Parent Chat

  • August 24, 2019, 02:38:04 pm
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Topics - pink_mommy0427

Pages: [1]
1
Yaya Solutions / Pasaway na maid
« on: February 27, 2014, 05:18:28 pm »
Ang hirap maghanap ng yaya/maid sa panahon ngayon na talagang magmamalasakit sa'yo. Itong kasambahay namin talagang nagkakaproblema ako sa ugali. Unang-una, sabon pampaligo namin ultimong panghilod ginagamit niya samantalang binibigyan ko naman sya ng allowance para sa personal needs niya. Pangalawa, sobrang takaw (sorry for the word), walang problema sa pagkain, open naman ako pero yung mga pagkain na dapat sa mga kids ko kinakain din niya. Pangatlo, kung hindi mo uutusan hindi kikilos. ang liit-liit nlang ng bahay namin hindi pa nalilinisan ng maayos, magwawalis kung saan lang makitang may kalat. Ni hindi mapunasan ang alikabok. Hindi naman masyadong mabigat ang trabaho niya, linis, hugas ng plato at laba lang. Ako ang nagluluto dahil mas prefer ko na sarili kong luto ang kakainin ng family ko. Kahit paulit-ulit mong sabihan parang walang nangyayari. At pang apat na talagang kinaiinisan ko 'yung pagiging malikot ng kamay niya. Dati yung mga nakalabas na barya lang ang kinukuha niya pero ngayon nag level up na! Sa wallet ko na mismo sya kumukuha. Sinubukan ko syang kausapin pero talagang ayaw umamin. Pang ilang beses na nyang ginawa 'to pero naaawa parin akong paalisin sya kasi sya lang ang inaasahan ng pamilya niya. May anak syang dalagang ina, at yung baby 1 yr old at hindi na naggagatas, giniling na bigas na hinahaluan lang daw ng pinatuyong dahon ng malunggay ang dinedede para magkaron ng sustansya. kaya kada bale niya hindi ko magawang tumanggi kasi alam ko yung sitwasyon niya pero sabi ko "ate, sobrang bait ko at pakisama sa'yo pero sana wag mong abusuhin. kung may kailangan ka magsabi ka sa'kin hindi yung kukuhaan mo ang wallet ko ng walang paalam." Alam ko yung naiisip niya, na maliit na halaga lang yung kinukuha niya pero regardless kung maliit o malaking halaga, Pag hindi sa'yo hindi mo dapat kunin ng wlang paalam. haysst! Sino po sa inyo mommies ang may ganitong problema sa yaya/maid?

Read it on Smart Parenting.
Isabelle Daza Leaves Nothing to Chance With Contract for Kasambahays

Click this link:
https://www.smartparenting.com.ph/life/home/isabelle-daza-contract-kasambahay-a00041-20190122?ref=parentchat

Get a chance to be invited to exclusive events or grab limited freebies from Smart Parenting and partner brands! Login to reply to this topic or share your tips in this forum. Invites are sent via email to selected forum members so be an active Parent Chatter!

2
Getting Pregnant / Sino po ang mga mommies na taga-Davao City dito?
« on: May 02, 2013, 11:51:57 am »
Hi mga SP mommies! sino po sa inyo ang taga-davao dito? sa pagkakaalam ko kasi karamihan dto mga taga-Luzon. Anyway, sa Manila naman po talaga kami parehong lumaki ng husband ko, andito lang ang business niya at ilang kamag-anak kaya kami napunta dito. hmmm... kung meron pong taga-davao dito, sino po nakapanganak na sa Davao Medical School Foundation Hospital? Share nyo naman po experience nyo kung meron man at magkano din po ang inabot ng bill nyo for a normal delivery. nagpalit kasi ako ng OB at jan sa nasabing hospital yung bagong OB ko, balak ko sana na dun nlang ako manganak. TIA!  ;)

Pages: [1]