Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - CIB

Pages: [1] 2 3 ... 13
1
Members' Kumustahan board / Re: Ngayon,gusto kong kumain ng.....
« on: July 12, 2013, 05:10:36 am »
Lumpiang sariwa
Ube ice creaml

2
3 packs of Danggit from Cebu  ;D

*He sent money sa kasama ko na nag-bakasyon ng pinas at bumalik nung feb 12. All the while pala naging textmate sila haha! dahil may pinabili din ako and he was the one who sent money to her para sa pabili ko. Then he added extra nakikisuyo ng bulaklak para sa akin for Valentines Day. Kaya lang ayaw ni co-worker kahit anong pilit niya dahil 3X sya magpapalit ng eroplano. Hassle daw yun hindi lang sa kanya kundi sa mga flowers na rin mismo. She insisted on buying me na lang pasalubong instead. Cebu yun so danggit at dried mangoes niya ginastos yung budget ng flowers.

Just the thought na kahit gaano ako kalayo sa kanya nag-e-effort pa rin sya. Ginawa niya na rin sa akin to nung nasa dubai ako. At namatay sa inggit lahat ng ka-kwarto ko sa idea lang nung gusto niya mangyari. Na touched ako talaga.

3
Jokes and Funny Stories / Re: Kids say the darnest things :)
« on: December 14, 2012, 12:24:46 am »
Since yung mag tatay ko na lang ang magkasama sa bahay for now sa text at messages ko na lang nababasa ang kalokohan ng anak ko  :D

Last week hina-high blood na si hubby sa kanya sa sobrang kulit niya...
Hubby: Lila hindi na ako natutuwa sa iyo!
Nagtitigan pa daw muna sila kasi alam niya naman pag galit si hubby. Kaya lang sumagot...
Lila: Ako baba natutuwa ako sabay hagikgik

 ;D Pumutok parang bubbles daw high blood niya. Pati sya napatawa.

Tapos the other day text ng bunso namin. Iniwan sya ni hubby sa kuya ko dahil may pinuntahan. Pinapa-nap sya nung tanghali kaya lang nangungulit.

Kuya: Bakit hindi ka natutulog?
Lila: Natutulog naman po ako sa gabi.

Hindi daw agad naka react kuya ko sa sagot niya ;D

4
Romantic Relationships / Re: Secrets of a Fascinating Wife
« on: November 10, 2012, 03:44:19 am »

5
Members' Kumustahan board / Re: most recent stuff you bought for hubby
« on: November 10, 2012, 03:37:33 am »
Blackberry Curve. Anniv gift  :D

6
height: 5'4"
weight: 53 kls (Ok na ako dito kasi a year ago nag 49 kls ako)
waistline: 28 (Kayanin ko pa maging 26  ;D )

7
Jokes and Funny Stories / Re: Kids say the darnest things :)
« on: September 23, 2012, 08:45:05 am »
I have been motivating Lila for 2 weeks since aalis na ako for Doha at the end of the month to work  :'( I always tell her If I get the chance na Mama will work. It's ok eh? I'll be working far far away. Sometimes I would get a happy yes! Buy toys Ok  ;D sometimes a confused NO Way mama!  >:(  Then the other night kinausap ko na naman sya bago matulog. This time together with hubby

Me: Lei it's ok ha? Mama will work. Far far away.
She just look at me and then her baba...
Baba: It's ok ha baby. Baba muna aalaga sa iyo. You and me together.

Gusto ko maiyak because hindi talaga sya kumikibo. She just keeps on staring at me and then her baba.

Me: Mama has to work muna. Baba will take care of you while mama is working.
Lila: OK!
Then she look at her baba and touched her baba's face then said "Bait ka ha!"

Haha!  ;D Napatawa kami ni hubby. Tawa rin sya.

8
Recommended Reads / Re: 50 Shades of Grey
« on: July 02, 2012, 09:48:13 pm »
I've read some books that's far more erotic than this (though patapos pa lang ako sa first book. Thanx sis cheena  ;D ) Kasi parang along the way nagiging clinical na yung dating sa akin nung mga scene. Nagiging porn na sa imagination ko haha! Nauumay na rin siguro ako  ;D Natatamad na akong basahin pero tatapusin ko yung trilogy dahil gusto ko malaman kung bakit ganun si Mr. Grey.

Interesting ba on how he turn-out to be like the man he is?

For some weird reason si christian bale talaga nai-imagine ko bilang sya  ::)

9
Romantic Relationships / Re: My message to SD/Hubby/BF
« on: June 04, 2012, 03:58:09 pm »
Baba,

I couldn't shake the kilig feeling you brought me last night. Kinikilig pa pala ako sa iyo! Haha!  ;D That's one of those moments i'll cherish till the day I die knowing there's one person crazy enough to love me. Just knowing you do means a lot ...knowing what kind of a mind I have. When i have been telling you time and again that there are no happy endings and like time we will also come to an end hindi lang natin alam kung kailan, you proved me otherwise.

"Hindi tayo maghihiwalay. Wala tayong expiration. Kasi tulad tayo ng buro. Habang nabubulok (with a matching face like this  ;D ) Lalong sumasarap."

