Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - MrsPractical

Pages: [1] 2
1
Home / Re: tips on doing laundry (hand wash)
« on: May 08, 2020, 05:14:41 pm »
Mild lang po na detergent, babad niyo po. Yung mga matatapang na brand, hindi maganda gamitin sa baby clothes (experience ko lang po iyon). Wag din gamitan ng bleach sa baby clothes, nakakarupok at nakaka dilaw ng puti. Pag stained naman, ibabad lang po ang mga damit sa warm water at mild laundry soap solution.
Hindi po ako naniniwala sa mga commercial na napapaputi ang damit na parang bago. Lalo na pag pure cotton ang material kasi sa katagalan kumukupas po ito talaga ito.

2
Your Health / Re: Please help me! I Got Cervicovaginitis!
« on: May 08, 2020, 05:03:53 pm »
niresetahan ako ng OB ko noong buntis ako. Grabe kasi UTI ko noon. Nakalimutan ko na yung brand pero suppository din yun. Mali yata pagkakapasok ko, kasi nung nag cr ako dumulas siya at nahulog. Sayang ang mahal pa naman per capsule. Yes, that worked for me naman. I find it better than oral capsule, mahirap nang mag gamot pag buntis kaya yun ang nireseta sakin para direct na ang treatment.

3
Wellness / Re: 34 year old widowed wife griefing deeply
« on: April 18, 2020, 03:58:10 pm »
Hello po. Kumusta na po kayo Sis Judy?

4
Toddler Development and Behavior / Re: maitim na kilikili ni toddler
« on: April 18, 2020, 03:52:49 pm »
Magbabago pa yan mommy. Be careful lang po na wag maglagay ng kung ano-anong whitening cream.

5
Weaning, Formula and Solids transition / Re: All about NAN
« on: April 18, 2020, 03:27:35 pm »
Merong Nan Optipro na pang 4 years old. Check sa supermarket o kaya online. Ask niyo po muna Pedia niyo kung OK ito para sa anak niyo.

6
Siguro nga may avent factory sa Indonesia. Sharing this news article:

"Philips Avent will move the majority of operations from its factory in Glemsford to its innovation and manufacturing site at Drachten in the Netherlands, with the remainder going to Indonesia."

https://www.jamescartlidge.com/news/philips-avent-factory-should-be-kept-industrial-use-community-leaders-say

Yung shopping site po ninyo ang magga-guarantee kung orig nga ba yung produkto nila.

7
Pasko nanaman. Masaya pero nakaka stress. Wala kasi akong katulong mamili, magbalot, magluto, tapos may mga Christmas programs at party pa ang mga bata, reunion. Kayo, hindi ba kayo nase-stress? Suggestion please!

8
Holidays / Re: Budget Friendly Holiday Menu/ Noche Buena Recipes
« on: December 05, 2019, 10:24:50 am »
Pano po magluto ng paella? Yung mga ingredients kasi sa mga recipes online, mahirap hanapin, mahal din.

9
Birth Control / Re: About Daphne Pills
« on: December 05, 2019, 10:20:54 am »
Nangyari din sakin yon pero hindi Daphne ang brand ko. Binasa ko yung leaflet kung pareho lang ng mg yung sangkap ng mali kong nainom sa dapat kong ininom. Magkapareho naman sila ng kulay at ingredients. Sabi ng OB ko OK lang basta masunod ko yung pattern na yung active pills ang mainom ko sa loob ng 21 days at yung inactive pills sa last 7 days.

10
Birth Control / Re: 1st timer of Marvelon 28
« on: December 05, 2019, 10:18:19 am »
Nakumpara ko yung Marvelon noon at Mercilon kasi pareho lang sila ng generic name pero mas mababa yung isang ingredient ng Mercilon. Mas hindi daw nakakataba ang Mercilon kumpara sa Marvelon pero mas mura kasi ang Marvelon.
Tumaba ako pero siguro hindi dahil sa Marvelon. Matakaw lang talaga ako.

11
Natry ko na pedia sure sa anak ko noon. Mabigat siya sa tiyan, feeling laging busog kaya humina ang kain niya.

12
Lahat ng pwede kong i-DIY, ginawa ko. Nakakapagod pero ang saya-saya ko na napasaya ko lahat, ang laki pa ng natipid ko. Ang payo ko lang, mag bugya kayo ng day off sa sarili ninyo pagkatapos ng party kasi kinabukasan ninyo mararamdaman ang pagod.

13
Relate ako.

Masayang masaya ako kapag kini-kiss ako ng anak ko paghatid ko sa kanya sa school. Reward ko yon sa mga tinrabaho ko ng umaga paggising ng maaga, paggising sa kanila, paghahanda ng almusal, pagligpit, paghatid. O diba? Ka aga-aga ngarag ka na? Ni hindi ka pa nagaalmusal dahil inuuna mo sila.

Pero ngayon, lumalaki na sila, nahihiya nang mag kiss baka kasi makita ng mga kaklase nila. Nalulungkot ako pero alam ko din may mga pagbabago na mangyayari. Kaya ngayon bago bumaba ng sasakyan, mag ki-kiss na siya, hindi na sa gate ng school.

*Hay buhay nanay!*

14
Your Kid's Health and Safety / Re: kulani, pigsa/boil? Ano kaya ito?
« on: December 05, 2019, 09:57:28 am »
Huwag pong pisilin. Laging linisin. warm compress hanggang sa kusang pumutok. Kapag hindi matiis ang sakit o may kasama nang lagnat at hindi gumagaling, ipakita na po sa duktor.

15
Romantic Relationships / Re: Kabitch or Cheating Husband?
« on: December 05, 2019, 09:52:41 am »
Naku, mahirap na. Alam naman po natin na kapag may homicide, ang unang anggulo na tinitingnan ng mga pulis ay love triangle. Kapag si kabit ang pinatay, aalamin ng imbestigador kung sino ang boyfriend. Tapos malalaman na may asawa pala, iimbestigahan din ang asawa. Kung si mister naman ang pinatay, aalamin din kung may GF, iinterviewhin ang asawa, kung may BF ang asawa, etc.

Sa oras ng krisis at galit, normal lang po talaga na sumagi sa isip natin ang mga ganitong bagay pero wag nating ie-entertain. May takot po tayo sa Diyos.

Pages: [1] 2