Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Topics - kweykerz

Pages: [1]
1
Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Kapag Buntis Ang Asawa: 'Yes Ka Lang Ng Yes'

photo COURTESY OF APRICA

..mommies, pashare naman ng stories ninyo bago po kayo nagbuntis.. may iba kasi.. one to two months lang po buntis na sila,  yung iba pa nga merong honeymoon baby.

Ako kasi.. nawalan na ako ng pag-asang mabubuntis pa ako. Kung kelang hindi na ko nag-eexpect saka dumating. Answered prayer talaga. Feeling ko naghimala talaga si God sa buhay naming mag-asawa. I'm 25 weeks pregnant na ngayon. October kami kinasal so almost 6 months kaming naghintay tlaga ng baby. I'm 27 na and medyo may edad narin si hubby, he's 38 na so talagang hinahanapan na kami ng anak ng mga family namin sa both sides.

Kung saan saan na po kami nagpuntang OB para magpacheck up, kung ano ano narin ang nainom kong gamot. sinasabi nilang lahat na normal naman daw kami.. maghintay lang daw kami.
Alam nyo yong feeling na "bakit ganon, bakit hanggang ngayon wala pa, sabi naman nila healthy kami pareho"

To the point talaga na umiiyak ako kay boss (boss tawag ko kay hubby),  bakit hindi kami magkaanak? Siya naman talagang super duper lungkot niya. Tahimik nalang sya. Bakit po kaya mas mahirap sa ting mga girls yon. Yung feeling mo ikaw ang may diprensya sa inyong dalawa kapag hindi ka kaagad nagbuntis?
Na-feel nyo ba yon dati mga mommies?

Nagbuntis ako kung kelan naman na hindi ko tlaga ineexpect. Nakakatawa nga eh.. monthly ako bumibili ng PT kasi lagi naman akong nadedelay ng mens ko. pero puro negative.. tapos nung april, one month na akong delay pero ayoko magPT kasi iiyak na naman ako kapag negative.. Si boss nalang tlaga nagpilit sa kin na bumili ng PT kasi baka daw buntis na ko.. And then at last.. eto na si baby.. gumagalaw galaw na sya ngayon sa tummy ko..

i'm so happy talaga mga mommies :D


Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan, payo o kwento.


Pages: [1]