Parent Chat

  • August 18, 2019, 08:06:08 pm
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - gara0630

Pages: [1]
1
Money / Re: off-line home based job/business? Pls. suggest
« on: January 21, 2019, 10:39:29 pm »
Please click link...Thanks!

http://workforcompany.com/?userid=115557

2
Single Moms / Re: Single-mommy-hood, what's your story?
« on: March 04, 2015, 03:16:27 pm »
Hi Single Mommies!

I'm one of the few women who has the same fate as you guys are. I've been a single mom since I gave birth last June. Medyo tragic ang story ng buhay ko starting from the time that I knew I was pregnant up until I gave birth. THe father of my kid made a fool out of me. Nakilala ko lang sha online and we started our "relationship" days pa lang ng magkita kami, I got pregnant 3 months pa lang kami nun. At first he was saying okay lang walang problema, but after the long run, madalas na kaming mag-away. He's even asking money from me kahit nung buntis na ako. Hindi niya rin pinaramdam sakin na supportive sya at all during my pregnancy to the point na sobrang stressed ako nung malaman ko na nakikipag-kita pa pala sha sa iba. Marami ng times na nakikipag-break sha ayaw kong pmayag kasi nga mahal ko sha and magkaka-baby kami. Ni hindi sha dumalaw sa hospital nung nanganak ako ( so for sure, hindi rin niya tanda birthday ng baby namin )

After kong manganak nakikipag-communicate sha hindi dahil gusto niyang makita ang bata kundi nanghihingi sha sakin ng pera, kung hindi ko daw bigay gusto niya, hindi ko na sha makokontak kahit kelan. DUmatng kasi talaga sa point na hinahabol ko sha para sa bata.

Ii tried to search his account sa FB and there I found na may girlfriend na pala sha even before pa kami nagkakilala. Ngayon, ex na rin niya daddy ng baby ko and sa kanya ko nalaman na 14 pala lahat-lahat ng anak niya ( inamin lang niya sa akin is 2 ang anak niya) Ayon sa awa ng Diyos ngayon, may bago na shang girlfriend na for sure pineperahan niya and masayang-masaya sila.

First few months I felt na nagpo-post partum ako sa sobrang stress sa kanya na dumating sa point na ikinapayat ko ng bongga. Supposedly kapag na-CS mataba after manganak, kabaligtaran ang nangyari sakin.. Kaya nahihirapan akong mag-move on. But now, i'm still having a hard itme pero at least wala na akong nararamdamang masyadong sakit kasi tanggap ko na yung kapalaran ko na magiging SIngle Mom ako and tanggap ko na rin na hindi kami importante sa kanya.

ILike what other felt, gusto kong gumanti sa kanya but naicip ko na sakit lang sa ulo yun. Hintayin ko na lang yung karma niya. Sa ngayon kapg nakikita ko ang baby namin, masaya sa pakiramdam kasi despite na sobrang stress ako nung pinagbubuntis ko sha, hindi sya sakitin and masayahing baby sha, yun nga lang sobrang kamukha niya ang daddy niya.

Tanggap ko na Single Mom ako and I'm trying my best to be able to provide what my kid needs. I'm also looking forward for future bonding namin especially kapag malaki na sha ( girl ang baby ko).  I was so happy na girl and anak ko kasi yun talga ang gusto ko, kahit hindi na ako magka-anak ulit, sha lang...sapat na.

Medyo magulo ang kuwento ko, pagtiyagaan niyo na lang. Bilib ako sa mga single moms na hindi takot humarap sa responsibilty. CHeers to Us!

Pages: [1]