I laughed so hard but then again I thought my heart would pop kahit ayaw ko maramdaman. And today I just wanna thank you. Thank you for being crazy enough and probably more for loving me.

Belated Happy Birthday! 

10
@ gandangmorena- ang hirap kasing dalhin di ba? Those incidents pa happened when I was pregnant. Nagpa-detailed talaga ako tapos ako yung apektado talaga  ;D 4 years ago na rin pero nung bago pa yun pinipiga talaga puso ko pag sumasagi sa isip ko. At pinagsisihan niya rin naman. Pwede niya namang hindi ikwento pero ayaw niya raw yung parang meron syang sekreto. Sya talaga yung umaamin. Nagsusumbong. Para malinis konsensya niya pag katabi daw ako sa gabi. And I have to give credit talaga sa kanya. Pero may kaselanan talaga sa babae si hubby kahit nung binata pa sya. Nagba-bar din sya like sis ysLim hubby na kahit nire-regaluhan na sya ng babae hindi niya ginagalaw. Nakikipag-kwentuhan lang sya. In the end naaawa lang daw sya. At alam naman nating mga babae kung nagsisinungaling sila di ba? Never ko pa talagang naramdaman yun sa kanya. And as my cynical mind would remind me always, na sadyang may ganung nega na dadating sa buhay mag-asawa prayers lang talaga. Kasama namin sa relasyon si God. Hindi lang sya sa akin may sasagutin. Hindi naman ako yung magdadala nun kung sakali.

Kaya nga nung tinanong ko paano kung si solenn(Crush niya!) na yung kaharap niya? Tagal sumagot. Ilang segundo rin lumipas. Tapos tumingin sa akin "Hindi naman tayo pababayaan ni papa God. Hindi naman niya hahayaan na masira tayo ng ganun lang di ba?" Tapos nagpaliwanag ng katulad din nung sinabi nung asawa ni Gladys Reyes tungkol sa usaping ganito "Yung ganung bagay ilang minuto lang masaya tapos habangbuhay ko ng dadalhin. Habangbuhay na kahihiyan ko na sa iyo yun. Sa pamilya ko. Sa buong mundo.......Kaya pareho nating ipagdasal. Kasi paano pag ikaw rin naman di ba?"  Kaya magmula nun hindi na ako natutulog sa pansitan. I become  more vigilant. At tinanggap ko na isa sya sa hamon  sa buhay may asawa. Na laging dapat ihihingi ng tulong kay Papa God.

Sorry napakwento  :D

11
Romantic Relationships / Re: Kaylangan ko bang matakot?
« on: May 28, 2012, 04:34:57 pm »
 Hahaha  ;D

Panalo naman si ate! Natawa ako ng bongga  ;D

Your lucky sis. Pasalamat ka maselan si hubby. May ibang lalake kasi di ba parang sa palengke lang. Wag mong maalok ng karne, eh bibili talaga.

May 2 experiences din ako ng ganito kay hubby. Kwento niya rin kasi hindi niya matiis. Sya yung nasa abroad.

Ate #1: Kaibigan niya. Kabarkada niya. Bday niya kaya ipagluluto daw sya ng spag sa flat. Ni ate. Pumunta naman si hubby then silang dalawa lang pala ang bisita. Yun alam ko na daw. Pero wala ring nangyari kasi nai-imagine niya ako. By the minute mas nalulungkot na lang daw sya kasi nare-realize niya kung gaano niya na ako ka-miss. Ini-imagine niya ako. Yung amoy ko. Bigla na rin lang daw nawalan ng gana si ate. Magka-away kami by that time and he went home na lang daw and slept crying birthday niya. Sobrang homesick. Hindi niya rin daw alam ganun mangyayari. Kala nga daw niya meron. Kasi akala niya kaya niya.

Ate #2: Sis ng barkada niya. In-heat daw siguro si ate dahil nagulat na lang daw sya hindi naman sya talaga pinapansin then all of a sudden isang gabi sa inuman eh hindi na umalis sa tabi niya. At kada aalis sya eh wala na raw gawin kundi hanapin sya ng hanapin. At sunod ng sunod sa kanya. Tapos nagulat na lang daw sya nung matutulog na sya para bumaba yung tama niya bago umuwi eh tumabi sa kanya. Sabi ko "Anong ginawa mo"? Sagot niya "Nanigas!....Ayoko gumalaw kasi baka isipin niya gising pa ako." Pero nung bumaba daw yung kamay ni ate sa zip niya nag react na raw sya. Tapos kunwari iihi sya nung dumagan na si ate sa kanya. Then deretso uwi na lang daw sya kahit groggy pa.

It happened years ago pa. I had rollercoaster ride of emotions din towards sa kwento niya but tinanggap ko na parte yun ng buhay. And to this, Im thankful lang that hubby ay maselan sa babae bago ang lahat, bago ko sya gusto umbagin. And Im proud din sa kanya dahil malalim naman pala yung love niya sa akin. But above this prayers always. That he'll have sobrang strength in him na umiwas pag may dumating. And for me yung trust ko sa kanya, na he wont let anything come between us.

