Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Topics - luk_resha

Pages: [1] 2
1
Your Health / adenomyosis (anyone who can share)
« on: January 08, 2016, 02:09:14 pm »
just recently i was diagnosed by my OB na may adenomyosis daw ako, anyone of you mommies who can relate?

for long every time na mag mens ako super sakit sya especially in my second-third day but then tolerable ko naman, in severe cases nadadala naman sa mefenamic/hot compress but this last two months inaabsenan ko na talaga sya at hirap na ko bumangon sa morning sa sobrang sakit niya. got really worried so pinaTransV ako ni OB and then ayun na nga its adenomyosis daw.

if i want a permanent treatment removal daw ng matres but then again dahil isa pa lang anak ko dapat talaga syang pag isipan pa. while buying time and para na din hindi sya lumala dapat daw hindi na muna ako mag mens so its either ill go for injectable or mag buntis, im waying my options pa kasi since i gave birth natural planning method lang kami.

looking forward na may magshare na mommies  :)

2
Travel / who's been in baler?
« on: January 08, 2015, 01:58:53 pm »
need to know kung ano po mga magandang puntahan sa area thanks in advance  :)

3
Your Health / vaginal wound
« on: September 18, 2014, 10:49:09 am »
has anyone here mga mommies on same condition?

been experiencing period cramps and yung feeling na parang may mahuhulog down there everytime na may mens ako. i visited an OB and had my papsmear na rin, while on the process may nakita na "sugat" i immediately ask kung malaki ba at kung delikado ba? sabi its moderate lang daw at may treatment for it. after the test im waiting for her to atleast di ba explain what is it about until sa di ko na nahintay (first time ko sakanya) ako na nagtanong kung ano yung mga possible cause kung bakit nagkasugat ako dun especially that clean naman ang sex life namin ni hubby. sabi ni OB baka dahil daw sa infection. my next question was how can it be treated sabi niya through a minor procedure (30mins.) using laser daw  :( balik pa ako nextweek para sa result ng papsmear praying really hard na ok naman sana ang result...

baka may makapag share po dyan ng experience tia!

4
Food / LF: toasted pastillas recipe
« on: November 27, 2013, 08:56:55 am »
pa share naman po mga mommies :) tia!

5
Money / starting a simple business... how?
« on: October 30, 2013, 10:21:30 am »
Basahin sa Smart Parenting:
Dahil Sa Pagiging OC, Isang Mom Gumawa ng Sariling All-Natural Cleaner
Click HERE.


nakakuha kasi si hubby ng isang katamtamang pwesto sa palengke, we are considering to sell clothes (since yun daw ang mabenta sa area) saka loading station na rin kasi wala pa nun sa area... im kinda excited na worried din at the same time kasi i dont really have experience sa pag titinda, though im selling some stuff online iba pa rin kasi pag pwesto na at pag madami dami na ang hahawakan...

working kami both ni hubby kaya pinakaconcern ko talaga e kung paano mag monitor ng in and out ng items, sa mga may experience po dyan paano po ba ang pag inventory? magkano ang reasonable na sahod para sa tagabantay? ilang % ang reasonable mark up sa presyo? tia!

Naka-relate ka ba? Mag post ng katanungan o payo dito
Reply to join this discussion.



6
Family Fun / rave of pasig rainforest adventure
« on: April 16, 2013, 03:01:36 pm »
sino na po nakapunta? saw it on tv (umagang kay ganda) days ago and sabi its a newly renovated leisure park bale resort, zoo, sports center, kid's park, party venue in one place sya sana may mga feedbacks na from mommies ^_^

7
we are weighing our options kasi rightnow, for one week na-try namin ipa-babysit yung 2y/o daughter namin sa isang kasama namin sa compound who happened na kaka-endo lang sa dating work we gave her P150/day (base kasi eto dun sa binibigay din nung naunang nag pa-babysit sakanya na kapitbahay din namin) saka hindi naman alagain si baby plus ang tulog sa tanghali ng anak ko minimum of 2hrs kaya relax din sya during that time. bale ang set-up 8am lipat na sya samin before kami umalis na mag asawa we see to it na napakain ko na si baby ng breakfast saka napaliguan (kasi parang nahiya din naman ako mag impose na gawin niya yun) and may enough food sila for merienda saka lunch, 5pm out ko sa office before 6 nakauwi na ako and pwede na rin sya umuwi.

napapaisip lang kasi ako if deretso namin sya ipa-babysit in a month it will cost us 3k makakamenos nga ba kami compared if kukuha na lang ng all around?

8
my cousin is 2months preggy rightnow to her 2.5 years bf, after a year of being steady as bf gf nag yayaya na talaga si bf na pakasal na sila pero hindi sineseryoso ng pinsan ko. naisip ko dati na siguro kasi after she graduated from college naging independent na talaga sya until now that she's in her early 30s na.

her bf is a good man i have known him na rin naman sa tagal na rin nila like my cousin he has a stable job too. i always ask her why not get married? sabi niya if ginusto niya daw di sana noon pa hindi ngayon na parang magiging dahilan na lang yung baby so hinayaan ko na lang pero weird na pati yung bata pag kakaitan niya her plan is surname niya ang dadalhin nung baby pag labas i feel sad tuloy para kay kuya kasi in the first place hindi niya tinatakbuhan yung mag ina niya...

