Parent Chat

Advanced search  

News:

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - mommydheng

Pages: [1] 2
1
Kids With Special Needs / Re: Feedback on SPED schools
« on: October 10, 2008, 09:12:29 am »
HI mommy pinkyn.. ask ko lang sino doctors ng anak mo.. kasi yesterday nagpamedical check up kami for our visa application tapos sabi ng doctor na tumingin sa min may developmental delay daw anak ko.. so nirefer niya ako sa isang psychologist and developmental pediatrician..
actually sa totoo lang medyo nagulat rin ako at naguguluhan sa initial findings ng doctor. kasi part ng medical exam ng anak ko eh physical assessment lang at walang psychological test.. parang bara bara nga yung pag physical exam niya sa anak ko as in napakadali lang wala pang 5 mins.. tinignan lang yung bibig, tenga tapos pinaghubad pa siya. at habang nag P.E (physical exam) eh kinakausap niya yung anak ko.. eh yung mga ask niya hindi naman familiar sa anak ko like mag ask siya "what is your favorite food? "what is your favorite MC do or jollibee? tas ask pa siya "Where is your mommy?"eh hindi naman kami maturo nung anak ko kasi hindi naman mommy tawag niya sa kin kundi "mama".
tapos at that time parang wala pa sa mood yung anak ko at nagutom na sa kakahintay ng turn namin.

parang sama lang loob ko kasi nagsalita siya ng ganun without interviewing us or asking ano ang mga interest ng bata para makapag inter act yung anak ko sa kanya..
forgive me pero parang nagkaroon tuloy ako ng suspetsa na gusto niya lang madagdagan income niya since chest xray lang kasi kami ng husband ko sa clinic niya t Physical exam naman sa anak ko..
 
Pero since may referral siya at baka need din sa visa requirements namin eh mag iinquire na lang rin ako sa mga referrals niya.. kanina morning tawag ako sa isang child psychologist at ang bayad sa isang testing fee is 7k for 2 to 3 hours tas mga three weeks daw yun bago lumabas ang result.

Hay sensiya na ha.. medyo napahaba ata.dito ko lang buhos muna sama loob ko..hehe

2
Thanks mommy U2! siguro nga makuntento na ako sa two vits hehe.. ok naman kasi at hindi naman siya nagkakasakit at malakas rin naman siyang kumain..

exclusivelykids mommy, paano mo ginagawa yung katas ng ampalaya? curious lang ako. ???

3
about po sa pagtulog ni baby...sa tingin ko wala naman sa vitamins yun...iba-iba lang talaga ang mga bata...

ganun  ba? siguro nga nasa sleeping habits din talga.. although late na siyang matulog eh diretso naman ang tulog niya yun nga lang medyo late na rin gumising.. eniwies, thanks sa tip mommy! :)

para sa kin hiyang talga anak ko sa ceelin and cherifier.. ang lakas na naman niya kumain ngaun.. may bago akong ginawa before kasi pag soup ang meal niya nilalagay ko na ang rice sa may soup bowl ngaun ang ginawa ko  hiwalay talga ang kain at soup... mas marami siyang nakakain ngaun compare dati... siguro iba rin lasa pag nababad ang rice sa sabaw at napansin ko na lumalaki yung butil ng rice pag matagal sa soup...(wala lang may connection kaya yun?hehe)...

pwede ko pa ba siyang painumin ng taurin vit.? eh sa cherifier vit niya may taurin plus na... hindi kaya maoverdose anak ko? ???

4
Breastfeeding / Re: need help low milk supply :(
« on: June 24, 2008, 01:04:47 am »
Quote
yung re sa hubby  mdyo natawa ko but never ko naman na-try for the purposes of producing milk 
[/font] [/b]

Grabe mommy ale,kung talgang nandito rin mister ko nun sa sobrang gusto kong magkaroon ng gatas eh pasisip sip me talga para lang magkaroon.. nakakatawa nga eh pero till now palaisipan sa kin yun  kung totoo talga.. hehe.

5
Breastfeeding / Re: need help low milk supply :(
« on: June 23, 2008, 02:31:59 am »
Hay kainggit talga kayo mga mommies! Ako kasi, one month lang ako nakapag BF sa anak ko, inverted nipples ako. mabibilang mo lang sa kamay kung ilang bilis nakadede directly anak ko mostly breast pump ang gamit ko. pag BF ko siya directly sa dede eh iyak siya ng iyak kasi wala siyang makuhang gatas.. nag try din ako ng natalac capsules pero kunti lang talga lumabas sa kin.. nag gagatas din ako nun pero sad to say bigo ako... :(

Sabi nung OB ko nun mas maganda daw kung directly BF sa dede at hindi pump para daw hindi humina ang supply ng milk at nasstimulate ang hormones ng mother para maglabas pa ng milk katawan natin.

try mo sis yung seafood na halaan(seashells) pampalakas daw yan ng milk supply very good alternative kung sawa ka na sa malunggay soup.