12
Nakakalungkot din yun talaga. May mga nagpapa-dagdag talaga ng padala kesyo dagdag daw sa pinampa- doctor last week. Nagpa-hospital last week si ganito, si ganyan. Kung pwede dagdagan tapos X2 nung naging bill. O kaya yung may mga pinapa-aral na 100% yung nagiging patong pag naghingi na. Tapos yun nga, ipambibili lang ng luho dito sa pinas.  Pampa-upgrade ng cp or pampa-rebond ng buhok  :o Sana naiisip nila kung ilang oras na OT yung binuno nung hiningian. Bukod sa tinitipid yung sarili sa pagkain. When I was abroad I tried working 14 hrs to 16 hrs (normal yung 12 hrs) a day pero hindi ko kinakaya. 3 days lang sumusuko na ako. Pero yung mga pamilyadong tao na pinapatulan talaga. Apa't o limang beses isang linggo. Isa rin sa rason nila Para pagod na pagod na pag-uwi ng bahay. Hindi mo na maiisip ma-homesick. Kasi matutulog ka na lang.

Masakit masabihan ng madamot kaya. Yung halos ibigay mo na lahat tapos isa, dalawang beses di ka makapagbigay nung eksaktong hinihingi ganun na iisipin sa iyo. Hindi naman sa akin pero sa kuya ko to naririnig nung magkasama pa kami. Dati nung hindi ko pa alam paano maging OFW may ganung mentalidad din ako. Pero nung naranasan ko nag-iba yung tingin ko sa kanya. Sa mga OFW nga. Lalo na sa mga nanay na OFW. Totoong-totoo yung pelikula ni Ate Vi nung nag-dialogue sya kay claudine dun sa ANAK. Nung 2nd time ko sya napanood umiyak ako talaga. Kasi nung una hindi. May 2 nanay akong kasama sa bahay dati na talagang minahal ko kahit mas matanda ako sa kanila. Totoo yung niyayakap at hinahalikan yung mga laruan at tsokolate pag ilalagay mo na sa balikbayan box. Na kahit dun man lang mayayakap din nila yung anak nila. Tapos araw araw mong tatawagan kahit 5mins lang. Kakausapin ng kakausapin kahit hindi pa talaga nakakapagsalita yung bata. Hahandaan mo pag birthday kahit hindi mo kasama. Nung hindi pa ako nanay nadudurog na ako nakikita ko pa lang sila. Kaya nung naging nanay na ako dun ko na-realize grabe pala talaga yung nararanasan nila.

Kaya malaking bagay talaga yung kahit isa o dalawang text lang galing dito sa pinas araw-araw. Na naaalala sila araw-araw or kahit email. Hindi yung naaalala lang sila pag malapit ng magkatapusan lalo na pag may kailangan kang hingiin.

13
@buuurp
 :) Lahat ng klase ng instant noodles natikman ko. Promise! Actually nahawa lang din ako dun sa kasama ko sa bahay na mas sad yung buhay kesa sa akin. Yun lang din kasi halos kinakain niya. Inabutan ko na syang ganun. Dahil bukod sa pinapadala niya sa pamilya niya sinasabay niya din yung naiwan nyang utang sa pinas na lagpas hundred thousand. Plus tubo! Imagine!? Naalala ko nauna syang umuwi sa akin ang ipon niya sa 3 years. 30thou pesos lang. Lahat ng chocolate nyang bitbit ambag lang lahat ng kasama namin. Inulan sya dahil lahat kami talaga ayaw na syang pagastusin.  Sa pinas niya na lang daw bibilihan ng pasalubong yung pamilya niya. Kaya talagang iyak ako nung umuwi sya. Imagine how much courage kung paano niya haharapin yung pamilya niya?

Kaya ang hirap. Medyo mahihirapan kang maintindihan unless naranasan mo. Kaya don't be too hard sa mga taong galing abroad tapos uuwi walang naipon. Kasi hindi nyo alam kung ano yung mga pinagdaanan nila makapag-padala lang ng mas malaking pera sa pamilya nila sa pinas. Tapos yung mga andito kung gumastos parang papel lang na sinisindihan yung pera.

Naiyak tuloy ako  :'( Naalala ko si friend. Nasa mas naging maganda yung buhay niya. Kung nasan man sya ngayon.

14
In as much as I would really loveeeee to spend a day with Ironman I think my personality would really make it with Hulk  ;D Sabi nga ni Mommyjazz, he could probably beat the S out of me  ;D

*May pagka Loki personality lang* haha  ;D

Ok lang dun sa lalaking can impress me. Pero yung masindak  at ma-impress ako. Oh  ;D  :-*

 

15
Members' Kumustahan board / Re: Weird food combinations you love.. =)
« on: April 17, 2012, 09:15:43 pm »
-Saging at mayonnaise
-Chocolate sundae at french fries
-Singkamas at cheddar cheese
-Tartar sauce at plain steam bread. Without the fish fillet.
Ito ang pinaka height sa ka-weird-ohan ko sa food. Isang tao pa lang ang nakasundo ko pagdating dito.  Wala pang ibang maka-take  ;D

Pages: [1] 2 3 ... 13