Parent Chat

Advanced search  

News:


Don't forget to check your email verification from info@smartparenting.com.ph

Show Posts

This section allows you to view all posts made by this member. Note that you can only see posts made in areas you currently have access to.

Messages - Mlabable

Pages: [1] 2 3 ... 23
1
Hobbies and Special Interests / Re: All about Baby/Child Modelling
« on: January 23, 2015, 05:32:22 am »
Last week, habang naglalakad kami sa Megamall may lumapit sa amin from talent agency. Binigyan niya ako ng calling card and kinuha niya rin yung number ko para itext niya ko for an invitation para sa VTR ng son ko.

Then last Sunday, pinuntahan namin yung place. Pinafill-up niya kami ng registration form  and attached yung picture ng anak ko. Then inantay namin tawagin siya sa VTR room. Bawal parents sa VTR room puro kids lang.

After ng VTR sabi text na lang daw kami if nakapasa or hindi. Pinakwento ko sa anak ko ginawa nila sa VTR room. Nagpicture daw sila and pinakanta siya. And may toy daw na hamburger, pina-act siguro sa kanila kung pano kainin.

Then tinext na ako nung agency, kunin daw nila talent yung anak ko. Gwapo daw kasi, telegenic and maganda yung teeth. Yun nga lang medyo out of focus pa daw. So sabi sa akin kung gusto daw namin enroll for workshop para sa personality development. Included sa workshop yung acting, dancing and modeling for 8 sessions (2 hours every weekends) for 4500.

My question is worth it ba i-workshop yung anak ko? Ayaw ko na rin sana, kasi need namin maglaan ng time samahan siya pag nagworkshop siya e pareho kami may work and nagschool na rin anak ko. Sabi ng husband ko try na rin daw namin para personality development na rin daw and di rin naman kami ka-eager na mag commercials siya. Parang happy lang kami na maexperience niya sana.

Any idea sisses? Makatulong ba talaga yung workshop for possible commercials or waste of time lang? Thanks :)
 
 

2
Sis, may alam kayong phone number na nagdedeliver ng Wilkins per gallon? TIA

3
Add ko sa list ko,
 
Mango Bene from Cafe Mary Grace -  Heavenly! Hehe. Natalo niya ang previous top 1 ko yung Mango Bravo sa Contis.
 
Cadbury Old Gold Oreo Cheesecake from Banapple - Just tried it recently, sakto lang yung tamis niya nag-aagaw yung lasa ng chocolate and cheesecake.
 

4
School Hunting / Re: Pre-schools in Taguig
« on: April 17, 2013, 05:21:13 am »
^Actually walking distance lang sa amin yung Angels of the Lord School.
 
Share ko lang din yung ibang daan if sa Hagonoy area ka from Baybreeze Subd yung next na kanto is yung Deva Village. Pwedeng mag-tricycle from Deva Village to Morning Sun derecho lang yun. Lagpasan mo lang yung guardhouse yun na yung schoool.
 
Baka dito ko din enroll son ko next year pag mag-aral na siya at least tipid sa pamasahe at walking distance lang sa bahay.

5
Your Kid's Health and Safety / Re: all about bronchial asthma
« on: January 11, 2013, 03:00:59 am »
Recently, my son was diagnosed as asthmatic. Lagi kasi siyang may ubo last December. 1st check-up namin pumunta kami sa Medical City since di ko pa naman alam na Asthma na pala yun akala ko simpleng ubo lang. Then sabi nga ng pedia yung cause daw ng cough niya is allery or asthma. Then binigyan siya ng medications Ventolin Expectorant and Montelukast since wala pa kami nebulizer di ako nakabli ng mga gamot para dun. Nawala naman yung ubo after nung medications.
 
After New Year bumalik na naman yung ubo niya. Dinala ko na naman siya sa pedia na malapit lang sa amin. Asthma din daw. Binigyan siya ng gamot Ventolin, Romamed (steroid) and pinag antibiotic din siya. Medyo pagaling na siya kasi before ko siya dinala dun grabe walang tigil ang ubo niya.
 
This coming Saturday, dalhin ko siya sa Pedia/Allergology-Immunology sa Medical City. Nagcheck ako ng doctor na specialist talaga dun. My MIL until now may Asthma pa rin malamang namana niya dun.
 
