Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Topics - mommy irene

Pages: [1]
1
Big Kids / Bullying..
« on: September 17, 2015, 12:55:44 pm »
Basahin sa Smart Parenting:
Paano Kung ang Anak Mo ang Bully?. Click HERE


Hello Moms!

Gusto ko ulit i-up itong topic na ito for us to be aware of what to do if our child has been bullied or being bullied not only in school but everywhere.

Recently lang, just want to share, my son is currently a kinder. I and his father usually take turns sa paghatis sa morning and start pa lang ng class, there's this particular boy classmate, always like to get my child's attention (by the way, lalake po anak ko). Either hilahin ang bag ng anak ko, tapikin sa balikat, unahan sa pila.. For me, theres nothing wrong kasi kids at 5-6 yrs old talagang likas na malilikot. But as days, weeks, months pass by, redundant na to the point na minsan umaalam na yung anak ko. Minsan nadidinig ko pa kasi hindi ako agad umaalis, i wait for them na pumasok sa classroom before i go home, inaasar niya anak ko. As in its irritating. As mother, hindi ko pinapansin kasi nga bata eh, minsan sinaway ko, sumunod naman yun bata but ganun pa din daw sabi ng anak ko sa loob ng room. (mag kasama pala din sila sa isang table).

What it really pissed me off is when my mother told me na kinausap siya habang sundo niya anak ko na kinagat ng anak ko yung bully classmate niya. Initially, sabi ng mama ko, hindi yun gagawin ng apo niya kung wala din ginawa sa kanya. Precisely!. The parent aide at teacher of course tell my mother na oo nga daw kasi my sons pencil case was being thrown by the bully classmate and worst pa, kinaskas pa sa sahig which my son naman saw (magsusubmit daw kasi ng activity ang anak ko when he felt na may kinuha yung classmate niya sa gamit niya, and it turns out na nakita mismo ng anak ko yung ginawa nung batang yun). what my son did was get the pencil case, sumuot sa ilalim ng table at kinagat yung tuhod. Syempre, umiyak yung bully. Na-call yung attention ng parent aide. madaling salita both were reprimanded, kinausap na mali nga yun. Sabi naman ng parent aide, na talagang hindi naman gagawin ng anak ko yun if he was not provoked.

As a mother, the ff day nagpunta ako ng school, talked to the teacher. I told her what I know from the start at base sa kuento ng anak ko which I end up saying na ilipat na lang ng table anak ko para iwasan yung bata. Which in turn ginawa naman at nag ask ng pasensya yung teacher. Yun pala, nakausap na prior pa sa incident na yun yun parent ng bata. May problema ata ang bata - kulang sa pansin. So all the while I thought ok na, tapos na issue, malayo na anak ko sa bully kid. Aba naman, one time sinundo ng mama ko anak ko, may stain ng chocolate yun polo ng anak ko which in turn gawa na naman ng bully kid. I told my son not to get involved sa mga away, if meron man nang aaway sa kanya, inform his teacher or parent aide esp kami sa bahay. I told my husband to go again to the school. Ayun, kinausap niya ulit si teacher at yung bata na mismo. I know its bad pero sabi ng hubby ko, kinausap niya yung bata na next time gawin niya ulit yun, ill bring you to the police so the police will put you in jail because what you do to your classmate is not good. Do you want me to put chocolate stain in your polo?. Sabi ng teacher naman, babantayan na lang nila ng husto yung mga bata at nahihiya na nga daw sa amin kasi my son daw is sobrang masayahin, ayaw nga daw ng may kaaway. He always have a happy face kasi.

So kayo moms, sorry ang haba, what do you think is the best way na maiwasan yung mga ganitong situation at school. kasi kung ako lang, papakatotoo lang, gusto ko na kurutin un bully kid na yun kaso baka ako naman mapolice, hehe.

Naka-relate ka ba? Reply to join this discussion.


2
Holidays / Budget Friendly Holiday Menu/ Recipes 2015
« on: September 17, 2015, 11:14:47 am »

Hi there SP Moms!

Christmas is fast approaching na and I would like to ask for your opinion, suggestions kung anong menu ang maganda at masarap na ihanda during the season. Aside also from the usual handa natin sa bahay, it would be a great help too kung ok din sa bulsa natin. I want something new, appetizing, easy to make (yung tipong ang mga ingredients eh madaling hanapin/ bilihin)..

Let us help each other mag brainstorm kung anong menu plan natin during the holidays. Kumbaga let start planning ahead para at least pag may budget na tayo, we can start purchasing na unti unti kasi syempre, like me, hindi palaging may cash on hand.

