Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - faithyperry

Pages: [1] 2 3
1
The In-Laws / Re: Kelangan ba sa lahat ng lakad namin eh kasama si MIL
« on: September 13, 2016, 11:48:25 am »
Baka nalulungkot din kasi siya mommy na siya lang maiiwan mag-isa sa bahay kaya may pagka-clingy siya sa inyo. Though I understand how you feel kasi ako man ang nasa situation mo, gusto ko rin ng solo time with my husband and kids.

Pero kung may pagkakaabalahan siya mommy, baka siya pa mismo yung magsabi sa iyo na hindi siya sasama sa mga lakad niyo. ;)

2
I really envy moms who do not need to work, yung magfofocus lang sila sa pag-aalaga sa babies nila. Kaso sa situation namin, hindi pa kakayanin na si hubby lang magwork. Hindi ko rin naman maimagine na wala akong work ng matagal. Yung kahit sana 1 year lang para matutukan ko babies namin, okay na yung pahinga.  ;)

Heto reasons ko why I'm still working:

1. We are going to have additional babies, so magiging tatlo na ang kids namin. The more na need namin mag-ipon.
2. May hinuhulugan pa kaming bahay ni hubby.
3. I'm still supporting my mom sa expenses sa bahay. Ayoko namang iasa sa husband ko yun.
4. Iba yung feeling na pinaghirapan mo yung pera na hawak mo kesa inaabot na lang sayo.
5. Gusto ko pa ring ipagpatuloy ang MBA ko kaya mag-iipon ako for that.  ;D

3
Labor and Child Birth / Re: Ligation after giving birth
« on: August 10, 2016, 05:11:37 pm »
Ahh.. puwede palang out patient yun. Yung OB ko kasi sabi need daw ng confinement, so I might as well have it done na rin. So makakatipid daw kung pagsabayin na. CS kasi ako this coming December. Balak ko kasi ipagpaliban muna yung ligation..

Thanks for the info Mommyjazz

4
Labor and Child Birth / Re: Ligation after giving birth
« on: August 08, 2016, 05:05:59 pm »
Hi tsukino04. Ang alam ko puwede naman. Mas makakatipid ka pa kung pagsasabayin mo kasi need din ng confinement kapag na-ligate ka.

5
Baka sponsored ng formula milk companies ang study na yan .;p just kidding. I don't believe that a baby who's breastfed is grumpy compared to a formula fed baby. I will still continue breastfeeding my baby, hangga't kaya ko. Mas maraming nutrients ang breastmilk compared sa formula. Luckily, yung baby namin kahit puro sakitin yung nakapaligid sa kanya, hindi naman nagkakasakit pero nagkasipon siya nung 2 mos tapos gumaling naman agad. Very thankful talaga ako. ^__^

6
Ako din spectra 350 yung binili namin. Akala ko dati masakit yung pump pero hindi naman pala. Nagtry ako ng manual pero nakakangawit kasi yun unlike sa electric. medyo malaki nga lang yung spectra 350  kaya hassle dalhin sa office pero it really helps me to build a stash of breast milk.  I also intend to provide breastmilk for our baby  until she's  1 yr. old. Sana magawa ko. 4 mos. na siya ngayon. ^_^. Nabili ko yung pump sa babymama.ph. Pati milk storage bags dun na din ako nagoorder.

7
Hi MomiAnn! Thanks sa advice. Malapit ng mag one month ang baby namin. So far, nakakapg-adjust na kami sa puyatan. About breast feeding naman, medyo marunong ng maglatch si lo. Hindi na masakit. ;) sana mapabreastfeed ko siya hanggang 1 year old man lang.

