190122?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!

5
Hi po mga mommies and sissies, alam ko karamihan sa atin dito mga online sellers din na tulad ko. pero ako kc bago lang, 1 week palang at  wala pang mga buyers/ wala pang pa-order :'(. ganito din po ba na-experience nyo noong bago palang kayo? Minsan kc naiisip ko, hiyang ba talaga ako sa ganitong business? marami nmang nag-iinquire pero still wala pa tlagang umoorder.  :-\ Thank you po at maa-appreciate ko ng sobra ang mga answers ninyo :) Godbless!

6
ganun ba? thanks sis Eza :)

7
my baby turned 4 months nung Sept. 4 at nagpapakita narin sya ng interes sa pagkain. pag carry ko kc sya, maski anong kinakain ko inaagaw niya eh. Mag-start na akong pakainin sya ng pureed fruits/veggies sa kanya tomorrow. Ask ko lang mga mommies, pano po kung carrot? kailangan ba ilalaga ko muna bago ko i-blender?

8
Romantic Relationships / Re: paano ba kayo mg away ni hubby?
« on: September 09, 2013, 03:02:34 pm »
natatawa ako habang binabasa ko ang topic na 'to  :D. kami ni hubby ko baligtad, tahimik lang ako, ganyan ako pag  naiinis na talaga ako. c hubby ang talak ng talak, minsan pasagot-sagot naman ako sabay sabing "Gusto ko nang umuwi sa'min! sarap mong layasan para magtanda ka eh." 'yan ang laging linya ko. last week lang nag-away kami, naawa naman ako kc kinabukasan sabi niya sakit daw ng chest niya... ginugulpi ko kasi pag di ako nakakapagpigil. pag galit ako ni hindi ako humaharap sa kanya sa pagtulog, maski yung masagi ko sya di ko ginagawa. mnsan naman dun nalang sya sa sala natutulog. tapos kinabukasan pag lumipas na galit ko ok na ulit kami, sya parin ang nauunang bumati sa'kin. pero humihingi rin naman ako ng sorry lalo't alam ko na ako din ang may kasalanan. naisip ko nga ang swerte ko kasi maski na ganito ako na topakin, anjan parin palagi si hubby na umiintindi sa'kin kahit mnsan maski ako di ko maintindihan ang ugali ko  ;)

9
Sleep Training / Re: about SIDS
« on: August 24, 2013, 07:42:03 am »
since 2 months old baby ko natutulog na sya ng nakadapa sa chest ko o di kaya sa husband ko. hanggang ngayon na 3 months 3w na sya ganun parin, nasanay na talaga sya kc katabi namin siya matulog eh, pg nilapag ko nagigising o umiiyak.  kaya ginagawa namin ni hubby palitan kami kay baby, pag nangawit ako, sa chest niya naman natutulog c baby :)

10
Members' Kumustahan board / Re: SP Mom's Birthdate/ Age
« on: June 30, 2013, 11:00:34 pm »
June 27, 1990, katatapos lang ng bday ko, kung pwede lang sanang ma-freeze nlang ang age ko sa 23... :D

11
Baby Development and Milestones / Re: shape of baby's head
« on: June 28, 2013, 08:01:31 pm »
paglabas niya palang sis ganun na shape ng head niya, tapos pag natutulog sya o maski gising at nakahiga palagi xang nakapaling sa left. sabi nga ng hubby ko ibahin ko naman daw ang position ng pagtulog namin at pati narin sa pagpapadede, lipat naman daw kami sa right para magpantay ulo niya. maaayos pa kaya 'to?

12
Baby Development and Milestones / Re: shape of baby's head
« on: June 28, 2013, 11:11:21 am »
help mga mommies, di po pantay ang shape ng head ng baby ko and he's 7 weeks old now. sabi nila haplos-haplusin daw para bumilog and ginagawa ko naman un for one week na. bibilog pa kaya 'to maski kelan ko lang inumpisahan na haplusin ang head niya?

13
Baby Names / Re: babys' with long name - post here!
« on: June 13, 2013, 11:29:17 am »
ALVIO JEVONE CEDRICK ang name ng panganay ko, 5 years old na sya ngayon at kaya na nyang isulat ang pangalan niya ng buo. nung una talagang pati ako nahirapan magturo kasi nagrereklamo sya bakit daw ang tagal matapos isulat yung name niya  ;D (ang haba kasi, wala pa dun ang surname) ;D pero mga mommies tyaga lang po at pasensya at wag natin masyadong madaliin sila kasi matututunan din naman nila yan :)

itong second child ko KIEFER TOBBY BRYLE ang pangalan, medyo mahaba di :)

14
baby ko hindi naman palaging naglulungad, problem ko lang pag pinapadede ko sya na karga ko (breastfeed si baby) palaging nasasamid. hindi naman sya ganon pag pinapadede ko ng nakahiga kami...bakit kaya ganun?

15
itong 2nd baby ko once a day lang maligo, sa hapon kasi punas-punas nlang. yung panganay ko naman, 5 yrs old na kaya twice maligo o mnsan 3x pa nga kasi laro ng laro eh kaya palaging ngdudungis. bsta dapat makaligo siya before going to bed kasi nasanay na, di na makatulog ng maayos pg di naligo.

Pages: [1] 2 3