Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mich_tatsdwayne

Pages: [1] 2 3 ... 8
1
Sleep Training / Re: Where does your baby/toddler sleep?
« on: February 21, 2013, 03:00:08 pm »
My son is turning 5 years old na this coming April pero katabi pa din namin matulog, sya sa gitna. Maliit lang kasi bedroom namin kaya di na kakasya isa pang bed. Sa kanya sana yung isang room kaya lang kasama kasi namin sa bahay sis-in-law ko kaya until now katabi pa din namin sya.

2
Beauty and Product Reviews / Re: tattoo
« on: September 24, 2012, 10:58:48 pm »
Hi, sis! I don't have a tattoo but my husband is a tattoo artist.

Tattoo aftercare tips:
1. Apply petroleum jelly or lotion
2. Don't scrub 'pag naliligo
3. Don't swim until healed na talaga
4. Bawal din ang sunbathing

'Yan madalas ko marinig kay hubby na sinasabi sa mga customers niya. Hope these helps.



3
Members' Kumustahan board / Re: instagram
« on: September 10, 2012, 01:37:29 pm »
malachite_97

4
Getting Pregnant / Re: nahirapan ba kayo magconceived sa 2nd baby?
« on: May 16, 2012, 08:35:38 pm »
I'm turning 34 this year. Hubby is 35 yrs old already. I gained so much weight ever since I became a Mom. Nasa category na 'ko ng obese. I know these factors are one of the reasons kung bakit nahihirapan na 'ko mag-conceive ulit. My son is 4 yrs old now kaya gusto na talaga namin sundan. We've been trying na for ilang months na din pero until now wala pa din.

May nag-offer na sa akin ng weight loss program and pakiramdam ko effective naman kaya lang hindi pumayag si hubby. He was not convinced. Tsaka may kamahalan din. 

Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Sana bago ako mag-35 magkababy na ulit kami.

5
Your Health / Re: What are your pre-menstrual symptoms (PMS)?
« on: May 15, 2012, 04:05:27 pm »
Ako naman:

- I crave for sweets lalo na chocolates.
- Breast pain
- Sobrang naiinitan yung pakiramdam

6
Travel / Re: HK Disneyland trip
« on: May 14, 2012, 10:09:37 pm »
Our family will be there this coming June, 3rd week. School holiday kasi ng anak namin and gusto talaga mag-HK ni hubby. 5D/4N kami dun, kasama na Macau trip. Package Tour kinuha namin for HK pero 'yung pagpunta sa Macau kami na bahala.

Day 2 kami pupunta sa Disneyland, half day lang pero until mag-fireworks. Morning is City Tour.

Kaya na bang libutin ang DL ng kalahating araw?

7
Romantic Relationships / Re: meron ba kayo pic sa wallet ni hubby?
« on: April 30, 2012, 11:57:32 pm »
Meron, grad pic ko nung college, pero nakatago lang sa wallet niya. 'Yung tipong hahalungkatin mo muna bago makita. Wala na kasi lalagyan ng picture wallet niya ngayon. Meron din akong picture ng mag-ama ko sa wallet ko pero nakatago din. Kaya quits lang kami. hehe.

8
Home / Re: Re: Ano favorite appliance niyo sa bahay? :)
« on: April 26, 2012, 04:22:27 pm »
TV - kasi TFC lang libangan ko dito sa bahay.

9
Any childrens' book pwede sa anak ko. Basta I choose books na age appropriate (he's 4 years old now). Gusto niya 'yung maraming pictures tapos 'yung hindi masyadong mahaba 'yung sentences or paragraphs. Aside from the books na meron na sya, we also borrow books sa Public Library (he has a library card na) and I let him choose kung anong books gusto niya.  Meron syang hiniram before ang title is Cat and Mouse by Ian Schoenher at na-memorize niya 'yun book na 'yun. We borrowed again at ito naman binabasa ko sa kanya gabi-gabi: The Little Train That Could, In the Night Garden. . .Stories for Bedtime and Sesame Street's Big Enough for a Bed. As in 3 books every night ang gusto niya.

He's always excited 'pag mag-read na 'ko ng story sa kanya. It's our favorite bonding moment kahit kami palagi ang magkasama dito sa bahay.

10
Mabait naman anak namin whenever we eat out. He's not allowed to roam around hangga't hindi ubos ang food niya. Problema lang sa kanya is sobrang tagal kumain. Inaabot talaga ng isang oras.

11
Big Kids / Re: Favorite Cartoon ng kids
« on: April 26, 2012, 02:55:58 pm »
My 4 year old son gusto niya lahat ng palabas sa Disney Junior. Pero sa ngayon ang pinaka favorites niya ay Jungle Junction and Jack and the Neverland Pirates.

12
Real Parenting / Re: watching movies with a toddler
« on: April 26, 2012, 02:50:28 pm »
First time nanood ng movie anak ko when he was 3 - 1/2 years old. Cars 2 'yung movie. Few days before kami nanood, inorient ko muna sya kung ano ba itsura ng movie house. I told him na huge ang screen, mas malaki sa tv namin, tapos medyo madilim sa loob  and mas malakas 'yung sound. I also told him na wag sya matatakot kasi kasama naman kami ni daddy niya. Ok naman. He was behave naman kaso kinukwento na niya sa amin kung ano mangyayari kasi ilang beses na niya napanood sa laptop. At sa kalagitnaan ng movie nakatulog na sya. Nawala na interest niya sa movie kasi nga napanood na niya. Tapos pagkagising niya nung tapos na 'yung movie sabi niya "Transformers naman." hehe. Akala niya kagaya lang 'pag nanonood sya sa laptop na kahit ilang movie panoorin niya e pwede.

13
I have access sa mobile phone ni hubby, and vice versa. In fact pareho kami ng password. For me wala namang masama doon. It only means na may tiwala kayo sa isa't isa.

14
My son just turned 4. He's already in pre-school, nursery. Toilet trained na sya pero during daytime pa lang. He can go to the toilet na all by himself whenever he needs to. Pero pag matutulog sa gabi he still wears diaper. One time paggising niya. dry yung diaper so I told him na pag-dry ulit kinabukasan hindi na sya mag-diaper at night. Kaso pagdating ng kinabukasan super wet naman kaya until now naka-diaper pa rin sya at night. Pero I told him na sa school holiday niya this coming May, i-train ko na sya ng no diaper at night.

15
Money / Re: usapang Salary
« on: April 21, 2012, 09:23:27 pm »
Pa-join din.

In our case, hubby does the budgeting. Hindi naman ako gastadora pero between the two of us mas magaling sya humawak ng pera. Binibigyan lang niya ako ng allowance plus pang-grocery and para sa tuition fee ng anak namin. 'Yung mga bills (utilities, credit cards and other loans) sya na bahala dun. Pareho kaming matipid kaya bihira kami gumastos ng para sa luho. Minsan sobrang mahal ng gusto nyang bilhin para sa sarili niya kaya pinag-iipunan muna.

Pages: [1] 2 3 ... 8