About MIL, medyo pakialamera pa rin pero natutuwa ako sa hubby ko kasi supportive siya sa akin. Siya na mismo ang nagsasalita for me. There was a time kasi na gusto nilang ipasyal ang baby namin kasi may bagong stroller. Eh hindi pa complete ng bakuna yun. Mahirap na may makuhang sakit. Hindi talaga pumayag ang hubby ko. Wala silang nagawa. Tapos ngayon may ubo naman ang MIL ko, minsan may mask nga sa bibig pero binababa niya minsan kapag nilalaro ang baby namin. Haaay...

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ng hindi siya maooffend na takpan ang bibig niya kasi may ubo siya. Sumisimple na lang ako ng paglayo or minsan hinaharangan ko sila ni baby. Noon kasi, sinabihan siya ng husband ko na mag-alcohol muna bago hawakan si baby. Sinabihan ang hubby ko na masyado daw maarte. Eh may point naman ang husband ko kasi madalas humahawak sila ng pera dahil may tindahan sila at para sure na din na malinis ang kamay kaya dapat mag alcohol.

Can't wait na makabukod na kami ng husband ko. hehe!;

8
Labor and Child Birth / Re: When did you file for a maternity leave?
« on: March 14, 2015, 01:08:11 am »
Hi MomiAnn! Naku lapit na yan. I'll pray for your safe delivery.

9
Hi mommies! I am so frustrated right now. In fact, habang tinatype ko ito, krayola ang peg ko.  :'(

Nanganak ako this March 11 lang, baby girl NSD awa ng Diyos kahit 7.9 lbs si baby. Yun lang haba ng tahi ko na iniinda ko pa rin til now. Nakatira kasi kami pansamantala ng hubby ko sa inlaws ko kasi hindi pa tapos yung hinuhulugan naming bahay. Noong manganganak ako, si hubby at MIL kasama ko. March 10 nagpunta na kami sa hospital. In fairness, na-appreciate ko na andun si MIL. Pero hindi siya nagprisinta na magpunta dun, hinatak lang siya ng husband ko kasi hindi niya kabisado short cut papuntang hospital. Since malayo ang tirahan ng mom ko, si MIL ang nag-assist sa akin nung March 10 til March 11. Pero dumalaw naman mom ko pero sandali lang.

So nung nanganak ako, super happy sila kasi first apo eh. medyo nababadtrip na ko ng slight kapag sinasabi ng in laws ko na kamukha ng mga ate ng hubby ko ang baby namin. Eh kasi hindi naman talaga, saka bakit ba puro yun ang sinasabi nila, hindi ba pwedeng kami ng hubby ko muna kamukha?

Tapos bawat kilos naming mag-asawa, like kung paano namin ihahandle si baby eh pinakikialaman nila pati pagpapadede ko. Pati ba naman pananamit, kinokontra pa ako kasi gusto ko pagsuutin ng onesies ang baby namin. Ayaw niya, kasi hindi raw yun advisable sa newborn. Minsan gusto ko ng sumagot kasi napipikon na ako pero iniisip ko na lang na mother yun ng husband ko at kahit paano eh may kabaitan din naman. Sobrang pakialamera lang.

Tapos isa ko pang problem eh sobrang cranky ni baby, siguro dahil 1 day old pa lang siya at nag-aadjust sa surroundings niya. Maya maya kinakatok ni MIL ang room namin ni hubby at pinagsasabihan kami na huwag hahayaang umiiyak lang si baby. OMG! Tingin niya gusto namin yun? Nagkakasugat na nga breasts ko kakapadede kasi malakas magmilk baby namin at kahit nanlalata pa ako dahil kapapanganak ko lang, pinaghehele ko pa rin si baby para lang tumigil sa pg-iyak tapos sasabihan kami ng ganun?????Si hubby tinutulungan din naman ako kaso hirap talagang patigilin ni baby.

