Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - Erza

Pages: [1] 2
1
The In-Laws / Re: MIL, BIL and his firs, second and third wife
« on: January 09, 2015, 06:43:30 pm »
Understandable yang ganyang feelings mo at hindi ka mali. Tama nga naman, kung ganyan ang pagkukunsinti nila sa BIL mo why not sa husband mo if ever gawin niya yun. Mag ingat ka na and isecure mo ang marriage mo. May warning ka na sis. Let your husband know na you're concerned sa BIL mo at sa pagkukunsinti ng parents nila. Make him swear na hindi niya gagawin yun and be thankful with that. Pero don't say na takot kang gawin ng IL yun kung magloko husband mo. Keep that to yourself to give you a sense of the upper hand sa kanila. At least that's what I would do. Pero for now, secure mo ang marriage mo, be the best wife to your husband para walang masabi. Wag ka masyadong paranoid s husband mo since magkaiba naman sila ng brother niya, just consider yourself warned.

2
Special Occassions / Re: Civil Wedding requirements and procedures
« on: January 09, 2015, 06:17:52 pm »
Kung paspasan gusto mo try mo na kunin lahat ng kailangan nyongrdocuments. Birth Cert, Cenomar, etc. Nung samin ng husband ko 23 lang din ako kaya kailangan ng parents advice. Since deceased na father ko at abroad ang mother, sa tita lang kami nagpakuha. Hiningan pa ako ng death cert ng tatay ko saka notarized statement ng tita ko na nasa abroad nga ang mom ko. Kasama na yun sa parental advice. This was done in Pasig City ha.hindi ko alam sa ibang cities. Anyway, share ko lanh steps n ginawa namin. I can't give you a timeline kasi may delay kami (nagaway kami.hehe)

-kumuha ako ng Birth certificate naming dalawa, kung ikaw lang magisa kukuha magready ka ng authorization letter niya na makuha mo bcert niya on his behalf + valid ID nyong dalawa (in our case finorge ko lang yung letter kasi wala sya that time and may ID naman niya ako)
-CeNoMar kahit sino pwede kumuha nun. Sinabay ko na sa pagkuha ng bcert pero releasing nun is 4 business days
-after 4days nakuha ko na cenomar and nagpaschedule na kami ng marriage and family planning seminar (every Thursday sa Pasig 8am-12noon ata) na needed sa Civil Wedding.church wedding may isa pang seminar na kailangan.
-same day ng seminar makukuha yung family planning certificate. Kumuha narin kami ng Brgy Clearance cause for some reason hiningan kami. I dont remember kung nakalista s requirements pero kumuha kyo ng Brgy Clearance just in case.
-Pics! 1x1 tig dalawa kayo
-sinama ko na tita ko sa cityhall. May notary dun sa gilid. Be sure na may dala silang ID nila. Same day nagsubmit na kami ng requirements.

Advice lang maghnap na kayo ng pagpapakasalan nyo. Kahit wala pa yung license.Sabi kasi pag submit namin nh rquiremnts ipaparaffle pa para malaman kung sinong judge ang magkakasal. Only then mkakapag schedule ng date. Ginawa namin kahit s pasig kami nakatira nagpunta kami sa iba ibang mayors office para maghanap ng magkakasal. Buti na lang mabait yung mayor sa Cainta pumayag ng private wedding kinabukasan na mismo after namin makuha yung certificate.

Goodluck!:)

3
Romantic Relationships / Re: Husband pushed me
« on: January 09, 2015, 05:13:49 pm »
^ IMO dapat masolusyunan nyo na agad yan bago pa lumala. Yung mga konting pananakit, hihintayin mo pa bang masuntok ka niya or masaktan ka ng todo? First sign ng domestic violence dapat gawan n agad ng paraan para matigil. Pag usapan nyo na po agad or attend marriage encounter or counseling. Don't point out na dahil sa nasaktan ka niya, sabihin mo na lang sa asawa mo na gusto mo lang mapaganda lalo pagsasama nyo, pagnandun na kayo saka mo iopen.hehe in case maging defensive sya.

