Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - BuhayMommy Blogger

Pages: [1] 2 3 ... 9
1
hi SP moms :) how are you all? I hope all are well!

Wanted to ask baka meron kayong alam na school here in Cavite preferably in Bacoor na nag-accept ng may hearing loss condition na bata, mas helpful kasi kung may good reviews from parents to help us decide. May nakita ako somewhere sa Marcos Alvarez Laspinas and sa ibang lugar kaso not good ang reviews.

Looking forward to hearing from you mommies. Many thanks!



2
Kids With Special Needs / Re: late development
« on: April 13, 2018, 06:02:39 pm »
Hi mga moms! gusto ko lang malaman if my son is late development. till now kasi hindi pa sya nag talk ng pulido and hindi din nakikipag communicate. my sakit po ba sya? hindi ko pa po kasi sya nadadala sa pedia. meron ba kayong mairerecomend na pedia for developmental. thankyou!

hindi ko pa sya pinapasok sa school because of his condition.  :-[

Hi Mommy  :)
Kaisa mo kami sa ganyang pakiramdam. If I may ask ilang taon na ba baby mo? Share ko lang experience ko sa boys ko. My eldest kasi noon kami lang magkasama kasi nasa work daddy niya lagi. Hindi sya as in nagsasalita ng marami kagaya ng normal na bata na matatas na at the age of 2. Sobrang worry ako the fact na madaldal ako sa anak ko. Yes same situation sobrang nagalala ako noon, and sabi ko pagdating niya ng 3 hindi parin nagtalk dalin ko sya sa Development Pedia. I did research kasi first time mom ako so nakatulong na malaman kong hindi pare pareho ang stages ng bata when it comes to development. Pag nagsalita yung anak ko laging third person ang tawag niya sa sarili niya like"boy wants milk". Anyhow, we gave Yuri time to adjust at wag madaliin at wag mag worry. Until one day, we decided ipasok na sya sa normal school and  to make the story short, eventually natuto na sya not just to talk but to communicate. Nagstruggle lang sa school kasi they don't understand Tagalog only English.  :( Pero need nila matuto.

Iba iba kasi ang case mommy ng bata, merong mga delayed lang talaga yet hindi tayo muna magworry kasi we need to give them ample time to develop at yung iba naman may pre-existing conditions. Yung third son ko due to his health condition naapektuhan ang hearing which is eto  yung sinasabi ko na depende sa case ng bata. Diagnosed sya ng bilateral hearing loss.

Taga saan ka mommy? This post can help you search for Dev Ped. https://www.smartparenting.com.ph/parenting/kids-with-special-needs/a-directory-of-developmental-pediatricians-in-metro-manila-a00026-20180123

Everything will be alright  ;) Need lang natin alamin at agapan kung meron talagang problema. For now, take time to observe and kung talagang may hindi maganda sa bata, consult a medical professional na pwede mag explain ng case ng anak mo.

Hugs! :D

3
Your Kid's Health and Safety / Re: Pneumonia
« on: April 11, 2018, 10:15:02 am »
Sorry to hear that mommy Juliana. Yes, better have your child check again by his/her pediatrician. Pneumonia can usually be treated successfully at home with antibiotics but some cases may require hospitalization. May mga factors din bakit hindi nawawala ang sipon or ubo ng bata. Pwedeng may allergens sa bahay like dusts, fur ng animals at may posibleng may carrier ng sakit like an adult. Kung mapacheck up ulit baby mo, might be further tests ang gawin ni doctor para malaman kung anong sakit pa ng bata. In our case, my youngest son was born and diagnosed for BronchoPulmonary Dysplasia, lung condition yan na parang may pneumonia na nakakabit sa baga niya and threatening siya in a sense na bawal sipunin or ubuhin si Yvan kasi mahirap para sa condition niya.

Your child will be fine. God bless po mommy.  ;)


4
The In-Laws / Re: pag discipline ng relatives kay daughter
« on: April 11, 2018, 09:59:56 am »
Hi Pinky, ako sa totoo lang hesitant ako pagalitan ang mga pamangkin ko or paluin sila lalo pag hindi nakatingin mga kapatid ko pero hindi pala ganun. Yes hindi naman tamang manakit kahit mahina pa. Ang pananaw ko noon ayokong may naninigaw sa anak ko na kamag-anak kasi parang nasasaktan ang ego ko bilang magulang. Pero it does make sense na napagsasabihan sila para madisiplina ang mga bata whenever I am not with them.

In your case, normal naman yan bilang nanay kasi ayaw natin na may kumakanti ba sa ating mga anak, pero tama si mommy Jazz, confront mo lang sila ng maayos, kalmado lang. Surely they will understand naman how you feel. Be open with them para naman malaman din nila kung anong nararamdaman mo.  :D

5
Money / Re: No receipt, No exchange on SM Department Stores??
« on: April 11, 2018, 09:53:22 am »
Hi sis. In my experience need talaga ng receipt sa halos lahat ng establishments. Some of them will not grant your request to reprint the receipt. In your case, I believe hindi talaga mapapalitan yan ng   wala talagang receipt. This was March papala. Dapat naibalik mo siya before 7 days after mo siya nabili since defective naman yung item. I suggest na lang sis pag may bibilin ka na item/s capture it sa phone kasi these days yung mga resibo din madali mag fade for your reference narin if things like this happen again.

Hope this helps.

