1
The In-Laws / I have just given birth and my MIL is getting on my nerves!
« on: March 13, 2015, 12:40:18 am »
Hi mommies! I am so frustrated right now. In fact, habang tinatype ko ito, krayola ang peg ko. 
Nanganak ako this March 11 lang, baby girl NSD awa ng Diyos kahit 7.9 lbs si baby. Yun lang haba ng tahi ko na iniinda ko pa rin til now. Nakatira kasi kami pansamantala ng hubby ko sa inlaws ko kasi hindi pa tapos yung hinuhulugan naming bahay. Noong manganganak ako, si hubby at MIL kasama ko. March 10 nagpunta na kami sa hospital. In fairness, na-appreciate ko na andun si MIL. Pero hindi siya nagprisinta na magpunta dun, hinatak lang siya ng husband ko kasi hindi niya kabisado short cut papuntang hospital. Since malayo ang tirahan ng mom ko, si MIL ang nag-assist sa akin nung March 10 til March 11. Pero dumalaw naman mom ko pero sandali lang.
So nung nanganak ako, super happy sila kasi first apo eh. medyo nababadtrip na ko ng slight kapag sinasabi ng in laws ko na kamukha ng mga ate ng hubby ko ang baby namin. Eh kasi hindi naman talaga, saka bakit ba puro yun ang sinasabi nila, hindi ba pwedeng kami ng hubby ko muna kamukha?
Tapos bawat kilos naming mag-asawa, like kung paano namin ihahandle si baby eh pinakikialaman nila pati pagpapadede ko. Pati ba naman pananamit, kinokontra pa ako kasi gusto ko pagsuutin ng onesies ang baby namin. Ayaw niya, kasi hindi raw yun advisable sa newborn. Minsan gusto ko ng sumagot kasi napipikon na ako pero iniisip ko na lang na mother yun ng husband ko at kahit paano eh may kabaitan din naman. Sobrang pakialamera lang.
Tapos isa ko pang problem eh sobrang cranky ni baby, siguro dahil 1 day old pa lang siya at nag-aadjust sa surroundings niya. Maya maya kinakatok ni MIL ang room namin ni hubby at pinagsasabihan kami na huwag hahayaang umiiyak lang si baby. OMG! Tingin niya gusto namin yun? Nagkakasugat na nga breasts ko kakapadede kasi malakas magmilk baby namin at kahit nanlalata pa ako dahil kapapanganak ko lang, pinaghehele ko pa rin si baby para lang tumigil sa pg-iyak tapos sasabihan kami ng ganun?
?Si hubby tinutulungan din naman ako kaso hirap talagang patigilin ni baby.
Tapos nakita pa niya g patay ilaw namin sa kuwarto. Bakit daw kasi namin pinapatay, baka daw yun reason kaya ayaw tumigil ni baby. Eh kahit naman may ilaw umiiyak baby namin. Pinayuhan pa kami na magsindi daw ng insenso kasi baka may something daw dito sa room namin. Ayun, ang baby ko ngayon nasa mga room ng ate ng asawa ko. Tapos sinabi pa ni MIL na dun daw eh tulog na tulog ang anak namin, siguro nga daw dahil pinapatay namin ilaw sa kuwarto. Haayyy. . Feeling ko tuloy palpak ako na mother dahil sa mga sinasabi niya. Ewan ko, baka one of these days masagot ko na siya.