Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - BlueAby

Pages: [1] 2 3 ... 26
1
Getting Pregnant / Re: negative on PT but feeling symptoms of pregnancy
« on: December 06, 2014, 06:03:13 am »
^pacheck ka sis sa OB.
Baka nag-polycystic Ovary something ka lang - or abnormality sa mens mo po. Isa sa cause nun is stress.
Kapag po nagpa-check up ka sabihin mo po na wala ka mens nung Oct till Dec, then negative ang PT mo.
The OB may asked you to take ultrasound. dun kasi mas malalaman if bakit nga di ka nagkamens.

If Polycyst ka nga, OB may recommend u to take pills para lang magbalik sa regular yung mens mo.

2
Special Occassions / Re: help: Civil Wedding for June Prep!
« on: July 20, 2014, 05:22:37 am »
ang ganda mo pala sis. Congrats!

Bale reception po pala yung kakain sa 50% ng budget.

3
Party Planning: Birthdays and Baptism / Re: Princess Theme Party
« on: March 18, 2014, 09:02:40 pm »
We don't have that much budget for standees kaya gumawa na lang hubby ko out of cartolina and carton box
Ganda ng kinalabasan :-)


4
I made cologne and have personalized logo on it as souvenir sa binyag ng pamangkin ko.

Natuwa yung mga guests upon receiving the souvenir and pati cousin ko natuwa habang pinamimigay yung souvenir. I'm happy they loved the scents I make.






5
Ako sis nagkaron ng ganyan. Although flexible naman ang sched namin, napag initan lang talaga ako ng lead namin. Para maiwasan na bawian niya ako sa grade, nagparoll-off na lang ako sa project namin. Kaso badly dahil under parin pala sa kanya ang grade ko and binagsak nga niya ako. Nagkaron ako ng performance management sa new project ko. It was for 1 month. Sabi weekly daw may meeting for follow up. Sa weekly meeting na yun, sabi ng new lead ko na nagagawa ko ang objective. Until dumating na ang 2nd to the last day ng month. Kinausap niya ako for mid-review daw. Sabi niya may mga di daw ako nagawa ng maayos, na sana eh nasabi na niya sa akin nung una pa lang. May isa pa na pinagawa sya sa akin na review document. Sabi niya dapat daw mas improved na review ang ginawa ko as in inexplain ko pa daw dapat kung bakit kailangan nung reviewee na gawin yung nakita ko na mali. Samantalang nung tinatanong ko sa mga matagal na sa project kung nasan yung mga nagawa nilang ganun (as my reference sana) eh di nila alam kung saan yun nilalagay. Tapos sa akin mag-eexpect sila ng malaki samantalang yung mga matagal na eh di pala yun ginagawa.

Ending.... I need to file resignation para di na lang ma-terminate sa work. I'm really bitter of what happened na sa ilang years ng service ko eh maaalis lang ako dahil sa minsan ay may lead ako na pinersonal ako masyado.

I have shared my side sa HR, Manager, lead, even senior Manager. But walang nangyari.

6
Hi sis Gwen, I think naman maiintindihan ng ate mo if you decided to go to school again. Yung hipag ko kasi ganyan. Nagkaanak sila nang di pa sila tapos sa pag-aaral. That time tipid tipid talaga sila para matapos nung girl yung study niya. Nung nakagraduate na sya mas magandang trabaho na ang napapasukan niya. Then yung mister niya under grad parin. Pero recently lang narealize nung lalaki na mas maganda talaga ang mapapasukan niya na work kung nakapag tapos sya. Last year lang nag-graduate na rin sya. Ngayon nakakapasok na silang dalawa sa opisina unlike before na crew lang sila. Pwede ka naman sis mag sideline habang nag-aaral para may pandagdag sa budget. Tiis tiis na lang din muna. tutal 1yr na lang naman ang kailangan mo.

Good Luck sis for you and your family and God Bless!

7
May sideline na ko before, nagtitinda ako ng toys and mga butingting sa online.
Ngayon gumagawa naman ako ng perfume and pinakita ko sa mga ka-officemate ko habang may work pa ako.
Maganda naman ang feedback and marami sa kanila ang gustong mag-reseller. Im praying na magtuluy-tuloy sya para pandagdag din sa needs ng mga anak namin.