Tapos nakita pa niya g patay ilaw namin sa kuwarto. Bakit daw kasi namin pinapatay, baka daw yun reason kaya ayaw tumigil ni baby. Eh kahit naman may ilaw umiiyak baby namin. Pinayuhan pa kami na magsindi daw ng insenso kasi baka may something daw dito sa room namin. Ayun, ang baby ko ngayon nasa mga room ng ate ng asawa ko. Tapos sinabi pa ni MIL na dun daw eh tulog na tulog ang anak namin, siguro nga daw dahil pinapatay namin ilaw sa kuwarto. Haayyy. . Feeling ko tuloy palpak ako na mother dahil sa mga sinasabi niya. Ewan ko, baka one of these days masagot ko na siya.  :'(


10
Labor and Child Birth / Re: When did you file for a maternity leave?
« on: March 13, 2015, 12:07:21 am »
Hi there! Just want to update you mommies na I have just given birth last March 11 at 1:07 am. ^___^ . Heto sobrang happy pero may kinakaharap ding challenges as a new mom.

11
Money / Re: living on our own - pagbukod expenses and concerns
« on: March 01, 2015, 11:25:35 am »
Mas maganda talaga yung nakabukod agad ang mag-asawa kesa nakatira ka sa in-laws.

Ako, minsan naaburido na til now andito pa kami sa in-laws ko nakatira. Ang dami namin sa bahay. Yung 2 kapatid ng husband ko andito pati yung asawa ng ate niya dito rin nakatira. May hinuhulugan naman kaming bahay kaso hindi pa kami makakalipat kasi by December pa raw matatapos sabi ng Developer.

Hindi ka makakilos ng maayos kasi nga feeling mo daming nakamasid sa iyo tapos kapag may misunderstanding or argument kayong mag-asawa nakakahiya pa na marinig nila. Isa pa, syempre iba yung kinalakihan nila or kinasanayan. Kaya kung burara ang mga kasama mo sa bahay at ikaw hindi, mangungunsumi ka lang talaga.

Mahirap bumukod kasi solo nyo talaga lahat ng gastusin pero it's worth the risk at mas titibay pa ang samahan niyong mag-asawa.

Kung hindi ko lang sinusuportahan yung mom ko sa Bulacan, baka pinilit ko na ang husband ko na magrent kahit maliit lang na apartment, makaalis lang dito. Kaso hindi enough ang sweldo namin kasi nga ako pa rin ang in-charge sa gastusin ng nanay ko.  Don't get me wrong ha, ok. Lang sa akin na til now ako yung sumusuporta sa nanay ko kasi ako lang naman anak niya, pero minsan nakakapagod din pala. Di bale sana kung napakalaki ng sweldo ko. Hindi ako humihingi sa husband ko ng pera kasi hindi naman niya responsibility ang nanay ko.

Haay. . Kaya ako pag tanda ko gusto ko may ipon talaga ako para hindi ako magiging dependent sa anak ko. Kawawa din kasi kung may sarili ng family tapos ako hingi pa rin ng hingi. Kung may ibibigay ang anak, ok. Kung wala ok. Lang din. Basta wag rin siya maging dependent sa akin kapag may sarili na siyang family. hehe!


12
Thank you mommies! @Ayen85 for now si hubby muna talaga ang sasalo ng gastusin kasi waley akong nakuha. Medyo nahihiya kasi ako ng ganun, pero di bale sandali lang naman to. Sana nga before pa magMarch 9 lumabas na si baby. ^_^ Balitaan ko kayo.

Congrats MomiAnn! Second baby mo na pala. Oo, tama ka jan. Unahin natin ang safety ng baby saka kaya nga tayo nagwowork because of them not the other way around. Kaya family talaga dapat no. 1 priority (may pinaghuhugutan, hehe!).