Ask me lang, totoo ba na nakakatulong yung pagsipsip ng husband sa dede pag inverted ang nipples? kasi my tita told me and some of the nurse staff sa hospital na kung dito nga lang daw mister ko eh pasipsip daw yun para may lumabas, i dont know kung biro lang yun o totoo..


6
naku mommi of lorian, yung anak ko nga two and half pa lang, twice na lang siya inum ng milk ngaun, pagkagising at bago matulog.. before kasi nakakatatlo pa siya,pero sabi ng pedia ko ok lang daw yun kasi nga kumakain na siya ng solid foods. this past few days, napapansin ko na medyo humihina na siya kumain ng rice, siguro nagsasawa na rin siya sa kinakain niya mahilig kasi siya sa may sabaw.kung dati nakaka dalawang bowl siya, ngaun isa na lang tas minsan half na lang nauubos niya.. isip ko naman hindi kaya dahil sa may sipon siya ngaun kaya wala siya masyado panlasa? or dahil din sa panahon dahil mainit.. kasi sabi ng pedia niya pag mainit daw panahon mahina daw kumain ang bata at mas prefer pa nila uminum ng water or juices. áng ginagawa ko ngaun, pag kunti lang eat niya, binibigyan ko siya ng cereal para lang makabawi.

youngmom san nakakabili nung sippahh straw?

share ko lang, one time kasi while waiting sa clinic ng pedia ni gyan, ask ko yung isang nanay kung ano milk inum ng anak niya kasi ang lusog talaga. ask ko nga kung malakas kumain ng rice, sabi nung nanay hindi nga daw, malakas lang sa gatas, ang ginagawa niya, yung progress gold and lactum na chocolate flavor mixed niya.. like 4 scoops ang progress tapos 1 scoop ng lactum choco.
nag try ako before kay gyan nung mga one year and half siya kasi hindi rin siya palakain ng rice nun.. ok naman sa kanya, nagustuhan niya rin. mga one month lang ako nag try nun tapos balik na naman sa pure progress.

7
Your Kid's Health and Safety / Re: Toothpaste for Kids
« on: May 29, 2008, 02:34:38 am »
wow, thanks rjsmom, mukhang maganda yung Earth's best.. na try ko na yung earth's best na mga bottle fuds for babies instead of gerbers.. kinda pricey nga lang pero ok siya favorite ni gyan nung infant palang siya. :)

8
Beauty and Product Reviews / Re: Varicose veins!
« on: May 21, 2008, 06:35:31 pm »
yung 7500 to 20k meaning per session lang yun mommy mild? kung per session siya mukhang set aside ko muna siguro, mag eend kasi contract ng husband ko (working abroad) this august and need muna namin tipid sa gastos pag nakaalis na ulit siya at makahanap ng work again eh talgang bigyan ko ng pansin ito.. Di ba pag lumaki kasi yung mga varicose veins eh pag malamig ang panahon sumasakit din sa paa at binti? ???

9
Baby Development and Milestones / Re: soap for baby
« on: May 20, 2008, 11:59:48 pm »
same here mommy mitch, madali talga siyang matunaw kasi moisturizing soap talga siya lalo na mommy yung cetaphil bar soap> ang ginagawa ko nilalgay ko siya sa maillit na plastic box pra kahit matunaw siya hindi sayang tsaka pinuputol ko rin yung sabon into two para mas matagal ang gamit.

gamit ni gyan ko cetaphil liquid soap sa face and neck tapos sa body cetaphil substitute ko minsan dove for baby (scented and unscented) tapos ngaun try ko oilatum kaso pansin ko na same lang effect nila ng dove so ubusin ko lang yung oilatum balik ako ng dove (mas mura kasi) or cetaphil pag may budget  na.

10
Your Kid's Health and Safety / Re: Toothpaste for Kids
« on: May 20, 2008, 11:25:30 pm »
last saturday, nagpunta kami sa pedia ni gyan for his HePA vaccine, tapos ask ko na rin ano pwedeng toothpaste para sa kanya.. She recommend any toothpaste that has no artificial colors sabi niya basta white daw gamitin ko.. may sinabi siyang floucaril toothpaste? Anyone po na nakagamit na nito? ANo pa po ba ang ibang brand ng toothpaste na white lang ang color?  ???