May questions lang ako mga sis sa mga bawal.
Bawal ba cold water painumin?
Taking a bath at night? Since birth kasi ng anak ko naliligo siya sa gabi before going to sleep
 
Any recommendations mga para maiwasan yung Asthma. Since bago ko palang nalaman din na may Asthma yung son di ko pa talaga alam kung san siya may allergies pero marami na pinagbawal kanya. He's 2 years and 4 months old na.
 
TIA!

6
^No sis, Measles is very dangerous to pregnant women as per my OB. It can cause miscarriage and stillbirth. Lalo na yung German Measles, it can cause multiple birth defects.
 
Nag-search din ako sa internet during the time na yung officemate ko is suspected for German Measles dahil sa sobrang takot ko lalo na at 1st trimester pa lang ako.  :)
 
 

7
^Ang alam ko sis mga 1 week ang tigdas e. Sure ba yung hipag mo sis na tigdas yung sakit niya?

8
Sis, sobrang delikado ng tigdas kapag preggy ka especially kung sa 1st trimester ka nagkaroon ng tigdas. I read online na may effect kay baby.
 
Nung preggy ako akala ko magkakatigdas ako. Yung ka-officemate ko pa naman texted me the may german measles daw and she is very sorry daw kasi lumapit pa siya sa akin that time. Sobrang kaba ko nun kasi alam ko may masamang effect sa bata. Good thing di pala tigdas yung sakit kundi dengue.
 
I also read here before sa forum din I'm not sure kung deleted na yung post na yun kasi matagal na may isang SP Mom nagkatigdas siya during pregnant siya yung anak niya is may problem sa pandinig and sa mata ata.
 
Try to consult yung OB niya sis para malaman kung ano pwede gawin. Kasi nung time na akala ko may measles yung ka-officemate pumunta agad ako sa OB. At may lab test siyang ginawa sa akin para malaman yung immunity ko ata sa measles whick costs 3k.
 
Pero now na nagkaroon ng measles yung hipag mo better yet ask nalang siya sa OB niya or try to research online regarding dun sa case niya..
 
 
 

9
The Balancing Act: Career and Family / Re: Working while pregnant...
« on: November 08, 2012, 06:20:31 am »
Office work and using computer for 8 hours at night shift pa. I filed my ML two days before ako manganak sumakto lang kasi Friday last day ko then Monday nanganak na ko.
 
Nahihirapan lang ako mag-commute sa sobrang laki ng tummy ko kaya kahit magastos nagtataxi ako everyday. Kesa naman i-risk ko pa mag-commute ng 3 sakay papuntang office.
 
Medyo nahirapan lang ako maglabor during that time, 24 hours ako naglabor kasi di nagprogress hanggang 4cm lang so I have to be induced pero after nun tatlong ire lang labas na agad ang anak ko.

10
Members' Kumustahan board / Re: Twitter account?
« on: November 08, 2012, 05:59:24 am »
misisRante  :)

11
Members' Kumustahan board / Re: instagram
« on: November 08, 2012, 05:58:46 am »
rantemercy  :)

12
Grocery Shopping
Maniped
Food Trip

13
Family Fun / Re: Enchanted Kingdom vs Star City
« on: November 08, 2012, 05:42:35 am »
For the kids, I prefer EK since marami talaga silang rides/attractions para sa mga bata. And pag natiempohan mo meron din silang mascot na nagpeperform.

Mas enjoy ko naman sa Star City yung mga rides for the adults parang mas maraming choices compared to EK.

14
I'm currently watching Two Wives sa ABSCBN. Panalo ang mga lines, tagos sa puso.

15
5ml na rin dosage ng anak ko since mag 2 years old na siya this month. He is taking Ceelin and Growee. Hiyang siya di siya sakitin at tabachoy na siksik. At 2 years, sabi ng pedia niya pang 3.5 years old na yung height and weight niya.
 
I don't have problems sa pagpapainom ng vitamins sa anak ko. What I do is nilalagay ko sa syringe then derecho niya inom basta may nakahandang water lang. Pag spoon kasi minsan natatapon at least pag syringe derecho at no mess talaga.

Pages: [1] 2 3 ... 23