Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Topics - nafnaf_86

Pages: [1]
1
Mga sis, share ko lang problema ko and hihingi na rin ng advice on how to handle and deal with it.

I started supporting and helping my family financially simula nung magtrabaho ako.  Nung single pa ako, walang problema, kayang-kaya kahit totally dependent sila sa akin about financial matters, actually kahit yung sister ko na may family na rin, natutulungan ko pag kinakapos sila sa pera.  Di stable yung financial income ng parents ko dahil wala naman sila permanent job.  Nakapag-asawa ako, at nagkaron na ng 2 anak, in fact, kapapanganak ko lang last August.  naka-depende pa rin sila sa akin, halos kalahati ng sahod ko sa kanila na napupunta, which is okay lang naman sa akin at sa asawa ko since okay din naman ang sahod ni hubby, and can actually provide for our daily needs, kahit di na ako magwork....  Since 2 na nga ang anak ko, I suggested sa parents ko if they can live with us, para mas makatipid dahil di na sila bayad ng renta sa bahay including household utilities.  Thing is kung ano yung binibigay ko sa kanila nung nakabukod pa sila, ganon pa din yung binibigay ko kahit nakatira na sila sa amin, minus pa yung pagpapa-aral ko sa bunsong kapatid ko.  Nung una okay lang, kaya lang mukhang di okay na dito sila sa amin nakatira, dahil sobrang nagger at war freak ng mama ko, parang di na okay environment dito sa bahay, sobrang ingay na sa bahay, minsan inaaway niya papa ko and pinapagalitan yung kapatid ko.  Dahil yata dun, yung panganay ko nagmumura na, nagulat na lang kami ng asawa ko! Actually, ganon naman ang mama ko eversince, buti na lang di ko nakuha yung ganong ugali niya. Kaya lang bothered na ako, dahil feel ko na yung stress, lalo ngayon na kapapanganak ko lang, mula sa maingay na bahay at yung apekto nun sa mga anak ko.  Mukhang galit pa yata mama ko dahil di ko mabigay yung pera na binibigay ko sa kanila every 15th and 30th of the month dahil nga naka-maternity leave ako and stopped yung financial income ko, ayaw ko naman iasa yung sa asawa ko.

Dont get me wrong mga sis, na-appreciate ko naman din yung tulong ng parents ko sa akin simula nung tumira na sila sa amin, tulad ng may nakakatulong na ako sa gawaing bahay at sa pag-aalaga ng mga anak ko...siguro yung ugali lang ng mama ko ang di ko ma-take, at kahit sa asawa ko, di na rin okay.  Lastly, I don't want them to feel na pabigat sila sa akin, because I still respect them and higit sa lahat, magulang ko sila. Di ko mamention sa ate ko dahil puro problema na rin ang ate ko, at sa aming dalawa, mas nakakaluwag ako sa buhay. 

Di ko na alam gagawin ko, minsan naiisip ko na pabukodin na lang sila ulit.  :(


Pages: [1]