I would appreciate  your suggestions mommies.. If you can also share a link or mano mano share your recipes and kung paano gawin, salamat ng marami..

Thank you in advance and awaiting your bright ideas..  ;) :)




3
Food / Pls suggest Merienda Menu for 1st Birthday..
« on: September 20, 2013, 01:45:44 pm »
Basahin sa Smart Parenting:
5 Peanut Butter Recipes Na Siguradong Patok Sa Mga Bata
Click HERE.


Hi there!

I'm a bit confused on what type of menu to serve sa 1st Birthday ng bunso ko.. It will be a simple house celebration sana, time is around 3-5pm.. I was kind of thinking serving at least 1-2 ulam, rice, noodle, sweets..

Can you guys recommend, pati na din sana easy to make recipes.. budget friendly na din sana.. kindly indicate kung ilan kilos ang dapat ilaan (good for at least 30-40 adults/ 20-3- children)..

Your recommendation will truly help me..

Mods: I don't know if I made the right topic at the thread

thanks

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.



4
Your Health / Boil (Pigsa) ...
« on: September 13, 2013, 11:37:26 am »
Its good to be back after months na hindi nakakapag log in..

Anyway, please advise naman home remedy sa pigsa, haha.. first time ko kasi nagkaron, sa may armpit pa.. Sobrang kirot niya at sabihin niyo ng oa pero hindi ako nakatulog magdamag - nakataas lang yung arms ko para hindi masagi or makiskis.. I tried to buy over the counter ng antibiotic pero hindi ako pinag bilihan kasi need ng prescription eh balak ko kasi hindi na ako magpa consult kasi dagdag gastos na naman, I'd rather spend it na lang sa necessities ng mga bagets ko.. so kindly tell me mommies/ sisters, what should I do about this.. im currently working, nasa office ako while posting this and feeling ko donya ako kasi lagi akong nakapamewang, nakakahiya nga eh pero makirot kasi talaga...

your advises really help... salamat po!


5
Food / Pano po magluto ng chopsuey?
« on: September 14, 2011, 12:55:00 pm »
Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
3 Effective Panghugas Ng Prutas At Gulay

photo by PEXELS

hello po,

ask ko lang pano ba magluto ng chopsuey.. kasi everytime na kakain kami sa labas or sa mga handaan, gustong gusto ko yung pagkakaluto ng veggies na ito.. yung tipong malapot siya.. 

pls advise naman how to cook this, kahit hindi mabongga yung mga veggies na kasama.. type ko kasi yung lasa esp pag may quail egg siya..

salamat po..

Naka-relate ka ba? Mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento..


6
Food / Chocolate dip from cocoa powder ...
« on: September 07, 2011, 03:09:02 pm »
hi po..

id like to share lang po, ginawa ko last monday lang.. kung ano lang ang available since tight budget at pang surprise sa friend namin na mag drop by sa office in an hour..

1. cocoa powder
2. condensed/ or evap milk
3. sugar (brown is better)

i bought ricoa powder (yung blue green pack), condensed milk (actually evap dapat) then sugar to taste.. what i did was dissolve the powder sa water (tantya lang), put the milk and sugar.. stir ko lang then may rice cooker dun, pina kulo ko lang in less than 10mins.. when i saw the result and find it ok naman ang consistency plus the taste na medyo mapait, matamis, keribels na..

i put mallows in toothpick, naging parang cocktail style.. sinet up ko lang.. ayun, naging instant choco dip siya.. in fairness, masarap.. tyr niyo din..




7

We will be moving out on Feb 28 sa inuupahan naming bahay, base sa usapan namin ng owner ng bahay, she will refund daw yung portion na hindi nagamit..

Kasi sabi ko, i will still pay the Feb accommodation in full, hindi ko muna gagamitin yung deposit w/c in turn sabi niya, sige, irerefund ko na lang..

Kayo ba, sa experience niyo, nirefund ba?.. buo niyo ba nakuha?. Ako kasi, before kami nagrent, nag advance kami at deposit, so ibig ba sabihin nun, irerefund yung both OR yung deposit lang..

Pls enlighten me.. now lang kasi ako umupa at aalis ulit.. TIA :)

8
Special Occassions / Bridal Shower and Stag party
« on: September 11, 2010, 02:48:15 pm »
hello mommies


my bff is getting married next year pa naman, april.. gusto ko kasi sha bigyan ng bridal shower, id like to ask lang sana sino na nakapag organize ng ganito..mahirap ba?.. any idea kung pano ko gagawin yun na talagang she will enjoy..

ideas pleas para makapag prepare ako - masabihan yung ibang girlfriends..

thank you po!!!  ;)

Pages: [1]