11
Your Kid's Health and Safety / Re: Toothpaste for Kids
« on: May 17, 2008, 04:33:01 am »
mommy pinkyn, yung nakita ko sa watsons last week eh nakabox ang sansflou kahit nung una kong bili nun (july last year) nakabox siya at sa sm ko pa nga nabili yun, though hindi ko pa nacheck na magkaiba ng ingredients label yung nasa box at tube.

12
Your Kid's Health and Safety / Re: pinapaarawan pa ba si baby?
« on: May 17, 2008, 03:15:18 am »
pinapaarawan ko rin anak ko lalo na nung week old  til two months siya..natigil kasi tanghali na magising tapos along main road din kasi kami kaya  parang hindi rin siya advisable kasi nakakalanghap siya ng usok at alikabok.

mommy gabneth,gusto ko rin sana nun dumayo pa sa manila bay para dun paaraw baby ko nun kaso ayaw ng husband ko kasi kahit na bay daw yun eh polluted naman daw ang tubig.. sabi niya kasi yung ibang sewer line ng manila area dun tinatapon sa manila bay ang mga waste water (husband ko kasi engr. sa maynilad water before nagresign na siya now. ) kaya nga mahigpit na pinagbabawal na maligo mga tao dun at mag fishing kasi maraming makukuhang sakit lalo na sa balat at possible red tides.

Ideal talga sa kin yung paaraw ang baby sa tabi ng dagat kasi ok daw yun sa baga lalo na pag umaga.kaya pag nakakauwi kami ng province sa quezon eh di ko talga pinapalagpas yung pagkakataon na makapunta kami ng anak ko sa tabing dagat kahit pa commute lang.

13
Beauty and Product Reviews / Re: Varicose veins!
« on: May 15, 2008, 07:15:02 pm »
Many thanks mommies sa infos and suggestions. Nung preggy ako, nagstocking lang ako one month after that tinamad na ako kasi naiinitan ako.Malamang nga malaki effect talga nung pagbubuntis ko kasi lakad, akyat baba ng hagdanan nature ng job ko (exec.sec) pagdating sa bahay minsan kahit walang pahinga eh nagbabasa ako ng katawan tapos sobrang nag gain pa ako ng weight. kaya siguro after ko manganak eh naglabasan sila.

May mga creams din bang effective na pwede pahid sa varicose veins?mommy yetsky, How much kaya ang budget para sa laser treatment? per session ba yun?

Mommy mild, hindi pa naman malalaki yung sa kin malilit palang siya na minsan color green and purple? pag tinubuan ka na ba nun hindi na talga siya mawawala unless ipa laser treatment or pahid ng mga creams? ??? 


14
Your Kid's Health and Safety / Re: hair cut!
« on: May 15, 2008, 03:33:07 am »
yung anak ko first time hair cut niya after his 1st birthday since boy naman at hindi malago yung hair niya at manipis after ng birthday niya na lang namin pinagupitan.
Sabi nga nila pag once nagupitan may possibility daw na gumanda at kumapal yung buhok niya...i also notice nga nung nagupitan siya medyo kumapal yung buhok niya kaya lang sa panahon natin, prefer ko pa rin na semi kalbo siya  kasi pawisin yung anak ko.

Pinapagupitan ko lang siya sa barbershop na pinagpapagupitan ng pinsan niya, suki na kasi sila dun at trusted na marunong yung naggugupit. so far behave naman son ko. 50 pesos lang ang gupit niya dun pero one time nagtry din ako sa rocky barbershop (davao) ewan ko kung meron dito sa manila branch. ok din sila, friendly ang mga staff. nasa 150 ang haircut mas mahal pa kasi sa haircut ko sa hehe

15
Beauty and Product Reviews / Beauty problems, solutions and tips
« on: May 15, 2008, 03:12:14 am »
Im sure some mommies had this kind of dilemma. ako kasi since nanganak ako, napansin ko na dumami yung varicose veins ko, halata siya masyado kasi fair complexion ako though malilit pa lang naman siya kaso sabi nila lumalaki daw yun. MAy mga tips ba kayo diyan mga mommies on how to prevent, minimize and treat varicose veins?

Nung single pa kasi ako and still working, pag galing sa work, ginagawa ko nun pag pagod yung paa ko, tinataas ko yung dalawang paa ko at lapat sa dingding. Minsan naman kahit pagod yung binti at paa ko nagshoshower ako para masarap ang tulog.. Effect ba ito ng lifestyle ko before at ngaun lang naglalabasan? May relation din ba yung panganganak sa varicose veins?

Pages: [1] 2