Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Topics - BlueAby

Pages: [1]
1
Money / Whats the Best Mutual Fund for you?
« on: April 03, 2013, 09:21:31 pm »
Hi Mommies,

I want to step up from Saving Accounts. Yung tinutubo kasi is not that much plus bumababa pa yung value ng money natin due to inflation rate.

ano-ano na po bang mutual funds ang mga naexperience nyo and ano po yung pros and cons or good and bad features nila? Gusto ko mag invest dito but would like to learn more muna para mas sure  ;)

Hope may mga makapag-share po sa inyo. Thanks!

2
Travel / Magandang Resort within Antipolo or Laguna or Bulacan
« on: March 21, 2013, 09:19:08 pm »
Hi mga sis,

May alam po ba kayo na maganda yet mura na ressort within Antipolo, Laguna or Bulacan?
Yung maganda po sana para sa mga bata.

So far natry na namin ang Loreland Resort and maganda sya. Pati ang Amana Waterpark, nagustuhan din sya ng mga bata. We are now searching for other resorts. Im eyeing on Bosai resort, kaso yung ibang girls ayaw mag swimsuit and strict pa naman sila na need nakaswimsuit lalo na kapag nasa stormwave pool.

Any idea will be much appreciated po. Thanks

3
Travel / Van for rent to Antipolo
« on: March 20, 2013, 07:01:11 pm »
Hi mga sis may idea po ba kayo if how much ang rent ng van from Manila to Antipolo?
And baka po may marerefer po kayo. May mga kasama po kasi kaming kids kaya mahihirapan po if mag jeep lang kami

4
Beauty and Product Reviews / Magandang Face powder... any suggestion
« on: January 14, 2013, 05:43:25 pm »
Hi Mga sis,

ano po bang natried nyo na face powder na ok sa skin nyo? dry-normal po ang skin ko kaya I use BB cream now. Kaka-ubos lang ng face powder ko (San-san from HBC) kaya naghahanap ako ng ibang mas magandang powder. Ano po ba marerecommend nyo na brand?

5
hello po. I do currently purchase Sun Postpaid plan. ok-ok naman po ang speed niya however di ko po ma-access ang facebook. Nakakapag-log in po ako pero pag open po yung pinaka header lang ng screen ang lumalabas. Wala po yung mga posts ng mga friends ko or kahit messages and friends lists. Nakaka-open naman po ako ng youtube and nakakapanood ng videos. Ano po kaya dahilan nun?

6
Money / BPI Maxisaver
« on: August 23, 2012, 03:08:31 pm »
Hi mga sis. Naghahanap kasi ako ng mas mataas na rate na pwede ko maideposit yung naitabi kong pera. Sa kakahanap ko, nalaman ko itong Maxisaver ni BPI. Mataas ang rate niya nasa 1.250 then may additional 1% pa kapag di ka nagwiwithdraw within a month. May naka-avail na po ba sa inyo nito? Pano po yung additional 1%? Is it 1% per month? Bale kapag di ka nakapagwithdraw ng 1year magiging 12% na sya?

7
Yaya Solutions / CCTV Camera / nanny cam
« on: July 26, 2012, 04:09:33 pm »
@MODS Not sure po kung dito dapat tong topic na to. Pakilipat na lang po if mali.

Hi, ask ko lang sana if meron na sa inyo na nagpakabit ng CCTV Camera or IP CAM or anything para mamonitor ang bahay nyo. I'm planning to have one kasi since yung previous yaya namin ay ninakawan kami. Also para maview ko din kung may hindi siya magandang ginagawa sa mga anak ko since working ako and sila lang ang naiiwan sa bahay.

May idea po ba kayo if magkano po ito. San nakakabili. Anong tatak? Anong features po ang ok? Pano po ang installation and ano po ang mga needs. Pasensya na po wala po kasi talaga akong idea dito and sana po matulungan nyo ako.

8
I know every womans dream ang makasal and maglakad sa isle ng simbahan although may mga sitwasyon talaga na di pwedeng makasal sa simbahan, isang dahilan na dito yung religion ng both partner. Ask ko lang po sana mga Sis kung possible na magkaron ng ceremony like yung sa church na may tasks yung sa entourage kahit civil wedding outside sa municipal ang gagawin. Yun bang ang venue is sa beach, garden or ibang place. Pwede po ba yun?

9
Basahin sa Smart Parenting:

Click HERE para mabasa ang kumpletong article tungkol sa:
Mga Alternatibo sa Morning-After Pill sa Pilipinas

Hi mga mommies, na-internet ko lang po itong med na to habang naghahanap ng way para maprevent na mapreggy ulit. Pwede daw to magamit up to 5days ng unprotected sex. Any idea po about this?

