Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - Jennifer Arenajo

Pages: [1] 2 3 ... 6
1
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Clubfeet
« on: July 02, 2013, 05:30:43 pm »
regarding sa ponseti shoes, it is quite expensive-yes pero pwede itong isuot kahit lagpas na toes basta wag lang sobrang lagpas na mag-cause ito ng relapse sa clubfeet.

For babies, atleast 2pairs per year dahil mabilis lumaki ang paa ng mga babies. but after a year-old and so, once a year na lang ang change ng shoe size.

For the first 3-months of wear - 23hrs is recommended for brace wear then decreasing as months goes until it reach 12 hours per day.

barefoot is best for children with clubfoot - this is during the time na hindi sila required to wear ponseti brace. This will help children build muscles.

2
i was thinking kung ano maganda na summer class para sa bagets natin..kirsten is already 4yo, and i was thinking if maganda sya i-enroll for taekwondo :)

sis GL,

enroll natin taekwondo kids sa Rizal Stadium (near harisson plaza)  :)

3
The In-Laws / Re: Utang ng In-Laws
« on: March 22, 2013, 02:04:45 pm »
hayzzz, nakakarelate ako sis ! nakakahiya tumanggi at talagang nakakahiyang maningil... :-[

Dati lagi sila lumalapit kay hubby para "manghiram" tapos wala akong mabalitaang bayad  :( sabi ni hubby hayaan mo na sila... tahimik lang ako.

tapos nang tinatanggihan na sila ni hubby, sa akin na personal na lumalapit  :-[ eh, nahihiya akong tumanggi. Then pati yung mga tita in law, pinsan in law,  lumalapit na rin sa akin - sige nahiya ako, eh... kaya lang after makahiram, tahimik na parang wala lang kapag nagkasalubong kami if dadalaw kami - dema lang  ???

At heto pa, hindi pa nakakabayad sila tita in law, gusto pang umulit? this time, sinabi ko na kay hubby kasi nahihiya nga ako at mga kamag-anak naman niya yun at alam naman niya na hindi pa nagbabayad, eh - sya na nagsabi na walang extra at hindi pa kasi sila nakabayad sa dati nilang utang...

Lesson Learned from hubby:
 - bago magpahiram, linawin kailan babayaran / ibabalik
 - linawin na magkusa silang magbayad dahil hindi na sila makakaulit kapag hindi nagbayad

4
Tweens and Teens / Re: Ang daming suitors ng daughter ko.
« on: June 13, 2011, 06:06:10 pm »
suddenly, I remember this topic when my daughter who is in Grade 3 just tell my mom-in-law that she cried in school..  kasi daw a boy (other section) shouted her name and say i love you! and her classmates all say "uuuyyyy!" kaya she felt embarassed daw and cried and cried and cried till her teacher came back in.... she cant stop crying daw... 

when my mom-in-law told us this, I asked my daughter what did their teacher says... she answered that her teacher said its but natural and nothing to cry about it....

napaisip ako, dalaga na rin pala ang baby ko  :) :)

5
Tweens and Teens / Re: Ang daming suitors ng daughter ko.
« on: May 11, 2011, 07:24:08 pm »
hi teachermom,

your baby is now a lady ! :)

Ok lang siguro as long as open si daughter sayo and as you mentioned na priority naman niya ang studies niya...

Ang masasabi ko lang kausapin mo rin si daughter on how she feels about it... tapos maging honest sya sa iyo of what she feels towards her boy classmates...

ang maganda nyan, magkaroon kayo ng (established / regular na) mga kwentuhan blues ng tungkol sa nangyari sa iyo that day at sya naman ang nangyari sa kanya that day,  para alam mo rin if may napupusuan na si daughter ng hindi nahahalata na nag-iimbestiga ka na   :) :):)

6
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Clubfeet
« on: June 18, 2010, 02:03:50 pm »
hi lexmom,

Actually we are in the same predicament now, but my son is 2 yrs and 8 months old, your s is still 1 yr and 5 months only? My oh my, maliit yata paa ng baby ko? He is currently wearing the size 4 mitchells shoes..

