Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Topics - Lhani

Pages: [1]
1
Romantic Relationships / kelan sapat ang reason para makipag-hiwalay?
« on: February 08, 2012, 03:04:48 am »
Basahin sa Smart Parenting. Click this to read full article.
Dapat Pa Ba O Tama Na?

photo by ISTOCK

Hi mga sis need your advice..

Kelan masasabing sapat ang reason para makipag hiwalay sa leave in partner? almost 4 years na kaming nagsasama ng daddy ni baby pero hindi kami kasal until now..Sa loob ng 4 years with him masasabi kong kilalang-kilala ko na sya,And hindi sya ganito nung 1st year ng pagsasama namin.,Madalas din kaming mag away pero napapag-usapan pa namin.Until ng mabuntis ako dun na sya nag start umalis ng bahay ng walang paalam at uuwi ng 4 ng madaling araw or worst maliwanag na at lasing.Ang laging reason niya sa akin napainom with barkada at punchline na ayaw syang pauwiin.Tiniis ko yun mga sis hanggang sa makapanganak ako paulit ulit..Sa daming beses na hindi ko na mabilang yung iba at pinalalampas ko nalang pag nag sosorry sya..Before mag end ang 2011,Dec 30 to be exact hindi nanaman sya umuwi and and pinaka hindi ko matanggap ay iniwan niya yung anak ko sa nanay niya na walang dede at walang susi ng bahay namin.,(nakabukod kami sa mil ko at nagrent near their house)So ang ending nakawawa ang baby ko na 7 months dahil walang madede at nakatulog daw kakaiyak.Pagdating ko after work 11 in the evening nadaanan ko ang mil ko karga ang baby ko at sabi niya inaantay niya daw paguwi ko kasi mahigit 5 hours ng hindi dumedede ang baby ko.Imagine 7 month old baby nakaranas ng malipasan ng gutom dahil sa kapabayaan ng sariling ama.Kaya sabi ko kay mil pasok na kami ng bahay sabi ni mil wala daw susing iniwan.So para makapasok kami sa house namin nagpatulong nalang akong idestrungka yung pinto namin at pinauwi ko na si mil sa bahay nila..Umaga ng umuwi si daddy mga 5am na at inamin niya sa akin na nag "beerhouse daw sila ng kawork niya.(hindi sa sosyal na night club).Imagine mga sis pinabayaan niya yung anak namin para sa walang kwentang yun.,At ayun nag sorry at hindi na daw niya uulitin nagpauto nanaman ako..Last night pauwi na ako after work 11 ng gabi nagtext ako sa kanya sabi ko pauwi na ako.Akalain nyo bang ireply sa akin eh "pauwi kana ba? pwede bang sunduin mo ako dito sa likod ng pegasus,ayaw akong pauwiin ng kasama ko '' at lasing na sya.. ang kapal ng mukha mga sis iadamay pa ba ako sa kalokohan niya,kaya nagmadali na akong umuwi thingking kung ano nanaman nangyari sa baby namin.Ayun pagdating ko nasa house namin si baby at mil iniwan niya nanaman at kauuwi lang nila sa house namin dahil tinawagan niya daw si daddy ni baby ng 9:00 evening na umuwi na at wala na ulit dede si baby dahil walang iniwan at walang susi ng house namin,sabi daw sa kanya pauwi kaya nagantay pa sila ng 1 hour pero walang dumating kaya ipina distrungka nani mil yung bahay namin dahil iyak na ng iyak si baby sa gutom..Hindi umuwi sya umuwi ng bahay namin whole night then nung morning around 7:00 pumunta si mil at pinapakuha yung bag ng daddy ni baby dahil papasok daw sa work at 4:00 ng madaling araw na daw umuwi sa bahay nila mil..Grabe mga sis parang gusto kong sumugod sa kanila at pagsasampalin sya sa ginagawa niya sa amin ng baby ko. Hindi kami tau-tauhan para iby pass lang.At parang sya pa ang may ganang magmalaki at hindi magpakita..
Wala akong narinig na sorry or explanation from him.Pumasok sya ng work ni hindi man lang kami sinilip or pinuntahan kinausap.Hanggang ngayon pag uwi ko ng 12:00 mid night naabutan ko syang nanonood ng tv sa house namin .Parang sya pa yung galit as in walang kahit anong explanation or sorry man lang na parang walang nangyari..Napuno na ako kaya sabi ko sa kanya ayoko na muna syang makasama at umuwi na sya sa bahay nila dahil pagod na pagod na ako,Alam nyo ba unang sinabi niya sa akin "gabi na palalabasin mo pa ako? Bukas nalang! Gusto ko syang sapakin sa sinabi niya sa akin at ipagtabuyan ko sya,kaya ang sabi ko nalang wag mo ng antayin na magkagulo pa tayo..Walang sabi-sabi tumayo sya at kumuha ng gamit niya umalis.Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya.Kung meron bang iba?

Mga sis sawang-sawa na ako ng lagi kaming ganito.Pinipilit kong maging maayos ang buhay namin para sa anak namin pero parang wala pa rin..Gusto ko na syang hiwalayan pero paano?Paano na ang anak namin?Kailangan ba lumipat na kami ng bahay o lumayo?O dapat ba magtiis ako para sa anak namin at maging buo ang pamilya namin?Dapat ba hayaan ko nalang yung ginagawa niya at balewalain?
Gusto ko ng makipag hiwalay pero hindi ko alam kung ready na ba talaga ako?Kaya ko ba talaga?Paano na ang baby ko malapit na ang 1st birthday niya?Ang gulo na po.
Mga sis need po ng help..Sorry po masyadong mahaba yung story wala lang akong makausap at mapag sabihan para akong sasabog..

Naka-relate ka ba? Basahin ang latest comment tungkol dito o mag Reply para makapagpost ng katanungan,payo o kwento..


2
Hi mga sis.. :)

Gusto ko po sanang magpa tulong kung saan ako makakabili ng murang slr/dslr camera., Brand new or second hand..Im beggining to like photography kasi si baby mahilig magpa-picure  ;),Kaya lang medyo maliit ang budget ko..Nabenta kasi namin yung camera sa brother ko nung manganak ako para pangdagdag sa gastos.. :(

Thanks in Advance!!

Pages: [1]