Reply to join this discussion.



10
Hi mga Mommies,

Hihingi po sana ako ng advice sa inyo. Working mom po ako and nakatira po ako kasama ng parents at mga kapatid ko po. Hihingi lang po sana ako ng advice kung pano ko po pwedeng i-balance yung life ko sa work and sa family. Kapag po kasi pumapasok ako ng maaga, napapabayaan ko po yung mga anak ko. Kapag naman po inasikaso ko yung mga anak ko, yung trabaho ko naman po ang naaapektuhan.

Isa pa po sa prob is mahirap po makahanap ng yaya. As in ang tagal na po naming naghahanap ng yaya pero wala prin po kaming makita. Yung mama ko naman po ay may hanapbuhay din na may kalayuan sa bahay namin.

Ganito po kasi sched ko:
Magigising yung mga anak ko ng 7am then bibili na kami ng almusal sa labas ng bahay. Then pag-uwi pakakainin ko na sila. Mga 8-8:30 kami matatapos nun then pagpapahingahin ko sila. Pagdating naman ng 9am papaliguan ko na silang dalawa. Mga 10 na kami matatapos kasama na toothbrush and bihis ng damit. Then tsaka ko palang sila naihahatid sa mother ko sa pwesto niya sa palengke. Pag-uwi ko ako naman ang maliligo at magbibihis, mga 11am na po ako matatapos. Byahe ko papasok ng office is 2 hrs. 1pm na po ako makakarating ng office. And dahil po sa late na ko, di na ko nakakapaglunch. Maglalunch na lang po ako sa oras ng meryenda break mga 3pm po. Then may 10 1/2 hrs po ako sa office. if 1pm po ako nakakapasok 11:30pm na po ako makakalabas ng office, then 1 1/2 - 2hrs byahe po pauwi. mga 1am na po ako nun makakauwi. Minsan po sa sobrang pagod ko kinabukasan ko na ng umaga hinuhugasan yung bote ng mga anak ko.

Nung dati po na kailangan ko magmadali pumasok, di ko na napapaliguan yung mga anak ko, sinasabi ko na lang sa mother ko. Mag 1 month  na nung nalaman ko na di rin pala napapaliguan ni mama dahil sa dami rin ng trabaho niya. Naawa tuloy ako sa mga anak ko. Kaya naisip ko na kelangan ko po talaga silang ma-asikaso bago ako makapasok.

Di ko naman po sila pwedeng paliguan ng mas maaga sa 9am. Nung sinabi ko po kasi sa pedia nila na 9am ko sila pinapaliguan, sabi ng pedia is sobrang aga daw po. Yung mga anak ko po pala is 3yo and yung isa po mag 2yo na this month.

Sana po matulungan nyo ko.

11
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Transvaginal Ultrasound Rates
« on: May 31, 2012, 05:23:21 pm »
Basahin sa Smart Parenting:
3D/4D Ultrasound Prices: These Scans Can Be Your Baby's First Photo Or Video
Click HERE.


Hi mga sis, pwede po ba nyong i-share kung magkano po rates ng transvaginal ultrasound sa mga hospitals?

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.



12
Beauty and Product Reviews / Digiperm - anything about this?
« on: January 19, 2012, 06:24:13 pm »
Hi mga sis, balak ko sana magchange ng looks. Lagi parang gusto ko magtry ng kulot kaso ayoko nung pino na kulot. Then I've heard about Digiperm, mas maganda yung pagkakakulot niya since malalaki yung curls. May idea po ba kayo if saan po magandang magpaganito? How much siya and paano po ang maintenance after?

13
Alamin ang sintomas ng buntis at kung paano hindi mabuntis. i-click ang alin mang topic para basahin ang tungkol dito:

Alamin Ang Mga Sintomas ng Pagbubuntis Maliban sa Pagsusuka
Delayed ang Regla, Sintomas ng Pagbubuntis?
Ano Ang Mga Sintomas ng Dalawang Linggong Pagbubuntis?
Buntis Ba Ako? Heto ang Pregnancy Test Results ng Ilang Mommy
Alamin Dito ang Paraan Kung Paano Malaman Kung Safe o Hindi Ka Fertile


Hi Mommies,

Nag-aalala lang po kasi ako. Naka 3 pregnancy test na ako pero negative ang lumalabas. Kaso lang wala parin akong Menstruation hanggang ngayon. Posible po kaya na buntis ako?  help naman po pls.

Naka-relate ka ba? Maging member na para makapagpost ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.


Pages: [1]