If you are not yet a member of the no4surgeryclubfoot yahoo group, i suggest you join...marami kang matutunan and who knows baka ikaw naman ang mag-share ng experience mo to encourage other families with their clubfoot adventure   :)

7
yung 2yr old son ko po lagi namin sinasabihan na magsasabi pag iihi...nang umpisa lagi namin siya tinatanong if iihi siya...hanggang nasanay na hindi na namin tinatanong kundi siya na kusa nagsasabi..

pero pag mag-pupu, hindi sanay sa banyo kaya pinagdiaper namin para makapupu...kagabi naka short lang siya tapos sabi niya iihi siya kaya dinala ko sa banyo (since gabi na kasi matutulog na tinanggal ko na short para makahilamos na rin) tapos habang nakatayo siya parang umiire siya - sabi ko pupu ka? tapos hindi makalabas pupu niya kasi nakatayo siya sabi ko dito upo ka dito - hawakan kita para makapupu ka...ayun pumayag siya - medyo natagalan kami pero nakapupu din siya at sabi ko - very good marunong ka na pupu dito banyo! tuwang tuwa naman siya kaya sabi next time dito ka na pupu ha sabihin mo lang, ok?  sana tuloy tuloy na   :) pero malapit na rin nararamdaman ko - malapit na ako diaper-free  :) :)

8
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Clubfeet
« on: April 21, 2010, 03:22:08 pm »
Hi mommies here! Pano po ang proseso ng pagpapa-check-up sa mga clinic ng ortho (?) sa PGH.
Kailangan bang pumila? Magkano ang rate nila?

Gusto kaseng pa-check yong back ng anak ko kase i suspect may scolio sya.

Thanks in advance.


Mommy sabine,

maykahabaan nga ang pila sa PGH pero minsan worth it naman... If may blue card na ang patient, mas mabilis...Pero if wala pang blue card, kailangan nasa PGH na maagang maaga pa lang (kasama ang patient) para pumila sa blue card.  Ang Blue card kasi ang magiging parang passes ng patient sa every check up/visits niya.  It will only cost less than P10. Again, mahaba po talaga ang pila sa BLUE CARD :)

Here is the telephone number of PGH 521-8450.  You can inquire first before going there para sulit at hindi masayang ang pagod/pagpunta dun... Inquire the schedule for ortho pedia (i'm not sure if Tuesday and Wednesday) para pag kukuha kayo ng Blue card same day na lang... KAsi ang Blue card ibibigay dun sa kung anong room kayo first magpapacheck up. Smart.momi , please correct me if i'm wrong, ha...kasi medyo matagal na kami nakakuha ng blue card (more than 2 yrs ago na po)

Regarding sa rate, it is much cheaper compared to private clinics/hospitals... For check up, free...for laboratories - may bayad but you can also go to social service (SS) for assistance (another mahabang pila po yun) para bibigyan ka ng another card as a discount card for all laboratories and medicine bought inside PGH.. We did not avail the SS kasi one time lang nag x-ray ang baby ko and it only cast less than P500 for feet, knees and hip x-ray...

Advisable lang kumuha ng SS if talagang maraming laboratories exams and if talagang can't afford and patient. The discount may vary depends on the interview of SS personnel..

hope this info helps... :) ;)

9
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Clubfeet
« on: April 12, 2010, 06:26:45 pm »
hi Samantha524,

If it is clubfoot, even if your daughter is already walking, it is not yet too late....it can still be treated with casting

Or you can also search for metatarsus adductus ...

you can also join the nosurgery4clubfoot yahoo group and there's a lot of photos for Metatarsus Adductus (MA as sometimes called for short)

Just curious here on how different you mean is your daughter walking? Does she walk from the outside of her foot? or is it that her toes are just pointing inward?

Hope you find your answers...

10
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Clubfeet
« on: April 12, 2010, 06:07:01 pm »
mommyjen, i need your opinion pls..yung anank mo ba ginanito rin? kasi db PGH din kyo? pls pls let me know..thanks.

hi smart.momi,

hindi nakaranas ang baby ko ng tenotomy kasi super flexible ng mga paa niya at nagrespond naman sa casting...although the procedure is an outpatient procedure...ang alam ko, nilalagyan ng cream to numb the area pero talagang walang aneasthesia eto kahit local aneasthesia...cream lang ang nilalagay tapos mabilis lang ang procedure - less than 15 minutes... minsan nakakatagal ay yung paglagay ng cast... yes mommies, dapat full leg cast pa rin at naka medyo sitting position or bent ang legs then, 3weeks ang balik for the shoes na...

