Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mommyjanice

Pages: [1] 2 3 ... 6
1
Baby Names / Re: how did you choose your baby's name?
« on: August 11, 2015, 01:27:12 pm »
Edward Rafael Iņigo

Edward-my husband's name which is Edward
Rafael-my father's name (Raphael)
Iņigo-my father's nickname (Inggo).

So nabuo ang name ng anak ko.Pag girl naman,di din ako patatalo just like Yhamslove.

2
Kids With Special Needs / Re: Re: Developmental Pediatrician
« on: September 04, 2013, 02:53:39 pm »
SMU ka din ba?dun kasi ako graduate e.

Dati, hirap ding magsalita, tapos pinapaikot tsaka pinaglilinya niya lahat ng laruan niya (actually kahit ngayon,ganun siya)Pero ngayon, grabe na improvement.Lalo na nung pumapasok na siya sa preschool.

mahirap nga maghanap ng Devped jan.pero,kung ako sayo, subukan mo muna siyang ipaasses sa pedia mo.Kasi ganun ginawa ko dati.Sabi ng Pedia ko,la naman daw siya nakikitang kakaiba.Baka sadyang delayed lang  siya talaga o kaya ikaw lang ang paranoid (gaya ko dati)which is normal lang naman yata sa magulang ang ganyan.Yung anak ko kasi,yaya lang dati kasama maghapon.Pag binuksan yung TV,maghapon na yun at di man lang siya kakasausapin.barney pa laging pinapanood kaya nalate talaga siya magsalita.

Try mo magtanong tanong sa malalaking hospital gaya ng De vera sa Santiago at baka meron dun.Wag mo masyado isipin yan.masyado pang bata anak mo.Malay mo late lang talaga development niya.

3
Kids With Special Needs / Re: Re: Developmental Pediatrician
« on: September 04, 2013, 09:57:37 am »
Hi Teigh,

Welcome to SP.Taga saan ka banda?taga Nueva Vizcaya kasi ako.

BTW, kung talagang sa tingin mo may problema, ngayon pa lang ihanda mo na ang loob mo, ang bulsa mo, at syempre pa ang anak mo.Mabilis magsalita pero galing na kasi din ako jan kaya alam ko yung pinagdadaanan at nararamdaman mo.Ngayon pa lang sis, magpasched ka na dito sa Manila kasi pahirapan kumuha ng slot.Dati, nagpasched na rin ako sa iba ibang Devped kasi nga feeling ko talaga may kakaiba din sa anak ko.imagine 2 years old na siya pero ala pa nasasabi ni isa.Pero sa sobrang tagal ng sched namin, unti unti natututo na siya magsalita at yung mga nabanggit mo na signs, unti unti nawawala.Ngayon 4 na siya.Although di pa rin ganun katatas magsalita, at least naiinitindihan namin at sobrang daldal pa nga.

Di ko sinasabing pareho tayo ng case yung mga anak natin pero wala namang mawawala pag ipakita mo siya sis at para maaga pa lang, maicorrect o magamot na siya.Just pray also. Basta kausapin niyo siya ng kausapin.ano't ano pa man, kayo ang makakaalam kung ano ang makakabuti sa kanya.

4
Single Moms / Re: Father's Name: NA
« on: July 18, 2013, 08:45:27 am »
yes sis, blank lang yun pag di mo ipapalagay

5
Labor and Child Birth / Re: Recommended OB and Rates
« on: February 07, 2013, 01:25:27 pm »
yung kaofficemate ko,nanganak via Emergency CS sa St. Jude Hosp. sa may Dangwa. 26k lang ang binayaran niya.As in ward lang yun pero aircon na rin at super ok naman yung hospital.

6
Your Health / Re: Multivitamins for us Moms and Dads
« on: February 07, 2013, 09:04:04 am »
proven and tested naming mag asawa ang conzace.At dahil my friend ako from unilab, mura ko lang siyang nakukuha...

7
yan ang side effect ng co amox sis.Pero pag nag persist, better check w/ your pedia at baka madehydrate naman sis si baby.

8
Your Kid's Health and Safety / Re: deworming your child
« on: October 15, 2012, 10:20:57 am »
Ang sabi ng pedia ko, dapat at least 2 years old bago purgahin ang bata.Saka Dapat, nilalab pa ang stool bago magdeworming.

Si inigo ko, last Saturday nga lang binigyan ng reseta.Antiox yung sa kanya.Binebase ang dosage, sa edad at weight ng bata bago ibigay.

Ang bottom line, dapat nacheck up muna siya ng Pedia bago painumin,Thanks

9
Product namin yang Scalpex..hehe.. Patingin ka muna sa Derma mo sis,baka kung ano na yan.Pero pag tinea versicolor, pwede ka bili ng Candibec lotion.


11
Mga sis, alam na ninyo pano mag aaply dun sa Charity ng Chinese.Saka anong pagkakaiba dun sa regular?Kasi im planning na sundan na si inigo ko.. Sayang naman matitipid di ba?

12
Your Kid's Health and Safety / Re: Gamot sa Sugat
« on: September 20, 2012, 10:01:19 am »
sis, Mupirocin lang yan..Yung ang generic ng Bactroban..kami kasi Foskina ang brand name namin.Mas mura siya compare dun..

13
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: SSS maternity related questions
« on: September 17, 2012, 03:43:22 pm »
ang alam ko sis, need talaga ang Mat 1 regardless kung pang ilan mo na yan kasi yan ang prerequisite.Minsan kami, iba iba yung opinion ng mga taga SSS.Pero If i were you, dapat magcomply ka sa kung ano yung nasa procedure para laang sisihan sa huli.

Bilsi naman, 34 na agad!!!

14
FAQs and Common Pregnancy Concerns / Re: SSS maternity related questions
« on: September 14, 2012, 09:32:41 am »
nakapagpasa ka ba ng MAt1 before sis?Ok pa yan..

15
Labor and Child Birth / Re: Chinese Gen OB and rates
« on: July 31, 2012, 01:21:47 pm »
Hmm, bigla tuloy ako napabasa dito..

Nagposts na ako dati,im not sure kung dito din.Ang OB ko nun, di Dra.Tan.As in blockbuster lagi ang pila.2-5 pm mMonday-Saturday siya.Kais ang basehan ko na magaling siya, as in super dami ang nagpapacheck up-mapabuntis man o hindi.

35k lahat lahat ang billing namin sa kanya.Bale siya ang nag adjust sa rate niya nung malaman na 30k lang ang dala naming pera.parang 4k na lang,considering na emergency CS ako.basta siya ang gumawa ng paraan lahat para bumababa yung billing namin.That time,la ng ward at semi-private.Pero ang ginawa niya,pinapunta muna ako sa private then may isang pasyente siya na pina early out na niya kasi OK naman na daw siya.Ayun,ako ang pinalipat.

Ok naman, sumasagot naman siya sa mga tanong pero hindi yung sa friendly na paraan.parang masungit nga siya tignan e.Pero, Super saludo ako sa kanya.after 5 hours pagkatapos kong manganak, dinugo ako ng sobra.That time,kauuwi lang niya.Tinawagan lang siya saka nagbigay instruction dun sa resident Dr.KAla ko di na siya pupunta pero binalikan pa rin niya ako.

Pag manganak ako ulit, siguro siya pa rin ang pipiliin ko.Pero siguro,magiging doble na nag billing ko sa kanya.nakakahiya naman pag ganun na naman gagawin ko.

Pages: [1] 2 3 ... 6