Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - maia2013

Pages: [1] 2
1
Single Moms / Re: Single mom with stage mother acting tita need advice
« on: February 24, 2015, 04:22:14 pm »
Hi sis,

musta kana? nakuha mo na ba ang baby mo?

2
Labor and Child Birth / Re: When did you file for a maternity leave?
« on: February 24, 2015, 03:43:32 pm »
Hi sissy,

my advise is 3 weeks before your EDD, or if kaya mo pa, 2weeks before your EDD. Ako kasi nag start 1 week before my EDD(adik lang sa work) hahaha! its always depend naman sayo kung kelan mo gusto.,pero much better yung 3 weeks before your EDD kasi minsan maaga ang due natin kesya sa EDD talaga :)

Good luck!

3
Labor and Child Birth / Re: tips for normal delivery
« on: April 25, 2014, 08:36:25 am »
Hi Sis...
you can buy castor oil sa kahit anong drugstore...binili yun ng mom ko sa generic pharmacy,
salabat is great too, kasi since we cant take medicines pag preggy tayo, salabat is good for ubo and sipon.

yung lasa ng castor oil, medyo mapakla lang, pero take agad ng water or juice. sa picture po, check mo na alng sa google hehe...

4
Labor and Child Birth / Re: tips for normal delivery
« on: April 22, 2014, 08:53:55 am »
Hi sis cheeryl..I understand your situation...I just want to share kung ano yung ininom ko, 3hours lang ako nag labor when I gave birth to my first baby :) I dont know sa iba, but my midwife advice me to take Castor Oil, 2-3 spoon 3days bago yung due date ko. tanong ka muna sa midwife or OB mo if okay yun for you... :D

hope this will help.

5
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Baptismal Budget
« on: February 21, 2014, 02:15:45 pm »
Hi sis @rozzy..i bought it from Divisoria, the other one from Robinson...hehe thanks po.

6
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Baptismal Budget
« on: February 12, 2014, 05:36:39 pm »
Hi mga sis!

Finally, done na with my daughter's binyag..I'm super tight at budget that's why I made my creative mind works on this, para kahit simple, bongga pa din. And I'm happy with the outcome, hindi ako napahiya sa mga guest. Below are the details:

Venue: During's Restaurant-Brgy. Kalawaan Pasig City
Package for 60pax=10,000.00
Set Menu:
Beef Calderete,
Pork & Chicken Adobo,
Fried Chicken,
Mixed Seafoods,
Pansit, Sisig,
 Pork bbq,
Fish Fillet,
Chopseuy
and Coffee Jelly as Dessert.
Package inclusions: free use of venue for 5hours, 20 balloons(color of your choice) and cake. But since may cake na ako, i asked kung pwede na lang na drinks yung cake, yes they did naman, bottomless Iced tea!
Actually nagluto pa ang mama ko ng lumpiang shanghai at hindi naman nila ako siningil ng charge :)
-and I can tell and prove na masarap ang pagkain nila, maarte ako pero nasulit sa food ang mga bisita-sa lasa at sa dame! as in busog lahat :) I just added some since sumobra din sa 60 ang guest ko, I think around 80.
They also have a Videoke na pwede hire for 5 hours-500 pesos  unli song :)

Cake: Gares Cakes & Cupcakes: super happy ako sa fondant cake na gawa nila, dahil they made the outcome ng idea ng cake na gusto ko, so I'll order ulit for sure on my baby's bday :)
I also order special merengue from a bakeshop near our home, and hindi din ako napahiya dahil special yung pagkakagawa nila.

Decorations: Since balloons lang ang decor ng Venue, I made additional. at ang ganda ng outcome since may pagka artistic talaga ako :)

Tarp: Pledge from a ninang

Giveaways: cute coin purse from divi and gluta soaps which I added kolorete pa kaya sulit pa din :)
Baby Dress: I just bought the gown in Divi, super cute, and the shoes are from Tip Toe, Yung change outfit is from Robinson Galleria.

Church: Sta. Martha Parish=Php 400.00

In total less than 15,000 only! Sa sulit na Celebrations.
For Pictures, just follow the link below :)

http://s1034.photobucket.com/user/lvemb1/library/?sort=3&page=1

http://s1034.photobucket.com/user/lvemb1/library/?sort=3&page=1


7
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Baptismal Budget
« on: January 15, 2014, 11:53:49 am »
Hi Sis daveigh,..sorry sa kate response. uber sa pagka busy sa work...
thank you sa ideas..ill take note ng mga comment mo :)

8
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Baptismal Budget
« on: January 07, 2014, 10:47:03 am »
Hi mga mommies :)

was planning for my daughter's christening on February, gusto ko sana isabay sa birthday ng mom ko :)
gusto ko po sana humingi ng experience sa mga resto sa baba :) Okay naman sa budget pero syempre gusto ko magtipid since I'm a single mom :) maximum 50 guest ang expected ko, hope you can help me :)

Choices:
1. Tramway
2. Shakey's
3. Kamay Kainan
4. Max
5. Cabalen

Pero as much as possible sana buffet para unli sa food hehe..top choice ko is Kamay Kainan sa Market2, anyone po na naka-experience na dun? please help...

