Parent Chat

  • August 18, 2019, 06:42:59 pm
  • Welcome, Guest
Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - Rosenelle Tajanlangit

Pages: [1]
1
Your Kid's Health and Safety / Re: Paano mawala yung dilaw ni baby?
« on: May 19, 2018, 10:44:07 am »
Make a daily habit na paarawan si baby between 6-7AM. If possible, kahit si hubby mo ang magpaaraw sa kanya. Full body tipong no cloth at all.

2
Labor and Child Birth / Re: signs na malapit na manganak
« on: May 19, 2018, 10:32:40 am »
Mommy @Iza, don't worry sa mga medicines na na-take mo kasi prescribed naman yung ng OB mo diba and for sure it is safe for preggy moms like you. Regarding sa mga bawal kainin, konting tiis pa na huwag muna kainin yun. Yung about sa parang nahihila yung pusod mo, natural na pakiramdam yun kasi nagstretch yung tummy mo.

3
Hi mommy @arlene, I have a friend na both daughters niya ay nag aaral sa St Scholastica in Marikina. Yung panganay niya took an entrance exam sa Pasig Science High School to continue Grade 7 and nakapasa. So I think maganda ang teachings.

Hi mommy @syd, I have friends na graduate mismo ng OLOPSC. Yung isa naging classmates kami nung college I can say na advanced ang turo sa kanila kasi marami na sya alam like sa programming. Facilities are good as well as the school activities. Mga pamangkin kasi niya sa OLOPSC na rin nag aaral.

Hope this helps! :)

4
Labor and Child Birth / Re: signs na malapit na manganak
« on: May 13, 2018, 07:30:44 pm »
Hi mommy @Iza, welcome to Smartparenting Parent Chat! :)

Congrats for your first baby and soon makikita mo na sya. Don't worry natural lang na parang mabigat na sa pakiramdam yung tummy mo. Tingin ko nakaposition na yung ulo niya kaya parang mabigat pakiramdam sa may pwerta mo. And kung mapansin mo, mababa na yung tummy mo. You have more than six weeks pa, wag muna sa mabibigat na gawain. Regarding sa paninigas ng tyan, lagi mo ba hinihimas yung tummy mo? Iwas muna kasi nakaka-stimulate yun ng paninigas. Side lying sa left ang pinakabest position. At kung tatayo ka galing sa pagkakahiga, mag side lying ka muna (depends kung sa left o right ng kama ka tatayo), ibaba ang paa then bago tumayo. Pero I advise na check ka agad sa OB mo para sure na macheck din si baby. Hopefully, all goes well. :)

5
Hi mommy @Lyannea, try Cycles or Baby Kleen sa SM Baby Company. Or better to try Perla.

6
Hi mommy Adie! :) Minsan kasi matter din yung trust ni baby sa mga nasa paligid niya. Or mas kampante sya na sya lang mag isa tipong walang nakatingin.

Personally, I don't have issues regarding first steps ng two kids ko. But yung panganay ko nagkaphobia (don't know the cause) sya sa malalawak na lugar. Like sa kalsada, basketball court, etc. Ang term ng panganay ko is mahuhulog daw sya. What we did ng husband ko is daily may walk and run exercise everyday before we go to work. Una sa gilid gilid lang kami walang problema sa kanya hanggang sa nawala na yung takot niya.

For your baby, try nyo po mommy na sabayan maglakad si baby nyo araw araw kahit magkahawak kayo ng kamay. Hanggang sa makasayanan na niya naglalakad and eventually mag isa na niya gagawin. And besides, each baby has own milestones and development. Based sa kwento nyo, tingin ko kaya na niya maglakad mag isa.

7
Family Fun / Re: Restaurants our family loves!
« on: May 11, 2018, 07:11:07 pm »
Vikings madalas pag may birthday saming family. Love the different cuisines!

8
Mostly pag may photobooth, yun na yung ginagawang souvenir. Yung iba naman mga gummy bears or cupcakes packed according sa motif and celebrant details.

9
Sa panganay ko, nahiyang sya sa Cherifer Immunomax. Pero mula nag grade school na sya (she is incoming Gr5 now), Ceelin Plus Chewables na sya. Bunso ko is taking Appebon pero not satisfied with the result kaya pagkaubos, change sya to Cherifer Immunomax din. Hopefully, mahiyang din sya.

10
I'm so in love na ata sa Marvel movies!  ;D ;D ;D

I love the current sequel of Avengers. Super love the story line though as per my husband who is so fanatic, ibang iba ang flow ng story compared sa old and new story ng marvel comics. Anyway, after mapanood ang Infinity War super stalk ako sa mga behind the scenes and interviews nila. I feel yung closeness nila sa isa't isa lalo na when they are having jokes. Also, super follow rin ako sa IG ni RDJ hihi! Looking forward for Captain Marvel movie and Avengers 4.  ;)

11
School Hunting / Re: Where is your Kid's School?
« on: May 11, 2018, 06:42:28 pm »
My two kids are both enrolled in Summerville Academy here in lower Antipolo near Masinag. Yung panganay ko nag aaral na ron since Gr1 and I can say ang laki ng improvement niya in terms of being independent. She did all her projects alone since Gr1 kasi nga sa school nila ginagawa. Sometimes if out of time na, pinauuwi pero sya pa rin gagawa talaga kasi mas nakakaproud yung final output na siya mismo gumawa. I also love the values na natututunan nila.

12
Mommy @Aicee21.01 korek ka dyan. Nagiging impatient sila diba? I have this journey na no gadgets sa mga kids ko. I implemented this two weeks ago and I can say na ang laki ng differences nila between playing with gadgets and playing with their toys and playmates. Sobrang achievement para sa akin and I am hoping na mapagpatuloy ko ito even the class starts.

13
Sa panganay ko, I followed my mom na make it 9 days after I gave birth. Pero sa bunso ko, 4 days lang and nothing happened. As per my OB, maganda na ang mind setting ko is to recover. Kaya nga the following day ng operation ko (I'm a CS mom), nakakatayo at lakad na ako. Pero syempre sarili pa rin natin ang makaka-measure if kaya ba natin o hindi. Wag pa rin mamadaliin ang recovery especially sa tahi since natural healing ito.

14
Hi mommy Aja, sakin naman I experience lower back pain kapag nahiga ako matagal like kapag natulog. I haven't check it sa doctor pa until now. Pero what I did I always make sure na nakaelevate legs ko kapag natutulog (even kahit mag sidelying ako). May changes naman sa pakiramdam. It started when I gave birth sa bunso ko pero 4 yrs ago na yun ah. Hopefully makapag pacheck up ako.

15
Yes for my bunso. Mostly yung Ryan's toy review pero nililimitahan namin like for 1 hr lang. Minsan lumalagpas pero during weekend lang. Mabuti nga ngayon parang nasanay na sya na morning lang sya mag youtube, sa hapon laro sya ng mga toys niya.

Pages: [1]