Nafeel ko din yung parang deadma lang asawa ko kahit buntis ako. Never sya nagkusa na ibigay yung gusto ko like kahit ikuha ako ng tubig, kailangan iutos pa. Yung times din na malalang away namin eh buntis ako. Emotional na nga ako dahil sa hormones ko eh nakikisabay pa sya. Sinabi pa niya na hindi na daw masusundan si baby kasi ayaw daw niya pag buntis ako. Hmp edi wag! Pero nung nag abroad na sya naging sweet na ulit sya. Share lang :)

4
^ OMG mom hindi ko ata makakaya yan. Never pa ako napagtaksilan ng asawa ko kaya hindi ko pa alam kung anong feeling (hopefully hindi ko na malaman) pero kung ganyan ang gagawin niya aba pagbubuhulin ko po sila ng kalaguyo niya. Jan sa Pinas sagrado talaga ang marriage at mabuo ang pamilya kaya ginagawa ang lahat para sa mga bata at hindi maghiwalay pero sumusobra naman po yun. Naiisip ko ano ba ang masmakakaapekto sa mga bata, ang magkasama nga ang parents nila pero palaging nagaaway at may kabit ang isa, o magkahiwalay nga ang parents pero peaceful naman ang tahanan? Kung sakin gawin yan mom hindi ko sya mapapatawad. Harapang pang iinsulto yung ginawa niya eh. Sorry

5
Breastfeeding / Re: Mother's Milk
« on: January 09, 2015, 04:42:41 pm »
Wow hanga naman ako sayo.. good job! Wala pa akong baby 7 months preggo palang ako pero ang dami ko nang nireresearch at binabasa about sa breastfeeding. Sobrang nakakatulong po daw ang mga masasabaw na food saka syempre malunggay. Pero ang pinaka importante daw ay magtiwala si Mommy sa kakayanan ng katawan niya mah breast feed. Palagi din po daw dapat nakasuso si baby para mastimulate ang milk production. Wala pong masnakakatulong kungdi ang sarili. Yung iba nga hindi naman nakakakain ng masustansya pero nakakapag breastfeed parin. Positive attitude and syempre stay hydrated. Pagnagpapadede maganda na may tubig sa tabi. Swerte ng asawa mo kasi supportive ka. Malaking benefit po ng breastfeeding hindi lang kay baby, sa health din ng mommy at sa bulsa ni daddy. hihi

6
Sarap ng feeling pag gumagalaw si baby. Right now para syang nakikipag high five sakin. Hindi ko maexplain yung saya. Hihi :D

7
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: Anmum during pregnancy
« on: December 19, 2014, 07:59:42 am »
hi mommies ! safe po ba talaga ang anmum?kasi yung ob ko sa panganay ko bngyan ako ng ganyan pero hindi ako pinayagan ng dad and mom ko na inumin kasi may halong gamot daw and lahat ng gamot masama daw sa buntis except vitamins tapos fresh milk lg pinapainom nila sakin.dun sa 2nd baby ko naman sabe nung ob ko (lumipat ako ng ob) na wag daw ako iinom nyan kasi may side effect?

Sis ngayon ko lang narinig yang may gamot sa Anmum. Hehe I guess meron nga pero vitamins lang din siguro yun. Same sa tine take mong prenatal vits. Anim kaming magkakapatid and alam ko Mom ko lahat kami ininuman niya ng Anmum and I can say naman na lahat kami healthy..and I mean malulusog.haha

First pregnancy ko ito and nung first to second trimester ko I drank Anmum religiously. Pero when I moved here sa US hindi ako nakapag pack and naghahanap ako sa stores and online for maternity milk nila wala akong makita. Siguro hindi uso dito yung pregnancy milk. Kaya I compensate na lang talaga with complete vitamins and proper diet. I've read din somewhere na pag nearing na ng delivery stop na sa Anmum kasi it somehow contains sugars meaning calories for mommy na nakakataba. Hirap daw manganak ng mataba. So yun. Everyday fresh milk na lang iniinom ko. 100% milk ha. Not full cream milk. 

8
Baby Development and Milestones / Re: Bath Products to Try
« on: December 19, 2014, 07:43:11 am »
Has anyone here tried yung Human Heart Nature? It's supposed to be all organic daw. Thinking about JnJ and other products ang pumapasok sa isip ko "Chemicals". Haha or maybe I'm just paranoid.