13
Thank you MomiAnn. May rule palang ganun si SSS. Baka nga ito yung reason kung bakit wala akong nakuha this cut off.  Labo din naman kasi nila magpaliwanag. Need ko pang ire-phrase tanong ko to get their answer. Tinext ko kasi ulit, hindi ako satisfied sa paliwanag nila, ayun ang sabi nakahold lang but when I asked kung kelan maccredit yun, as usual hindi na naman nasagot. Sa asar ko nga kahapon naisipan ko tuloy na wag ng bumalik sa company na yun after my ML ( pero syempre hanap ako ng ibang work noh.) hehe! ;D

Saka medyo nakakasama lang kasi ng loob kasi kahit paano malaking bagay na yung may matatanggap man lang ako bago ako manganak. Though may naisave naman akong money sa bank pero maliit lang. Tapos babawasan ko na naman ulit. hehe! Dati nagaadvance din ang company namin ng SSS ML benefit. Pero dahil may mga ka-officemate ako na nagiging CS kapag manganganak na, hindi na nila pinaparactice ang pag-advance kasi hassle pa sa kanila na may to follow na another check kasi pang normal delivery yung naprovide nila.

Ay naku MomiAnn, hindi ko na muna talaga sila kakausapin kasi nakakastress HR namin. Yung status ko nga sa Philhealth, kung hindi ko pa i-follow up hindi ko malalaman na hindi pa rin pala updated kahit na naipasa ko na dati pa yung needed docs para i-update yung status ko na married na ako. Recently lang na-update after soooo many months. Pero kahit imbyernang imbyerna ako sa incompetencies nila, nakocontrol ko pa naman ang sarili ko na wag magtaray.


14
Hi mommies! Please enlighten me regarding the subject above. Kasi ganito yun, I checked my atm today kasi sweldo na dapat di ba? To my dismay, ang tanging laman ng atm ko eh Php 10.00. Umakyat ang dugo ko ng makita ko yun sa screen! Kasi pandagdag ko sana yun ng pambili ko ng electric breast pump. Kasi paanong nangyari yun? Eh pumasok ako ng Feb. 1-12 so dapat may sahurin ako ngayong 28 di po ba?

So I called our HR to clarify kung paano nangyari yun. The HR asst. could not explain why so she told me that they will call me after a few minutes. I received a call from our HR supervisor kaso medyo malabo line kaya nagtext na lang kami. She texted me that my last salary would be feb. 15. Pag maternity leave daw kasi actual attendance ang sinusunod. Do not follow the usual cut-off kasi makoconfuse lang daw ako. Tapos explain na lang daw nila further once I get back. .kamusta naman yun, eh April pa ako babalik. Nagfile ako ng maternity leave starting Feb. 16 up to April.

I replied " kasi po ang sinahod ko ng feb. 12 eh yung pinasok ko po noong jan. 16-30. So parang wala po yung pinasok ko noong feb. 1-12? Or nakahold lang po yun?"  Heto reply ng HR ulit: " Pag maternity actual days don't follow cut off maconfuse ka." She didn't answer my question directly.

Sa mga pinapasukan niyo bang company ganito rin talaga? First time ko kasi magmaternity leave. I was really expecting na may marereceive pa ako nitong katapusan kasi pumasok naman ako ng feb. 1-12 kaso waley. . :(

15
Labor and Child Birth / Re: When did you file for a maternity leave?
« on: February 25, 2015, 10:00:15 pm »
Thank you MomiAnn and maia2013! Nagfile na ako ng ML nung 36 weeks na ko! Feeling pagod na kasi ako madalas sa biyahe. Medyo nagsisisi nga ako kasi 38 weeks na ako ngayon pero mukhang si baby hindi pa rin lalabas. :( Heto nakatunganga lang ako sa bahay tuloy. Akala ko kasi kapag first baby, kapag nareach mo na yung 37th week, manganganak ka na. Hindi pala.

Pinainom na ako ng OB ko ng evening rose prim for 7 days pero waley pa rin. Ayokong abutin sana ng 40 weeks kasi sayang naman yung time na makakasama ko talaga si baby. March 9 due date ko eh. .natatakot tuloy ako, baka lumagpas pa ko dun.

Pages: [1] 2 3