Wag ka masyado sis mag-isip baka maapektuhan si baby. Pray ka lang po na i-lead ka sa tamang daan, kung ano ang mas makakabuti sa inyo ng family mo. Ideas will come in your way.  :)

8
Hi mommy, I may not give the best advice here. Almost same tyo ng situation but ako naman 2 palang anak ko. Naisip ko na rin sya dati, ang magresign since wala nga kaming makuhang yaya. Naaapektuhan na rin kasi yung work ko dahil wala akong mapag-iwanan sa mga anak ko. Now, I will be resigning na. But ngayon ko lang nakita ang impact. Although di pa ko talagang resign, this June pa. Mas malaki kasi ang mababawas sa budget naming mag-asawa kapag nawalan ako ng work compared sa kumuha na lang ng yaya.

Weigh mo na lang sis yung pros and cons. Im not against sa pagiging full time mom. Pangarap ko rin kasi sya. Isa pa mas maaalagaan talaga natin kids natin kapag ganun compared sa alagang yaya. Kaya po ba ni mister lahat ng expenses? If not, can you think of any sideline business na hindi mo na kailangang umalis ng bahay?

Pero honestly, masaya ngayon yung mga anak ko nung nalaman na hindi na ko magwowork  :) Need ko lang gumawa ng maraming sideline pandagdag sa budget hehe.

9
Money / Re: 'How to start "silog" bussiness'
« on: May 28, 2013, 10:01:59 pm »
Hi sis Xianne,

Im planning to put up this business din since patapos na contract ko sa work. gumagawa palang ako ng mala-feasibility study. For me sis wag ka na magfranchise. Though bentelog lang din balak ko since mas affordable sya. What we did is pumunta sa market and look for tocino, tapa, longganisa, etc. We bought half kilo or 1/4kilo muna for trial. We check kasi kung ilan ang lalabas per serving and kung maganda din quality. After several computations, ayos naman. Kaso mukhang di sa akin ipapatuloy yung business since mas malaki daw makukuha kong money if magwork na lang ako. hays, so much excited pa naman. Need mo pala sis na may katulong ka rin kahit papaano para di ka mahirapan.

Good luck sis sa pagpaplano!!!  ;)

10
mami che sa may bilihan po ng souvenirs may mga bottles din po dun sa may Tabora st po sya.

11
I agree with sis aliya_liapot.

hindi porket high tech yung toys mas dun sila matututo. With my kid naman natuto rin sya sa brainy baby na dvds. Mas ok pa yung toys na would require interaction like puzzle blocks or iba pang toy. Hinahampas lang din kasi ng anak ko yung mga toys niya. hehe. We have the leapfrog din kaso like lang niya yung sound. Mas naging ok sya pag magread kami ng books, watch ng educational dvd or mag play kami ng dalawa ng puzzle blocks.

kung doodle lang, ayos na yung mat na binili mo. sa bahay naman binibilhan ko sila ng coloring books. Or dati bumibili ako ng malaking box tapos inilalatag ko sa lapag namin. Dun sila nagkukulay at nag dodoodle magkapatid.

May poster din kami ng alphabet sa bahay.

12
Money / Re: Whats the Best Mutual Fund for you?
« on: April 30, 2013, 11:45:00 pm »
saang seminar sis ang napuntahan mo po?

13
Family Fun / Re: Summer Family Outing
« on: April 12, 2013, 10:45:15 pm »
Loreland sis maganda. Naka 3 punta din kami dun. hehe. Antipolo lang po sya.

We have our summer outing sa Laguna private resort. Ganda naman ng place pag nakalubog ka sa pool kita mo yung maria makiling na bundok.

Im still planning to have another one yung kami kami lang talaga if pinayagan ng budget.

14
Money / Whats the Best Mutual Fund for you?
« on: April 03, 2013, 09:21:31 pm »
Hi Mommies,

I want to step up from Saving Accounts. Yung tinutubo kasi is not that much plus bumababa pa yung value ng money natin due to inflation rate.

ano-ano na po bang mutual funds ang mga naexperience nyo and ano po yung pros and cons or good and bad features nila? Gusto ko mag invest dito but would like to learn more muna para mas sure  ;)

Hope may mga makapag-share po sa inyo. Thanks!

15
Travel / Re: Van for rent to Antipolo
« on: March 25, 2013, 10:06:16 pm »
naka blocked po kasi sis sa office yung mga ganung site.
8 adults po kami then 3 kids.

Plan namin either April or May. Nagbabudget pa kasi ako kaya need ko po sana malaman if how much para ma-plan ko na po sya.

Pages: [1] 2 3 ... 26