9
Toilet Training and Diapering Essentials / Re: Cloth Diapers
« on: December 18, 2014, 06:39:47 am »
i'm also thinking about getting cloth diapers for my baby on the way pero I have zero idea kung maganda ba talaga sya or not. May binigay sakin yung friend ko from singapore na cloth diaper, brand niya Moo Moo Kow. She said mamahalin daw yun and muka naman talaga. Smooth yung pinaka outer diaper niya and may 2 cotton/microfiber inserts. Youcan use that from newborn hanggang tumigil na sya magdiapers dahil may snaps sya to fit your baby. One size lang talaga sya. I guess ang pinaka bibilin mo lang tlaga ay yung inserts or pwede na lampin na cotton. Isipin mo nalang yung disposable diaper na nilalagyan ng tela sa loob para saluhin ang waste ni baby.

 Wala pa akong experience sa cloth diapers so don't take my word on this pero eto naiisip kong scenarios sa cloth diapers. PLease correct me if i'm wrong

Pros
Less chemicals kay baby (yung gel sa diapers)
Breathable
Stylish
Gentler on baby's skin
Eco friendly
Reusable no need to buy 700-1000 pesos worth of diapers every week or every 2 weeks

Cons
Kailangan mo laban yung inserts or lampin sa loob everytime
Pag namantsahan din yung mismong diaper of course kailangan narin laban
Not advisable kung magttravel or mamamasyal kasi kung mawiwi or madumihan ni baby yun edi may bitbit kang maduming lampin

Hala na blanko na ako haha. Yan na muna naiisip ko.

I guess ang magandang gawin eh combination of cloth and disposable diapers. Tanong ko lang pag new born ba maganda mag cloth o disposable? Kasi nabasa ko almost 10 times a day nagdudumi pag newborn. Edi mayat maya palit ng diapers so malakas sa disposable, kung cloth naman mayat maya ka naglalaba. hmmm..

10
The Balancing Act: Career and Family / Re: Is it worth the stress?
« on: December 04, 2014, 12:20:50 pm »
I'm a SAHM and I've never earned as much as you do pero if you've been doing that for 10 years na maybe you should save up na for retirement. Or some kind of business to avoid the stress but still keep the income.

11
Romantic Relationships / Re: Do we always need to forgive?
« on: December 01, 2014, 05:01:10 am »
Always forgive. Nabigla lang sya dahil msyadong sudden ang pregnancy mo. I'm sure he didn't mean what he said and paglabas nyan ay mamahalin din niya dahil anak niya yan. Forgive him and don't hold on to any grudges.

12
Romantic Relationships / Re: Wala ng time si OFW husband
« on: December 01, 2014, 04:37:26 am »
^aw.That's too bad. Nung binabasa ko story mo mula umpisa gusto ko magwagi ka. Gusto ko maging ok kayo. I was rooting for you hoping magreply ka na ok kayo hanggang nakita ko na tong last post. It's been a year noh sis. Long distance din kami ng husband ko although hindi yung kwento namin isshare ko but yung sa bestfriend ko.

OFW din father ng mga kids niya. Ganyan na ganyan sila. Mahilig makipag socialize si partner niya at laging busy dun sya naman SAHM. Naghahabol din sya ng attention sa partner niya, binabantayan kung mababawasan ang padala, laging naghihinala, nagseselos although may pagseselosan naman talaga. In short tulad mo sya noon. Laging nagaaway. Nung una nga nung nagbabasa ako tinanong ko pa s sarili ko "bestfriend ikaw ba yan??" Hehe. Sa huli nagsawa si girl. Sya na yung lumayo. Sa sobrang galit niya naghanap ng iba. Nagkasala sya sa partner niya. Affected ang mga bata. Napabayaan niya ang mga kids. Naging ibang tao sya. Sa sobrang gusto nyang gumanti sa partner niya sa ibang lalake niya binuhos oras niya. Hanggang sa nabuntis sya ng iba. Hindi alam ng partner niya pero inisip niya hiwalay na naman sila eh. Inisip niya malamang may ibang babae na rin ang partner niya dun basta nagpapadala para sa mga anak niya walang problema. Akala niya ok lang.