and also, naghahanap po ako ng giveaways, plan ko is cupcakes yung my 3d top na babies, or fondant cupcakes na cute..hope you can help me :)
thanks in advance :)


9
Single Moms / Re: Pregnant and single
« on: December 12, 2013, 10:44:06 am »
Hi sis, kung tutuusin you're still lucky pa nga coz he admits to you na hindi niya kaya at nagpaalam pa sya..yung iba dito basta na alng iniwan ng wala kahit "ha" or "bye"..imagine how much dilemma they've been? diba? :)
Like me, I was on my 5th month pregnancy when my wrong half hindi na nagpakita kahit anino at dulo ng buhok niya. I'm not bitter, kasi hindi ko na din hinanap, i even changed all my contact numbers right away. YES ITS HIS LOST.
Right now I'm so happy being a single mom to a very cute princess! She's turning 6months this month. Sobrang busy ko sa work at sa family. Minsan naiisip ko pa din naman si wrong one kasi unfortunately nakuha ni baby ang mata  niya :) But then I can't feel any pain naman.
Maybe nakatulong din yung pagiging optimistic ko. When someone leaves us, there'll be someone much better na darating...and that'll be soon :) CHeer up!

10
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: SSS maternity related questions
« on: December 12, 2013, 09:59:58 am »
@xoxo_mommyG- yes po qualified kana to claim SSS Benefits, since more than 6months ka naman na nakakahulog po :)

@mamabluez- ang alam ko po ultrasound lang talaga tinatanggap nila since dun po makikita yung EDD mo. Regarding SSS ID, not required naman, but since pupunta ka dun much better to apply for an ID na din since valid ID talaga if from there.

@wendy.ravzz-kung kahit po wala ka ng work pero nagbabayad kapa din as personal contributors sa SSS pwede kapa maka-avail ng benefits. But better to ask them personaly since minsan paiba-iba din yung sinasabi ng customer service at ng mga tao sa branch.

pwede din natin check online mga sis if qualified tayo for benefits, just register online sa website ng SSS then makikita mo na dun kung may makukuha kang benefits.


11
Single Moms / Re: need help ulit.. kawawa ba sina baby pag walang ama?
« on: November 15, 2013, 11:47:11 am »
Hi sis, I belong to a broken home din, as in never ko nakasama ang papa ko, 4 kaming magkakapatid, pero never naman namin naramdaman na kawawa kami. Kasi pinuno kami ng pagmamahal at tamang pag aalaga ng mama ko....magiging kawawa lang ang anak natin kung pababayaan natin sila. Maybe inisip ng mama namin na wala na kami makukuhang love sa papa namin, kaya dobleng love yung binigay niya...so nasa atin lang kung paano ang magiging lagay ng mga anak natin.


12
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: SSS maternity related questions
« on: November 15, 2013, 11:33:40 am »
@sis kissablesam...yes kahit nakunan ka you cna still able the maternity benefits from SSS, just file the necessary documents. Especially yung Certificate from the Hospital.

13
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: SSS maternity related questions
« on: November 13, 2013, 04:19:56 pm »
@ sis momVeh-depende kasi yan sis sa amount ng monthly contribution mo, pwede mong i-check online kung magkano talaga yung dapat na benefits mo, just log in sa www.sss.gov and register your sss number, then from there may tab where you can check your benefits.

14
Single Moms / Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« on: November 12, 2013, 09:15:34 am »
Hi sis @MaraMeow... I gave birth last June, noong una delightful naman si X, sya pa nga nagpiprisinta na magbigay ng name kay baby since we already know na girl ang magiging baby namin, then when I'm on my 5th month hindi na sya nagpakita, never din ako naghabol kahit alam ko bahay at work niya, I even changed my contact numbers, ayaw kase saken ng mom niya as if mayaman sila, kaloka!hahaha!

Then I found out na my ka-live in na pala sya na una pa saken, at may tatlo silang anak. Imagine ginawa akong mistress without my knowledge!

Yes, super mahalaga ang support ng family. They never fail to show love and support samin ni baby. Sobrang saya ko din ngayon, kasi I have more reasons to live. Masama man ang nangyari sa lovelife ko, I still have reason to be thankful and that's my daughter na super cute din at healthy :)

the funny part is, lately may naririnig pa ako na hindi daw sa kanya ang anak ko while unfortunately eh kamukhang kamukha niya. Nakakatawa lang na ang dami ko naririnig na para bang naghahabol ako? sila ang hindi maka-move on! while ako super happy and contented. At wala naman ako balak humingi kahit pisong duling sa kanya no...that's not so me :)

15
Single Moms / Why you're a SINGLE MOM?
« on: November 11, 2013, 05:13:35 pm »
Hi mga sis! what's the reason why you are a single mom? I know marami tayo dito na single mom, share your stories...and let's exchange ideas and thoughts. Lets say, anong age ka when you became a single mom, what did you do...etchetera...

I'm excited to read your stories! thanks :)

Pages: [1] 2