Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - AnJelatine

Pages: [1] 2 3 ... 9
1
Birth Control / Re: All about Injectables
« on: January 12, 2014, 12:29:27 pm »
^Yes sis. Nakaka-irreg talaga ng cycle ang injectibles.

Thank You! :) Mag stick na lang ako sa pills ko tutal hiyang naman ako. Napa-isip lang ako mag switch kase P450/month ang pills ko :-\

2
Pamahiin / Re: totoo ba ang mga napapanaginipan natin?
« on: January 11, 2014, 11:37:46 pm »
May panaginip ako dati, ang makakatuluyan ko daw is someone na White ang uniform. So pwedeng Nurse, Doctor, MedTech, etc. With matching kilig-kilig pa hanggang pag gising, and the fact na naaalala ko pa din hanggang ngayon diba? Lol ;D

Pero, hindi. Programmer ang Partner ko. Haha! ;D

3
Money / Re: 52-Week Money Challenge
« on: January 11, 2014, 11:08:57 pm »
Dalawa kame gagawa ng Partner ko :) P40 ang base ko, Partner ko by P50. Haha! Pero inudjust ko yung sakaniya. Ginawa ko parang P2,000-P4,000 bi-monthly. Pero ang total nun, katulad lang din sa weekly chart :)

4
Birth Control / Re: IUD
« on: January 09, 2014, 11:18:03 am »
Gusto ko mag palit ng birth control method. I'm considering this IUD eh.

Namamahalan na kase ako sa P450/month tapos minsan nalalate pa ko ng inom, one time hindi pa ko naka-inom :P Nahihirapan lang ako mag decide kase hiyang ako sa pills ko ::)

help? ;D

5
Money. Happy ako dahil kahit papaano napag-uusapan namen ang kasal :)

Naalala ko nung time na hindi pa namen napag-uusapan ang kasal at nahihiya ako mag open... Nag watch kame ng My Bestfriend's Wedding, yung part na may fireworks doon. Sabe ko, "Woooow! Gandaaaa!" Sabe niya, "Pag-iipunan naten yan ha." Happy ako malaman na may plano siya ;D

Masaya ako kung ano ang meron kame ngayon, alam ko dadating din kame sa stage na finally ikakasal din kame :D Na-eexcite ako everytime naiisip ko yung mararamdaman ko kapag dumating ang panahon na yun. Hihi! ;D

---

Mga Mommies, wag niyo isipin ang iniisip ng ibang tao. Kasal man or hindi, lagi naman may sasabihin ang ibang tao. Haha! ;) Swerte tayo na may Partner tayo na nakakasama sa buhay. Yung iba nga, ni hindi napanindigan yung anak. Samantalang tayo, may katuwang. Diba? :D Dadating din tayo sa kasal. Cheers! :D

6
Money / Re: 52-Week Money Challenge
« on: January 09, 2014, 10:30:45 am »
I declare! Magiging successful ako this year sa pag save! ;D

7
Bilib ako sa pasensiya mo Mommy!

Dapat yan, kausapin mo ng mabuti pa sa mabuti. Tama si Mommy ahyzeyuh, nagbubuhay binata. Aba! Sweldo ubos sa inom? *taas kilay* Or baka nga may problem pala siya sa money, may binabayaran, ganoon.

Usap lang Sis ang solution talaga dyan. Sana madaan sa maayos na usap. Kung hindi, keep yourself busy. Mag work ka, business-sideline. Enroll mo Baby mo sa kung saan, sample swimming lessons. Basta ma-divert yung isip mo. Mag buhay dalaga ka din. Attend parties, reunions, EBs. Enroll ka sa baking classes, ganoon.

Good Luck Mommy ha. Sana maayos niyo yan ha.

8
School Hunting / Re: Preschools in QC
« on: January 08, 2014, 03:56:08 pm »
Mommies from Kamias, Sikatuna, Anonas, within the vicinity...

Starland International School
http://starland-international.com/

Tuition: http://starland-international.com/School%20Fees/main%20school%20fees%202014-2015.pdf

9
Money / Re: 52-Week Money Challenge
« on: January 08, 2014, 11:57:25 am »
My chart this year :)



..pero sinulat ko lang yung sa akin, tapos nasa loob din ng jar kasama ng money. Hassle kase kung mag deposit every week. Kapag malaki na, saka ko deposit sa bank :)

10
^ Ay. Hehe!

