Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - yhamsloveŽ

Pages: [1] 2 3 ... 57
1
@ sis darling

na try nyo na po ba mismong ma-observe ang anak nyo? I think malaking factor din po yun makita nyo mismo ang performance niya sa school.

isa pa, hanggat walang result ng devped, tuloy lang dapat ang pagpasok ng bata.

2
Kung marunong po mag-inform si bebe nyo na "lalabas" na, dun nyo po sya paupuin sa "trono". Ganon po ginawa namin ng asawa ko since marunong magsabi anak ko kapag lalabas na poopoo niya. Tapos pag nakalabas na isang masigabong palakpakan he he! it somehow gives the child the feeling of "achievement" na hindi na siya sa diaper nagpu-poopoo.

3
Baby Names / Re: how did you choose your baby's name?
« on: August 11, 2015, 01:04:06 pm »
We named our son Geno Edward after my and my husband's respective fathers to honor them.

Geno from Eugenio (my husband's father's name)
Edward from Edwin (my father's name)

Pag nagka anak naman kami ng babae, we will name her after our mothers naman. :-D

4
sis darling, teacher po ang nagsabi/nagdecide na wag muna papasukin?

I feel that the "decision" of the teacher is one-sided. Tama po kayo "paano naman ang anak ko". Paano kung after 1 month pa lumabas result ng test ng devped? 1 month din di papasok ang bata?

May I suggest na makipag meeting po kayo sa teacher or sa guidance counsellor to come up with an agreement kung paano gagawin habang iniintay yung result ng devped. Makakatulong ba sa bata yung pag tengga lang sa bahay at di pag pasok sa school? what if the child wants to go to school? Ask them also kung ano pwede nyo maitulong, baka pwedeng nandun lang din kayo habang naglelesson (yung hindi kita ng bata) para lang mabantayan at ma observe nyo din personally kung hyper nga ba ang bata.

5
House Rules/Questions and Suggestions / Re: Delete my account
« on: August 14, 2014, 01:51:50 pm »
Just go to "Profile" (Located between Search and  My Messages). Then click "Actions", select "Delete this account".  ;)

6
Other Relationships / Re: HUBBY'S EX AND IN-LAWS
« on: December 06, 2013, 03:03:22 pm »
Grabe din pala pinagdaanan nyo sis... matanong ko lang, kinasal na ba kayo ni hubby mo?

7
Pareho kami ni mommy mariann, kung di naman talaga ka-close ayos lang... siguro gusto lang maging private nung tao dahil may pinagdadaanan at hindi naman niya gusto na pati di niya ka-close eh makaalam.

Pero kung ka-close ko, tatanungin ko shempre. Baka may internet glitch or something lang.  ;)

8
Romantic Relationships / Re: Payslip niya---dapat ba makita mo din?
« on: December 06, 2013, 02:50:32 pm »
Ugali na ng mister ko mag complie ng payslips niya kahit nung magBF/GF pa kami. For personal records lang daw. Kaya until now he practices it.

Actually, makita ko man o hindi wala naman kaso. Sa aming mag-asawa yung tungkol sa pera ang never na never naming naging issue. We trust each other naman kaya siguro keri lang kahit no show ang payslip..  :D

9
Yung pag natataranta ako at nape-pressure, nagiging masungit ako at medyo tumataas boses.  Yun... ayaw niya pag ganon ako... he he!

10
Welcome Aboard! / Re: How are you feeling today? [Part 9]
« on: December 06, 2013, 01:52:38 pm »
Gusto ko nang umuwi!!! he he...

11
Jokes and Funny Stories / Re: Kids say the darnest things :)
« on: December 06, 2013, 01:40:04 pm »
Last Saturday, sinama ko ang anak ko sa palengke.

Lea (dressed chicken vendor): Hello pogi! Ngayon nalang ulit kita nakita ah!

Ako: Alam mo na ba pangalan ni Ate, Anak? Si Ate Lea yan, pag halimbawa nabitaw ka sa akin, sa kanya ka muna pumunta.

Geno: Ay wag na po... uuwi nalang ako Mama... sasakay nalang po ako ng tricycle..

Ako: Nye! Eh alam mo na ba sasabihin sa tricycle driver papunta sa atin?

Geno: Opo.... "PARA!"

OK, fine!  :P

12
kumain ng lunch..

14
Special Occassions / Re: ano bridal march song nyo?
« on: August 01, 2013, 09:36:41 am »
Yung pinsan ko ang nirequest ko na kantahin ng live yung Mahal Kita by Gerald Santos habang naglalakad ako sa aisle.

15
At dahil malapit na ang Anniversary namin ng asawa ko (August 9).. makikipost po dito:  :D :-*






Pages: [1] 2 3 ... 57