Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Topics - Hinata

Pages: [1]
1
Hello mga mommies! I hope someone can help me. One time kasi hindi naubos ng baby ko ang milk niya, he is one and a half years old na and ang ginawa ng mother in law ko, nilagay niya sa ref ang milk. Reheat ko na lang daw sa microwave pag ipapadede ko na. Sabi ng pedia ng baby ko 4 hours ang itatagal ng milk pero after that hindi na pwede. More than 4 hours na kasi nakalipas nung tinimpla ko un milk, kahit na nasa ref pa sya, kaya di ko na pinadede.

Ginagawa nyo rin ba ito? Yung nilalagay sa ref un natirang milk ng baby nyo and then reheat sa microwave pag ipapadede na? next month pa kasi ang balik namin sa pedia, kaya I dont know kung safe gawin ito or hindi.

2
Toilet Training and Diapering Essentials / EQ diapers
« on: November 25, 2013, 04:21:17 pm »
Not sure if may topic na about this, pero mga mommies, what is the difference between EQ Dry, EQ Plus and EQ colors? Napansin ko lang is the price and design ng diapers, and magkaiba ang tape ng dry sa plus, hindi ko lang alam ang sa colors...or yun lang ba talaga ang difference nila? Has anyone tried EQ colors on their babies na? EQ dry and plus pa lang ang na try ng baby and mas gusto ko ang Plus for him.

3
The In-Laws / MIL na medyo pakialamera
« on: November 06, 2013, 10:09:41 pm »
Hi mga sis! How would you deal with a MIL na ganito? Gusto niya pakainin ng INSTANT NOODLES ang baby ko, 1 year old pa lang sya, ang sabi ko maalat kaya hindi ko binibigyan ang baby ko, tapos sabi niya pwede naman daw i-dilute un timpla ng noodles. Hindi na ako sumagot after nun.

Napansin ko lang kasi, lahat ng ginagawa niya dun sa isang apo niya, gusto niya gawin din niya sa baby ko. Like un pagbigay ko ng milk, pinansin niya. One morning kasi tinimplahan ko ng milk ang baby ko and sabi ng MIL ko dapat daw nag solids na sya, ibig niya sabihin dapat pinapakain ko na at hindi milk ang binibigay ko. Pinapakain ko naman ng solids, un nga lang, mas gusto ng baby ko ang milk. Parang ang gusto niya mangyari is bawasan ko ang pagbibigay ko ng milk sa baby ko at solid foods na lang palagi. Ang sa akin kasi, hanggat gusto ng baby ko ng milk, hindi ko sya pipigilan. Un kasing isang apo niya, pinipigilan nilang mag milk, pag humihingi ng milk, ibibigay nila is juice.

Minsan I overheard her talking to my husband, sinasabi niya na dapat sanayin nang uminom ng milk sa sippy cup ang baby ko. But he just turned one year old!

Natatakot ako na iwanan ang baby ko sa kanya, baka kasi kung ano ano na lang ang ipakain. One time hindi ko sya napigilan kasi sinubuan niya ng white part ng brazo de mercedes cake un baby ko, ayun, nagsuka tuloy. One time sinubuan naman ng malaking piece ng broas, nagsuka ulit un baby ko. Feeling niya kasi kagaya ng isang apo niya na lahat ng isubo kakainin. Kahit sino naman sigurong baby pag sinubuan ng ganun kalaking piece, mabubulunan, at saka hindi pa familiar un baby ko sa taste ng mga pinapakain niya.

Tapos gusto niya na sanayin ko nang naka off ang lights pag natutulog kami ng baby ko. Gamitin ko na lang daw un lamp shade instead. Na try ko na minsan yan sa house namin and instead na matulog ulit si baby ko nung nagising ng madaling araw, na focus un attention niya sa lamp shade, tapos hindi na sya makatulog ulit kahit naka on na ang lights, and kahit na antok na antok pa, iyak lang ng iyak. Gusto ko rin naman naka off ang lights pero siguro may right time para sanayin si baby for that.

Ang hirap lang kasi, dominating ang personality ng MIL ko. Pag may sinasabi ako or may pinapaliwanag parang di sya naniniwala. Although na explain ko na sa kanya before kung bakit hindi pa gaanong sanay sa solid foods ang baby ko, parang pasok sa isang tenga, labas sa kabila lahat ng sinabi ko.

Mga sis, paano ang gagawin nyo kung nasa parehong situation kayo?  :'(

Pages: [1]