Alam ko kase Sta. Ana nanganak yung best friend ko. Kung isa lang ang Sta. Ana Hospital, okay naman ang experience niya doon. Malinis daw :) Libre lang siya nanganak kase dineclare nila na sa Paco siya nakatira. Nirecommend niya sa akin yung hospital, kaso kase malayo samen. Project 2 Quezon City kame nakatira. Yung best friend ko kase CS, haha! Kaya naka-schedule :)

11
World Citi Medical Center QC

Hospital Bill P13,300 (Mommy) + P7,300 (Baby)
Doctor's PF P30,000 (OB, Anes, Pedia)
TOTAL: P50,600

NSD. 3 days and 2 nights in a private room + 12 hours in labor room and 2 hours in recovery room. Wala kaming kahit anong health card. Haha! Maganda ang experience ko sa lahat! Worth it ang binayad namen.

I highly recommend my OB, Dra. Olivia Ocampo.

Inalagaan talaga niya ako na parang anak :D free pa yung check-ups after manganak. Mga 3-4 check-ups din ang free ko :) 16 years ata siya sa Delgado pero World Citi na lang siya affiliated ngayon and may sarili siyang clinic sa Project 3. Kilala din siya sa World Citi kase sobrang dame niyang patients!

Nursery room nag stay ang Baby ko. Pero nagbbreastfeed ako, pinupuntahan ko si Baby everyday. Mababait ang Nurses doon. Guide nila ako since first time mom kase ako. Tapos hindi nila ako minamadali mag spend ng time kay Baby, kahit matagal ako sa Nursery, okay lang. Hehe! Nagbibigay din sila ng tips kung paano mag alaga, etc.

Madame din freebies like diapers, medicines, vitamins, Dr. Edwards, thermometer. Kasama na din vaccines and New Born Screening, pag register ng birth certificate. May kasama din na Certificate of Birth na may photo and footprints :D

12
Your Kid's Health and Safety / Re: Mosquito and Ant Bites Treatment
« on: January 08, 2014, 10:19:59 am »
Na-research ko lang din na effective daw ang Human Heart Nature Sunflower Beauty Oil sa mosquito bite marks.

13
Hi sis..ang rota alam ko wala ng catch up doses..pero yung pcv before mag 1 year dapat mabigyan ng 2 doses..naku mukhang late na tong reply ko..baka may 1 year na baby mo

Thank You sa info Mommy :) Late na din ang PCV ng Baby ko, buti pwede pa ihabol. Mag 7 months ang Baby ko this January. Next check-up ipa-inject ko na :)

14
Promil Gold ang milk ng Baby ko, 7 months. Kase S-26 Gold siya nung 0-6 months, Pedia ang nag recommend. Tinuloy and itutuloy lang namen Wyeth Gold series kase hiyang naman siya :)

15
Your Health / Re: All about "BINAT"
« on: December 31, 2013, 11:24:04 am »
Totoo po ba yung nalamigan? Hindi talaga ako naniniwala kaso ganito kase...

6 months postpartum. Nag swimming kame kahapon. Pero hindi naman ako talaga nag swim kase bitbit ko si Baby. Lubog-lubog lang. Nung umiyak na, umahon na kame. Mga 20 minutes lang yun.

After nun, masakit yung lower back ko. Yung parang nadulas tapos napa-upo, parang ganun yung pain. Inaasar nga ako nung brother-in-law ko na mag PT na daw ako. Hahaha! :P

Tapos kagabi, nug nag turn ako from left to right, nagising ako kase parang yung bones sa chest ko naman yung masakit. Pag gising ko kanina, muscles ko sa puson naman yung masakit. Hanggang ngayon masakit :P Pero tolerable yung pain, parang ngawit.

Sinabe ko sa Mommy and Lola ko, hala ka! Sinermonan tuloy ako. Kesyo nalamigan daw ako. Hindi daw ako nag oil bago maligo, matigas daw ulo ko. Hahaha! ;D

Pages: [1] 2 3 ... 9