6
Kids With Special Needs / Re: Feedback on SPED schools
« on: September 16, 2014, 11:07:44 pm »
Is there any thread that I can check on recommended SPED schools in Cavite? Thanks

7
Kids With Special Needs / Re: Developmental Pediatrician
« on: June 04, 2014, 02:48:34 am »
Hi Mommies,

I hope you're all good. Struggling ako mag-hanap ng Developmental Pedia para sa Baby Yvan ko. Tried calling Dra Reyes and Pacifico, fully booked na til March 2015. Kung may magcancel lang daw eh pwede ako fast track. Hindi ko kasi knew na ganito katagal appointment sa kanila and Yvan still have Pneumonia, treatment and all. Baka meron sa inyo dyan may magcancel ng slot within Manila area or Cavite, please let me know. Searching parin ako online baka meron pa.

Many thanks!

8
@
We are done! for Cavite suppliers ko..
1) Symore - From my blog
For the caterer, I got Symorís Catering from Salitran Dasmarinas Cavite at 220 per head ( 3 main dishes, 1 vegetable, 1 dessert, rice, pasta and drinks). For kids, they served spaghetti with small meatballs, BBQ, mini-burger, chocolate fondue and 1 tetra pack of juice at 100 per kid. I was disappointed with their set-up though I expected it to be plain but the dark blue table linen that was used was not part of our agreement. It was supposed to be light pink and light blue lace. Iím not sure what happened. I was not able to confront them about it since I was too busy checking other things in the party.

They also didnít serve the drinks per table. Though I was not able to ask also about it to Zarina. The water also canít be serve since they have to use the same glass for ice tea. Thus, either a guest will approach them, ask for a glass of water and then go back to ask again for either water or another glass of ice tea. I think they must improve this for their future clients since I was informed that they already increase their rates at 275, the cheapest rates they offer. Adding one set of glass for water is really a must. It is my first time to encounter a caterer that has no separate glass for water and another glass for juice or softdrinks. This makes me decide not to get them again on my next event. The food though was delicious.

2) Cake from Thearts: Yummy and galing. ganda nun cake.
Though di nagaya yun original design pero maganda padin kinalabasan.
http://momsideofstory.files.wordpress.com/2013/08/1187166_10200899035530398_1491803904_n.jpg

https://www.facebook.com/photo.php?fbid=495775927174233&set=a.495774000507759.1073741852.211751065576722&type=3&theater

Yun mini cupcakes naman from Dyann. Masarap din yun red velvet niya.

for the rest ng suppliers ko pls visit my blog
http://momsideofstory.wordpress.com/2013/08/27/kids-birthday-the-party-details/?preview=true&preview_id=335&preview_nonce=aa9837c3a0&post_format=standard

Mistiqhannen; pahingi naman ng copy ng mga nasendan mo ng inquiry ng caterer? Please thanks

9
sa una magtataka kasi hindi mo alam bakit diba? yan din naiisip ko kasi ako yung tipo ng taong nakikipag keep in touch kahit dinededma nila worst cases kasi lam mong nababasa nila yet hindi ka nila talaga sasagutin. They just dont matter to me at all tapos huhusgahan ka na lang ng hindi naman alam ang pinagdadaanan mo. Might as well unfriend them. Ill start today :-) 

10
@Mommy Den,

looking for affordable yet fine service and nice buffet for kiddie party

11
Hi there mga Mums,

This is Den from Up Next Events & Party Needs.

Our Services: Personalized Event planning & management, Balloon Sculpting, Face Painting, Photo-Video, Caricature, Sound System, Band, Bubble Show, Sweet Buffet and a lot more.

Contact us at:
Email: upnext.events@yahoo.com
Contact nos. +63 2 861 2644

Our Team
Hazel: 0928 375 2262
Liezel: 0927 442 8034
Chelle: 0915 460 9411


Hi Den,

can you send me kiddie party package orbirthday package? may function room ba kayo to offer and how much? I am looking for a place near Molino or Laspinas to have my child's birthday on April 12. Thank you

12
Hi mommies,

tamang tama ito sa paghahanap ako.. I knew it I can always count on SP moms.

Sana makanahap na ako soon ng function room..

15
Kids With Special Needs / Re: All about speech delay and speech therapy
« on: January 10, 2014, 07:42:09 am »
Hi mom Yvette, kamusta na ang hearing ni Yvan ngayon? May second trial pa ba nung sa hearing test? Sana di naman maapektuhan ang hearing niya, ang hirap nun as a mom. :( My prayers for your little Yvan. --

Salamat sis Xiary. Oo may second trial daw ABR naman ang tawag. mag 2 years old na sya sa April, ganun lang din na nasasabi niya baba, mama, tata..sa case naman niya hindi nanamin minamadali kasi may health condition siya, in God's time sis :-)


Yung bunso ko, 1 year and 3 mos na ngayon, ang alam lang sabihin ay "papapapapapapa" and "hehey". Other than that, "hwa-hya" na repeatedly minsan. :( Hindi ko alam if may problem sya sa pagsasalita kasi yung panganay ko (2 yrs old) naman ang aga niya natuto magsalita (wala pang 1 yr old) although bulol until now pero madaldal sya at bibo.

dati naalala ko ganyan si Yuri hindi talaga nagsasalita, sobrang worried ako until nasabi ng Pedia namin, bigyan namin ng chance si Yuri to adjust, pag mga 4-5 years old yun kailangan na sya dalin sa Speech Development kung talagang hindi sya madedevelop to speak, eh ayun bago pumasok last year nagsalita na sya. hindi lang kasi nasanay mga anak ko na makipag socialize sa ibang bata bahay  lang kami lagi..  ;D

Pages: [1] 2 3 ... 9