Here's a letter sent to Smart Parenting. May mga misis na minsan nagkakamali din. Ano ang maipapayo niyo?
Dear SP,
Please hide my identity. Hindi ko po alam kung ito po yung tamang way para malaman ko kung dapat na po ba ako mag let go sa marriage namin ng husband ko dahil sa mga kasalanang nagawa ko sa kanya. I had to lie to my husband about how many guys I had sex with before we met, may relationship man o wala. I even lied about sa mga bagay na sinabi kong sya pa lang ang nakagawa pero hindi naman because I was so afraid na kapag malaman niya lahat, hindi na niya ako mahalin, hindi na niya ko tanggapin. Sinabi naman niya sakin from the start na tatanggapin niya kahit na ano pa basta sabihin ko lang ang totoo.
Problems came when someone texted me that my husband and his ex are back together. I thought it was true. It was then when I met my crush and made another mistake. Wala man kaming naging relationship nung guy, alam ko na mali yung ginawa ko, na para lang sa pansarili kong nararamdaman, hindi ko man lang inisip ang mararamdaman ng husband ko pag nalaman niya. Ang laki ng sinakripisyo niya para sa akin simula umpisa, pero hindi ko nakita yun.
Recently, I told him everything kasi palagi na kami nagkaka problema, akala ko ile-let go din niya yung past ko dahil tanggap naman niya ako pero he was very disappointed, lost and sobrang sama ng loob niya sakin. Sinabi ko sa kanya na gusto ko ayusin lahat ng maling ginawa ko sa kanya, patunayan sa kanya na kahit anong mangyari hindi ko uulitin na lokohin sya. Naiintindihan ko ang galit niya. Sabi niya mali siya ng taong pinili, na pinagsisisihan niya kung bakit hindi niya pa tinanggap yung alok ng ex niya na magkabalikan sila at iwan ako noon. Pero mahal niya mga anak namin. Nagawa ko man sya na lokohin noon, totoong minahal ko sya, alam kong ako ang dapat gumawa ng paraan para tuparin mga pangako ko sa kanya pero wala nang pag asa. Wala na daw sya nararadaman para sa akin at pinuputol niya na ang ugnayan naming dalawa. All he's asking is ikuwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa akin, simula nung hindi pa kami nagkakilala hanggang sa mga yung mga nagawa ko na sa buhay ko, every detail.
Sa mga sinabi niya, dapat na ba ako bumitaw sa 14 years of marriage namin para maging masaya na sya ulit kahit na hindi na sa piling ko?
Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na
liham na ipinadala sa Smart Parenting. Naka-relate ka ba? Mag
Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.