9
Yaya Solutions / effective na gamot sa an-an for my baby's yaya
« on: December 31, 2012, 07:47:42 pm »
syempre kinakarga niya si baby e ang alam ko po nakakahawa ang an-an right? yung pinakamabisang gamot sana na alam nyo pa-share  :)

10
Home / concern on putting a water sub-meter
« on: October 15, 2012, 12:00:33 pm »
or meron po ba nito? kasi sa inuupahan namin unit naka-sub meter kami sa kuryente so ok pero yung tubig isang metro lang yung buong compound namin then divided sa number of person na lang yung bill na dumadating... baka may nakakaalam po dyan if paano naman if tubig ang i-sub-meter... gusto ko na kasing hiwalay yung samin para less sakit sa ulo... mga magkano ang difference sa gastos pag pakabit ng submeter versus mag pakabit ng panibago ng linya? tia!

11
Travel / looking for an affordable place to stay in tagaytay
« on: September 10, 2012, 11:47:30 am »
lately nga kasi ang dami naming issue ni hubby actually kahapon lang may pinag awayan na naman kami and as of now e hindi pa kami ok. naisip ko we need some time to unwind kahit this weekend lang... yun e kung magkakabati na kami before weekend  :'( im fervently  pray na humupa na galit niya...

im looking for an affordable one since biglaan kung sakali eto at hindi talaga nakabudget...

12
2y/o na baby ko and nakasanay na niya talaga mag bread, yakult or chuckie as part of her daily snack kaso lately parang nananawa na rin yata sya kung dati napagsusunod niya ang 2yakult or 2chuckie sa isang upuan ngayon antagal na niya maubos yung isa. ok lang ba mga tetra pack juices? mahirap na kasi pag nasanay sa hindi healthy gaya ng soft drinks. magana pa mandin sya magkanin kahit gulay nga inuulam e baka mamaya masira lang gana niya kung bigyan ng kung ano-ano...

13
Recommended Reads / mommy vocabulary
« on: August 30, 2012, 09:53:36 am »
got this from inquirer mama diaries by audrey tan-zubiri august 29.

1. Momnesia
2. Baby wearing
3. Mombie
4. Sanctimommy
5. Mompreneur
6. Breastfriend
7. Oversharenting
8. Momergency
9. Mommylicious
10. Tiger mom

naaliw ako sa "momergency" and "mommylicious"  ;D
share yours too...

14
Romantic Relationships / napagbintangan na ba kayo ng hubby nyo?
« on: August 22, 2012, 05:35:30 pm »
Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Ang Ugali Na Madalas Dahilan Ng Pagkasira Ng Isang Relasyon

photo by ISTOCK

naiinis ako mga sis its the first time... out na sana ako ng office ng tumawag si hubby and eto nga unang tanong if tinetext ko daw ba si joy (a friend of his, isa sya sa hindi ko feel na friend niya in my previous topic) sa gulat ko sa tanong hindi ako nakasagot ng oo o hindi saka di ba likas sa pinoy yung sasagot muna ng 'bakit?' bago sagutin talaga ang tanong kaya ayun nasabi ko bakit ba? sabi niya basta daw kung nag me-message daw ba ako sabi ko paano ko i-me-message e ni hindi ko nga alam ang number ng mahadera.  >:(

sabi ni hubby may hawig daw kasi yung text dun sa status post ko sa fb lastweek... duh... ayun nag init ulo ko ewan ko nga kung narinig pa ng boss ko e basta sabi ko na lang sa asawa ko bakit ba ako na lang bigla ang masama? then pinutol na niya yung call and nag text nag tatanong lang daw naman sya...

as if... e sa tono nambibintang naman  :'( nadagdagan pa ng sama ng loob kasi kahapon pa sya di tumatawag para manlang kamustahin ako tapos bigla bigla ayun tumawag nga pero para lang mambintang... e ano bang pakialam ko dun sa kaibigan nyang yun  :'( ang sama sama lang talaga sa loob ...


Naka-relate ka ba? Mag Reply para makapagpost ng katanungan o payo.


15
Romantic Relationships / need help: what hotel could this be
« on: August 21, 2012, 11:51:29 am »
im helping my cousin mga sis nag ayos kasi sya ng mga gamit nila sa house and may nahanap daw sya, on instinct she believe na its a key card, sakin lang sya nagsabi as of the moment hoping na i could be of help e kaso limited lang din naman mga alam ko na hotels, i tried searching it sa net and wala pa ako malinaw na nahahanap sa ngayon, medyo complicated kasi now lagay nilang mag asawa and ako naman umaasa na mali yung akala niya na its a key card. upload ko yung photo na send niya sakin mga sis baka po may makatulong samin it would be a great help if ma-confirm namin kung ano nga ba eto. thanks!





"combining pleasure and convenience" yung nakasulat mga sis

Pages: [1] 2