Ngayon kalagitnaan ng pregnancy niya bumabalik ang partner niya. Nagsorry sa mga ginawa, nagsorry dahil nawalan ng time, masyadong naenjoy ang new found freedom doon, napabarka kasi, napabayaan niya magiina nga dito s Pilipinas sa sobrang pagkabusy niya. Gustong bumalik ni partner dahil namimiss na daw niya ang mga anak, at dahil gusto nyang pakasalan si bestfriend!! Nabusy sya dahil nagiipon ng pang ayos sa papers nila, yung mga "barkada" niya doon ay mga business partners pala niya. Nagtayo sila ng maliit na business hindi lang niya nasabi dahil ngsisimula pa lang sila at ayaw niya mabati. Umamin din si partner na nagkaron sya ng babae doon pero hindi niya ginagastusan. Priority parin niya na magpadala sa magiina niya at pinutol narin niya communication niya sa babaeng iyon.

Lutang si bestfriend. Hindi niya alam gagawin niya. Gusto niya bumalik sa partner niya pero pano eto nga buntis sya ng ibang lalake. Wala nang pagasang magkabati sila pagnalaman ni partner na buntis sya. Mawawala rin ang mga anak nila dahil malamang kukunin ni partner yun. Sa ngayon nagtatago sya kay partner.

Ewan ko kung bakit ko shnshare ito. Siguro dahil nakita ko similarities ninyo. I guess may matututunan tayo sa mali ni bestfriend. Ako OFW din si husband pero 100% ang tiwala ko sa kanya. Pasalamat lang ako dahil ibang iba sya kay partner ni bestfriend. Nakatutok sya sakin kahit wala pa kaming anak. Kung may gagawin man sya ay nasa kanya na yun basta ako hindi ako nagkulang sa attention at pagaalaga ko sa relationship namin. Lagi ko sinasabi sakanya pag nagpapaalam syang umalis "ok lang basta tandaan mo kung ano mang gagawin mo jan isipin mo ginagawa ko rin dito" tapos biglang "I love you ingat ka and have fun". Hehe dahil kung magaaway lang kami eh wala namang mangyayaring mabuti. May mga pinagselosan din ako pero ang naging sulusyon namin ay iblock niya sa FB basta hindi ko makitang naguusap sila. Kung makikipagusap parin sya dun sa likod ko eh bahala sya.

I guess what I trying to say is ibigay natin ang pagmamahal at babalik din yun. Kung magiging mabuti tayo sa kanila magiging mabuti din sila. Kung may gagawin man sila, konsensya na nila yun. Ibuhos mo oras mo sa mga anak mo. Siguro naman hindi ka manlalalake pero kung naiisip mo nang humanap ng iba, WAG. Maging tapat ka, alagaan mo ang mga anak ninyo pati ang sarili mo. Pag nakita niya na mahal mo ang sarili mo maslalo ka nyang mamahalin. Sya pa ang hahabol syo. Wag mo nang alamin ang mga bagay na makakasakit syo. Wag ka maghanap ng sakit ng ulo. Ipakita mong mahal mo sya through your kids. And lagi monh pagdasal ang future nyo. Maaaring mging ok ulit kayo or hindi, pero napatunayan mong hindi ikaw ang nagkulang. Ang haba na ng kwento ko haha. God bless you and your kids sis and goodluck!:)

13
Pregnancy Health and Nutrition / sleeping positions
« on: November 30, 2014, 02:26:54 am »
Hi! Tanong ko lang kung ano ba ang the best sleeping position para sa mga buntis. I've read na hindi maganda yung on your back o nakatihaya kasi may naiipit daw na vein and best yung on your left side. Ang kaso naman sobrang sakit sa balakang yung on my left side kahit anong gawin kong paglagay ng unan sa kung saan sang parte ng hips nd legs ko. I feel most comfortable on my back. Wala akong nararamdamang discomfort or kahit anong paghirap s paghinga pag nakatihaya. I don't wanna jeopardize naman yung health ni baby by choosing to be more comfortable. Pano ba toh mommies? help!!

14
^ that's totally normal sis kasi hindi pa naman sya ganung kalaki and hindi pa sakop buong tyan mo. I think my baby prefers my right side kasi nandun sya palagi pero may times na nsa left side sya. ok lang yan don't worry

15
I started feeling my angel nung 5 months. Nung una shy type pang konti lang.. ngayon 6th month ko na grabe para na syang nagsasayaw sa loob and super happy ako. Every time na naefeel ko si baby sumasaya ako kahit masama yung araw ko.. yun nga lang si baby parang takot kay daddy kasi every time n sisipa sya and sasabihin ko sa daddy niya titigil na sya,, ayaw paramdam kay daddy. hehe

Pages: [1] 2