hope all is well for you guys... :)

11
Quote from: εз ♥MommyJen♥

Sa adults, ok na ang food na spaghetti rin (para isang lutuan na lang  ;)) with chicken lollipops as additions..
[/quote

sis san ka nakabili na supermarket  na chicken lollipops? thanks

sis meron mga ready made chicken lollipop sa mga magnolia station or if you want to make one, here's a video on how to make a chicken lollipop...sa video nilagyan ng chicken stuff yung isang part ng chicken wings para maging matambok  :)  but it is only an option not necesary dapat lagyan, pwede ring wala if you want it simple...

http://www.videojug.com/webvideo/how-to-make-chicken-lollipop

hope this helps

12
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Clubfeet
« on: March 27, 2010, 10:57:02 am »
I forgot to let you guys know na hanggang sa malapit sa singit nga cast at DAPAT po naka-parang siting position ang legs para hindi malaglag ang cast... I remembered (medyo matagal na pala yun - more than two years na pala nakaraan) na kaya pala nalaglag/nag-slide ng kaunti ang cast ni Yanni before kasi hindi masyadong naka-bend ang knees niya... :) :)

13
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Clubfeet
« on: March 27, 2010, 10:53:04 am »
smart momi,

nabangit mo ba sa doctor yung pagkaalis ng cast ni baby?  All I can advise is report it to Dr. Javier para magkaron ule ng reshuffle or if not reshuffle maguide ni Dr. Javier ng tamang pagcast yung "new" doctor.

actually nangyari sa amin yung ganyan once - last cast na ni yanni yun as holding cast kasi we are waiting for the shoes pa, eh iba ang naglagay...tinanggal ko yung cast kasi nawala yung toes niya as in nalaglag na pala ang cast tapos ang ginawa ng husband ko (takot kasi kami na bumalik sa dati yung paa) nilagyan niya ng bandage yung paa ni baby to hold the correct position hanggang sa bumalik kami sa next schedule.  I thought lalagyan siya ulit ng cast kahit dumating na shoes kasi baka nabawasan ang correction pero pinasuot na yung shoes niya.  Pero sinabi ko pa rin sa Doctor na original na nagcast yung nangyari. At talagang nagpasched ako kay Dr. Javier para makita niya mismo ang paa ng baby ko and also to let him know what the other doctor did.... Ayun tinuruan mag-cast at maghawak ng paa yung "other doctor" incase siya ule mag-reliver sa naka-assign mag cast

14
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Clubfeet
« on: March 16, 2010, 03:41:42 pm »
hi smart momi,

good to hear that you are satisfied with the results of your baby's casting... :) :)

hindi na nga personal na naglalagay ng cast si Dr. Javier, nagsusupervise na lang siya...Minsan tinitignan niya ang paglagay pero minsan or madalas ipinapaubaya na niya sa resident doctor ang cast application.  Kapag may mga difficult cases lang - talagang minsan siya ang nag-lalagay ng cast tapos itutuloy na ng resident doc... Kaya kailangan tayong mga parents may idea rin sa tamang position - cast angles etc. kaya we should also do our homework / research on clubfeet  :) :)

Tuesday na pala ang sched ng casting?  dati kasi kami every Wednesday afternoon 1pm-4pm pero kailangan nandun na ng 12nn para pasok kaagad ng blue card. Especially now na check ups na lang kaya ang pagkakaalam ko Wednesday pa rin kasi last time na nagpunta kami ni Yanni was six months ago - Sept 2009.  :) :) :)
 

15
Your Kid's Health and Safety / Re: All about Clubfeet
« on: March 15, 2010, 04:21:18 pm »
sa mga nagtatanong regarding my son's used shoes and brace...yung iba especially yung maliit na nasa bodega na, yung iba naman naipamigay ko na sa ibang clubfoot kids...ngayon yung ginagamit ni yanni ay size4 na mitchells.

naku mga brothers and sisters in clubfoot journey, pagpasensiyahan nyo muna ako at medyo late sa mga reply...i'm still coping up with my emails  hehe!  just got back to work ....

take care...and update sa check up nyo, ha... :)

Pages: [1] 2 3 ... 6